Ang araling ito ay naglalaman ng mga paksa patungkol sa paraan at pagbasa ng tunog sa isang salita na gingamit sa pakikipag-usap. Itinatapok din sa presentasyong ito ang kahulugan, kahalagahan at mga halimbawa na nagbibigay linaw sa paksa.
2. “Lumipas ang araw na lubhang matamis at
Walang natira kundi ang pag-ibig,
Tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib,
Hanggang sa libingan bangkay ko’y
maidlip.”
PAGHAHANDOG KAY SELYA,
ni Francisco Baltazar
3.
4. “Ang Ponemika ay tawag sa
pag-aaral at pag-uuri sa iba’t
ibang makabuluhang tunog na
ginagamit sa pagsasalita.”
KAHULUGAN
6. Notasyong Ponetik:
Bahagi sa pag-aaral ng wika ang mga tunog. Ang mga salita sa
Filipino, tulad din ng ibang wika ay maaaring hatin ayon sa tunog. Mas
higit na mauunawaan ang mga ponetikong tunog kung gagamitan ng
notasyon. Ang notasyon ang paraan ng paggamit ng simbolo upang
kumatawan sa salita at parirala. Ang notasyon [ ] o bracket ang
gagamitin sa transkripsyong ponetik. Ipinapakita sa transkripsyong
ponetiko ang kaayusan ng mga tunog na isinaayos sa loob ng notasyon
na kakaiba sa orihinal na pagkakasulat. Ang tunog na ipinapasok sa
notasyong braket ay mga “hilaw” pa o mga di makabuluhang tunog.
Halimbawa: [ a, s, o ].
7. Ponetik ang tawag sa maagham na
pag-aaral ng tunog ng pagsasalita. Mula ito
sa salitang ponetiko sa wikang griyego
phonetikos na nangangahulugan na
bibigkas pa lamang. Hiniram natin sa Ingles
ang salitang phone (tunog) + tic at
alinsunod sa tuntunin ng pagbigkas: tulad sa
ponetikong baybay. At sa pag-aasimila sa
wikang Filipino, tinatawag natin itong
ponetik at tinutumbasan ng salitang
palatinigan.
May dalawang tunog ang alinmang
wika: tunog ponetik at tunog ponema. Saklaw
sa pag-aaral ng ponetiko ang galaw at
pamamaraan ng bahagi ng bibig ng tao kung
paano isinasagwa ang pagpapalabas ng tunog
sa pagsasalita. Pinag-aaralan din sa ponetik
ang wastong pagbigkas at kung paano
nalilikha ang tunog.
8. Notasyong ponemik ang simbolo sa
pagsulat na kakikitaan ng paraan ng
pagbigkas. Muling inuulit rito na walang
salitang nagsisimula o nagtatapos sa a, e, I,
o, u, kaya kung hindi sa katinig nagsisimula
ang salita nagsisimula ito sa impit na tunog o
glottal na pasara na sumisimbolo sa / ʔ / at
kung hindi naman nagtatapos sa katinig
nagtatapos ito sa / ʔ / o glottal na pasutsot
na ang simbolo ay / ah / batay sa paraan ng
pagbigkas. Nangangahulugan ng paghahaba
ng patinig ang simbolong tuldok / . /.
Pangulong o dalawang guhit na pahilis ang
tawag sa simbolong / /.
Halimbawa:
buhay /bu.hay/ “life”
buhay /buhay/ “alive”
aso / ʔa.soh / “dog”
aso / ʔasoh / “smoke”
gabi /ga.bih / “yam”
gabi /gabih / “night”
Sa loob ng salitang magkasunod ang patinig ay
nagkakaroon ng / ʔ / sa pagitan ng mga ito.
Halimbawa:
kaibigan / kaʔibig.gan / “ friend”
kaibigan / kaʔi.bigan / “sweetheart”
Notasyong Ponemik:
10. KAHULUGAN:
- hango sa salitang
allophone: allo ( katulad ) +
phone ( tunog ).
- Ang pangkat ng mga
tunog na itinuturing na
halos magkatulad sa
isang wika.
11. 1. Hindi nagkokontrast o di
nagsasalungatan sa magkatulad na
kaligiran.
2. Magkatulad sa bigkas – sa punto at
paraan ng artikulasyon.
3. Nasa distribusyong komplimentaryo.
Ang Alopono ay may mga
katangian tulad ng sumusunod:
13. Kahulugan
Tinatawag na PONEMA ang pinakamaliit na
makabuluhang tunog ng isang wika. Mahalaga ang pag-aaral
ng tunog sa lahat ng wika kaya ang ponema ang
pinagsisimulan ng pag-aaral ng wika. Nakikilala ang
kahulugan ng ponema kung maipakikitang magkaiba ang mga
ito sa magkakatulad na kapaligiran tulad ng “misa” pag-
aalay ng seremonya sa Diyos o “mesa” hapag-kainan o
sulatan. Makikita dito ang magkaibang tunog ng /e/ at /i/
dahil dito masasabing magkaiba ang dalawang tunog na /e/
at /i/. Bukod pa dito, magkaiba rin ang kahulugan ng mga
salitang “mesa” at “misa”.
Sa salita naming “babae” at “babai”,
ang /e/ at /i/ ay hindi magkaibang tunog kundi mga
tunog ng iisang ponemang may simbolong /I/ dahil
iisa lamang ang kahulugan ng mga salitang iyon,
isang nilalang na hindi lalaki.
14. MGA SANGGUNIAN:
AKLAT
Almario, Virgilio S. 2014.
Ortograpiyang Pambansa.Manila
City: Komisyon sa Wikang
Filipino.
Santiago, Alfonso O. at Tiangco,
Norma G. 2003.Makabagong
Balarilang Filipino,Binagong
Edisyon.Manila: Rex Book Store,
Inc.
AKLAT
Santiago, Alfonso O. 1979.
Panimulang Linggwistika.
Quezon City: Rex Book Store.
Igot, Irma V. 2005. Batayang
Linggwistika. Cebu
City:University of San Carlos
Garcia, Lydia G.2000.
Makabagong Gramar ng
Filipino.Manila:Rex Book Store,
Inc.