O slideshow foi denunciado.
Seu SlideShare está sendo baixado. ×

Aralin 2 katangian at layunin ng akademikong pagsulat

Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Próximos SlideShares
Akademikong Pagsulat
Akademikong Pagsulat
Carregando em…3
×

Confira estes a seguir

1 de 23 Anúncio

Mais Conteúdo rRelacionado

Diapositivos para si (20)

Semelhante a Aralin 2 katangian at layunin ng akademikong pagsulat (20)

Anúncio

Mais recentes (20)

Aralin 2 katangian at layunin ng akademikong pagsulat

  1. 1. Katangian at Layunin ng Akademikong Pagsulat Here starts the lesson!
  2. 2. Ano ano ang katangiang dapat mong taglayayin upang magkaroon ng kasanayan sa akademikong pagsulat?
  3. 3. Katangian ng Akademikong Pagsulat 1. Kompleks 2. Pormal 3. Tumpak 4. Obhetibo 5. Eksplisit 6. Wasto 7. Responsible 8. Malinaw na Layunin 9. Malinaw na Pananaw 10. May Pokus 11. Lohikal na Organisasyon 12. Matibay na Suporta 13. Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon 14. Epektibong Pananaliksik 15. Iskolarli na Estilo at Pagsulat
  4. 4. Kompleks Ang pasulat na wika ay mas kompleks kaysa pasalitang wika. Ang pasulat na wika ay ma higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksyon at bokabularyo. Maidaragdag pa rito ang kompleksidad ng gramatika na higit na kapansin- pansin sa anomang pasulat na gawin.
  5. 5. Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ng pagsulat. Hindi angkop dito ang mga kolokyal at balbal na salita at ekspresyon. Pormal
  6. 6. Tumpak Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang tumpak o walang labis at walang kulang.
  7. 7. Ang akademikong pagsulat sa pangkalahatan ay obhetibo, sa halip na personal. Ang pokus kasi nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na ang manunulat mismo o ang kaniyang mambabasa. Obhetibo
  8. 8. Eksplisit Responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa. Ang ugnayang ito ay nagagawang eksplisit sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang signaling words sa teksto.
  9. 9. Ang akademikong pagsulat ay gumagamit ng mga wastong bokabularyo o mga salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat. Wasto
  10. 10. Responsable Ang manunulat ay kailangang maging responsible lalong-lalo na sa paglalahad ng mga ebidensya, patunay, o anomang nagpapatibay sa kaniyang argumento. Kailangan din niyang maging responsable sa pagkilala sa anomang pinagkunan ng impormasyong kaniyang ginamit.
  11. 11. Ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa. Ang mga tanong na ito ang nagbibigay ng layunin. Malinaw na Layunin
  12. 12. Malinaw na Pananaw Hindi lamang listahan ng mga katotohanan o facts at paglalagom ng mga hanguan o sources ang akademikong pagsusulat. Samantalang ang manunulat ay naglalahad ng mga ideya at saliksik ng iba, ang layunin nito ay maipakita ang kaniyang sariling pag-iisip hinggil sa paksa ng kanyang papel. Ito ang tinatawag na sariling punto de bista ng manunulat.
  13. 13. Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumuporta sa tesis na pahayag. Kailangang iwasan ang mga hindi kinakailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at taliwas na impormasyon. May Pokus
  14. 14. Lohikal na Organisasyon May sinusunod na istandard na organisasyon na hulwaran ang akademikong pagsulat. Ang karamihan ng akademikong papel ay may introduksyon, katawan at kongklusyon. Bawat talata ay lohikal na nauugnay sa kasunod na talata.
  15. 15. Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag. Ang suportang ito ay maaaring kapalooban ng facts, figures, halimbawa, deskripsyon, karanasan, opinion ng mga eksperto, atbp. Matibay na Suporta
  16. 16. Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon Kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa ganap na pag-unawa ng paksa ng papel at magiging possible lamang ito kung magiging malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.
  17. 17. Kailangang gumamit ng napapanahon, propesyonal at akademikong hanguan ng mga impornasyon.mahalaga din na maipamalas ang intelektwal na katapatan sa pamamagitan ng dokumentasyon ng lahat ng hinangong impormasyon o datos. Epektibong Pananaliksik
  18. 18. Iskolarli na Estilo sa Pagsulat Iskolarli ang estilo sa pagsulat ng akademikong papel dahil sinisikap dito ang kalinawan at kaiiklian ng isinulat. Dapat madaling basahin kung kaya’t napaka mahalagang maiwasan ang mga pagkakamali sa grammar, ispeling, pagbabantas, at bokabularyo.
  19. 19. Layunin ng Akademikong Pagsulat
  20. 20. 1. Mapanghikayat na Layunin 2. Mapanuring Layunin 3. Impormatibong Layunin
  21. 21. Mapanghikayat na Layunin Layunin ng manunulat na mahikayat ang kaniyang mambabasa na maniwala sa kaniyang posisyon hinggil sa isang paksa.
  22. 22. Tinatawag din itong analitikal na pagsulat. Ang layunin dito ay ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan. Mapanuring Layunin
  23. 23. Impormatibong Layunin Ipinapaliwanag ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa isang paksa.

×