Kahulugan ng Wika
Henry Gleason- Ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.
Bernales et al. (2002)- Ang kahulugan ng wika bilang proseso ng pagpapadala
at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring
berbal o di berbal.
Kahulugan ng Wika
• Mangahis et al. (2005)- Binanggit na ang wika ay may mahalagang papel na
ginagampanan sa pakikipagtalastasan.
• Pamela C Constantino at Galileo S. Zafra- ang wika ay isang kalipunan
ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para
magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.
• Bienvenido Lumbera (Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura)-
Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat pangangailangan natin.
Kahulugan ng Wika
Alfonso Santiago (2003)- Ito ay sumasalamin sa mga mithiin, lunggati,
pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan,
moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa lipunan.
UP Diksyunaryo Filipino (2001)- Lawas ng mga salita at sistema ng paggamit
sa mga ito na laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong
pangkultura at pook na tinatahanan.
Katangian ng Wika
2. Ang wika ay sinasalitang tunog.
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos.
4. Ang wika ay arbitraryo.
5. Ang wika ay ginagamit.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura.
7. Ang wika ay nagbabago.
Kahalagahan ng Wika
• Instrumento sa komunikasyon
• Mahalaga sa pagpapanatili, pagpapayabong, at paglalaganap ng kultura ng
bawat grupo ng tao.
• Mahalaga ang wika bilang lingua franca ng iba’t ibang pangkat na may
kaniya-kaniyang wikang ginagamit.
Mga konspetong pangwika
• Lingua Franca
• Wika at Kultura
• Heterogenous
• Homogenous
• Wika at Diyalekto
• Bernakular/ Wikang Panrehiyon/ Wikang Katutubo
Mga konspetong pangwika
• Bilingguwalismo
• Multilingguwalismo (MTB-MLE)
• Unang Wika
• Pangalawang Wika
Batas
• Unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksyon 6 (Konstitusyon 1987)- Ang
wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba
pang mga wika.
• Ikalawang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 (Konstitusyon 1987)-
Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya
ng kongreso, dapat magsagawa ng hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod
at puspusang itaguyod ang pagggamit ng wikang Filipino bilang opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
• Artikulo IV, Seksyon 7- ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at
hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
*Gagamitin ang Ingles bilang isa pang opisyal na wika ng Pilipinas sa pakikipag-
usap sa mga banyagang nasa Pilipinas at pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang
bansa sa daigdig.