O slideshow foi denunciado.
Seu SlideShare está sendo baixado. ×

Kontemporaryong programang panradyo

Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Próximos SlideShares
Dokumentaryong Pantelebisyon
Dokumentaryong Pantelebisyon
Carregando em…3
×

Confira estes a seguir

1 de 62 Anúncio

Mais Conteúdo rRelacionado

Diapositivos para si (20)

Semelhante a Kontemporaryong programang panradyo (20)

Anúncio

Mais recentes (20)

Anúncio

Kontemporaryong programang panradyo

  1. 1. KONTEMPORARYONG PROGRAMANG PANRADYO PRECIOUS DIANA M. MARTINEZ,LPT
  2. 2. Alam mo ba???  Sa kasalukuyan , isa sa mga na pinakamalakas makahikayat at makaimpluwensiya sa isip at ng mga tao ay ang mass media. nitong napupukaw ang interes ng tao sapagkat ginagamitan ito ng (pandinig) at visual ( paningin )
  3. 3. Alam mo din ba na si Gugliemo Marconi ay isang Italyanong Imbentor, na higit na kilala dahil sa kanyang pagpapaunlad ng sistemang radyo-telegrapo. Siya ang tagapagsimula ng komunikasyon sa radyo.
  4. 4. KOMENTARYONG PANRADYO ayon kay Elena Botkin Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng opurtunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyung kanilang napiling talakayan at pagtuunan ng pansin.
  5. 5. F8PD-IIId-e-30 naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan at naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa mga ito
  6. 6.  Desididong magsampa ng kaso ang ina ng 13-anyos na dalagitang na-bully dahil umano sa selos sa Angeles City. Ayon kay "Cela", nakaharap na niya ang nanakit sa anak noong nakaraang taon at nagkasundo na magkapatawaran kung sasagutin ang mga gastusin ng biktima sa ospital. Pero hindi umano nakipagtulungan ang suspek. Bunga ito ng kumalat na video sa social media kung saan makikita ang pagkumprontang ginawa ng babae sa anak ni Cela sa banyo ng isang mall sa Angeles City.
  7. 7. Sa video, makikita ang paulit-ulit na pagsuntok sa ulo ng biktima kahit pa nagmamakaawa na ito. Wala ding nagawa ang nagtangkang umawat. Umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen. Ayon sa 16-anyos na nanakit sa biktima, nagawa lamang niya ito nang dahil sa selos. Dahil sa nangyari, natigil sa pag-aaral ang 13-anyos na biktima nang maapektuhan umano ang kaniyang kalusugan sa mga natamong suntok sa ulo.
  8. 8. • Saan napatutungkol ang balitang napakinggan? • Karapat-dapat lang bang ituloy ang kaso na isinampa ng isang ina sa babaeng nambully sa kanyang anak? • Ano ba ang nagging dahilan ng pambubugbug ng isang 16 anyos na babae sa 13 anyos na dalagita? • Ano ang iyong opinyon hinggil dito?
  9. 9. Saan napatutungkol ang balitang napakinggan? Ano ang masasabi mo o ano ang iyong opinyon hinggil sa balitang napakinggan? Sa iyong palagay , may kaugnayan ba ang balitang napakinggan kanina sa balitang napanood ngayon lang? Mayroon ba silang pagkakaiba o pagkakaparehas?
  10. 10. F8PB-IIId-e-30 naiisa –isa ang mga positibo at negatibong pahayag
  11. 11. PICTOGRAPH ANO KAYA NAG IPINAPAHIWATIG NG LARAWAN??
  12. 12. TUKUYIN KUNG POSITIBO O NEGATIBO ANG MGA PAHAYAG NA ISINASAAD SA PROGRAMANG PANRADYO Maria: mapalad ako at napunta ako sa maayos na pamilya Juan: ako naman walang pagpipiliian kundi tiisin lang ang pagtrato nila sa akin Maria: kahit hindi nila ako tunay na anak, ramdam kong mahal nila ako na parang nanggaling ako sa kanila
  13. 13. Juan: Magkaiba lang siguro tayo ng kapalaran. Kapalaran kung dumanas ng hirap • POSITIBO • NEGATIBO • POSITIBO • NEGATIBO
  14. 14. Bahagi na ng ating pang-araw-araw na pamumuhay ang pakikinig ng radyo .kahit saan tayo magpunta o kahit ano man ang ating ginagawa ,Malaki ang tyansang makapakinig tayo ng radyo . Mapabalita man o awitin o kaya ay programang panradyo. may mga positibo at negatibong pahayag ang ginagamit sa programang panradyo
  15. 15. Halimbawa ng Positibong pahayag mapalad ako at napunta ako sa maayos na pamilya Ang mga salitang binigyang diin ay nagpapahiwatig na ang pahayag ay positibo
  16. 16. Halimbawa ng Negatibong pahayag Kapalaran kung dumanas ng hirap Ang salitang binigyang diin ay nagpapahiwatig na ang pahayag ay negatibo
  17. 17.  ISA-ISAHIN ANG ANG MGA PAHAYAG SA ISANG PROGRAMANG PANRADYO. ISULAT SA STAR ANG PAHAYAG NA POSITIBO AT SA BILOG NAMAN ANG PAHAYAG NA NEGATIBO PAHAYAG NA POSITIBO PAHAYAG NA NEGATIBO
  18. 18.  MACKY: Magandang umaga partner!  Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang FREEDOM of Information Bill na hindi maipasa - pasa sa senado  MACKY: oo nga partner! Naku, sabi ng iba , kung ang FOI ay Freedom of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politico na ipasa iyan kahit pa nakapikit !  ROEL: Sang-ayon sa seksyon 6 ng panukalang batas na ito eh bibigyan ng Kalayaan ang publiko na Makita at masuri ang mga opisyal na transaksyon ng mga ahensiya ng gobyerno  MACKY: Naku! Delikado naman pala yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda doon!  ROEL: Eh ano naman ang masama partner? Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan.  MACKY: Sa isang banda kasi partner maaaring maging “threat” daw yan sa mga mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan . masasabi mo bang Malaki ang nagging bahagi ng kasalukuyang anyo ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap ng panitikang popular?  ROEL: Sa tingin ko partner ay makatutulong pa nga yan dahil nagiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na pisyal.  MACKY: eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Represenatative Lorenzo Tanada III , ‘Pag hindi naipasa ang FOI bago mag-Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura,
  19. 19. F8PN-IIId-e-29 Napag-iiba ang katotohanan(facts),hinuha(inference),opinyon at personal na interpretasyon ng kausap
  20. 20. HINUHA(INFERENCE) Kakayahang maipaliwanag o mabigyang kahulugan sa tulong ng mga pahiwatig o ng sariling kaalaman
  21. 21. Halimbawa ng paghihinuha  Baka  Tila  Wari  Marahil  Siguro  Maari Maaaring mabago ang sistema ng ating edukasyon dahil sa mga bagong panukala. Kung sakaling magkakaisa ang mga namumuno sa gobyerno, may pag-asa pang makabangon ang ating bansa sa kahirapan
  22. 22. Ano ang mahihinuha mo sa larawan?
  23. 23. PERSONAL NA INTERPRETASYON Batay sa sariling kaisipan o pananaw lamang ng taong kausap
  24. 24.  HALIMBAWA: Ang iba’t ibang pananaw ng mga dumalo sa pagpupulong ang naging dahilan ng hindi pagkakaunawaan.  Walang makakatumbas sa pagmamahal ng isang magulang.
  25. 25.  “TAYO AY MGA ESTRANGHERO SA MUNDONG ITO” “ANG BUHAY NG TAO AY PANSAMANTALA LAMANG”
  26. 26.  Kilalanin sa mga halimbawang pahayag mula sa binasang komentaryo kung ito ba ay Katotohanan, Hinuha, Opinyon o Sariling interpretasyon  Mga Pahayag: 1.Sa ganang akin lamang naman ay dapat lamang na ipasa ang FOI. 2. Maaaring hindi magdulot ng maganda ang sinimulan niyang gulo. 3. Batay sa inilabas na resulta ng sarbey, napatunayan na maraming Pilipino ang nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa. 4. Makakatulong ang pagpapasa ng FOI sa Senado.
  27. 27. Panuto: Tukuyin kung ang mga halimbawang pahayag ay nagsasaad ng Katotohanan, Hinuha, Opinyon o Sariling Interpretasyon.  1. Natuwa ang maraming residente sa panukalang pagpapatupad ng curfew.  2. Marahil ay hindi matutuloy ang pagpapatupad ng inihaing resolusyon  3. Sang-ayon sa report ni disaster scientist, Mahar Lagmay, umabot daw ng 40.1 degree Celsius sa Diffun Quirino noong Sabado.
  28. 28. 4.Sa palagay ko, nakatutulong din naman ang mga kilos-protesta sa pagpapatupad ng batas. 5. Hindi maganda ang epekto ng pagbabago ng ating klima. 6. Malawak ang impluwensiya ng media sa iba’t ibang aspekto 7. Ayon kay Clemente Bautista ng Kalikasan People’s Network for Environment, laganap daw sa Pilipinas ang pandarambong, pang-aapi at polusyon
  29. 29. Sagot: 1. Personal na Interpretasyon 2. hinuha 3. katotohanan) 4. Opinyon 5. Personal na interpretasyon 6. katotohanan) 7. opinyon)
  30. 30. - F8PS-III-d-e-31 Nailalahad ng maayos at wasto ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin
  31. 31. PANANAW SALOOBIN PERSIPSYON OPINYON
  32. 32. PROGRAMANG PANRADYO “TANIKALANG LAGOT”  Pakinggang Mabuti ang isang programa sa radyo . Itala ang mahahalagang detalye
  33. 33. Sa dulang panradyong ating tinalakay at napakinggan ay inisa isa ang ilang pangyayari sa buhay ni Leona na nagpapakita ng kanyang kaninaan bilang isang anak na nagsisilbing tanikala upang hindi niya maranasan ang isang buhay na matiwasay at pinagpala
  34. 34. 1. Sino si Leona? Bakit siya inutusan ng kanyang ama na tumungo sa Agusan del Sur? 2. bakit nasabi ni Aling Jovencia na sinusunod lahat ng ama ang luho ni Leona na ayon sa kanya ay siyang nagiging dahilan kung bakit lumalaking sutil ang anak? 3. ano ang tingin ni Leona?tama kaya na magkaroon siya ng negatibong pagtingin sa ina? 4. anong aral ang nakuha mo sa kapahamakang nangyari kay Leona?
  35. 35. 5. Tama ba ang ginawang paglayo ni Leona sa kanyang magulang? 6. Ano ang masasabi mo sa mga kabataang naglalayas at nagrerebelde sa magulang?
  36. 36. F8WG- IIIa- c-390 - Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa paghahayag ng konsepto ng pananaw
  37. 37. Ekspresyon ng Pagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw Alinsunod sa ..nanininwala ako na… Anupa,t ang pananaw ko sa bagay na iyan ay… Ayon sa… Batay sa… Kung akon ang tatanungin nakikita kong… Lubos ang aking paniniwala sa …
  38. 38.  Tukuyn kung konspeto ng pananaw o hindi. 1. Pag-isipang Mabuti ang mga bagay-bagay bago ito isagawa upang maiwasan ang pagkakamali. 2.Sino dapat ang sisihin sa mga kabiguang dumarating sa buhay ng isang tao 3.Sa aking pananaw, ang buhay ay nakabatay sa mga bagay na iyong pinipili o pinanniniwalaan.
  39. 39. 4. Sa ganang akin, ang lahat ng bagay ay nakapalano sa kamay ng Panginoon 5. Palihasay naranasan ko kayat masasabi kong ang magandang buhay ay hindi lamang nakasentro sa ating sarili kundi sa ating kapawa sa panginoon
  40. 40. PAGSULAT NG ISKRIP NG PROGRAMANG PANRADYO ISKRIP- Taguri ng manuskrito ng isang audio-visual material na ginagamit sa broadcasting  nakatitik na bersyon ng mga salitang dapat bigkasin o sabihin  naglalaman ng mga mensahe ng programang dapat ipabatid sa mga nakikinig
  41. 41. Pormat ng Iskrip  1. gumamit ng maliliit na titik sa pagsulat ng dayalogo 2. isulat sa malalaking titik ang musika , epektong pantunog, at ang emosyonal na reaksyon ng mga tauhan 3.guhitan ang SFX(sound effects) at MSC (MUSIC)
  42. 42. 4. hindi lamang ipinakikita ang paggamit ng musika at epektong pantunog kundi kailangan ding ipakita kung paano gagamitin ang mga ito. 5. kailangang may dalawang espasyo(double space) pagkatapos ng bawat linyo sa iskrip kapag minakinilya o kinompyuter 6. lagyan ng numero ang bawat linya. Ilagay ang numero sa kaliwang bahagi bago ang unang salita
  43. 43.  7. ang emosyunal na reaksyon o tagubilin ay kailangang isulat sa making titik 8. gumamit ng terminong madaling maintindihan sa pagbibigay ng indikasyon kung sino ang nagsasalita 9. isukat sa malaking titik ang posisyon ng mikropono at ilagay ito sa parenthesis 10. maglagay ng tutuldok o kolon 11. sa susunod na pahina ng iskrip umpisahan ang paglalagay ng numero sa bawat bilang
  44. 44. Mga dapat tandaan sa pagsulat ng komentaryo 1. Pumili ng napapanahon at mainit na isyung may kahalagahan sa lipunan. 2. Magsagawa muna ng pag-aaral at pananaliksik tungkol sa isyung pinag-uusapan. 3. Magbigay ng mga impormasyong batay sa katotohanan at hindi pala-palagay lamang. 4. Hindi dapat gumamit ng mga tuwirang pahayag sa pagkokomentaryo. Tandaang walang nakikitang kahit na ano ang mga tagapakinig. Isalin ito sa hindi tuwirang pahayag.
  45. 45. 5. Isang paksa lamang ang talakayin. Maging maikli at malinaw ang paglalahad. 6. Gumamit ng mga salitang magagaan at madaling maintindihan. 7. gawing makatuwiran ang mga kaisipan, pananaw at kuro-kuro. 8. Dapat na lohikal at sistematiko ang paglalahad mula sa simula hanggang wakas. 9. Hikayatin ang mga tagapakinig sa lubusang pakikinig. 10. Hayaang bumuo ng sariling pagpapasiya ang mga tagapakinig.
  46. 46. Mga bahagi ng komentaryo: Simula. Bumabanggit ng bahaging ito ng isyung tatalakayin. Karaniwang napapanahon at mainit na isyu ito ng lipunan.
  47. 47. Gitna. Nagpapahayag ito ng sariling opinyon ng komentarista o kaya ay paninindigan ng estasyon ng radyo. Naglalaman ito ng mahahalagang impormasyong nakabatay sa katotohanan at bunga ng isang pananaliksik. Bumabanggit din dito ng mga pahayag at pananaw ng awtoridad sa paksang tinatalakay. Naglalahad ito ng pagpanig o pagsalungat sa isyu at pagbibigay ng mga halimbawa upang patunayan ang puntong nais bigyang-diin.
  48. 48. Wakas.Naglalagom ito at nagbibigay-diin sa kaisipang tinatalakay. Ipinahahayag dito ang panghihikayat at pagpapakilos sa mga tagapakinig tungo sa isang pangwawastong panlipunan.

×