2. Layunin:
a. naibibigay ang mga pamamaraang
ginamit sa neokolonyalismo
b. naipapahayag ang mga mabuti at di
mabuting eoekto ng neokolonyalismo at
c. naipapakita ang kahalagahan ng
neokolonyalismo
3. Ano ang Neokolonyalismo?
• Ang neo-kolonyalismo ay bagong paraan ng
kolonyalismo.
• Ito ay bagong paraan ng kolonyalisasyon sa
pamamagitan ng pagkontrol ng sa buhay
pampulitika, at pang-ekonomiya ng isang
maunlad na bansa sa hindi maunlad na bansa.
• Ito ay may iba’t- ibang anyo at bawat isa ay may
pamamaraan ng pagkontrol sa buhay pampulitika at
pang-ekonomiya ng mga dimaunlad na bansa.
5. Pamamaraan ng neokolonyalismo
• Pang ekonomiya
• Pangkultura
• Dayuhang tulong o Foreign Aid
• Dayuhang Pautang o Foreign debt
• Lihim na pagkilos ( covert operation)
6. • paano naisasagawa ang Neo-kolonyalismo
sa pamamaraang pang-ekonomiya?
- naisasagawa ang neokolonyalismo sa
pamamagitan ng pakunwaring tulong sa
pagpapaunlad ng kalagayang
pangkabuhayan ng isang bansa, ngunit sa
katotohanan ay nakatali na ang bansang
tinutulungan sa patakaran at motibo ng
bansang tumutulong.
7. • pamamaraang Pangkultura
– sa pamamaraang ito, nababago ng
neokolonyalismo ang pananaw ng
tinutulungang bansa sa mga bagay na likas na
angkin nito.
– bunga ng kulturang dala ng bansang
dayuhang tumutulong,nabago ang
pinahahalagahan ng mga mamayan ng
tinutulungan bansa sa pananamit, babasahin,
maging sa pag-uugali.
9. Bakit masamang epekto sa mga Pilipino ang
pagpapairal ang wikang Ingles bilang
wikang gamitin sa mga paaralan?
10. • Nagbigay ng masamang epekto sa mga Pilipino
ang pagpapairal ng wikang Ingles bilang wikang
ginagamit sa mga paaralan.Napabayaan ang
sariling kalinangan at maging ang sariling wika.
• Ang mga ito ang ilan sa naging ugat upang
magtaglay ang mga Pilipino ng kaisipang
kolonyal na pumupuri at dumurakilasa anumang
bagay na gawa sa Estados Unidos at
pagsasantabi sa mga bagay na gawa sa sariling
bayan.
12. • Pagpasok ng iba’t-ibang pagkaing Amerikano na
ngayo’y palasak na sa panlasang mga Pilipino at
ipinagpalit ang katutubong mga pagkaing tulad
ng kalamay, puto, latik, at bibingka.
• Maging ang pananaw ng mga Pilipino sa buhay
ay nabahiran na rin ng imperyalismo.
• Naghangad ang mga Pilipino ng pagkaroon ng
mga materyal na bagay na siyang batayan ng
katayuan sa lipunan.
13. Kaya ang resulta ay ang mga sumusunod:
Nakaapekto ng malaki ang pag-aanunsyo sa mass
media sa pagbabago ng panlasa at kagustuhan ng mga
tao.
Pangunguna ng mga produktong imported sa kaso ng
Pilipinas.
Nagbunga ng paglikas mula sa pook na rural tungo sa
pook urban na nagbunga ng kulturang Slum o Squatter.
Nagbunga ng kaisipang kolonyal lalo na sa mga bansang
di-maunlad.
14. • Dayuhang tulong o Foreign Aid
- isa pang instrumento ng mga neo-
kolonyalismo ang nakapaloob dito na
maaring pang-ekonomiya, pangkultura o
pangmilitar.
-ngunit kungtitingnan mabuti, maykapalit
ang pagtulong nila
15. • Dayuhang pautang o Foreign Debt
-Anumang pautang ang International Monetary
Fund (IMF), World Bank o ng Estados Unidos
ay laging may mga kondisyon. Kabilang sa mga
kondisyon ang pagbubukas ng ekonomiya sa
dayuhang pamumuhunan at kalakalan,
pagsasapribado ng mga kumpanya at pagbaklas
ng mga monopolyo, pagpapababa ng halaga ng
salapi, at pagsasaayos ng sistema ng
pagbubuwis. Kung hindi susundin ang mga
kondisyon, hindi makauutang ang umuutang.
16. Epekto ng Neo-kolonyalismo
Over dependence o labis na pagdepende
- malinaw na umaasa nang labis ang mga
tao sa mayayamang bansa lalong lalo na
sa may kaugnayan sa United States.
Loss of Pride o kawalan ng karangalan
- Sanhi ng impluwensiya ng mga dayuhan,
nabubuo sa isipan ng mga tao na lahat ng
galing sa kanluran ay mabuti at magaling.
17. Continued Enslavement o Patuloy na pang-
aalipin
- Totoo ngang ang umuunlad na bansa ay
malaya sa prinsipyo,ngunit sa tunay na
kahulugan ng salitang kalayaan, ang maliit na
bansa ay patuloy pa ring nakatali sa
malakolonyal at makakapitalistang interes ng
kanluran. Ang lahat ng aspeto ng kabuhayan ay
kontrolado pa rin ng kanluran.
18. MABUTI O DI MABUTI ANG
NEOKOLONYALISMO
criteria
Argumento - 30%
Pagsasalita - 30%
Relasyon ng ideya sa paksa - 40%
100%
19. Nakabubuti kaya o nakasasama
ang Neo-kolonyalismo sa mga
bansang sakop nito?
21. PAGSUSULIT
Sabihin kung tama o mali.
__________ 1. Ang neo-kolonyalismo ay tumutukoy sa bagong
paraan ng kolonyalisasyon.
__________ 2.Sa ilalim ng neo-kolonyalismo maraming restriksyon
ang ipinatupad ng mga bansang kolonyalismo.
__________ 3. Ang neo-kolonyalismo ay may paraan ng pagkontrol
sa buhay pampulitiko at pang- ekonomiya ng isang
maunlad na bansa sa hindi maunlad na bansa.
__________ 4. Ang neo-kolonyalismo ay may mabuting epekto sa
lupang sakop.
__________ 5. Nagdulot ng kulturang slum ang neo-kolonyalismo.