1. Ipakita ang iba’t-ibang uri ng mga kasuotan.
Ang mga larawan na ito ay tungkol sa mga uri ng kasuotan.Tumawag ng bata upang
basahin ang mga uri ng kasuotan.
1. Damit Pambahay- Ito ay maluwang at maginhawa sa katawan katulad ng daster,
shorts, t-shirts, at mga luma ngunit maayos pang damit.
Halimbawa:
2. Damit Pamasok- Karaniwang blusa at palda para sa kababaihan, polo at pantalon o
short naman para sa kalalakihan gaya ng uniporme.
Halimbawa:
3. Damit Pantulog- kasuotang ito ay maluwang din sa katawan katulad ng pajama. Ang
luma ngunit malinis na damit ay maaari ring gamitin.
Halimbawa:
4. Damit Panlaro- Ito ay ginagawang maluwang upang Malaya at maginhawa ang
pagkilos ng katawan. Ito ay maaaring kamiseta,
t-shirts o bloomer.
Halimbawa:
2. 5. Damit Pang-pormal-Ito ay yari at naiibang damit gaya ng baro at saya. Ginagamit sa
espesyal at pormal na selebrasyon, pagtitipon at programa.
Halimbawa:
6. Damit Panlakad- Ito ay naiiba sa karaniwang damit na isinusuot sa araw-araw. Ito
ay ginagamit kapag may okasyon tulad ng pista, handaan,salu-salo o iba pang
pagdiriwang na dadaluhan.
Halimbawa:
Ilang Paraan Upang Mapangalagaan ang Kasuotan
1.Ingatan ang palda ng uniform o anumang damit na may pleats. Huwag itong hayaang
magusot sa pag-upo.
2.Huwag umupo kung saansaang lugar nang hindi marumihan ang damit o pantalon.
Siguraduhing malinis ang lugar na uupuan.
3. Kapag namantsahan o narumihan ang damit, labhan ito agad para madaling matanggal
at hindi gaanong kumapit sa damit ang dumi o mantsa.
4. Magsuot ng angkop kasuotan ayon sa Gawain.Huwag gawing panlaro ang damit
pamasok sa paaralan.Pagdating sa bahay galing paaralan,hubarin kaagad ito at
pahanginan.
5. Ugaliing magsuot ng tamang damit na pantulog tulad ng pajama,daster, at short.Dapat
maluwang na damit ang pantulog upang ito ay maginhawa sa pakiramdam.
6. Kapag natastas ang laylayan ng damit, tahiin ito kaagad pag-uwi sa bahay upang
hindi ito lumaki.
7. Alagaan ang mga damit at iba pang gamit sa pamamagitan ng paglagay ng mga ito
sa tamang lagayan.