SlideShare a Scribd company logo
1 of 9
Download to read offline
Emmanuel John G. Tabilin IV-SSC
Reaction Paper: Pambansang Badyet ng Pilipinas
Ang isang simpleng tahanan ay nangangailangan ng pagplaplano sa mga
gastusin nito lalong lalo na kung sapat lamang sa pang-araw-araw ang kinikita ng isang
sambahayan. Ang pagbabadyet ay isang matalinong hakbangin upang episyenteng
magamit ang salaping napapasakamay ng isang pamilya. At tulad din ng ating
pambansang pamahalaan, kinakailangan ang isang komprehensibo at malawak na
pinag-aralang badyet ng isang buong nasyon na tutukoy sa landas na tatahakin nito
para sa isang buong taon. Kinakailangan itong pagplanuhan, paghandaan at pag-aralan
ng maiigi sapagkat dito pangunahing nakasalalay ang magiging daloy ng ekonomiya ng
isang bansa.
Kamakailan lamang ay inilabas na ang opisyal na badyet ng ating pamahalaan
para sa taong 2014. Ngunit bago ito ay sari-saring anomalya, iskandalo at trahedya ang
kinaharap ng ating bansa sa lubusang nakaapekto sa taunang badyet ng Pilipinas. Sa
kabila nito, maituturing pa ring matagumpay ang pamahalaan kung sa pagpapalago ng
ekonomiya ang paguusapan na mahihinuha natin sa mga istatistikang naglalahad ng
GDP, GNP, per capita income at iba pang datos na nagpapakita ng pagsulong ng
Pilipinas.
Para sa ngayong taong 2014, tumaas ang kabuuang badyet ng Pilipinas kung
ikukumpara sa nakaraang taon ng halos 13% – 2.006 T noong 2013 at 2.265 T
ngayong 2014. Ipinapakita nitong mas malaking pera ang inaasahang papasok sa
Pilipinas ngayong taon kaya’t tumaas din ang plinanong kabuuang gastusin ng
pamahalaan. Maituturing itong isang senyales ng paglago ngunit hindi lamang dito
nakasalalay ang ekonomiya ng bansa. Malaki ang gampaning nakaatang sa maraming
sektor ng pamahalaan na inaasahang gagamitin ng maayos at tapat ang trilyon-trilyung
kontribusyon ng mga mamamayan.
Kung tutuusin, ang sandamakmak na mga salaping ito ay nagmumula sa bulsa
ng bawat mamamayan ng ating bansa. Nagbabayad ng wasto ang isang Pilipino –
mahirap man o mayaman – sapagkat inaasahan niyang pakikinabangan niya rin ito sa
pamamagitan ng mga imprastruktura at serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan.
Ang perang ito ay inaasahang babalik sa mga mamamayan tungo sa iba’t ibang sektor
ng pamahalaan.
Tulad ng inaasahan, pinakamalaking parte ng badyet ang inilaan para sa
Edukasyon (383.08 B – 17% ng kabuuang badyet). Marahil ito ang pinakaprayoridad ng
pamahalaan sa ngayon, ang makahubog ng mga potesyal na kabataan na inaasahang
magtataguyod ng ating nasyon tungo sa kaunlaran at kaayusan. Masasabi kong
nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang sektor ng mga kabataan
lalong lalo na ang kanilang edukasyon sapagkat dito magmumula ang mga susunod na
propesyonal, maggagawa, negosyante at pulitiko na kinakailangan may sapat na
kakayahan at talino upang makipagsabayan sa mga banyagang katunggali. Sang-ayon
ito kay Dr. Jose Rizal na binanggit ang mga kabataan bilang ‘pag-asa ng bayan’.
Iuukol naman ang 4% ng pangkalahatang badyet ng bansa para sa Kalusugan
(90.51 B) sa kasalukuyang taon. Mas mataas ito ng halos 56% mula 57.74 B ng
nakaraang taon. Maaaring ang pagtaas na ito ang tugon ng pamahalaan sa
napapabalitang pagdami ng nagkakaroon ng measles (tigdas) lalong lalo na sa
kalakhang Maynila. Sa ngayon, kinakailangan ang agarang paglunas sa mga
pasyenteng may tigdas upang maiwasan na ang pagkalat gayundin ang pagbabakuna
sa kanila. Sa aking palagay, malaking parte ang igugugol ng Kagawaran ng Kalusugan
sa pananaliksik at paghahanap ng lunas sa mga karaniwang sakit na nakukuha sa ating
bansa tulad ng Dengue. Hindi rin mawawalan ng bahagi ang modernisasyon ng mga
ospital ng bansa.
Sa kabilang banda, humigi’t kumulang 10% (218.01 B) ng pambansang badyet
ang nakalaan para sa sektor na mangangalaga ng kapakanang panlipunan at
maghahatid ng trabaho. Mas mataas naman ng dalawang porsiyento o 12% (260.53 B)
ang parte para sa pagpapatayo ng mga kalsada, transportasyon at komunikasyon. Sa
sektor na ito inaasahang mas mapapadali ang kalakalan ng mga produkto sa iba’t ibang
panig ng bansa. Ang maayos na daanan ay mas magpapadali sa transportasyon ng
mga kalakal na magpapababa ng presyo ng bilihin.
Samantala, 11% naman ng pie ng badyet ang para sa pagpapasweldo at tulong
pananalapi sa mga kawani ng gobyerno o LGUs. Nararapat lamang ito sapagkat malaki
ang gampanin ng mga manggagawa sa pamahalaan dahil kung wala ang mga
kawaning ito, mapaparalisa ang gawain sa pamahalaan na magpapahina ng takbo ng
ekonomiya. Malaking bahagi ng pera ng bayan ang mawawala kung sakaling
maparalisa ang gawain sa isang pamahalaan. Maliban sa mga LGUs, kabilang din sa
kawani ng gobyerno ang mga guro sa pampublikong paaralan at unibersidad.
Para naman sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan, 133.4 B ang inilaan ng
pamahalaan. Pangunahing tututukan nito ang pagpapababa ng kriminalidad at
pangangalaga ng bansa laban sa mga banta ng terorismo. Napakahalaga ng sektor na
ito sapagkat anumang oras ay dapat laging handa ang hukbo ng Pilipinas upang
ipagtanggol ang ating bansa. At upang magampanan ito ng maayos, kinakailangang
may sapat na armas at karanasan sa pakikipaglaban ang ating puwersa. Sakop sa
sektor na ito ang pulisya na ang pangunahing takbuhan sa mga panahong laganap ang
kriminalidad sa isang komunidad. Sa pagpapaunlad at modernisasyon ng mga pulisya,
inaasahang mas papalarin ang ating ekonomiya sapagkat makatutulong ito sa pag-
engganyo ng mga dayuhang mamumuhunan. Mababawasan ang kriminalidad sa bansa
sa hihimok sa mga dayuhan na piliin ang Pilipinas upang mamuhunan.
Ang sektor naman para sa enerhiya ng kapuluan ang tumanggap ng pinakamaliit
na bahagi ng pie na hindi man lamang umabot ng 1% (0.6% o 14.27 B). Tila taliwas ito
sa nagaganap ngayon sa naturang sektor kung saan inaasahang tataas ng humigi’t
kumulang apat na piso ang bawat kWh ng kuryente ayon sa MERALCO. Gayundin, ang
sektor na ito ay maituturing kong nangangailangan ng agarang konsiderasyon lalo pa’t
malaking bahagi ng Visayas at Mindanao ang nakararanas ng kawalan ng kuryente.
Nararapat lamang itong aksyunan agad sapagkat magpapabagal ito sa pagusad ng
ating pambansang ekonomiya. Sa kabilang banda, maaaring may iba pang salik na
ikinonsedera ang pamahalaan sa pagbuo ng badyet kaya’t 14.27 B lamang ang inilaan
ng pamahalaan sa sektor na ito.
Halos 1% (29.42%) ang hati para sa flood control bilang isang bansang bahain
bilang paghahanda sa pagdating ng mga malalakas ng bagyo dulot ng Global Warming.
Sa aking palagay, pangunahing paglalaanan ng sektor na ito ang pagsasaayos ng
daluyan ng tubig sa mga kanal at pagsasagawa ng seminar upang makahanda sa
paghagupit ng bagyo. Mahalaga ang parte ng pie na ito lalo pa’t nakaranas na tayo ng
mga malalakas na bagyo, pinakabago rito ang Bagyong Yolanda (Haiyan) na halos
binura ang probinsya ng Leyte.
Samantala, kapansin-pansin ang pagkawala ng Priority Development Assistance
Fund (PDAF) sa pambansang badyet na halos tumanggap ng 24.79 B noong 2013.
Dulot ito ng pagsabog ng iskandalo ng Pork Barrel Scam na itinuturing na
pinangunahan ni Janet Lim-Napoles. Inalis na ito sa badyet sapagkat pawang mga
pekeng NGOs lamang ang nakikinabang sa pondong ito.
Gayundin, makikita na 35.5 B ang ilalaan ng gobyerno para sa mga pamilyang
nasa National Insurance Health Program, 62.6 B para sa mga pamilya at estudyanteng
nasa ilalim ng CCT at Expanded CCT, 10.7 B para sa suportang teknikal sa mga
magsasaka, 5.5 B upang palaguin ang turismo, 44.6 B para sa pagpapatayo ng mga
klasrum, 13 B para sa Calamity Fund, 20 B para sa Rehabilitation Construction
Program at 80 B para sa pagpapatuloy sa pagpapatayo ng mga masimulang
impratruktura.
Sa pambansang bagyet ngayong taon, ang rehiyong may pinakamalaking
matatanggap na salaysay ay ang Region IV na pinangalawahan ng NCR at sinundan ng
Region 3, Region 6 at Region 5. Mapapansing ang mga rehiyon sa parteng Visayan at
Mindanao ang tumatanggap ng may pinakamaliit na pondo mula sa pamahalaan. Bilang
resulta, tumitindi ang kahirapan at kagutuman sa mga rehiyong nabanggit sapagkat
nakasentro ang badyet ng pamahalaan sa Luzon.
Gayunpaman, gaano man kaayos o kaganda ang badyet ng isang bansa,
nakasalalay pa rin ang lahat sa mga mamamayan nito. Tayo ang nagluluklok sa mga
pulitikong naghahawak ng ating pera kaya’t responsibilidad nating bumoto ng taong
karapat-dapat sa posisyon. Kung tayo man ngayon ay naghihirap, wala tayong dapat
sisihin kundi ang ating mga sarili sapagkat nagpaloko tayo sa mga perang alok ng mga
buwayang walang nais gawin kundi ang magnakaw sa kaban ng bayan.
Paghahambing ng Pambansang Badyet sa taong 2013 at 2014 sa iba’t ibang sektor.
Pambansang Badyet para sa taong 2014 para sa 10 Pangunahing Kagawaran ng
Bansa.
Pambansang Badyet ayon sa Rehiyon.

More Related Content

What's hot

Pagtutulad, Pagwawangis, Pagsasatao
Pagtutulad, Pagwawangis, PagsasataoPagtutulad, Pagwawangis, Pagsasatao
Pagtutulad, Pagwawangis, PagsasataoCool Kid
 
Kultura PANINIWALA, TRADISYON, AT KAUGALIAN NG MGA MUSLIM SA MALAYSIA KAPAG M...
Kultura PANINIWALA, TRADISYON, AT KAUGALIAN NG MGA MUSLIM SA MALAYSIA KAPAG M...Kultura PANINIWALA, TRADISYON, AT KAUGALIAN NG MGA MUSLIM SA MALAYSIA KAPAG M...
Kultura PANINIWALA, TRADISYON, AT KAUGALIAN NG MGA MUSLIM SA MALAYSIA KAPAG M...KNNN CyberCafe
 
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang tekstoPagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang tekstoMaica Ambida
 
Iba’t ibang uri ng liham pangkaibigan
Iba’t ibang uri ng liham pangkaibiganIba’t ibang uri ng liham pangkaibigan
Iba’t ibang uri ng liham pangkaibiganAngelica Barandon
 
Aralin 3 ang pagbabago sa pananampalataya
Aralin 3  ang pagbabago sa pananampalataya Aralin 3  ang pagbabago sa pananampalataya
Aralin 3 ang pagbabago sa pananampalataya CHIKATH26
 
Mga sikat na bayani sa pilipinas
Mga sikat na bayani sa pilipinasMga sikat na bayani sa pilipinas
Mga sikat na bayani sa pilipinasjanus rubiales
 
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Uri ng Pangungusap Ayon sa KayarianUri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Uri ng Pangungusap Ayon sa KayarianSonarin Cruz
 
Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Allan Ortiz
 
Wastong paggamit ng mga bantas
Wastong paggamit ng mga bantasWastong paggamit ng mga bantas
Wastong paggamit ng mga bantasRovilyn Quiambao
 
Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)
Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)
Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)Cherry Realoza-Anciano
 
Pangkalahatang sanggunian
Pangkalahatang sanggunianPangkalahatang sanggunian
Pangkalahatang sanggunianIrene Paz
 
Mga uri ng mass media by: Lito Garin
Mga uri ng mass media by: Lito GarinMga uri ng mass media by: Lito Garin
Mga uri ng mass media by: Lito GarinLitz Estember
 
talambuhay ni daniel angelo j47
talambuhay ni daniel angelo j47talambuhay ni daniel angelo j47
talambuhay ni daniel angelo j47Ronesto Luarca
 

What's hot (20)

Gamit ng pangngalan
Gamit ng pangngalanGamit ng pangngalan
Gamit ng pangngalan
 
Pagtutulad, Pagwawangis, Pagsasatao
Pagtutulad, Pagwawangis, PagsasataoPagtutulad, Pagwawangis, Pagsasatao
Pagtutulad, Pagwawangis, Pagsasatao
 
Kultura PANINIWALA, TRADISYON, AT KAUGALIAN NG MGA MUSLIM SA MALAYSIA KAPAG M...
Kultura PANINIWALA, TRADISYON, AT KAUGALIAN NG MGA MUSLIM SA MALAYSIA KAPAG M...Kultura PANINIWALA, TRADISYON, AT KAUGALIAN NG MGA MUSLIM SA MALAYSIA KAPAG M...
Kultura PANINIWALA, TRADISYON, AT KAUGALIAN NG MGA MUSLIM SA MALAYSIA KAPAG M...
 
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang tekstoPagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
 
Panghalip Panaklaw
Panghalip PanaklawPanghalip Panaklaw
Panghalip Panaklaw
 
Iba’t ibang uri ng liham pangkaibigan
Iba’t ibang uri ng liham pangkaibiganIba’t ibang uri ng liham pangkaibigan
Iba’t ibang uri ng liham pangkaibigan
 
Aralin 3 ang pagbabago sa pananampalataya
Aralin 3  ang pagbabago sa pananampalataya Aralin 3  ang pagbabago sa pananampalataya
Aralin 3 ang pagbabago sa pananampalataya
 
Mga sikat na bayani sa pilipinas
Mga sikat na bayani sa pilipinasMga sikat na bayani sa pilipinas
Mga sikat na bayani sa pilipinas
 
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Uri ng Pangungusap Ayon sa KayarianUri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
 
Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1
 
Mga estratehiya sa pag unawa sa pagbasa
Mga estratehiya sa pag unawa sa pagbasaMga estratehiya sa pag unawa sa pagbasa
Mga estratehiya sa pag unawa sa pagbasa
 
Liham pangangalakal
Liham pangangalakalLiham pangangalakal
Liham pangangalakal
 
Bahagi ng aklat
Bahagi ng aklatBahagi ng aklat
Bahagi ng aklat
 
Wastong paggamit ng mga bantas
Wastong paggamit ng mga bantasWastong paggamit ng mga bantas
Wastong paggamit ng mga bantas
 
Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)
Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)
Payak, tambalan at hugnayan (Modyul sa Filipino)
 
Pangkalahatang sanggunian
Pangkalahatang sanggunianPangkalahatang sanggunian
Pangkalahatang sanggunian
 
Mga uri ng mass media by: Lito Garin
Mga uri ng mass media by: Lito GarinMga uri ng mass media by: Lito Garin
Mga uri ng mass media by: Lito Garin
 
talambuhay ni daniel angelo j47
talambuhay ni daniel angelo j47talambuhay ni daniel angelo j47
talambuhay ni daniel angelo j47
 
Tula
TulaTula
Tula
 
Pang- angkop
Pang- angkopPang- angkop
Pang- angkop
 

Similar to Reaksyon(1)

Patakarang Piskal.pptx
Patakarang Piskal.pptxPatakarang Piskal.pptx
Patakarang Piskal.pptxssuserf670e4
 
KYLLATOPIC2.pptx
KYLLATOPIC2.pptxKYLLATOPIC2.pptx
KYLLATOPIC2.pptxAndreimklng
 
I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!
I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!
I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!lfs-iit
 
Sona ni PNoy 2014
Sona ni PNoy 2014Sona ni PNoy 2014
Sona ni PNoy 2014Poodle CL
 
For sharing-Pambansang Interes _ AP6 Week 7-Q4.pptx
For sharing-Pambansang Interes _ AP6 Week 7-Q4.pptxFor sharing-Pambansang Interes _ AP6 Week 7-Q4.pptx
For sharing-Pambansang Interes _ AP6 Week 7-Q4.pptxGEMMASAMONTE5
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptxPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptxValDarylAnhao2
 
AP WEEK 1-8 Q4.pdf
AP WEEK 1-8 Q4.pdfAP WEEK 1-8 Q4.pdf
AP WEEK 1-8 Q4.pdfVleidy
 
MGA SEKTOR NG EKONOMIYA
MGA SEKTOR NG EKONOMIYAMGA SEKTOR NG EKONOMIYA
MGA SEKTOR NG EKONOMIYAasa net
 
Sipi mula sa talumpati ni dilma rousseff sa kaniyang inagurasyon
Sipi mula sa talumpati ni dilma rousseff sa kaniyang inagurasyonSipi mula sa talumpati ni dilma rousseff sa kaniyang inagurasyon
Sipi mula sa talumpati ni dilma rousseff sa kaniyang inagurasyonmanongmanang18
 
Ang buwis at budget ng pamahalaan
Ang buwis at budget ng pamahalaanAng buwis at budget ng pamahalaan
Ang buwis at budget ng pamahalaanmma1213
 
5th sona july 28,2014
5th sona july 28,20145th sona july 28,2014
5th sona july 28,2014Milcah Baja
 
Q3.L5.2.PatakarangPananalapi.pptx
Q3.L5.2.PatakarangPananalapi.pptxQ3.L5.2.PatakarangPananalapi.pptx
Q3.L5.2.PatakarangPananalapi.pptxangelloubarrett1
 
Q3.L5.2.PatakarangPananalapi.pptx
Q3.L5.2.PatakarangPananalapi.pptxQ3.L5.2.PatakarangPananalapi.pptx
Q3.L5.2.PatakarangPananalapi.pptxangelloubarrett1
 
Ang Pamahalaan at serbisyong Panlipunan
Ang Pamahalaan at serbisyong PanlipunanAng Pamahalaan at serbisyong Panlipunan
Ang Pamahalaan at serbisyong Panlipunaniamnotangelica
 
PTT-in-Filipino. DILMA ROUSSEFF.pptx
PTT-in-Filipino. DILMA ROUSSEFF.pptxPTT-in-Filipino. DILMA ROUSSEFF.pptx
PTT-in-Filipino. DILMA ROUSSEFF.pptxAlexia San Jose
 

Similar to Reaksyon(1) (20)

Joch........
Joch........Joch........
Joch........
 
URI NG PAGBASA
 URI NG PAGBASA  URI NG PAGBASA
URI NG PAGBASA
 
Patakarang Piskal.pptx
Patakarang Piskal.pptxPatakarang Piskal.pptx
Patakarang Piskal.pptx
 
KYLLATOPIC2.pptx
KYLLATOPIC2.pptxKYLLATOPIC2.pptx
KYLLATOPIC2.pptx
 
I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!
I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!
I SAY NO TO P116M BUDGET CUTS IN MSU-IIT!
 
Sona ni PNoy 2014
Sona ni PNoy 2014Sona ni PNoy 2014
Sona ni PNoy 2014
 
For sharing-Pambansang Interes _ AP6 Week 7-Q4.pptx
For sharing-Pambansang Interes _ AP6 Week 7-Q4.pptxFor sharing-Pambansang Interes _ AP6 Week 7-Q4.pptx
For sharing-Pambansang Interes _ AP6 Week 7-Q4.pptx
 
Group 1 smc-kaunlaran
Group 1 smc-kaunlaranGroup 1 smc-kaunlaran
Group 1 smc-kaunlaran
 
Press Release- PDAF
Press Release- PDAFPress Release- PDAF
Press Release- PDAF
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptxPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx
 
AP WEEK 1-8 Q4.pdf
AP WEEK 1-8 Q4.pdfAP WEEK 1-8 Q4.pdf
AP WEEK 1-8 Q4.pdf
 
MGA SEKTOR NG EKONOMIYA
MGA SEKTOR NG EKONOMIYAMGA SEKTOR NG EKONOMIYA
MGA SEKTOR NG EKONOMIYA
 
Sipi mula sa talumpati ni dilma rousseff sa kaniyang inagurasyon
Sipi mula sa talumpati ni dilma rousseff sa kaniyang inagurasyonSipi mula sa talumpati ni dilma rousseff sa kaniyang inagurasyon
Sipi mula sa talumpati ni dilma rousseff sa kaniyang inagurasyon
 
Ang buwis at budget ng pamahalaan
Ang buwis at budget ng pamahalaanAng buwis at budget ng pamahalaan
Ang buwis at budget ng pamahalaan
 
5th sona july 28,2014
5th sona july 28,20145th sona july 28,2014
5th sona july 28,2014
 
Pampublikong sektor borja
Pampublikong sektor borjaPampublikong sektor borja
Pampublikong sektor borja
 
Q3.L5.2.PatakarangPananalapi.pptx
Q3.L5.2.PatakarangPananalapi.pptxQ3.L5.2.PatakarangPananalapi.pptx
Q3.L5.2.PatakarangPananalapi.pptx
 
Q3.L5.2.PatakarangPananalapi.pptx
Q3.L5.2.PatakarangPananalapi.pptxQ3.L5.2.PatakarangPananalapi.pptx
Q3.L5.2.PatakarangPananalapi.pptx
 
Ang Pamahalaan at serbisyong Panlipunan
Ang Pamahalaan at serbisyong PanlipunanAng Pamahalaan at serbisyong Panlipunan
Ang Pamahalaan at serbisyong Panlipunan
 
PTT-in-Filipino. DILMA ROUSSEFF.pptx
PTT-in-Filipino. DILMA ROUSSEFF.pptxPTT-in-Filipino. DILMA ROUSSEFF.pptx
PTT-in-Filipino. DILMA ROUSSEFF.pptx
 

More from PRINTDESK by Dan

MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAKMGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAKPRINTDESK by Dan
 
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDEGENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDEPRINTDESK by Dan
 
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDEEARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDEPRINTDESK by Dan
 
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDEGENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDEPRINTDESK by Dan
 
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)PRINTDESK by Dan
 
21st century literature from the philippines and the world
21st century literature from the philippines and the world21st century literature from the philippines and the world
21st century literature from the philippines and the worldPRINTDESK by Dan
 
The Rice Myth - Sappia The Goddess
The Rice Myth - Sappia The GoddessThe Rice Myth - Sappia The Goddess
The Rice Myth - Sappia The GoddessPRINTDESK by Dan
 
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcerA control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcerPRINTDESK by Dan
 
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3PRINTDESK by Dan
 
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4PRINTDESK by Dan
 
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3PRINTDESK by Dan
 
Unit 3 - Science 10 Learner’s Material
Unit 3 - Science 10 Learner’s MaterialUnit 3 - Science 10 Learner’s Material
Unit 3 - Science 10 Learner’s MaterialPRINTDESK by Dan
 
Science 10 Learner’s Material Unit 4
Science 10 Learner’s Material Unit 4 Science 10 Learner’s Material Unit 4
Science 10 Learner’s Material Unit 4 PRINTDESK by Dan
 

More from PRINTDESK by Dan (20)

MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAKMGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
 
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDEGENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
 
DepEd Mission and Vision
DepEd Mission and VisionDepEd Mission and Vision
DepEd Mission and Vision
 
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDEEARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
 
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDEGENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
 
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
 
21st century literature from the philippines and the world
21st century literature from the philippines and the world21st century literature from the philippines and the world
21st century literature from the philippines and the world
 
The Rice Myth - Sappia The Goddess
The Rice Myth - Sappia The GoddessThe Rice Myth - Sappia The Goddess
The Rice Myth - Sappia The Goddess
 
Kultura ng taiwan
Kultura ng taiwanKultura ng taiwan
Kultura ng taiwan
 
MGA AWITING BAYAN
MGA AWITING BAYANMGA AWITING BAYAN
MGA AWITING BAYAN
 
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcerA control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
 
Gawains in Aral Pan 9
Gawains in Aral Pan 9Gawains in Aral Pan 9
Gawains in Aral Pan 9
 
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
 
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
 
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
 
Unit 3 - Science 10 Learner’s Material
Unit 3 - Science 10 Learner’s MaterialUnit 3 - Science 10 Learner’s Material
Unit 3 - Science 10 Learner’s Material
 
Science 10 Learner’s Material Unit 4
Science 10 Learner’s Material Unit 4 Science 10 Learner’s Material Unit 4
Science 10 Learner’s Material Unit 4
 
Branches of biology
Branches of biologyBranches of biology
Branches of biology
 
Basketball
BasketballBasketball
Basketball
 
Babasit
BabasitBabasit
Babasit
 

Recently uploaded

Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAprilJeannelynFeniza
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxRoselynGabatHernande
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfjulliennelopega1
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptxSummary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptxShynaNorraineDestura
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxdhanjurrannsibayan2
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxSundieGraceBataan
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....jeynsilbonza
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointbinuaangelica
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...jaysonvillano
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaHelenMaeParacale
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxPundomaNoraima
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxJoseIsip3
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointRuvyAnnClaus
 

Recently uploaded (20)

Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptxSummary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 

Reaksyon(1)

  • 1. Emmanuel John G. Tabilin IV-SSC Reaction Paper: Pambansang Badyet ng Pilipinas Ang isang simpleng tahanan ay nangangailangan ng pagplaplano sa mga gastusin nito lalong lalo na kung sapat lamang sa pang-araw-araw ang kinikita ng isang sambahayan. Ang pagbabadyet ay isang matalinong hakbangin upang episyenteng magamit ang salaping napapasakamay ng isang pamilya. At tulad din ng ating pambansang pamahalaan, kinakailangan ang isang komprehensibo at malawak na pinag-aralang badyet ng isang buong nasyon na tutukoy sa landas na tatahakin nito para sa isang buong taon. Kinakailangan itong pagplanuhan, paghandaan at pag-aralan ng maiigi sapagkat dito pangunahing nakasalalay ang magiging daloy ng ekonomiya ng isang bansa. Kamakailan lamang ay inilabas na ang opisyal na badyet ng ating pamahalaan para sa taong 2014. Ngunit bago ito ay sari-saring anomalya, iskandalo at trahedya ang kinaharap ng ating bansa sa lubusang nakaapekto sa taunang badyet ng Pilipinas. Sa kabila nito, maituturing pa ring matagumpay ang pamahalaan kung sa pagpapalago ng ekonomiya ang paguusapan na mahihinuha natin sa mga istatistikang naglalahad ng GDP, GNP, per capita income at iba pang datos na nagpapakita ng pagsulong ng Pilipinas. Para sa ngayong taong 2014, tumaas ang kabuuang badyet ng Pilipinas kung ikukumpara sa nakaraang taon ng halos 13% – 2.006 T noong 2013 at 2.265 T ngayong 2014. Ipinapakita nitong mas malaking pera ang inaasahang papasok sa Pilipinas ngayong taon kaya’t tumaas din ang plinanong kabuuang gastusin ng
  • 2. pamahalaan. Maituturing itong isang senyales ng paglago ngunit hindi lamang dito nakasalalay ang ekonomiya ng bansa. Malaki ang gampaning nakaatang sa maraming sektor ng pamahalaan na inaasahang gagamitin ng maayos at tapat ang trilyon-trilyung kontribusyon ng mga mamamayan. Kung tutuusin, ang sandamakmak na mga salaping ito ay nagmumula sa bulsa ng bawat mamamayan ng ating bansa. Nagbabayad ng wasto ang isang Pilipino – mahirap man o mayaman – sapagkat inaasahan niyang pakikinabangan niya rin ito sa pamamagitan ng mga imprastruktura at serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan. Ang perang ito ay inaasahang babalik sa mga mamamayan tungo sa iba’t ibang sektor ng pamahalaan. Tulad ng inaasahan, pinakamalaking parte ng badyet ang inilaan para sa Edukasyon (383.08 B – 17% ng kabuuang badyet). Marahil ito ang pinakaprayoridad ng pamahalaan sa ngayon, ang makahubog ng mga potesyal na kabataan na inaasahang magtataguyod ng ating nasyon tungo sa kaunlaran at kaayusan. Masasabi kong nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang sektor ng mga kabataan lalong lalo na ang kanilang edukasyon sapagkat dito magmumula ang mga susunod na propesyonal, maggagawa, negosyante at pulitiko na kinakailangan may sapat na kakayahan at talino upang makipagsabayan sa mga banyagang katunggali. Sang-ayon ito kay Dr. Jose Rizal na binanggit ang mga kabataan bilang ‘pag-asa ng bayan’. Iuukol naman ang 4% ng pangkalahatang badyet ng bansa para sa Kalusugan (90.51 B) sa kasalukuyang taon. Mas mataas ito ng halos 56% mula 57.74 B ng nakaraang taon. Maaaring ang pagtaas na ito ang tugon ng pamahalaan sa
  • 3. napapabalitang pagdami ng nagkakaroon ng measles (tigdas) lalong lalo na sa kalakhang Maynila. Sa ngayon, kinakailangan ang agarang paglunas sa mga pasyenteng may tigdas upang maiwasan na ang pagkalat gayundin ang pagbabakuna sa kanila. Sa aking palagay, malaking parte ang igugugol ng Kagawaran ng Kalusugan sa pananaliksik at paghahanap ng lunas sa mga karaniwang sakit na nakukuha sa ating bansa tulad ng Dengue. Hindi rin mawawalan ng bahagi ang modernisasyon ng mga ospital ng bansa. Sa kabilang banda, humigi’t kumulang 10% (218.01 B) ng pambansang badyet ang nakalaan para sa sektor na mangangalaga ng kapakanang panlipunan at maghahatid ng trabaho. Mas mataas naman ng dalawang porsiyento o 12% (260.53 B) ang parte para sa pagpapatayo ng mga kalsada, transportasyon at komunikasyon. Sa sektor na ito inaasahang mas mapapadali ang kalakalan ng mga produkto sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang maayos na daanan ay mas magpapadali sa transportasyon ng mga kalakal na magpapababa ng presyo ng bilihin. Samantala, 11% naman ng pie ng badyet ang para sa pagpapasweldo at tulong pananalapi sa mga kawani ng gobyerno o LGUs. Nararapat lamang ito sapagkat malaki ang gampanin ng mga manggagawa sa pamahalaan dahil kung wala ang mga kawaning ito, mapaparalisa ang gawain sa pamahalaan na magpapahina ng takbo ng ekonomiya. Malaking bahagi ng pera ng bayan ang mawawala kung sakaling maparalisa ang gawain sa isang pamahalaan. Maliban sa mga LGUs, kabilang din sa kawani ng gobyerno ang mga guro sa pampublikong paaralan at unibersidad.
  • 4. Para naman sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan, 133.4 B ang inilaan ng pamahalaan. Pangunahing tututukan nito ang pagpapababa ng kriminalidad at pangangalaga ng bansa laban sa mga banta ng terorismo. Napakahalaga ng sektor na ito sapagkat anumang oras ay dapat laging handa ang hukbo ng Pilipinas upang ipagtanggol ang ating bansa. At upang magampanan ito ng maayos, kinakailangang may sapat na armas at karanasan sa pakikipaglaban ang ating puwersa. Sakop sa sektor na ito ang pulisya na ang pangunahing takbuhan sa mga panahong laganap ang kriminalidad sa isang komunidad. Sa pagpapaunlad at modernisasyon ng mga pulisya, inaasahang mas papalarin ang ating ekonomiya sapagkat makatutulong ito sa pag- engganyo ng mga dayuhang mamumuhunan. Mababawasan ang kriminalidad sa bansa sa hihimok sa mga dayuhan na piliin ang Pilipinas upang mamuhunan. Ang sektor naman para sa enerhiya ng kapuluan ang tumanggap ng pinakamaliit na bahagi ng pie na hindi man lamang umabot ng 1% (0.6% o 14.27 B). Tila taliwas ito sa nagaganap ngayon sa naturang sektor kung saan inaasahang tataas ng humigi’t kumulang apat na piso ang bawat kWh ng kuryente ayon sa MERALCO. Gayundin, ang sektor na ito ay maituturing kong nangangailangan ng agarang konsiderasyon lalo pa’t malaking bahagi ng Visayas at Mindanao ang nakararanas ng kawalan ng kuryente. Nararapat lamang itong aksyunan agad sapagkat magpapabagal ito sa pagusad ng ating pambansang ekonomiya. Sa kabilang banda, maaaring may iba pang salik na ikinonsedera ang pamahalaan sa pagbuo ng badyet kaya’t 14.27 B lamang ang inilaan ng pamahalaan sa sektor na ito. Halos 1% (29.42%) ang hati para sa flood control bilang isang bansang bahain bilang paghahanda sa pagdating ng mga malalakas ng bagyo dulot ng Global Warming.
  • 5. Sa aking palagay, pangunahing paglalaanan ng sektor na ito ang pagsasaayos ng daluyan ng tubig sa mga kanal at pagsasagawa ng seminar upang makahanda sa paghagupit ng bagyo. Mahalaga ang parte ng pie na ito lalo pa’t nakaranas na tayo ng mga malalakas na bagyo, pinakabago rito ang Bagyong Yolanda (Haiyan) na halos binura ang probinsya ng Leyte. Samantala, kapansin-pansin ang pagkawala ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa pambansang badyet na halos tumanggap ng 24.79 B noong 2013. Dulot ito ng pagsabog ng iskandalo ng Pork Barrel Scam na itinuturing na pinangunahan ni Janet Lim-Napoles. Inalis na ito sa badyet sapagkat pawang mga pekeng NGOs lamang ang nakikinabang sa pondong ito. Gayundin, makikita na 35.5 B ang ilalaan ng gobyerno para sa mga pamilyang nasa National Insurance Health Program, 62.6 B para sa mga pamilya at estudyanteng nasa ilalim ng CCT at Expanded CCT, 10.7 B para sa suportang teknikal sa mga magsasaka, 5.5 B upang palaguin ang turismo, 44.6 B para sa pagpapatayo ng mga klasrum, 13 B para sa Calamity Fund, 20 B para sa Rehabilitation Construction Program at 80 B para sa pagpapatuloy sa pagpapatayo ng mga masimulang impratruktura. Sa pambansang bagyet ngayong taon, ang rehiyong may pinakamalaking matatanggap na salaysay ay ang Region IV na pinangalawahan ng NCR at sinundan ng Region 3, Region 6 at Region 5. Mapapansing ang mga rehiyon sa parteng Visayan at Mindanao ang tumatanggap ng may pinakamaliit na pondo mula sa pamahalaan. Bilang
  • 6. resulta, tumitindi ang kahirapan at kagutuman sa mga rehiyong nabanggit sapagkat nakasentro ang badyet ng pamahalaan sa Luzon. Gayunpaman, gaano man kaayos o kaganda ang badyet ng isang bansa, nakasalalay pa rin ang lahat sa mga mamamayan nito. Tayo ang nagluluklok sa mga pulitikong naghahawak ng ating pera kaya’t responsibilidad nating bumoto ng taong karapat-dapat sa posisyon. Kung tayo man ngayon ay naghihirap, wala tayong dapat sisihin kundi ang ating mga sarili sapagkat nagpaloko tayo sa mga perang alok ng mga buwayang walang nais gawin kundi ang magnakaw sa kaban ng bayan.
  • 7. Paghahambing ng Pambansang Badyet sa taong 2013 at 2014 sa iba’t ibang sektor.
  • 8. Pambansang Badyet para sa taong 2014 para sa 10 Pangunahing Kagawaran ng Bansa.