O slideshow foi denunciado.
Utilizamos seu perfil e dados de atividades no LinkedIn para personalizar e exibir anúncios mais relevantes. Altere suas preferências de anúncios quando desejar.

Antas ng Wika ppt

Isang aralin sa antas o varayiti ng wika sa Pilipinas.

  • Entre para ver os comentários

Antas ng Wika ppt

  1. 1. Antas ng Salita
  2. 2. Apat na pamantayan ng wika ayon sa sosyo-edukasyonal na pangkat na ginagamitan ng wika:  Balbal (slang) ang pinakamababa. Kasama rito ang barbarismo at kusupsyon sa tunog at kahulugan. Mga salitang nalikha at ginagamit sa mga lansangan.  Halimbawa:  Ihaw, bebot, praning, yosi
  3. 3. Apat na pamantayan ng wika ayon sa sosyo-edukasyonal na pangkat na ginagamitan ng wika:  Lalawiganin – Ang mataas –taas ngunit ukol sa isang pook lamang at sa katunayan ay isang diyalekto sa loob ng isang wika.  Halimbawa: ibad – negra uyab - kasintahan gamay- maliit
  4. 4. Apat na pamantayan ng wika ayon sa sosyo-edukasyonal na pangkat na ginagamitan ng wika:  Kolokyalismo – ang anyo ng wika na ginagamit sa mga impormal na usapan. Kasama sa ganitong anyo ng wika ang lokal na idyoma, balbal, o pinaikling pahayag na ginagamit sa isang partikular na pangkat ng tao.  Halimbawa:  Tomguts na ako…  Todits mo ipatong…  Anong chickabells…
  5. 5. Apat na pamantayan ng wika ayon sa sosyo-edukasyonal na pangkat na ginagamitan ng wika:  Ang Pamantayang Pangwika – Ito ang pahayag na pinakamahusay at pinakamatayog na pamantayan sa paggamit ng wika ng isang bansa. Naririto ang katangiang pambansa at karangalang pambansa, gaya rin ng pambansang pilosopiya at sikolohiya sa tuktok ng kagalingan.
  6. 6. Varayti ng Wika  Idyolek – ang indibidwal na paggamit ng isang tao sa kanyang wika. Partikular ito sa kanyang sarili. Halimbawa: May taong gumagamit nng siya sa halip na ito; may laging nagsisimula sa bale o actually; may iba namang mura ang itinutumbas sa tuldok.
  7. 7. Varayti ng Wika  Dayalek (hinango sa salitang katutubo) – ang wikang pekulyar o katangi-tangi sa isang lugar o rehiyon, kasama ang punto, bokabularyo, o pagkakabuo ng mga salita.  Halimbawa, isang wika ang Tagalog, pero iba’t iba dayalek ito. Mariyan ang Tagalog-Cavite, Tagalog-Batangas, Tagalog-Manila, Tagalog- Quezon, Tagalog-Bulakan at iba pa.
  8. 8. Varayti ng Wika  Hinango sa Wikang Banyaga – mga salitang pinaghanguan mula sa wikang banyaga  Halimbawa, tisoy tisay: (Espanyol: meztizo, meztiza)  Kosa (Russian Maffia: Cosa Nostra)  Sikyo (Ingles: security guard)
  9. 9. Varayti ng Wika  Sosyolek – ang makauri o makapangkat na paggamit ng wika. Bawat tao ay may uri, grupo o antas na kinabibilangan. Ang pagpapangkat ay maaaring ibatay sa pagkakapareho ng trabaho, antas ng edukasyon, uri ng pamumuhay, grupong kinaaaniban o kahit ang laki o baba ng sweldo. Halimbawa, madalas na may taong halong Ingles yaong mga nakatuntong sa kolehiyo. Kakaiba at masasabing napakamalikhain naman ang lengguwahe ng mga bading. Iba ang bolabukaryo ng mga istambay sa kanto kaysa sa doktor.
  10. 10. Kategorisasyon ng mga salitang ginagamit ng kabataan (Pebrero 23, 1995)  Binaliktad – Ang kategorisasyong ito ay may layong bumuo ng sariling bokabularyo.  Halimbawa: gat-bi – bigat astig – tigas todits – dito erap - pare
  11. 11. Kategorisasyon ng mga salitang ginagamit ng kabataan (Pebrero 23, 1995)  Nilikha – ang kategorisasyon ay walang tiyak na pinagmulan. Karaniwan itong maririnig kung kani-kanino at kung saan- saan.  Halimbawa paeklat – maarte hanep – paghanga espi – esposo o asawang lalaki
  12. 12. Kategorisasyon ng mga salitang ginagamit ng kabataan (Pebrero 23, 1995)  Pinaghalo-halo – ang kategorisasyong ito ay pinagsama-samang salita at /o pantig ng salitang Ingles at Filipino.  Halimbawa: In-nai-in - naaayon kilig to the bones – paghanga
  13. 13. Kategorisasyon ng mga salitang ginagamit ng kabataan (Pebrero 23, 1995)  Iningles – ang kategorisasyong ito ng mga salita ay puro Ingles ngunit naiiba ang kahulugan.  Halimbawa: Jinx – malas Weird – pambihira Yes, yes, yo – pagsang-ayon
  14. 14. Kategorisasyon ng mga salitang ginagamit ng kabataan (Pebrero 23, 1995)  Dinaglat – ang kategorisasyong ito ay binubuo ng mga letra ng mga salita o pariralang pinaikli.  Halimbawa: SMB – Style Mo Bulok MU – Mutual Understanding ITALY – I Trust and Love You
  15. 15. Kategorisasyon ng mga salitang ginagamit ng kabataan (Pebrero 23, 1995)  Pagsasalarawan o Pagsasakatangian – pagtukoy sa isang bagay na inuugnay batay sa paglalarawan o katangian nito.  Halimbawa: yoyo- (relo dahil hugs yoyo) lagay – (tong ay inilalagay o isinisingit para hindi halata ang pagbibigay) basag durog (dahil nawawala sa sariling isip kapag nakadroga)

×