1. Saragpunta: Pakikilahok ng
mga Kilusang
Pangkapaligiran sa
Pilipinas sa pagbawi ng
Ekolohikal na Katarungan
Randy Nobleza (DLSU / Marindukanon Studies Centre x Info
Shop Marinduque)
2.
3. Saragpunta
Ang Saragpunta ay salitang Tagbanua, mga katutubo
sa Palawan, ang ibig sabihin ay magtipun-tipon tayo.
Gagamitin ito bilang balangkas upang maunawaan ang
mga kilusang pangkapaligiran.
4. Abstrak
Maliban sa mga nasa sentro ng kilusang pagbabago na
nakikipagkompromiso sa mga estado at maging sa
mga korporasyon. Mayroon din mga kilusang
ekolohikal na nasa laylayan.
5. Mga Info Shop
Ang tinutukoy na mga kilusang pangkapaligiran ay
Onsite Info Shop, Greenhouse Infoshop Project at
Mutual Aid not Charity. Pagtutuonan ng pansin ang
mga kolektibong ito na matatagpuan sa mga pook na
nasa labas ng National Capital Region. Minsan sa
isang taon, nagsasagawa sila ng pagtitipun-tipong
kung tawagin ay Eco Solidarity Camp.
7. Ekolohikal na Hustisya
Naiiba ang kanilang konsepto ng ekolohikal na hustisya
at maging ang kanilang mga pamamaraan. Gamit ang
pokus sa media ng Araling Filipinas, nais idokumento
ang kontemporaryong kasasayan ng mga kilusang
pangkapaligiran na kung tawagin ay mga info shop.
8. Katarungang Pangkapaligiran
Ang pamamaraan ng pagdodokumento ay sa
pamamagitan ng pagkuha ng mga datos sa offline at
online na pamamaraan upang maibigyan ng
pagpapakahulugan ang konsepto nila ng katarungang
pangkapaligiran.
9. Direktang Pagkilos
Gayundin, kaakibat nito, mailalarawan din ang kanilang
mga inisyatiba at direktang pagkilos na naiiba sa mga
mainstream na kilusang ekolohikal na mayroon sa
Pilipinas maging sa Asya.
10. Translokal na Sanib-Sapot
Dahil ang mga info shop na tinutukoy kagaya ng
Onsite, Greenhouse at Mutual Aid ay hindi lamang
kumikilos sa kani-kanilang mga lugar kundi
nakakunekta rin sa iba pang pook sa labas ng Pilipinas
kagaya ng Asya at maging sa Kanluraning bansa.
11. Onsite Infoshop
An Anarchist and Autonomous Community-Based
Resource Center in Muntinlupa City (Manila south),
Philippines
12. Greenhouse Infoshop Project
Green house Infoshop Project is a new grassroots
autonomous space located in Pacol Naga City
Philippines, Promoting sustainable community relation
through Workshops, Library, Gardening, Film
Screening, Food not Bombs and other causes for social
and ecological transformation following the principles of
Direct-Action, Mutual-Aid, Voluntary Cooperation, Free
Association and Non Hierarchical relation, Practically
anarchistic and anti-authoritarian tendency.
13. Mutual Aid Not Charity
Autonomous
Collective
non Violent
Holistic Activity
Spiritual
14. Pagbawi
Sa ika-21 siglo, tila naubos na ang potensyal upang magsagawa ng
rebolusyon, partikular sa Global South. Maging sa mga mauunlad na
bansa sa Global North ay nababangkarote na rin ang kinabukasan o
hinarap ng himagsikan.
Ngunit, dahil sa palalang krisis sa ekolohiya ay nagkakaroon ng
bwelo ang mga panlipunang kilusan lalo na sa Asya upang bawiin
ang kontrol sa kapaligiran at hingin ang ekololohikal na hustisya.
Sa kontemporaryong sitwasyon ng klima, hindi na mahalaga kung
nasa Timog o Hilagang hating globo ka, lahat ay apektado. Ngunit
kapansinpansin, ang mga may hawak ng ekonomikong salik ay
direktang may kinalaman sa krisis na ekolohikal. Unti-unti nang mai-
uugnay ang kapitalismo at krisis sa kapaligiran bilang mapangbuklod
sa kilusang panlipunan partikular sa Asya Pasipiko.