2. Ang Humanismo ay tradisyong
pampanitikan na nagmula sa Europa sa
panahon ng Renaissance o Muling
Pagsilang. Sa panahong ito, nagtuon ang
mga pilosopo at intelektuwal sa
pagpapahalaga sa tao.
3. Sa kasalukuyang panahon, binibigyan
kahulugan ng International Humanist and
Ethical Union ang Humanismo bilang isang
dekmokratiko o etikal na katayuan , na
nagpapatibay sa pananaw na ang taong ay
may karapatan at responsibilidad na bigyang –
kahulugan ang kanyang sariling buhay.
4. Sa panunuring pampanitikan, ang
tradisyong Humanismo ay kumikilala sa
kakayahan ng tao para mag-isip at magpasya
sa kanyang sariling tadhana.
5. Ayon kay Cicero sa kanyang On the
Orator, ang tunay na tao ay iyong humani,
ang tao na naging sibilisado sa
pamamagitan ng angkop na pag-aaral ng
kultura. Humanitas o humanism ang
tawag sa kulturang lumilinang ng nasabing
tao.
6. Ngunit naiiba naman anag pananaw ni
Cicero sa Humanismo na sumulpot sa
panahon Renacimiento sapagkat ang
Humanismo sa panahon ng Renacimiento ay
isang sistema ng pananaw o paniniwala na
laban sa teolohiya, pilosopiya, sining at mga
akda noong Kalagitnaang Panahon.
7. Si Francisco Petrarch(1304-1376) ang isa
sa mga kinikilalang Humanista, pinaniniwalaan
niya na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay,
ang pinakaubod nito ay nagtatanghal ng
kalayaan ng saloobin ng tao, ang
pangingibabaw nito sa kalikasan at ang
natatangi nitong relasyon sa Lumikha.
8. Sa pananaw humanismo, walang higit na
kawili-wiling paksa kaysa sa tao. Kung
pumasok man ang kalikasan sa likhang-sining
ay upang higit na maipakita ang mga na
katangian ng tao.
Mataas ang halaga ng indibiduwalismo.
Binibigyang-halaga ang kalayaan ng isipan ng
tao at taglay na katangian ng indibiduwal.
9. 1. Pangunahing paksa ng panitikan at sining ay
ang tao, ang kanyang mga saloobin at
damdamin.
2. Pinahahalagahan ang kalayaan ng isipan, ang
mga natatanging talino, kakayahan at
kalikasan ng tao.
10. 4. Itinaguyod ang relihiyong nagtuturo ng
moralidad na nagtatakda kung ano ang
maling asal at pagpapahalaga.
5. Binibigyang-pansin ng mga manunulat ang
mga problemang nadarama o nararanasan sa
kasalukuyan kaysa mga darating ng panahon.
11. Ang humanismong pansining at pampanitikan
ay nagsimula noong ika-14 dantaon(A.D.) na
panahon ng Renacimiento.
Ito ay panahon nina Petrarca(1304-1374),
Erasmus (1466-1536), Boccaccio(1313-
1375),Leonardo da Vinci, Shakespeare(1564-
1616), Newton(1642-1727, Kepler(1571-1630)
Galileo(1564-1642)