O slideshow foi denunciado.
Utilizamos seu perfil e dados de atividades no LinkedIn para personalizar e exibir anúncios mais relevantes. Altere suas preferências de anúncios quando desejar.
Aralin 11
PANANALIKSIK GAMIT
ANG INTERNET
Taglay mo na ba ang sumusunod na kasanayan?
Maglagay ng tsek (/) sa hanay ng thumbs up icon kung
OO ang sagot at ng thumbs...
Basahin ang sumusunod na komiks:
ANG ULAT NI MARLON
Marlon, bakit parang malalim
ang iniisip mo?
Mayroon kasi akong pag-uu...
Nakapagsimula ka na bang
magsaliksik tungkol dito?
Oo, kaya lang tila kulang
pa ang mga
impormasyong nakuha
ko.
Huwag ka nang mag-alala,
mayroon akong alam na
makakatulong sa iyo.
Ano iyon, Martha?
Ang kompyuter at internet!
Kailangan...
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Nasubukan mo na bang magsaliksik gamit ang
computer at internet?
2. Gusto mo ba itong ...
ANG WEB BROWSER
Ang web browser ay isang computer
software na ginagamit upang maghanap ng at
makapunta sa iba’t-ibang webs...
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kilalang web
browser na maaaring gamitin:
INTERNET EXPLORER- Libre itong web browser mula...
GOOGLE CHROME- Ang Google Chrome ay isa
pang libreng wed browser. Inilabas ito noong
taong 2008 at patuloy na tinatangkili...
MGA BAHAGI NGWEB BROWSER
Ang Web Browser ay binubuo ng iba’t-ibang bahagi.
Bawat isa ay may sariling gawain. Lubos na maka...
BAHAGI NG ISANG WEB BROWSER
A. Browser Window Buttons- I-click ang minimize button
kung nais itago ang browser window nang...
BAHAGI NG ISANG WEB BROWSER
C. Navigation Buttons- I-click ang ang back buttons para
bumalik sa webpages na naunang binisi...
BAHAGI NG ISANG WEB BROWSER
E. Customize and Control Google Chrome- Dito makikita
ang iba’t-ibang options at commands upan...
BAHAGI NG ISANG WEB BROWSER
G. Address Bar- Maaaring i-type dito ang address ng isang
website na gustong tingnan. Ang webs...
BAHAGI NG ISANG WEB BROWSER
I. Scroll Bar- I-drag ito pataas o pababa upang makita
ang kabuuan ng isang web page sa browse...
Ang Search Engine
Ang search Engines ay isang software system na ginagamit sa
paghahanap ng impormasyon sa internet. Ang ilan sa kilalang
se...
A. Search field o search box- Dito tinatype ang keyword na
gagamitinsapagsaliksik.
B. Google Search button- pagkatapos i-t...
C. I’m Feeling Lucky-I-click ito matapos i-type ang keyword
upang direktang pumunta sa webpage na sa palagay ng Google
ay ...
MGA BAHAGI NG SEARCH ENGINE RESULTS PAGE
Matapos I-click ang seach button, ipakikita ng
search engine ang resulta ng iyong...
A. Search Field- kung nais maghanap muli, i-type lamang ang
bagong keyword sa search field.
B. Search Button- pagkatapos i-type ang keyword, i-click ang
button o maaari ding pindutin ang Enter Key sa iyong keyboard...
Matalinong Pagsasaliksik Gamit ang mga Keywords
Marami sa kailangan nating impormasyon ang
nasa internet na. Kailangan na ...
Mga Mungkahi Para sa Matalinong Pagsasaliksik
1. Kung ang paksa ay tiyak at naglalaman ng mga
pangngalang pantangi at eksa...
Mga Mungkahi Para sa Matalinong Pagsasaliksik
3. Kung nais magsaliksik ng mga web pagesna hindi
naglalaman ng isang partik...
Gawain A: Magsaliksik gamit ang web browser at internet.
Tulungan natin si Marlon sa kaniyang pananaliksik tungkol sa
paks...
2. I-type ang www.google.com sa address bar ng
browser at pindutin ang Enter Key. Ito ang Wesite
Address ng Google search ...
3. Pag- isipang mabuti ang keywords na gagamitin
sa pagsasaliksik ng mga katangiang dapat taglayin
ng isang Entrepreneur. ...
4. I-click ang search button. Magbubukas ang
pahinang search results
5. I-click ang search results upang makita ang
kabuuan ng webpage.
6. Suriin ang Search Results at tukuyin ang mga
resulta...
Isang mahalagang kasanayan ang pangangalap ng
impormasyon gamit ang web browsers at search engines. Sa
tulong ng computer ...
Tandaan na hindi lahat ng mababasang
inpormasyon sa intermet ay totoo o tama.
Kailangang maging matalino at mapanuri pa ri...
Gawain B. Magsaliksik Tayo!
Magsagawa ng matalinong pagsasaliksik tungkol sa sumusunod na
paksa. Ibigay ang keywords na gi...
Bisitahin ang links sa websites na inilabas ng search
engines. Suriin itong mabuti. Nakatutulong ba ang
napiling links sa ...
Subukin Mo:
Kilalanin ang sumusunod. Ilagay ang sagot sa kuwaderno.
______1. Uri ng websites na ginagamit sa pagsasaliksik...
KAYA MO NA BA?
Maglagay ng tsek (/) sa hanay ng thumbs up icon kung
OO ang sagot at ng thumbs down icon kung HINDI.
1. Nai...
Trivia…Trivia…
Subuking sagutan ang sumusunod na katanungan
gamit ang search engines. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.
1. Si...
Trivia…Trivia…
4. Saan matatagpuan ang Tarsier?
5. Sino ang kasalukuyang Kalihim ng Kagawaran ng
Edukasyon sa Pilipinas?
Mga Bansa sa Asya
Gamit ang iyong kasanayan sa pananaliksik at sa
tulong ng web browser at search engine, punan ang
sumusu...
SALAMAT SA PAKIKINIG!!!
Guro: Gng. Cathy Princess R. Bunye
Paete Elementary School
Paete, Laguna
Próximos SlideShares
Carregando em…5
×

Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

18.506 visualizações

Publicada em

ICT Lesson EPP4 Aralin11 Pananaliksik Gamit ang Internet

Publicada em: Internet

Ictlessonepp4 aralin11pananaliksikgamitanginternet-150622045536-lva1-app6891 -

  1. 1. Aralin 11 PANANALIKSIK GAMIT ANG INTERNET
  2. 2. Taglay mo na ba ang sumusunod na kasanayan? Maglagay ng tsek (/) sa hanay ng thumbs up icon kung OO ang sagot at ng thumbs down icon kung HINDI. 1. Naipaliliwanag ko kung anu ang web browser 2. Naipapaliwanag ko kung ano ang search engine. 3. Nakapagsasaliksik ako ng gamit ng internet. 4. Nakakagamit ako ng angkop na keywords sa pagsasaliksik.
  3. 3. Basahin ang sumusunod na komiks: ANG ULAT NI MARLON Marlon, bakit parang malalim ang iniisip mo? Mayroon kasi akong pag-uulat sa susunod na linggo tungkol sa Entrepreneurship. Ang sabi ni Gng. Bunye ay kailangan ko raw magsaliksik tungkol sa mga katangian ng isang magaling na entrepreneur. Sinabi pa niya na mas maganda kung mayroon akong maipapakitang video tungkol dito.
  4. 4. Nakapagsimula ka na bang magsaliksik tungkol dito? Oo, kaya lang tila kulang pa ang mga impormasyong nakuha ko.
  5. 5. Huwag ka nang mag-alala, mayroon akong alam na makakatulong sa iyo. Ano iyon, Martha? Ang kompyuter at internet! Kailangan lang nating saliksikin ang kailangan mong impormasyon sa tulong ng web browser at search engines
  6. 6. Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Nasubukan mo na bang magsaliksik gamit ang computer at internet? 2. Gusto mo ba itong subukan tulad ng gagawin ni Marlon? 3. Bakit kailangang matutuhan ang kasanayan sa pangangalap ng impormasyon gamit ang computer at internet?
  7. 7. ANG WEB BROWSER Ang web browser ay isang computer software na ginagamit upang maghanap ng at makapunta sa iba’t-ibang websites. May kakayahan din ang web browser na ipakita ang nilalaman ng isang website tulad ng teksto at larawan. Maaari nitong i-play ang iba pang uri ng media tulad ng music, video, at animation.
  8. 8. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kilalang web browser na maaaring gamitin: INTERNET EXPLORER- Libre itong web browser mula sa Microsoft Corporation. Inilabas ito noong 1995 at isa sa mga pinakapopular ba browser ngayon. MOZILLA FIREFOX- Libre rin ang web browser na Firefox mul sa Mozilla. Isa ito sa mga pamantayan ng mga browser na magagamit
  9. 9. GOOGLE CHROME- Ang Google Chrome ay isa pang libreng wed browser. Inilabas ito noong taong 2008 at patuloy na tinatangkilik bilang isa sa pinakapopular na web browser ngayon
  10. 10. MGA BAHAGI NGWEB BROWSER Ang Web Browser ay binubuo ng iba’t-ibang bahagi. Bawat isa ay may sariling gawain. Lubos na makakatulong kung alam nating gamitin ang iba’t-ibang bahagi ng isang web browser.
  11. 11. BAHAGI NG ISANG WEB BROWSER A. Browser Window Buttons- I-click ang minimize button kung nais itago ang browser window nang pansamantala. I-click ang restore o maximize button kung nais baguhin ang sukat ng window, I-click ang close button kung nais isara ang browser window B. Tab Name- Dito mababasa ang pangalan ng kasalukuyang bukas na website. Kung nais isara ang tab, i-click lamang ang X button sa gilid ng tab.
  12. 12. BAHAGI NG ISANG WEB BROWSER C. Navigation Buttons- I-click ang ang back buttons para bumalik sa webpages na naunang binisita; I-click ang forward button kung nais balikan ang webpages na pinakahuling binisita; o i-click ang reload button kung nais na muling i-update ang website sa browser. D. New tab-I-click ang New tab kung nais magkaroon ng panibagong tab kung saan maaaring magbukas ng bagong website.
  13. 13. BAHAGI NG ISANG WEB BROWSER E. Customize and Control Google Chrome- Dito makikita ang iba’t-ibang options at commands upang baguhin ang kasalukuyang settings ng browser. F. Bookmark this page- I-click itong hugis-bituin na button para i-save ang address ng websites. Sa ganitong paraan, madali itong mababalikan sa susunod na kailangan itong buksan muli.
  14. 14. BAHAGI NG ISANG WEB BROWSER G. Address Bar- Maaaring i-type dito ang address ng isang website na gustong tingnan. Ang website address ang tumutukoy kung saan mahahanap ang isang website. Isang halimbawa ng website address ay www.google.com. Kung ito ay i-type mo sa address bar at pindutin ang Enter key,makakarating ka sa Home Page ng website na iyon. H. Display Window- Ito ang pinakamalaking bahagi ng browser na nagpapakita ng piniling website.
  15. 15. BAHAGI NG ISANG WEB BROWSER I. Scroll Bar- I-drag ito pataas o pababa upang makita ang kabuuan ng isang web page sa browser window.
  16. 16. Ang Search Engine
  17. 17. Ang search Engines ay isang software system na ginagamit sa paghahanap ng impormasyon sa internet. Ang ilan sa kilalang search engines ay Google, Yahoo, Alta Vista, at Lycos Mga Bahagi ng Search Engine Home Page Kung magsasaliksik gamit ang internet, isang mahalagang kasanayan ang paggamit ng search engines. Ang sumusunod ay bahagi ng isang search engine home page (www.google.com) at ang gamit ng mga ito.
  18. 18. A. Search field o search box- Dito tinatype ang keyword na gagamitinsapagsaliksik. B. Google Search button- pagkatapos i-type ang keyword, i-click ang button na ito o maaari ding pindutin ang Enter Key sa keyboard upang masimulan ang pagsasaliksik.
  19. 19. C. I’m Feeling Lucky-I-click ito matapos i-type ang keyword upang direktang pumunta sa webpage na sa palagay ng Google ay pinakaangkop sa kailangan mo. Madalas na ito ang unang search result.
  20. 20. MGA BAHAGI NG SEARCH ENGINE RESULTS PAGE Matapos I-click ang seach button, ipakikita ng search engine ang resulta ng iyong paghahanap. Ito ay sa pahinang tinatawag na search engine results page na naglalaman ng iba’t-ibang websites na may kinalaman sa ipinapasok na keyword. Makikita sa sumusunod na pahina ang isang halimbawa ng search engine results page at ang mga bahagi nito.
  21. 21. A. Search Field- kung nais maghanap muli, i-type lamang ang bagong keyword sa search field.
  22. 22. B. Search Button- pagkatapos i-type ang keyword, i-click ang button o maaari ding pindutin ang Enter Key sa iyong keyboard. C. Top Links-narito ang mga serbisyong maaaring magamit sa search engine katulad ng imahe, web, balita, videos at iba pa. D. Page Title- ang pamagat ng web page na kasama sa search results. E. Text below the title- maliit na piraso ng teksto na sipi buhat sa webpage. Nakabold text dito ang mga salitang ginamit mo bilang keywords
  23. 23. Matalinong Pagsasaliksik Gamit ang mga Keywords Marami sa kailangan nating impormasyon ang nasa internet na. Kailangan na lamang natin ng kasanayan kung paaanong makukuha ang eksaktong impormasyon na nais natin. Mas mainan kung gagamit tayo ng higit sa isang salita kung magsasaliksik tayo. Mahalaga rin na ang mga salitang salitang gagamitin ay tiyak at kaugnay sa paksang ating sinasaliksik.
  24. 24. Mga Mungkahi Para sa Matalinong Pagsasaliksik 1. Kung ang paksa ay tiyak at naglalaman ng mga pangngalang pantangi at eksaktong parirala, ipaloob ang keywords sa panipi(‘). Halimbawa : “Mga Matagumpay na Pilipinong Negosyante” o “ Ang Huling El Bimbo”. 2. Kung mahalagang maisama ang salita sa pananaliksik, i-type ang plus (+) sign bago ang keyword na nais maisama sa search results. Halimbawa: mga uri ng negosyo+pagkain.
  25. 25. Mga Mungkahi Para sa Matalinong Pagsasaliksik 3. Kung nais magsaliksik ng mga web pagesna hindi naglalaman ng isang partikular na salita, i-type ang gitling(-) bago ang keyword na ayaw mong maging bahagi ng iyong search results. Halimbawa: polusyon- tubig, kung ayaw mong hindi tungkol sa polusyon sa tubig ang mga resultang makuha mo.
  26. 26. Gawain A: Magsaliksik gamit ang web browser at internet. Tulungan natin si Marlon sa kaniyang pananaliksik tungkol sa paksang, “ Mga Katangiang Taglay ng Isang Magaling na Entrepreneur.” Sundan ang mga sumusunod na pamamaraan. 1. Buksan ang iyong web browser( maaaring gamitin ang internet Explorer, Mozilla Firefox, o Google Chrome).
  27. 27. 2. I-type ang www.google.com sa address bar ng browser at pindutin ang Enter Key. Ito ang Wesite Address ng Google search engine.
  28. 28. 3. Pag- isipang mabuti ang keywords na gagamitin sa pagsasaliksik ng mga katangiang dapat taglayin ng isang Entrepreneur. I-type ang keywords sa search field.
  29. 29. 4. I-click ang search button. Magbubukas ang pahinang search results
  30. 30. 5. I-click ang search results upang makita ang kabuuan ng webpage. 6. Suriin ang Search Results at tukuyin ang mga resultang pinakamakakatulong kay Marlon sa kaniayang pananaliksik. Maaari mo pang tingnan ang iba pang search results sa pamamagitan ng pag-click ng sumusunod na pahina.
  31. 31. Isang mahalagang kasanayan ang pangangalap ng impormasyon gamit ang web browsers at search engines. Sa tulong ng computer at internet, maaari tayong makapagsaliksik at mangalap ng makabuluhang impormasyon sa mabilis na paraan. Mas magiging epektibo ang pananaliksik kung magaling tayo sa paggamit ng keywords. Sinasala rin dapat ang impormasyong nakukuha.
  32. 32. Tandaan na hindi lahat ng mababasang inpormasyon sa intermet ay totoo o tama. Kailangang maging matalino at mapanuri pa rin tayo sa mga impormasyong nakakalap.
  33. 33. Gawain B. Magsaliksik Tayo! Magsagawa ng matalinong pagsasaliksik tungkol sa sumusunod na paksa. Ibigay ang keywords na ginamit upang makita ang mga ito. Isulat sa table o talahanayan sa ibaba ang keywords na ginamit Paksa Keywords 1. Iba’t-ibang Uri ng Negosyo 2. Ang Kuwento ng tagumpay ng isang Pilipinong Negosyante 3. Paano kumita Gamit ang internet.
  34. 34. Bisitahin ang links sa websites na inilabas ng search engines. Suriin itong mabuti. Nakatutulong ba ang napiling links sa inyong pananaliksik?Ibahagi sa klase ang naging resulta ng pangangalap ng impormasyon.
  35. 35. Subukin Mo: Kilalanin ang sumusunod. Ilagay ang sagot sa kuwaderno. ______1. Uri ng websites na ginagamit sa pagsasaliksik ng impormasyon. Halimbawa nito at Yahoo o Google. ______2. Computer application na ginagamit upang makapunta sa iba’t-ibang website. ______3. Libreng Web Browser na binuo ng Google. ______4. Bahagi ng Search Engines Window kung saan dapat i-type ang keywords sa paghahanap. ______5. Ang bantas na ginagamit upang ipaloob ang mga tiyak na paksa,pangngalang pantangi,at eksaktong parirala sa pagsasaliksik gamit ang search engines.
  36. 36. KAYA MO NA BA? Maglagay ng tsek (/) sa hanay ng thumbs up icon kung OO ang sagot at ng thumbs down icon kung HINDI. 1. Naipaliliwanag ang konsepto ng web browser. 2. Naipapaliwanag ang konsepto ng search engines. 3. Nakapagsasaliksik gamit ang internet. 4. Nakakagamit ng angkop na keywords sa pagsasaliksik.
  37. 37. Trivia…Trivia… Subuking sagutan ang sumusunod na katanungan gamit ang search engines. Isulat ang sagot sa kuwaderno. 1. Sino ang ikawalong presidente ng Republika ng Pilipinas. 2. Ano ang ibig sabihin ng RSVP? 3. Ilan ang kulay ng watawat ng bansang Thailand?
  38. 38. Trivia…Trivia… 4. Saan matatagpuan ang Tarsier? 5. Sino ang kasalukuyang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon sa Pilipinas?
  39. 39. Mga Bansa sa Asya Gamit ang iyong kasanayan sa pananaliksik at sa tulong ng web browser at search engine, punan ang sumusunod na talaan: Bansa Kapital Wika Pera Malaysia South Korea Vietnam
  40. 40. SALAMAT SA PAKIKINIG!!! Guro: Gng. Cathy Princess R. Bunye Paete Elementary School Paete, Laguna

×