SlideShare a Scribd company logo
1 of 27
MGA LAYUNIN
• Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita
ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at
pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na
pampolitikal)
• Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan
at pampolitikal na papel nito.
• Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal
na pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan
at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan.
• Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampolitikal na
papel ng pamilya.
Pagpukaw
Noong bagyong Ondoy, bumaha sa aming lugar at umabot sa aming bahay. Hanggang
baywang na ang tubig sa loob ng bahay at patuloy ang pagtaas ng tubig. Ang malakas at
mabilis na agos ng tubig ang nagtulak sa aming magpasiyang lumipat ng bahay. Kasabay
nito ay may lumapit na isang kakilala at inalok ang bahay nila upang aming tuluyan. Sa loob
ng tatlong araw, kinupkop nila ang aming pamilya. Nang maganap ang malakas na ulan
bunga ng Habagat, naulit ang pangyayaring ito sa aming bahay. Ngunit sa pagkakataong
ito, hindi pa man kami nagpapasiyang umalis ng aming bahay, may dumating na isang
kapitbahay at sinusundo kami upang patirahin sa kanilang tahanan. Sa loob ng apat na
araw kami ay kinupkop ng isa na namang pamilya. Laking pasasalamat naming sa mga
pamilyang tumulong sa amin.
Pagpukaw
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang nais ipahiwatig ng tekstong binasa?
2. Anu-ano ang bahaging ginampanan ng pamilya
sa kanyang kapwa?
3. Bakit mahalaga ang pagtulong sa kapwa bilang
isang papel na panlipunan? Ipaliwanag
Pag-alam
Ang pamilyang iginagalang ang karapatan at ginagawa ang mga
tungkulin ay pamilyang may integridad. Ang integridad ay ang
paninindigan sa pagiging tapat sa salita at gawa, may nakakakita
man o wala. Kung ano ang kaniyang pangaral, iyon ay kaniyang
isinasabuhay. “We walk our talk”. Lalo na ang mga magulang, mas
epektibo para sa mga anak na hindi lang basta pangaral ng pangaral,
dapat makikita ito sa araw araw na gawa at kilos. “Ang maling gawa ay
nagiging tama sa mata ng bata kapag ginagawa ng mas
nakatatanda.” Kaya dapat maging mabuting halimbawa ang magulang
sa mga bata. Ngunit batid ng lahat na hindi ito madali. Kaya ang
integridad din ay katapangan na gawin ang tama anuman ang ibunga
nito at kahit mahirap pa ito.
• Mahalaga din na matutunan ng bawat kasapi
ng pamilya na mahalaga ang pagkakabuklod-
buklod at maliwanagan na ang labis na
pagiging makapamilya ay katumbas pa rin ng
pagiging pagka-makasarili.
• Negatibong Sanhi: Ang labis na pagkiling sa
pamilya ay maaaring mangahulugan ng
paggamit ng posisyon at kapangyarihan para
sa kapakanan ng pamilya. Nagiging sanhi rin
ito ng political dynasties o ang pagpapanatili
ng mga posisyon sa gobyerno at ng
kapangyarihan sa pamumuno ng iisang
pamilya lamang.
Sa pamilya kasi nag-uumpisa ang
pagkakaroon ng malasakit,
paggalang at pagtupad ng tungkulin.
Dito rin umuusbong ang pagiging
bukas-palad ng mga bata. Kung
nahubog ang pamilya sa ganitong
paraan, kahit siya dalhin ay
magagampanan niya ito. Tiyak,
gagampanan din niya ang kaniyang
tungkuling pampamayanan at
pampolitikal.
Isa sa pangunahing ambag ng
pamilya sa lipunan ay ang
magagandang karanasan sa
pakikibahagi at pagbibigayan na
dapat na ibahagi ng buhay pamilya.
Maraming tungkulin ang pamilya na
dapat ay mahubog upang maging
mapanagutang mamamayan ayon
kay Esteban (1989).
Sa loob ng pamilya dapat matutuhan ng tao ang
magsakripisyo para sa kapuwa, sa kapatid, at
hanggang sa ibang tao. Ang paggabay, pagtuturo, o
pagiging mabubuting halimbawa ng ating mga
magulang o nakatatanda ay may malaking epekto sa
atin. Sa pamamagitan ng kanilang wastong
paggabay habang tayo ay lumalaki, nagkakaroon
tayo ng unti-unting kamulatan sa kung paano tayo
dapat makitungo sa ating kapwa. Sila ang ating
ehemplo, kaya’t malaki rin ang responsibilidad ng
ating mga magulang na tupdin ang nakaatang na
responsibilidad sa kanila na maging mabuting
halimbawa sa kanilang mga anak. Mahalagang
maramdaman ng kasapi ng pamilya na hindi dapat
nakalimita ang pagtulong sa kapatid lamang o
kamag-anak, kundi sa lahat ng kapuwa.
Sa Pilipinas kung saan malimit ang kalamidad ay
ramdam na ramdam ang bayanihan. Kahit sa
simpleng pagbibigay ng donasyon ng mga batang
mag-aaral ay nararamdaman at buhay na buhay
ang bayanihan. Katulad ng pagbabahagi ng
malinis na tubig na maiinom sa mga nasalanta,
at ang pagdadamayan sa oras ng kalungkutan. Sa
panahon naman ng kasiyahan, kapag ang
kapitbahay ay may okasyon, hindi nakalilimutan
ang mga kapitbahay. Sila ang unang iniimbita at
may nakabukod pang pangkain pag-uwi sa
pamilya. Masasaksihan na ang diwa ng
pagmamalasakit at pagmamahalan sa loob at
labas ng pamilya ay buhay.
Ang pagsali at pakikiisa sa mga clean-up drive ay
pagganap din ng tungkulin sa lipunan. Ang kaayusan at
kalinisan ng paligid ay tungkulin na sa pamamahay pa
lamang ay dapat na matutuhan na.
“Kung hindi natin aalagaan ang kalikasan, Ang
kalikasan ang pupuksa sa atin.”
Mahalaga ang pagtuturo at pagsasabuhay ng simpleng
uri ng pamumuhay sa loob ng pamilya. Ayon nga kay
Esteban (1989), ang pinakamalaking hadlang sa
paglago ng tao at ng sangkatauhan ay ang labis na
kahirapan ng isang bahagi ng lipunan at ang
nakakaeskandalong karangyaan sa kabilang bahagi
nito.
(1) Sikaping maging pantay ang turing sa lahat
ng tao anuman ang kalagayan sa buhay,
(2) Ang pangangalaga sa kalikasan bilang likas
na tagapamahala ng lahat ng nilikha ng
Diyos. Dapat na isulong ng pamilya ang
mga proyektong nangangalaga sa kalikasan
tulad ng Clean and Green Program na
nagtataguyod ng mga proyektong tulad ng
pagtatanim ng mga puno, paghihiwalay ng
mga nabubulok at di nabubulok na basura,
ang 3Rs (reduce, re-use, recycle), paglilinis
ng mga kanal at daluyan ng tubig at
marami pang iba.
Ang pamilya ay parang isang maliit
na pamahalaan. May lider na
nangunguna at laging may
pagpupulong at “bonding” na
nagaganap. Meron ding mga
pinagkakasunduan at
responsibilidad na dapat gampanan.
Ang bawat isa ay dapat sumunod,
kung hindi ay kailangang harapin
ang mga kahihinatnan na
napagkasunduan ng pamilya.
Sa pamilya pa lamang dapat na nahubog na ang kaalaman ng mga mag-
aaral sa kanilang karapatan at partisipasyon sa mga batas upang
malaman, maintindihan, mabantayan, at magampanan nila ito. Kung
may mga karapatan, lagi ding ipaalala dapat sa kanila na meron din
silang mga tungkulin na dapat gampanan. Tulad din sa ating mga
sariling pamilya na kung saan may mga sinusunod tayong patakaran o
napagkakasunduang magiging gampanin, sa ating lipunan ay gayundin.
Bilang bahagi ng lipunang ito, mahalagang mulat at may kaalaman tayo
kung ano o paano tayo makatutulong sa ikauunlad nito. Ang mga batas
sa ating lipunan ay sadyang ginawa upang maging ating batayan sa
pagkilos at pakikitungo sa bawat isa. Hindi ito ginawa upang sikilin an
gating tinatamasang mga karapatan, bagkus, pinagtibay nito ang
kahalagahan ng ating mga karapatan. Kaya’t mahalaga na unti-unti ay
tuklasin natin kung paano tayo makatutulong sa ating lipunan at
gayundin ang ilang batas na maaaring maging gabay natin sa araw-araw
na pamumuhay.
• Mapangalagaan ang mga kabataan sa pamamagitan ng mga
institusyon at batas.
• Isakatuparan ang pananagutan sa buhay at pagtuturo sa anak
• Magtatag ng pamilya at magkaroon ng sapat na panustos para sa
pangangailangan nito.
• Palakihin ang mga anak ayon sa tradisyon, pananampalataya,
pagpapahalaga at kultura.
• Makapagpapahayag ng damdamin
• Magkaroon ng pisikal, panlipunan at pang-ekonomikal na seguridad.
• Magkaroon ng pribadong buhay-pamilya.
• Magkaroon ang mga matatanda ng karapat-dapat na pamumuhay at
kamatayan
• Bumuo ng asosasyon upang magampanan ang tungkulin sa pamilya.
• Pagkakaroon ng katatagan ng bigkis at ng institusyon ng kasal.
• Pananampalataya at pagpapalaganap nito.
• Tahanang angkop sa maayos na buhay-pamilya.
• Mandayuhan para sa mas mabuting pamumuhay
•Ano ang pangunahing ambag ng pamilyang Pilipinos
sa lipunan?
•Bakit mahalagang malaman natin an gating mga
karapatan?
•Bilang isang mag-aaral, paano mo gagampanan ang
iyong pampolitikal na papel?
“Ina ng Laging Saklolo”
Maliit lamang ang bahay namin, yari sa kahoy, at napalilibutan ng
punong-kahoy. Nakatayo ito sa paanan ng bundok, pagkatawid lang
ng ilog. Daanan ito ng mga magsasakang galing sa kabilang bundok,
dala ang kanilang mga gulay tuwing araw ng Linggo para itinda sa
palengke. Kapag maagang naubos ang paninda nila, maaga silang
nakaaakyat pauwi, pero kung hindi, inaabot sila ng dilim sa daan.
Pagkaganito, naghahanap na sila ng bangketa o kaya ay terminal na
masisilungan. Minsan, ginabi sila dahil matagal naubos ang kanilang
paninda, noong una nakiusap sila kay Mama na makikitulog sila sa
labas ng bahay, ngunit hindi pumayag si Mama. Walang dalawang-
isip na pinatuloy sila ni Mama sa masikip naming bahay.
Sa isip ko noon, “Si Mama talaga, hindi naman niya kakilala
pinatulog pa.” Kinabukasan, madaling araw pa lamang ay
nagpaalam na sila kay Mama. Araw ng Linggo, dakong alas
kuwatro ng madaling araw, nagising ako dahil sa ingay ng
nagwawalis at nagdidilig ng halaman sa labas. Sabi ko pa
nga, “An gaga-aga naman ni Mama bumangon para
magwalis at magdilig ng halaman.” Bumangon ako may mga
basong pinagkapehan sa lamesa. Nagtanong ako, “Ma, bakit
ang daming baso? Sinong bisita mo ng ganitong kaaga?”
“Sila G. at Gng.Calalang iyong natulog dito minsan. Meron
silang mga binigay na gulay.” Umpisa lang pala iyon ng
kanilang pagkakaibigan. Naging silungan nila ang bahay
naming kapag inaabot na sila ng ulan at gabi.
Bakas sa mukha ng Mama ko ang saya kapag nakatutulong
siya sa iba. Kahit na kapos din kami, hindi siya nag-
aatubiling tanggapin at tulungan ang mga taong
nangangailangan. Minsan naman, mga hatinggabi na iyon
may kumatok na lalaki sa bahay namin, humihingi ng
tulong sa Mama ko dahil manganganak na ang asawa niya,
alam kasi nila na sa health center nagtatrabaho si Mama
kaya sila lumapit sa kaniya. Kahit hindi kakilala, bumangon
silang dalawa ni Papa at sinamahan ang mag-asawa. Ang
tanong ko noon, bakit si Mama ang nilalapitan? At bakit
parang hindi siya papagod tumulong? Kahit sino, kahit
hindi niya kilala lagi siyang handing tumulong.
Isang araw nadatnan ko ang mag-asawang Calalang sa
bahay, nagtaka ako dahil hindi naman Linggo. Naririnig
kong nag-uusap sila tungkol sa mga gamut, iyon pala,
sinamahan sila ni Mama sa health center. May sakit pala si
Gng. Calalang. Sabi ni Mama may karapatan silang lumapit
sa health center upang magpatingin at mabigyan ng
libreng gamut. Talaga naman itong si Mama, kaya pala Ina
ng Laging Saklolo ang tawag sa kaniya, walang pinipiling
oras, panahon, at taong tutulungan. Kaya pala ang daming
kaibigan nitong si Mama, kapag marami siyang problema,
madami ding tumutulong sa kaniya. Marami kaming
tinatawag na Tita na hindi naman naming kadugo pero
mga malapit niyang kaibigan.
Basta lagi niyang paalala sa amin, “Mga anak, ang tao, bago
iyan lumapit at humingi ng tulong sa inyo ay nilalakasan niya
muna ang loob niya, at umaasa siya na matutulungan mo siya.
Huwag na huwag mong palalampasin ang pagkakataon na iyon
na tumulong sa kapuwa. Dahil sa panahon na iyan, nagiging
instrumento ka ng Diyos na iparating ang Kaniyang biyaya sa
kanila. Nagiging tulay ka na maipadama ang pagmamahal ng
Diyos sa mga nangangailangan.” Grabe, naantig naman ako sa
mga sinabi ni Mama ko. Hinding hindi ko makakalimutan iyon,
kaya hanggang ngayon pilit kong ginagaya ang Mama Mila ko.
Tunay ngang hindi totoong dahil mahirap ka, dapat ikaw lagi
ang tinutulungan, o dahil mahirap ka lang, hindi ka na
puwedeng tumulong sa kapuwa mo mahirap. Hindi pala yaman
lang ang kailangan para makatulong sa kapuwa, kundi bukas na
pusong handing tumulong kahit sa sinong nangangailangan nito.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
• Mula sa kuwento, kailangan bang maging mayaman para makatulong sa
kapuwa? Anong klaseng tulong ang binigay ni Mama Mila sa mga taong
lumapit sa kaniya? Ilahad ang mga ito.
• Sa tingin mo ba nagampanan ni Mama Mila ang kanyang papel sa
pamayanan? Sa anong paraan?
• Sa palagay mo ba maiimpluwensyahan niya ang kaniyang pamilya sa
pagtulong na ginawa niya sa kaniyang kapuwa? Ano ang bilin ni Mama Mila
kapag may lumapit at humingi ng tulong? Bakit?
1. Ang pamilyang iginagalang ang karapatan at ginagawaang mga tungkulin
ay pamilyang may ________________________________________.
2. Ang labis na pagiging makapamilya at katumbas na rin ng
____________________________.
3. Ang pamilya ay parang isang maliit na __________________________.
May lider na nangunguna.
4. Kung meron kang karapatan na dapat ingatan, meron ka ring
_____________________ na dapat gampanan.
5. Ang _____________________________ ay pagkakaisa at pagtutulungan
ng mga tao.
“Ang tahanan ay salamin ng kaniyang bansa.
Kung masigla at masaya ang bawat tahanan,
ganoon din ang buong bansa”
NA GAWAIN SA ESP #1.6
CLEAN UP DRIVE O
OUTREACH PROGRAM
• Panuto: Gumawa ng
isang clean-up drive o
outreach program na
maaaring gawin sa
inyong pamayanan.
Itala sa ibaba ang mga
detalye kung paano
maisasagawa ang
plano.
(panuorin ang link sa ibaba para maging gabay sa
paggawa ng proyekto)
•https://www.youtube.com/watch?v=KCgBC3BV_Zc
(how to build a community outreach program)
•https://www.youtube.com/watch?v=Ndoc8LNPHH0
(clean-up drive program)

More Related Content

What's hot

Pagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng iba
Pagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng ibaPagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng iba
Pagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng iba
MartinGeraldine
 
8 Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 4th Quarter-M13.docx
8 Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 4th Quarter-M13.docx8 Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 4th Quarter-M13.docx
8 Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 4th Quarter-M13.docx
RYZEL BABIA
 
ARALIN-3-PAKIKIPAG-KAPWA.pptx
ARALIN-3-PAKIKIPAG-KAPWA.pptxARALIN-3-PAKIKIPAG-KAPWA.pptx
ARALIN-3-PAKIKIPAG-KAPWA.pptx
Julie Abiva
 
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakataoGrade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
LiezlMae
 

What's hot (20)

EsP 8 Modyul 14 (Part 1)
EsP 8 Modyul 14 (Part 1)EsP 8 Modyul 14 (Part 1)
EsP 8 Modyul 14 (Part 1)
 
Modyul 13: Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Modyul 13: Mga Isyu Tungkol sa BuhayModyul 13: Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Modyul 13: Mga Isyu Tungkol sa Buhay
 
Lesson 1 pagpapahalaga at birtud
Lesson 1 pagpapahalaga at birtudLesson 1 pagpapahalaga at birtud
Lesson 1 pagpapahalaga at birtud
 
Pagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng iba
Pagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng ibaPagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng iba
Pagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng iba
 
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (EsP)
 
katarungang panlipunan.pptx
katarungang panlipunan.pptxkatarungang panlipunan.pptx
katarungang panlipunan.pptx
 
Mga pansariling salik sa pagpili ng track o KURSO DAAN SA MAAYOS AT MAUNLAD N...
Mga pansariling salik sa pagpili ng track o KURSO DAAN SA MAAYOS AT MAUNLAD N...Mga pansariling salik sa pagpili ng track o KURSO DAAN SA MAAYOS AT MAUNLAD N...
Mga pansariling salik sa pagpili ng track o KURSO DAAN SA MAAYOS AT MAUNLAD N...
 
Mga hamong pangkapaligiran
Mga hamong pangkapaligiranMga hamong pangkapaligiran
Mga hamong pangkapaligiran
 
Modyul 9
Modyul 9Modyul 9
Modyul 9
 
Pag-unawa sa Seksuwalidad ng Tao.pptx
Pag-unawa sa Seksuwalidad ng Tao.pptxPag-unawa sa Seksuwalidad ng Tao.pptx
Pag-unawa sa Seksuwalidad ng Tao.pptx
 
Modyul 4 EsP
Modyul 4 EsPModyul 4 EsP
Modyul 4 EsP
 
8 Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 4th Quarter-M13.docx
8 Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 4th Quarter-M13.docx8 Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 4th Quarter-M13.docx
8 Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 4th Quarter-M13.docx
 
ARALIN-3-PAKIKIPAG-KAPWA.pptx
ARALIN-3-PAKIKIPAG-KAPWA.pptxARALIN-3-PAKIKIPAG-KAPWA.pptx
ARALIN-3-PAKIKIPAG-KAPWA.pptx
 
Ang pagkukusa ng makataong kilos
Ang pagkukusa ng makataong kilosAng pagkukusa ng makataong kilos
Ang pagkukusa ng makataong kilos
 
AGWAT TEKNOLOHIKAL
AGWAT TEKNOLOHIKALAGWAT TEKNOLOHIKAL
AGWAT TEKNOLOHIKAL
 
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakataoGrade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
 
Karahasan sa Paaralan
Karahasan sa PaaralanKarahasan sa Paaralan
Karahasan sa Paaralan
 
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10.pptxEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10.pptx
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10.pptx
 
EsP 8 Modyul 13
EsP 8 Modyul 13EsP 8 Modyul 13
EsP 8 Modyul 13
 
Katapatan sa salita at gawa
Katapatan sa salita at gawaKatapatan sa salita at gawa
Katapatan sa salita at gawa
 

Similar to Sali ako-kaibigan-buuin-natin-ang-matatag-na-lipunan

angpagmamahalsabayan-230519031618-880447ea.pptx
angpagmamahalsabayan-230519031618-880447ea.pptxangpagmamahalsabayan-230519031618-880447ea.pptx
angpagmamahalsabayan-230519031618-880447ea.pptx
VanessaCabang1
 
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilanEsp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
owshii
 

Similar to Sali ako-kaibigan-buuin-natin-ang-matatag-na-lipunan (20)

AP-2.pptx
AP-2.pptxAP-2.pptx
AP-2.pptx
 
Lesson-2-Pangangasiwa-sa-Tahanan.pptx
Lesson-2-Pangangasiwa-sa-Tahanan.pptxLesson-2-Pangangasiwa-sa-Tahanan.pptx
Lesson-2-Pangangasiwa-sa-Tahanan.pptx
 
Reporting in AP 10 4th quarter.pptx
Reporting in AP 10 4th quarter.pptxReporting in AP 10 4th quarter.pptx
Reporting in AP 10 4th quarter.pptx
 
Edukasyon sa pagkatao mga tula
Edukasyon sa pagkatao mga tulaEdukasyon sa pagkatao mga tula
Edukasyon sa pagkatao mga tula
 
ESP 8_PAMILYA BILANG NATURAL NA INSTITUSYON.pptx
ESP 8_PAMILYA BILANG NATURAL NA INSTITUSYON.pptxESP 8_PAMILYA BILANG NATURAL NA INSTITUSYON.pptx
ESP 8_PAMILYA BILANG NATURAL NA INSTITUSYON.pptx
 
Aralin 4 ESP Grade 8.pptx
Aralin 4 ESP Grade 8.pptxAralin 4 ESP Grade 8.pptx
Aralin 4 ESP Grade 8.pptx
 
pakikipagkapuwa.pptx
pakikipagkapuwa.pptxpakikipagkapuwa.pptx
pakikipagkapuwa.pptx
 
ARALIN SA FILIPINO 6 Q3W7.pptx
ARALIN SA FILIPINO 6 Q3W7.pptxARALIN SA FILIPINO 6 Q3W7.pptx
ARALIN SA FILIPINO 6 Q3W7.pptx
 
Pagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunan
Pagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunanPagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunan
Pagkilala sa pamilya bilang institusyon ng lipunan
 
7.1 Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya.pptx
7.1 Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya.pptx7.1 Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya.pptx
7.1 Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya.pptx
 
Ang pamilya bilang isang natural na institusyon.pptx
Ang pamilya bilang isang natural na institusyon.pptxAng pamilya bilang isang natural na institusyon.pptx
Ang pamilya bilang isang natural na institusyon.pptx
 
Ang Pagmamahal sa Bayan.pptx
Ang Pagmamahal sa Bayan.pptxAng Pagmamahal sa Bayan.pptx
Ang Pagmamahal sa Bayan.pptx
 
angpagmamahalsabayan-230519031618-880447ea.pptx
angpagmamahalsabayan-230519031618-880447ea.pptxangpagmamahalsabayan-230519031618-880447ea.pptx
angpagmamahalsabayan-230519031618-880447ea.pptx
 
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilanEsp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
Esp 8 yunit_1_modyul_1_ang_pamilya_bilan
 
Presentation1
Presentation1Presentation1
Presentation1
 
Aralin 2 ESP Grade 8.pptx
Aralin 2 ESP Grade 8.pptxAralin 2 ESP Grade 8.pptx
Aralin 2 ESP Grade 8.pptx
 
Modyul 11 pamilyang asyano
Modyul 11   pamilyang asyanoModyul 11   pamilyang asyano
Modyul 11 pamilyang asyano
 
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptxARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
 
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdfaralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
 
ANG LIPUNAN
ANG LIPUNANANG LIPUNAN
ANG LIPUNAN
 

More from ReyesErica1

Human resources-management-final
Human resources-management-finalHuman resources-management-final
Human resources-management-final
ReyesErica1
 
The balkan-problem-and-the-ottoman-empire.-coronel-jayson-c.
The balkan-problem-and-the-ottoman-empire.-coronel-jayson-c.The balkan-problem-and-the-ottoman-empire.-coronel-jayson-c.
The balkan-problem-and-the-ottoman-empire.-coronel-jayson-c.
ReyesErica1
 

More from ReyesErica1 (20)

Human resources-management-final
Human resources-management-finalHuman resources-management-final
Human resources-management-final
 
World history-semis-trans
World history-semis-transWorld history-semis-trans
World history-semis-trans
 
The balkan-problem-and-the-ottoman-empire.-coronel-jayson-c.
The balkan-problem-and-the-ottoman-empire.-coronel-jayson-c.The balkan-problem-and-the-ottoman-empire.-coronel-jayson-c.
The balkan-problem-and-the-ottoman-empire.-coronel-jayson-c.
 
Ttl 2-transcript-prelims
Ttl 2-transcript-prelimsTtl 2-transcript-prelims
Ttl 2-transcript-prelims
 
Curriculum
CurriculumCurriculum
Curriculum
 
Hrm job-analysis
Hrm job-analysisHrm job-analysis
Hrm job-analysis
 
Growth of-the-united-states
Growth of-the-united-statesGrowth of-the-united-states
Growth of-the-united-states
 
Internal sources-of-social-change.
Internal sources-of-social-change.Internal sources-of-social-change.
Internal sources-of-social-change.
 
Integrative methods-semi-topics
Integrative methods-semi-topicsIntegrative methods-semi-topics
Integrative methods-semi-topics
 
Hrm chptr-7
Hrm chptr-7Hrm chptr-7
Hrm chptr-7
 
Social networking-semis-trans
Social networking-semis-transSocial networking-semis-trans
Social networking-semis-trans
 
Integrative methods-semis-trans (1)
Integrative methods-semis-trans (1)Integrative methods-semis-trans (1)
Integrative methods-semis-trans (1)
 
Social networking-for-social-integration-prelim-transcript
Social networking-for-social-integration-prelim-transcriptSocial networking-for-social-integration-prelim-transcript
Social networking-for-social-integration-prelim-transcript
 
Worldhistory finals-trans1
Worldhistory finals-trans1Worldhistory finals-trans1
Worldhistory finals-trans1
 
Social networking-finals-trans
Social networking-finals-transSocial networking-finals-trans
Social networking-finals-trans
 
Kabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copy
Kabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copyKabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copy
Kabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copy
 
Alexander the-great
Alexander the-greatAlexander the-great
Alexander the-great
 
Unang takdang-pagsusulit-sa-edukasyon-sa-pagpapakatao-8-converted
Unang takdang-pagsusulit-sa-edukasyon-sa-pagpapakatao-8-convertedUnang takdang-pagsusulit-sa-edukasyon-sa-pagpapakatao-8-converted
Unang takdang-pagsusulit-sa-edukasyon-sa-pagpapakatao-8-converted
 
Exam ap
Exam apExam ap
Exam ap
 
Aralin ii-supply
Aralin ii-supplyAralin ii-supply
Aralin ii-supply
 

Recently uploaded

ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
VALERIEYDIZON
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
HannaLingatong
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
Joren15
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 

Recently uploaded (20)

ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 

Sali ako-kaibigan-buuin-natin-ang-matatag-na-lipunan

  • 1.
  • 2. MGA LAYUNIN • Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na pampolitikal) • Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at pampolitikal na papel nito. • Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan. • Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya.
  • 3. Pagpukaw Noong bagyong Ondoy, bumaha sa aming lugar at umabot sa aming bahay. Hanggang baywang na ang tubig sa loob ng bahay at patuloy ang pagtaas ng tubig. Ang malakas at mabilis na agos ng tubig ang nagtulak sa aming magpasiyang lumipat ng bahay. Kasabay nito ay may lumapit na isang kakilala at inalok ang bahay nila upang aming tuluyan. Sa loob ng tatlong araw, kinupkop nila ang aming pamilya. Nang maganap ang malakas na ulan bunga ng Habagat, naulit ang pangyayaring ito sa aming bahay. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi pa man kami nagpapasiyang umalis ng aming bahay, may dumating na isang kapitbahay at sinusundo kami upang patirahin sa kanilang tahanan. Sa loob ng apat na araw kami ay kinupkop ng isa na namang pamilya. Laking pasasalamat naming sa mga pamilyang tumulong sa amin.
  • 4. Pagpukaw Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang nais ipahiwatig ng tekstong binasa? 2. Anu-ano ang bahaging ginampanan ng pamilya sa kanyang kapwa? 3. Bakit mahalaga ang pagtulong sa kapwa bilang isang papel na panlipunan? Ipaliwanag
  • 5. Pag-alam Ang pamilyang iginagalang ang karapatan at ginagawa ang mga tungkulin ay pamilyang may integridad. Ang integridad ay ang paninindigan sa pagiging tapat sa salita at gawa, may nakakakita man o wala. Kung ano ang kaniyang pangaral, iyon ay kaniyang isinasabuhay. “We walk our talk”. Lalo na ang mga magulang, mas epektibo para sa mga anak na hindi lang basta pangaral ng pangaral, dapat makikita ito sa araw araw na gawa at kilos. “Ang maling gawa ay nagiging tama sa mata ng bata kapag ginagawa ng mas nakatatanda.” Kaya dapat maging mabuting halimbawa ang magulang sa mga bata. Ngunit batid ng lahat na hindi ito madali. Kaya ang integridad din ay katapangan na gawin ang tama anuman ang ibunga nito at kahit mahirap pa ito.
  • 6. • Mahalaga din na matutunan ng bawat kasapi ng pamilya na mahalaga ang pagkakabuklod- buklod at maliwanagan na ang labis na pagiging makapamilya ay katumbas pa rin ng pagiging pagka-makasarili. • Negatibong Sanhi: Ang labis na pagkiling sa pamilya ay maaaring mangahulugan ng paggamit ng posisyon at kapangyarihan para sa kapakanan ng pamilya. Nagiging sanhi rin ito ng political dynasties o ang pagpapanatili ng mga posisyon sa gobyerno at ng kapangyarihan sa pamumuno ng iisang pamilya lamang.
  • 7. Sa pamilya kasi nag-uumpisa ang pagkakaroon ng malasakit, paggalang at pagtupad ng tungkulin. Dito rin umuusbong ang pagiging bukas-palad ng mga bata. Kung nahubog ang pamilya sa ganitong paraan, kahit siya dalhin ay magagampanan niya ito. Tiyak, gagampanan din niya ang kaniyang tungkuling pampamayanan at pampolitikal.
  • 8. Isa sa pangunahing ambag ng pamilya sa lipunan ay ang magagandang karanasan sa pakikibahagi at pagbibigayan na dapat na ibahagi ng buhay pamilya. Maraming tungkulin ang pamilya na dapat ay mahubog upang maging mapanagutang mamamayan ayon kay Esteban (1989).
  • 9. Sa loob ng pamilya dapat matutuhan ng tao ang magsakripisyo para sa kapuwa, sa kapatid, at hanggang sa ibang tao. Ang paggabay, pagtuturo, o pagiging mabubuting halimbawa ng ating mga magulang o nakatatanda ay may malaking epekto sa atin. Sa pamamagitan ng kanilang wastong paggabay habang tayo ay lumalaki, nagkakaroon tayo ng unti-unting kamulatan sa kung paano tayo dapat makitungo sa ating kapwa. Sila ang ating ehemplo, kaya’t malaki rin ang responsibilidad ng ating mga magulang na tupdin ang nakaatang na responsibilidad sa kanila na maging mabuting halimbawa sa kanilang mga anak. Mahalagang maramdaman ng kasapi ng pamilya na hindi dapat nakalimita ang pagtulong sa kapatid lamang o kamag-anak, kundi sa lahat ng kapuwa.
  • 10. Sa Pilipinas kung saan malimit ang kalamidad ay ramdam na ramdam ang bayanihan. Kahit sa simpleng pagbibigay ng donasyon ng mga batang mag-aaral ay nararamdaman at buhay na buhay ang bayanihan. Katulad ng pagbabahagi ng malinis na tubig na maiinom sa mga nasalanta, at ang pagdadamayan sa oras ng kalungkutan. Sa panahon naman ng kasiyahan, kapag ang kapitbahay ay may okasyon, hindi nakalilimutan ang mga kapitbahay. Sila ang unang iniimbita at may nakabukod pang pangkain pag-uwi sa pamilya. Masasaksihan na ang diwa ng pagmamalasakit at pagmamahalan sa loob at labas ng pamilya ay buhay.
  • 11. Ang pagsali at pakikiisa sa mga clean-up drive ay pagganap din ng tungkulin sa lipunan. Ang kaayusan at kalinisan ng paligid ay tungkulin na sa pamamahay pa lamang ay dapat na matutuhan na. “Kung hindi natin aalagaan ang kalikasan, Ang kalikasan ang pupuksa sa atin.” Mahalaga ang pagtuturo at pagsasabuhay ng simpleng uri ng pamumuhay sa loob ng pamilya. Ayon nga kay Esteban (1989), ang pinakamalaking hadlang sa paglago ng tao at ng sangkatauhan ay ang labis na kahirapan ng isang bahagi ng lipunan at ang nakakaeskandalong karangyaan sa kabilang bahagi nito.
  • 12. (1) Sikaping maging pantay ang turing sa lahat ng tao anuman ang kalagayan sa buhay, (2) Ang pangangalaga sa kalikasan bilang likas na tagapamahala ng lahat ng nilikha ng Diyos. Dapat na isulong ng pamilya ang mga proyektong nangangalaga sa kalikasan tulad ng Clean and Green Program na nagtataguyod ng mga proyektong tulad ng pagtatanim ng mga puno, paghihiwalay ng mga nabubulok at di nabubulok na basura, ang 3Rs (reduce, re-use, recycle), paglilinis ng mga kanal at daluyan ng tubig at marami pang iba.
  • 13. Ang pamilya ay parang isang maliit na pamahalaan. May lider na nangunguna at laging may pagpupulong at “bonding” na nagaganap. Meron ding mga pinagkakasunduan at responsibilidad na dapat gampanan. Ang bawat isa ay dapat sumunod, kung hindi ay kailangang harapin ang mga kahihinatnan na napagkasunduan ng pamilya.
  • 14. Sa pamilya pa lamang dapat na nahubog na ang kaalaman ng mga mag- aaral sa kanilang karapatan at partisipasyon sa mga batas upang malaman, maintindihan, mabantayan, at magampanan nila ito. Kung may mga karapatan, lagi ding ipaalala dapat sa kanila na meron din silang mga tungkulin na dapat gampanan. Tulad din sa ating mga sariling pamilya na kung saan may mga sinusunod tayong patakaran o napagkakasunduang magiging gampanin, sa ating lipunan ay gayundin. Bilang bahagi ng lipunang ito, mahalagang mulat at may kaalaman tayo kung ano o paano tayo makatutulong sa ikauunlad nito. Ang mga batas sa ating lipunan ay sadyang ginawa upang maging ating batayan sa pagkilos at pakikitungo sa bawat isa. Hindi ito ginawa upang sikilin an gating tinatamasang mga karapatan, bagkus, pinagtibay nito ang kahalagahan ng ating mga karapatan. Kaya’t mahalaga na unti-unti ay tuklasin natin kung paano tayo makatutulong sa ating lipunan at gayundin ang ilang batas na maaaring maging gabay natin sa araw-araw na pamumuhay.
  • 15. • Mapangalagaan ang mga kabataan sa pamamagitan ng mga institusyon at batas. • Isakatuparan ang pananagutan sa buhay at pagtuturo sa anak • Magtatag ng pamilya at magkaroon ng sapat na panustos para sa pangangailangan nito. • Palakihin ang mga anak ayon sa tradisyon, pananampalataya, pagpapahalaga at kultura. • Makapagpapahayag ng damdamin • Magkaroon ng pisikal, panlipunan at pang-ekonomikal na seguridad.
  • 16. • Magkaroon ng pribadong buhay-pamilya. • Magkaroon ang mga matatanda ng karapat-dapat na pamumuhay at kamatayan • Bumuo ng asosasyon upang magampanan ang tungkulin sa pamilya. • Pagkakaroon ng katatagan ng bigkis at ng institusyon ng kasal. • Pananampalataya at pagpapalaganap nito. • Tahanang angkop sa maayos na buhay-pamilya. • Mandayuhan para sa mas mabuting pamumuhay
  • 17. •Ano ang pangunahing ambag ng pamilyang Pilipinos sa lipunan? •Bakit mahalagang malaman natin an gating mga karapatan? •Bilang isang mag-aaral, paano mo gagampanan ang iyong pampolitikal na papel?
  • 18. “Ina ng Laging Saklolo” Maliit lamang ang bahay namin, yari sa kahoy, at napalilibutan ng punong-kahoy. Nakatayo ito sa paanan ng bundok, pagkatawid lang ng ilog. Daanan ito ng mga magsasakang galing sa kabilang bundok, dala ang kanilang mga gulay tuwing araw ng Linggo para itinda sa palengke. Kapag maagang naubos ang paninda nila, maaga silang nakaaakyat pauwi, pero kung hindi, inaabot sila ng dilim sa daan. Pagkaganito, naghahanap na sila ng bangketa o kaya ay terminal na masisilungan. Minsan, ginabi sila dahil matagal naubos ang kanilang paninda, noong una nakiusap sila kay Mama na makikitulog sila sa labas ng bahay, ngunit hindi pumayag si Mama. Walang dalawang- isip na pinatuloy sila ni Mama sa masikip naming bahay.
  • 19. Sa isip ko noon, “Si Mama talaga, hindi naman niya kakilala pinatulog pa.” Kinabukasan, madaling araw pa lamang ay nagpaalam na sila kay Mama. Araw ng Linggo, dakong alas kuwatro ng madaling araw, nagising ako dahil sa ingay ng nagwawalis at nagdidilig ng halaman sa labas. Sabi ko pa nga, “An gaga-aga naman ni Mama bumangon para magwalis at magdilig ng halaman.” Bumangon ako may mga basong pinagkapehan sa lamesa. Nagtanong ako, “Ma, bakit ang daming baso? Sinong bisita mo ng ganitong kaaga?” “Sila G. at Gng.Calalang iyong natulog dito minsan. Meron silang mga binigay na gulay.” Umpisa lang pala iyon ng kanilang pagkakaibigan. Naging silungan nila ang bahay naming kapag inaabot na sila ng ulan at gabi.
  • 20. Bakas sa mukha ng Mama ko ang saya kapag nakatutulong siya sa iba. Kahit na kapos din kami, hindi siya nag- aatubiling tanggapin at tulungan ang mga taong nangangailangan. Minsan naman, mga hatinggabi na iyon may kumatok na lalaki sa bahay namin, humihingi ng tulong sa Mama ko dahil manganganak na ang asawa niya, alam kasi nila na sa health center nagtatrabaho si Mama kaya sila lumapit sa kaniya. Kahit hindi kakilala, bumangon silang dalawa ni Papa at sinamahan ang mag-asawa. Ang tanong ko noon, bakit si Mama ang nilalapitan? At bakit parang hindi siya papagod tumulong? Kahit sino, kahit hindi niya kilala lagi siyang handing tumulong.
  • 21. Isang araw nadatnan ko ang mag-asawang Calalang sa bahay, nagtaka ako dahil hindi naman Linggo. Naririnig kong nag-uusap sila tungkol sa mga gamut, iyon pala, sinamahan sila ni Mama sa health center. May sakit pala si Gng. Calalang. Sabi ni Mama may karapatan silang lumapit sa health center upang magpatingin at mabigyan ng libreng gamut. Talaga naman itong si Mama, kaya pala Ina ng Laging Saklolo ang tawag sa kaniya, walang pinipiling oras, panahon, at taong tutulungan. Kaya pala ang daming kaibigan nitong si Mama, kapag marami siyang problema, madami ding tumutulong sa kaniya. Marami kaming tinatawag na Tita na hindi naman naming kadugo pero mga malapit niyang kaibigan.
  • 22. Basta lagi niyang paalala sa amin, “Mga anak, ang tao, bago iyan lumapit at humingi ng tulong sa inyo ay nilalakasan niya muna ang loob niya, at umaasa siya na matutulungan mo siya. Huwag na huwag mong palalampasin ang pagkakataon na iyon na tumulong sa kapuwa. Dahil sa panahon na iyan, nagiging instrumento ka ng Diyos na iparating ang Kaniyang biyaya sa kanila. Nagiging tulay ka na maipadama ang pagmamahal ng Diyos sa mga nangangailangan.” Grabe, naantig naman ako sa mga sinabi ni Mama ko. Hinding hindi ko makakalimutan iyon, kaya hanggang ngayon pilit kong ginagaya ang Mama Mila ko. Tunay ngang hindi totoong dahil mahirap ka, dapat ikaw lagi ang tinutulungan, o dahil mahirap ka lang, hindi ka na puwedeng tumulong sa kapuwa mo mahirap. Hindi pala yaman lang ang kailangan para makatulong sa kapuwa, kundi bukas na pusong handing tumulong kahit sa sinong nangangailangan nito.
  • 23. Sagutin ang mga sumusunod na tanong: • Mula sa kuwento, kailangan bang maging mayaman para makatulong sa kapuwa? Anong klaseng tulong ang binigay ni Mama Mila sa mga taong lumapit sa kaniya? Ilahad ang mga ito. • Sa tingin mo ba nagampanan ni Mama Mila ang kanyang papel sa pamayanan? Sa anong paraan? • Sa palagay mo ba maiimpluwensyahan niya ang kaniyang pamilya sa pagtulong na ginawa niya sa kaniyang kapuwa? Ano ang bilin ni Mama Mila kapag may lumapit at humingi ng tulong? Bakit?
  • 24. 1. Ang pamilyang iginagalang ang karapatan at ginagawaang mga tungkulin ay pamilyang may ________________________________________. 2. Ang labis na pagiging makapamilya at katumbas na rin ng ____________________________. 3. Ang pamilya ay parang isang maliit na __________________________. May lider na nangunguna. 4. Kung meron kang karapatan na dapat ingatan, meron ka ring _____________________ na dapat gampanan. 5. Ang _____________________________ ay pagkakaisa at pagtutulungan ng mga tao.
  • 25. “Ang tahanan ay salamin ng kaniyang bansa. Kung masigla at masaya ang bawat tahanan, ganoon din ang buong bansa”
  • 26. NA GAWAIN SA ESP #1.6 CLEAN UP DRIVE O OUTREACH PROGRAM • Panuto: Gumawa ng isang clean-up drive o outreach program na maaaring gawin sa inyong pamayanan. Itala sa ibaba ang mga detalye kung paano maisasagawa ang plano.
  • 27. (panuorin ang link sa ibaba para maging gabay sa paggawa ng proyekto) •https://www.youtube.com/watch?v=KCgBC3BV_Zc (how to build a community outreach program) •https://www.youtube.com/watch?v=Ndoc8LNPHH0 (clean-up drive program)