2. Malaking hadlang ang pagkakaroon ng
diskriminasyon pagdating sa usapin ng
edukasyon, lalo na sa paghahanap ng
trabaho. Mas napapaboran at madaling
makahanap ng trabaho ang may tinapos sa
kolehiyo kumpara sa nakapagtapos lamang
ng High School.
3. Ang diskriminasyon sa pisikal na
abilidad ng isang tao ay
malaking hadlang sa
paghahanap ng trabaho,
pagkilos, at pag-unlad ng
pamumuhay.
4. Halimbawa, kung nag-aplay kayo sa
isang kumpanya at angkop ang inyong
kakayahan at kasanayan, pero hindi kayo
kinuha ng kumpanya dahil babae kayo .
Nakahahadlang ang diskriminasyon sa
kasarian sa pamumuhay ng maayos ng
isang tao.
5. Ang diskriminasyon sa edad ay malaking
usapin lalo na sa paghahanap ng trabaho.
Nalilimitahan ang kilos o ang maaaring
gawin o puwedeng maitulong nito.
Nababawasan ang tiwala nila sa sarili na
nagdudulot ng matinding depresiyon
6. Malaking epekto ang usapin pagdating sa
Katayuan sa buhay. Kapag mahirap mas
kakaunti ang prebelihiyong natatanggap,
mahirap makuha ang respeto ng iba. At
nararanasang ito ay maaaring magdulot
ng kawalang tiwala sa sarili na makaahon
sa buhay
7. Isa sa malaking epekto ng
diskriminasyon sa lahi ay ang
mabastos ka dahil sa iyong lahi,
kulay, pagkamamamayan, lugar na
pinanggalingan, ninuno, etnikong
pinanggalingan.
8. Maraming di-magandang epekto ang
pagkakaroon ng diskriminasyon sa
relihiyon; ilan lamang dito ay ang kawalan
ng respeto sa isa’t isa , mas may
napapaboran, nagkakaroon ng pisikal na
awayan na nagdudulot ng matinding
pinsala sa isang tao at sa kinabibilangan
nitong relihiyon.