6. GENESIS 3:1
1 Ang ahas ang pinakatuso sa lahat ng
hayop na nilikha ng PANGINOONG
Yahweh. Isang araw tinanong nito ang
babae, "Totoo bang sinabi ng Diyos na
huwag kayong kakain ng anumang
bungangkahoy sa halamanan?“-RTPV
7. REVELATION 12:9
9 Itinapon ang dambuhalang dragon,
ang matandang ahas na tinatawag na
Diyablo at Satanas, na nandaraya sa
buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa
kasama ang lahat ng kanyang mga
kampon. - RTPV
9. EZEKIEL 28:14-15
14 Ikaw ang pinahirang kerubin na
tumatakip: at itinatag kita, na anopa't
ikaw ay nasa ibabaw ng banal na
bundok ng Dios; ikaw ay nagpanhik
manaog sa gitna ng mga batong
mahalaga.
10. EZEKIEL 28:14-15
15 Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad
mula sa araw na ikaw ay lalangin,
hanggang sa ang kalikuan ay
nasumpungan sa iyo. - TAB
12. ISAIAH 14:12-15
12 Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh
tala sa umaga, anak ng umaga!
paanong ikaw ay lumagpak sa lupa,
ikaw na siyang nagpahina sa mga
bansa!
13. ISAIAH 14:12-15
13 At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y
sasampa sa langit, aking itataas ang
aking luklukan sa itaas ng mga bituin
ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng
kapisanan, sa mga kaduluduluhang
bahagi ng hilagaan:
14. ISAIAH 14:12-15
14 Ako'y sasampa sa itaas ng mga
kaitaasan ng mga alapaap; ako'y
magiging gaya ng Kataastaasan.
15 Gayon ma'y mabababa ka sa Sheol,
sa mga kaduluduluhang bahagi ng
hukay. - TAB
16. GENESIS 3:1-3
1 Ang ahas nga ay lalong tuso kay sa
alin man sa mga hayop sa parang na
nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi
niya sa babae, Tunay bang sinabi ng
Dios, Huwag kayong kakain sa alin
mang punong kahoy sa halamanan?
17. GENESIS 3:1-3
2 At sinabi ng babae sa ahas, Sa bunga
ng mga punong kahoy sa halamanan
ay makakakain kami:
3 Datapuwa't sa bunga ng punong
kahoy na nasa gitna ng halamanan ay
sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain
niyaon, ni huwag ninyong hihipuin,
baka kayo'y mamatay.
19. GENESIS 3:4-5
4 At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na
hindi kayo mamamatay:
5 Sapagka't talastas ng Dios na sa
araw na kayo'y kumain niyaon ay
madidilat nga ang inyong mga mata, at
kayo'y magiging parang Dios, na
nakakakilala ng mabuti at masama.
21. GENESIS 3:6-7
6 At nang makita ng babae, na ang
bunga ng punong kahoy ay mabuting
kanin, at nakalulugod sa mga mata, at
kahoy na mananasa upang
magpapantas sa tao, ay pumitas siya
ng bunga niyaon at kinain; at binigyan
din niya ang kaniyang asawang
kasama niya, at ito'y kumain.
22. GENESIS 3:6-7
7 At nadilat kapuwa ang kanilang mga
mata, at kanilang nakilalang sila'y mga
hubad; at sila'y tumahi ng mga dahon
ng puno ng igos, at kanilang ginawang
panapi.
24. GENESIS 3:8-9
8 At narinig nila ang tinig ng
Panginoong Dios na lumalakad sa
halamanan sa kulimlim ng araw: at
nagtago ang lalake at ang kaniyang
asawa sa harapan ng Panginoong Dios
sa pagitan ng mga punong kahoy sa
halamanan.
25. GENESIS 3:8-9
9 At tinawag ng Panginoong Dios ang
lalake at sa kaniya'y sinabi, Saan ka
naroon?
27. GENESIS 3:8-9
10 At sinabi niya, Narinig ko ang iyong
tinig sa halamanan, at ako'y natakot,
sapagka't ako'y hubad; at ako'y
nagtago.
11 At sinabi niya, Sinong nagsabi sa
iyong ikaw ay hubad? nakakain ka ba
ng bunga ng punong kahoy, na iniutos
ko sa iyong huwag mong kanin?
28. SISIHAN GENESIS 3:12
12 At sinabi ng
lalake, Ang babaing
ibinigay mong aking
kasamahin, ay
siyang nagbigay sa
akin ng bunga ng
punong kahoy at
aking kinain.
29. SISIHAN GENESIS 3:13
13 At sinabi ng
Panginoong Dios sa
babae, Ano itong
iyong ginawa? At
sinabi ng babae,
Dinaya ako ng ahas,
at ako'y kumain.
31. GENESIS 3:14-15
14 At sinabi ng Panginoong Dios sa
ahas, Sapagka't ginawa mo ito, ay
sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop,
at ng higit sa bawa't ganid sa parang;
ang iyong tiyan ang ilalakad mo, at
alabok ang iyong kakanin sa lahat ng
mga araw ng iyong buhay:
32. GENESIS 3:14-15
15 At papagaalitin ko ikaw at ang
babae, at ang iyong binhi at ang
kaniyang binhi: ito ang dudurog ng
iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng
kaniyang sakong. - TAB
34. GENESIS 3:6
6 Sa babae nama'y ito ang sinabi: "Sa
pagbubuntis mo'y hirap ang daranasin,
at sa panganganak sakit ay titiisin; ang
asawang lalaki'y iyong nanasain,
pasasakop ka sa kanya't siya mong
susundin."
36. GENESIS 4:7
7 Kung mabuti ang ginawa mo, dapat
kang magsaya. Kung masama naman,
ang kasalana'y tulad ng mabangis na
hayop na laging nag-aabang upang
lapain ka. Nais nitong pagharian ka.
Kaya't kailangang mapaglabanan mo
ito.“ - RTPV
38. GENESIS 3:17
17 Ito naman ang sinabi ng Diyos kay
Adan: "Dahil nakinig ka sa iyong asawa,
nang iyong kainin ang ipinagbawal
kong bunga; dahil dito'y sinusumpa ko
ang lupa, sa hirap ng pagbubungkal,
pagkain mo'y magmumula.
39. GENESIS 3:18-20
18 Mga damo at tinik ang iyong aanihin,
halaman sa gubat ang iyong kakainin;
19 sa pagod at pawis pagkain mo'y
manggagaling maghihirap ka
hanggang sa malibing. Dahil sa alabok,
doon ka nanggaling, sa lupang alabok
ay babalik ka rin."
40. GENESIS 3:18-20
20 Eva ang itinawag ni Adan sa
kanyang asawa, sapagkat siya ang ina
ng sangkatauhan. -RTPV
43. GENESIS 3:21-22
22 Pagkatapos, sinabi ng
PANGINOONG Yahweh, "Katulad na
natin ngayon ang tao, sapagkat alam
na niya ang mabuti at masama. Baka
pumitas siya at kumain ng
bungangkahoy na nagbibigay-buhay at
hindi na siya mamatay.“ – RTPV
(Revised tagalog Popular Version)
45. GENESIS 3:23-24
23 Kaya, pinalayas niya sa halamanan
ng Eden ang tao upang magbungkal ng
lupang kanyang pinagmulan.
46. GENESIS 3:23-24
24 Pinalayas nga siya ng Diyos. At sa
dakong silangan ng halamanan ng
Eden ay naglagay ang Diyos ng bantay
na kerubin. Naglagay rin siya ng
espadang nagniningas na umiikot sa
lahat ng panig upang hindi malapitan
ninuman ang punongkahoy ng buhay. -
RTPV
61. Ano mga Maling tugon sa
kasalanan
1) Pinawawalang halaga ang
kasalanan
2) Hindi sakop ng Batas
3)Sisihan
4)Lituhin at ibahin ang dahilan
62. Ano mga Maling tugon sa
kasalanan
5) Hindi sabihin ang buong
kasalanan
6)Maka-mundong kalungkutan
7) Maraming dahilan
8) Biktima lamang
63. Ano mga Maling tugon sa
kasalanan
9) Umamin pero hindi nagsisisi
10) Hindi pag-amin sa kasalanan
64. Paano tumugon ang Diyos sa
Kasalanan ni Adan at Eva?
- HINATULAN NG DIYOS ANG
KASALANAN
- MABIYAYA ANG DIYOS
- TINURUAN SILA
65. Paano tumugon ang Diyos sa
Kasalanan ni Adan at Eva?
- TINAKPAN NG DIYOS ANG TAO,
- PINATILI ANG KANILANG
DIGNIDAD,
66. Paano tumugon ang Diyos sa
Kasalanan ni Adan at Eva?
- PINALAYO MUNA UPANG HINDI
SILA MATULUYAN MAMUHAY
HABANG BUHAY SA KASALANAN
AT MAMATAY.
- NANGAKO ANG DIYOS NA
ILILIGTAS SILA
67. FAITHWORKS CHRISTIAN CHURCH GLOBAL
Presented By:
Ps. Alan Esporas
FCC Main San Mateo, Rizal, PH
7AM Morning Worship Service
May 7, 2017