O slideshow foi denunciado.
Utilizamos seu perfil e dados de atividades no LinkedIn para personalizar e exibir anúncios mais relevantes. Altere suas preferências de anúncios quando desejar.

lesson plan pang-uring panlarawan

  • Entre para ver os comentários

lesson plan pang-uring panlarawan

  1. 1. I. LAYUNIN Makabiigay ng iilang paglalarawan sa mga kagamitang ipapakita.  Nakatutukoy ng mga ginamit na mga pang-uring palarawan at ang inilalarawan at ang inilalarawan sa pangungusap.  Nakapupuno ng pang-uring panlarawang bubuo sa diwa ng pangungusap. 
  2. 2. II. Paksa: Pang-uring Panlarawan Kagamitan : Visual aids, mga larawan Sanggunian: Bagong likha, wika at pagbasa 7, pp.327-330, Ester V. Raflores III. Pamamaraan: A. Pagsasanay: panalangin B. Nalik-aral: tatawag ng iilang mag-aaral at itatanong ang sumusunod:  Ano ang pandiwa?  Magbigay ng halimbawa ng pandiwa  Gamitin sa pangungusap ang mga halimbawang ibinigay.
  3. 3. C. Bagong Aralin: I. Magbibigay ang guro ng isang larawan na ipapatukoy ang mga katangian nito. Hal.: tsokolate - ito’y matamis - hugis parihaba - kulay kombertidor o brown    II. Paglalahad: Pagkatapos ng paunang gawain ilalahad ng guro ang leksyon tungkol sa pang-uring panlarawan: Tatawag ng iilang mag-aaral na magbibigay kahulugan o ideya sa naturang aralin. Tatalakayin ang mga sagot ng mga natawag na mag-aaral. Ipapagamit ang mga pang-uring naibigay sa pangungusap at susuriin isa-isa ang mga ito.
  4. 4. III. Paglalapat: Pangkatang gawain: - papangkatin ng guro ng tigtatatlo ang klase. - Bawat pangkat ay mamimili ng isang tagapagsulat at tagapag-ulat. - Gamit ang manila paper, gagawa ang bawat pangkat ng tigtatlong pangungusap. Salungguhitan ang bawat panguring panglarawan at bilugan ang inilalarawan nitong pangngalan o panghalip sa loob ng 5 minuto. Hal.: Ang pulang bag ay sira na - Pagkatapos ng itinakdang oras, iuulat ng tagapag-ulat - Susuriin ng guro ang bawat ginawa ng bawat pangkat.
  5. 5. IV. Pagtataya: Punan ng pang-uring panlarawang bubuo sa diwa ng pagungusap. 1. 2. 3. 4. 5. Ang ________ na manga ay paborito ko. Si Ana _____ kaya’t siya ay naging SK Chairman. Ang babae ay nakasuot ng ____ saya. Ang bulaklak ay _____. Ang orange ay hugis ______. V. Takdang Aralin: Gumawa ng % pangungusap gamit ang pang-uring panlarawan na ang paksa ay ang aming pamilya.

×