University of Perpetual Help
Graduate School
Las Piñas City, Lucena City Group
Pangalan : Nomerto M. Revilla Jr.
Asignatura : Prinsipyo, Metodo at Estratehiya ng Pagtuturo
ng Wikang Filipino
Professor : Prof. Roberto Baltazar S. Celebre
Oras ng Klase : 8:00- 5:00
Paksa : Metodo ng Pagtuturo (Methods of Teaching)
PANIMULA
METODO SA PAGTUTURO NG FILIPINO
Hinihingi ng mabisa at mabilis na pagtuturo ang paggamit ng mabubuting pamamaraan ng
pagtuturo. Nakasalalay sa mabuting pamaraan ng pagtuturo ang matagumpay, kawili-wili at mabisang
pagkatuto ng mag-aaral at pagtuturo ng guro.
Walang isang paraan lamang na masasabing sadyang mabisa para sa lahat ng uri ng paksang aralin o
isang pamamaraan kaya na angkop gamitin sa lahat ng pagkakataon. Kaya ang guro ang nagbabalak at
nagpapasya sa pamamaraang kanyang gagamitin na angkop sa bunga ng pagkatuto na nais niyang
makamtan ng mag-aaral, angkop sa sitwasyon, angkop sa kakayahan ng mag-aaral at gayon din sa uri ng
paksang aralin at asignaturang kanyang itinuturo.
Mga Konsepto:
•Metodo. Ito and tawag sa pnalahat na pagplano para sa isang sistematikong at epektibong pagtuturo ng isang
aralin. May tiyak na hakbang na sinusunod and bawat metodo o pamaraan.
•Istratehiya. Sa wika, ito ang tawag sa mga kagamitan at gawaing ginagamit sa bawat hakbang ng pagtuturo.
Halimbawa ay ang gamit ng mga awtentikong teksto, larawan, o larong pangwika.
•Teknik. Ay tawag sa paraan ng organisasyon ng interaksyong pangklase. Alinman sa mga kagamitang
pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum, upang maisakatuparan ang mga layunin ng isang aralin.
•Dulog – isang set ng pagpapahalagang hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo.
•Pamaraan – isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad wika at batay sa isang
dulog.
•Metodolohiya – ito’y isang pag-aaral ng mga gawaing pedagohikal (kasama rito ang mga paniniwalang
teoretikal at kaugnay na pananaliksik). Ito’y tumutugon din sa anumang konsiderasyon kaugnay ng tanong na
“paano ang pagtuturo
MGA SIMULAIN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG WIKA
1. Simulaing nakapukos sa mga mag-aaral
Ang bawat klase sa wika ay binubuo ng mag-aaral na taglay ang kanilang iba’t-ibang
katangian: kognitib, pandamdamin, at kagulangang sosyal, kaalaman sa wika; motibasyon,
kakayahan sa pagkatuto ng wika, istilo sa pagkatuto, mga mithiin at mga pangangailangang
subhetibo. Sa simulaing ito, itinuturing ang bawat mag-aaral na may taglay na sariling
pangangailangan at interes.
2. Simulaing Nagsasangkot sa Mag-aaral
Isinasaad sa simulaing ito na dapat bigyan ang bawat mag-aaralng maraming pagkakataon upang
makilahok sa iba’t-ibang uri ng gawaing komunikatibo.
3. Simulaing Nakatuon sa Target na Wika
Binibigyang halaga ng simulaing ito na kailangang bigyan ng guro ang mga mag-aaralng mga
input na komunikatibo na abot ng kanilang pang-unawa at makabuluhan para sa sarili nilang
pangangaailangan at interes. Magagawa lamang ito ng isang guro kung lilikha siya ng isang
sitwasyon kung saan mararamdaman ng mag-aaral na nagagamit niya ang target na wika ng
natural at hindi pilit.
4. Simulaing Nakapokus sa Ilang anyo ng Wika
Upang mahusay na malinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa loob ng
maikling panahon, kailangang ng guro ang mga mag-aaralsa ilang anyo at gamit ng wika, mga
kasanayan at stratehiya na makatutulong upang magamit ang wika sa isang kalagayan na limitado
ang panahon.
5. Simulaing Sosyo-kultural
Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit nito. Mahalagang
magkaroon ng mga kaalamang Kultural upang maunawaan at mabigyang-kahulugan ang sinasabi
ng kausap. Tungkuling ng guro na ipadama sa mag-aaral na kailangan ang pagpapahalaga sa mga
karanasang pang-kultura na dala nila sa pag-aaralng wika at mapag-yaman ito sa kultura ng mga
taong gumagamit ng target na wika.
6. Simulain ng kamalayan
Ang pag-aaralng wika ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaralna lubos na maunawaan ang
ugnayan ng wika at kultura. Kailangan ng isang mag-aaralng wika ang pagiging sensitibo sa
wika at kultura ng ibang tao. Ang pagsasaalang-alang sa kultura ay nagiging daan upang madama
ang lakas ng wika upang mapaglapit ang diwa at isipan ng iba’t-ibang taong gumagamit ng target
na wika.
7. Simulain ng Pagtataya
Ang kamalayan hinggil sa sariling pag-unlad ng wika ay maaaring maging pampasigla para sa
ibayo pang pagkatuto. Kaya’t mahalaga na palagiang may pidbak ang mag-aaralhinggil sa
kanilang pagsulong sa pagkatuto at kailangan itong maging realistiko.
8. Simulain ng Pananagutan
Mahalaga sa anumang larangan ng pag-aaral ang pagkakaroon ng sariling pananagutan anuman
ang maging bunga nito at malinang ang pagkatuto sa sariling sikap.
MGA PAMAMARAANSA PAGTUTURO NG FILIPINO
• Pamamaraang Grammar Translation (Pamaraang Klasiko)
Mithiin (Goals)
1. Mabasa ang literature ng target na wika.
2. Maisaulo ang mga tuntuning balarila talasalitaan ng target na wika.
3. Mga Katangian.
4. Ginagamit sa pagtuturo ang katutubong wika at bihirang gamitin ang target na wika.
5. Hiwalay na ginagawa ang paglinang ng mga talasalitaan.
6. Binibigyang diin ang pagbasa at pagsulat halos hindi nalilinang ang pakikinig at pagsasalita.
7. Pabuod na tinuturo ang balarila. Ilalahad ang tuntunin, pag-aaralan at pagkatapos ay magkakaroon mg
maraming pagsasanay sa pagsasalin.
8. Ang pagbabasa ng mga kahirapang teksto ay isinasagawa nang hindi isinasaalang-alang ang kahandaan
ng mga mag-aaral.
9. Kawastuhan sa pagsasalita ang mahalaga. Inaasahan na magaling sa pagsasalin ang mga mag-aaral
mula sa target na wika.
• Ang Series Method
Ito ay isang pamaraan sa pagtuturo na kung saan ang target na wika ay itinuturo nang tuwiran
(walang pagsasalin) at isang serye ng mga magkakaugnay na pangungusap ay inilalahad sa isang kosepto
na madaling maunawaan ng mag-aaral.
Walang pagpapaliwana sa tuntuning balarila bagamat maaaring mayroong kayaring balarila na
napapaloob sa mga pangungusap ang dapat linawin.
Ang pamaraang ito’y naniniwala sa kaisipang ang pagkatuto ng wika ay ang transpormasyon ng
mga pananaw sa wika at isang konsepto na madaling maintindihan.
• Ang Pamaraang Direct
Mga simulain sa pamaraang Direct.
Mga katangian:
1. Inilalahad sa pamamagitan ng dayalog ang mga bagong aralin.
2. Pangunahing istratehiya sa pagkatuto ay ang panggagayak, pagsasaulo ng mga parilala, at paulit-ulit na
pagsasanay.
3. Ang kayariang balangkas ay itinuturo sa paggamit ng mga paulit-ulit na pagsasanay.
4. Halos walang pagpapaliwanag sa mga tuntuning pambalarila. Ang mga tuntuning balarila ay itinuturo
ng mga modelo.
5. Limitado ang gamit ng mga bokabularyo at itinuturo ito ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.
6. Malaki ang pagpapahalaga sa pagbigkas at karaniwang isinasagawa ito sa language labs at mga
pagsasanay na pares minimal.
7. Ang katutubong wika ay hindi ginagamit ng guro sa pagkaklase.
8. Ang mga tamang tugon sa mga tanong/pagsasanay ay agad na pinagtitibay.
9. Sinisikap ng furo na gamitin ng mga mag-aaralang wika nang walang kamalian.
Ang Mga “Designer Methods” ng Dekada ‘70
1. Ang Community Language Learning (CLL)
Ang CLL ay isang klasikong halimbawa ng pamaraan na batay sa domeyn na pandamdamin. Ang
pamaraan ito ay ekstensyon ng modelong Counselling-Learning ni Charles A. Curran na
nagbibigay-diin sa pangangailangan ng mga mag-aaral-kliyente na nagsama-sama bilang isang
komunidad na binibigyan ng kaukulang pagpapayo.
2. Ang Suggestopedia
Ang pamaraang ito’y halos katulad ng ibang tinalakay na ngunit ang kakaiba’y isinasagawa ang
mahahalagang bahagi nito sa isang kalagayang palagay ang kalooban ng bawat mag-aaralat
relaks ang kanilang isipan.
Mga katangian:
a) Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi upang matulungan ang mga mag-aaral na maging panatag ang
kalooban
b) Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuot at may maririnig na mahinang
tugtugin.
c) Inilalahad at ipinaliliwanag ang gramatika at bokabularyo ngunit di tinatalakay nang komprehensibo.
d) Napapalinaw ang kahulugan sa pamamagitan ng pagsasalita sa katutubong wika.
e) Nangyayari ang komunikasyon sa dalawang dimension; ang kamalayan (conscious) kung saan
nakikinig sa isang binabasaang diyalogo at ang kawalang-kamalayang (sub-conscious) kung saan ang
musikang naririnig ay nagpapahiwatig na ang pagkatuto ay madali.
f) Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin, at drama.
g) Bahagi ng ginagawa ng mag-aaralsa klase ang ebalwasyon; walang pormal na pagsubok ang
ibinibigay.
3. Ang Silent Way
Ito ay nanghahawakan sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung ipinapaubaya sa mga mag-
aaralang kanilang pagkatuto.
Ang mga mag-aaralsa isang klasrum na Silent Way ay nagtutulungan sa proseso ng pagtuklas ng
mga kasagutan sa mga suliraning pangwika. Sa ganitong kalagayan nanatiling tahimik ang guro
kaya ang katawagan Silent Way.
4. Ang Total Physical Response (TPR)
Ang pamamaraang ito’y humango ng ilang kaisipan sa Series Method ni Gouin na nagsasabi na
ang pakatuto ay epektibo kung may kilos na isinagawa kaugnay ng wikang pinag-aralan.
Mga Katangian:
a) Nagsisimula ang mga aralin sa pamamagitan ng mg autos mula sa titser na isinasagawa ng mga mag-
aaral.
b) May interaksyong guro-mag-aaral o mag-aaral-mag-aaral; nagsasalita ang guro, tumutugon ang mga
ma-aaralsa pamamatnubay ng guro.
c) Binibigyang diin ang komunikasyong pasalita, isinasaalang-alang ang kultura ng mga katutubong
tagapagsalita sa pagkatuto ng pangalawang wika.
d) Pinalilinaw ang mga kahulugan sa pangalawang sa pamamagitan ng mga kilos.
e) Inaasahang magkakamali ang mga estudyante sa pagsisimula nilang magsalita; mga kamaliang global
lamang ang iniwawasto.
5. Ang Natural Approach
Ginagamit sa pamamaraang ito ang mga gawain sa TPR sa panimulang lebel ng pagkatuto kung
saan mahalaga ang mga “comprehensive input” upang mapasigla ang pagtatamo ng wika.
Nilalayon ng Natural approach na malinang ang mga personal na batayang kasanayang
pangkomunikasyon tulad ng gamiting wika para sa mga pang-araw-araw na sitwasyon gaya ng
pakikipag-usap, pamimili, pakikinig sa radyo at iba pa.
Ang guro ang hanguan ng mga input at tagalikha ng iba’t-iba at mga kawili-wiling gawaing
pangklasrum gaya ng laro, maikling dula-dulaan at pangkatang gawain.
6. Ang Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral (Learner-Centered Teaching)
Ang katawagang ito’y gamitin sa kurikulum at sa ilang tiyak na teknik sa pagatuturo.
Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaralay gumagamit ng mga teknik na:
a) Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin at istilo sa pag-aaral;
b) Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral.
(Hal. Pangkalahatang gawain o pagsasanay)
c) Nakadaragdag sa pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili;
d) At kurikulum na may kunsultasyon at isinasaalang-alang ang input ng mag-aaralat hindi
itinatakda kaagad-agad ang mga layunin.
7. Ang Pagkatuto na Tulong-tulong (Cooperative Learning)
Sa pagiging kasapi sa isang pangkat, nagagawa nilang magbahaginan ng mga impormasyon na
laging naroon ang pagtulungan sa isa’t-isa.
Dagdag na konotasyon ng “kooperatib” ay ang pagbibigay diin nito sa sama-samang
(collaborative) pagsisikap ng guro at mag-aaralupang matamo ang mga itinakdang layunin.
8. Ang Pagkatutong Interactib (Interactive Learning)
Kailangan sa interaksyon hindi lamang ang pagpapahayag ng sariling ideya kundi pag-unawa rin
s ideya ng iba. Ang mga kalahok ay gumagawa ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon, na
lagging may nauunawaan sa isang konteksto.
Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga sumusunod:
a) madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan
b) paggamit ng mga awtentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na paggamit nito.
c) Paglikha ng mga tunay ng wika para sa makabuluhang komunikasyon
d) Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa aktuwal na paggamit ng wika
sa “labas”
e) Pagpapasulat na totoo ang target audyens
9. Ang Whole Language Education
Ang katawagang ito’y bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit upang bigyan-diin:
a) Ang “kabuuan” ng wika laban sa pananaw ng pagbabahagi ng wika sa maliliit nitong elemento gaya ng
ponema, morpema at sintaks.
b) Sa interaksyon at pag-uugnayan sa pagitan ng pasalitang wika (pakikinig at pagsasalita) at wikang
pagsulat (pagbasa at pagsulat); at
c) Ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na ito’y likas na umuunlad, na katulad din ng alituntuning
pasalita.
Malawak ang nasasakop ng katawagang ito sa edukasyon. Ang whole language ay isang lebel na
ginagamit upang mailarawan ang:
a) Tulong-tulong na pagkatuto
b) Pagkatutong partisipasyon
c) Pagkatutong nakapokus sa mag-aaral
d) Integrasyon ng “apat na kasanayan”
e) Paggamit ng awtentiko ant natural na wika
10. Content-Centered Education
Ayon kina Brimton, Snow, at Weshe (1989) ang content-centered education ay ang integrasyon
ng mga pagkatuto ng mga nilalalman sa mga layunin sa pagtuturo ng wika. Ito’y ang magkasabay
na pag-aaral ng wika at paksang-aralin, na ang anyo at pagkakasunod-sunod ng paglalahad ng
wika ay idinidikta ng nilalaman ng paksa. Taliwas ito sa nakagawiang pagtuturo na ang mga
kasanayan sa wika ang itinuturo nang hiwalay at malayo sa konteksto ng paggamitan nito
11. Ang Pagkatutong Task-Based
Ayon kay Michael Breen (1987) ang task ay alinmang binalangkas na pagkatutong pangwika na
may tiyak na layunin, nilalaman, paraan at mga inaasahang matatamo nga mga magsasagawa ng
task. Ang task ay isang espesyal na anyo ng teknik subalit man “malaki” ang saklaw nit kaysa sa
teknik. Ang pagkatutong task-based ay bagong pamaraan. Binibigyang pokus lamang nito ang
tasksa pagtuturo. Tinatanaw nito ang proseso sa pagkatuto bilang isang komunikatib task na
tuwirang nakaugnay sa mga layuning pangkagawian at ang mga hangaring nito’y lagpas na
nakagawiang pagsasanay ng wika.
Narito ang ilang halimbawa ng mga Metodo ng Pagtuturo.
1. COLLOQUIA
Plenary Session
Ang Plenary Session ay isinasagawa sa pagbabalik aral at malaman ang mga natutuhan
ng bawat mag-aaral. Ito ay bahagi ng ebalwasyon ng pag-aaral na kung saan upang
mapagmuni-muni ang mga natutuhan at napagtagumpayan ng bawat mag-aaral sa
paksang pinag-aralan.
Narito ang ilan sa mga malikhaing halimbawa ng plenary session:
1. Taboo
Ito ay nakagigiliw at madaling ipagawa dahil kakaunti lamang ang
kakailanganin “resources”.
Mekaniks:
Ang bawat mag-aaral ay kukuha ng Card na naglalaman ng katanungan
tungkol sa naging talakayan na ibibigay ng guro. Ipaliliwanag ang
katanungan napili sa harap ng klase. Ito ay isang pamamaraan para
pagsamasamahin ang matutuhan ng bawat mag-aaral
2. Think a examination question???
Ito naman ay para magkaroon ng ideya ang mag-aaral sa mga terminolohiya
na maaaring tanungin sa pagsusulit
Mekaniks:
Magpapasulat ang guro sa mag-aaral tungkol sa mga paksa na tinatalakay
na maaaring tanungin sa isang pagsusulit. Isusulat ito sa isang kwaderno.
3. Give me five
Ang mag-aaral ay guguhit ng kanilang kamay sa isang papel at susulatin sa
bawat daliri ang mga sumusunod
Thumbs up: Ano ang iyong natutuhan? Ano ang iyong nauunawaan?
Pointing Finger: Anong kasanayan ang nagamit mo ngayon araw?
Middle Finger: Anong kasanayan ang pinakamahirap na natutuhan mo
ngayong araw?
Ring Finger: Paano mo maipapakita na ikaw ay mayroon natutuhan ngayong
araw?
Pinkie Promise: Ano ang iyong sisiguraduhin upang matandaan mo ang
talakayan ngayon araw?
Panel discussions
Ang panel discussions ay isang talakayan o pag-uusap tungkol sa isang particular
na paksa na isinasagawa sa pamamagitan ng isang grupo na may kaalaman sa
pinag-uusapan.
Ang layunin nito ay magbigay ng impormasyon at mga bagong kaalaman at
mapag-aralan ang isang problema mula sa iba’t ibang anggulo,
Ito ay ginagamit sa mga paaralan na magbibigay ng tunay na kaalaman at
paglilinaw ng ilang teorya at nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga
kasalukuyang problema at karaniwang isyu ng mga tao. Halimbawa: pagtaas ng
presyo ng produkto at kawalan ng trabaho.
Sino-sino ang mga sangkot sa Panel Discussion?
Instruktor (Instructor)
Tagapamagitan (mediator)
Panelists
Audience (Madla)
Ano-ano ang Advantages at Disadvantages ng Panel Discussion?
Advantages Disadvantages
1. Magkakaroon ng kakayahang
lumutas ng isang problema
1.May pagkakataon na naiiba ang
usapan mula sa tema ng talakayan
2. Kapasidad na may paggalang sa
ideya ng iba.
2.Pagkakaroon ng hindi
pagkakaunawaan dahil pwedeng
mahati ang grupo depende sa
kanyang prinsipyo.
3. Nakalilikha ng lohikal na pag-
iisip
Paano isagawa ang Panel Discussion?
1. Kilalanin ang layunin ng isasagawang panel discussion.
2. Mag-imbita ng mga panellists
3. Pumili at mag-imbita ng moderator
4. Tukuyin ang mga patakaran para sa panel discussion
5. Gumawa ng mga katanungan para sa mga panellists
6. Ayusin ang araw at lugar para sa talakayan
7. Ipakilala ang mga panellists at moderator bago magsimula ang pag-uusap
8. Isagawa ng talakayan na naaayun sa patakaran
9. Tapusin ang panel discussion sa isang buod at closing remarks
10. Magbigay ng pasasalamat sa panelists, moderator, at audience sa kanilang
paglahok.
2. COOPERATIVE LEARNING
Sama-samang pagkatuto (Kooperatib at kolaboratib na pagkatuto)
Ang mga gawain sa loob ng klasrum ay nakatuon sa sama-sama at tulung-tulong na
pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang itinakdang gawain. Layunin nito ang
mabawasan ang kompetisyon at madagdagan ang kooperasyon ng mga mag-aaral
Mga Susing Elemento ng Sama-samang Pagkatuto (Collaborative Learning)
Positibong Pakikipag-ugnayan (Positive Interdependence)
- Ito ay nagaganap kapag naramdaman ng lahat ng miyembro ng pangkat ng
magkakaugnay sila sa isa’t isa sa pagsasagawa ng pangkalahatang layunin (common
goal) lahat sila ay naghahangad para sa tagumpay ng grupo.
Indibidwal na Pananagutan (Individual Accountability)
- Inaasahan ng bawat miyembro ay nananagot sa grupo at kakikitaan ng pagkatuto.
Harap-harapang interaksyon (Face to Face Interaction)
- Kapag ang bawat miyembro ay magkakalapit sa isa’t isa, nagkakausap ay may daloy
ng pag-unlad ang pangkat.
Pagpoproseso ng Pagkatuto (Process of Learning)
- Kapag tinatalakay ng miyembro ng grupo ang pagkatutong nagaganap at tinataya ang
kanilang sama-samang pagsisikap sa ibubunga ng gawain.
Kasanayang Sosyal (Social Skills)
- Kapag ang grupo ay aware sa kasanayan sa wastong pakikihalubilo na ang
kasanayan ay nakatuon sa pagpapaunlad ng komunikasyon, pagtitiwala, pamumuno
at conflict resolution.
Mga Stratehiyang ng Ginagamit sa Kolaboratibong Pagkatuto
Pangkatang Gawain (Maliit at Malaking Pangkat)
Dayads/Triyads
Dugtungang Pagsasalaysay
Talakayang Papanel
Tableau
Brainstorming
Buzz session
Debate
Fish bowl
Round Table
Forum
Mock trial/jury trial
Composite report consensus
Think, pair, share
Elevator speech
Buzz ng bayan
Field Reporting
Infomercial
Picture Summary Technique
3. DEBATE
Binubuo ito ng dalawang pangkat na kumakatawan sa magkabilang panig ng iisang isyu.
Ang isang pangkat ay sa panig na sang-ayon (pro) at ang isa pang pangkat ay sa panig na
(salungat). Isang mag-aaral ang magsisilbing kritiko. Ang paksa ng debate ay isang isyu
maaring pagtalunan. Isa itong panukala na nangangailangan ng pagsagot.
Halimbawa ng Mekaniks ng Debate:
Mekaniks ng Debate
1. Bawat koponan ay bubuuin ng tatlong tagapagpahayag at may isang lider lamang.
2. Bawat punto ay ipapahayag sa loob ng isang (1) minuto lamang. Sa bawat kakulangan sa
naturang minute ay may kaukulang kabawasan.
3. Ang susunod na tagapagsalita ay magtatanong sa katatapos na tagapagsalita ng isang tanong na
masasagot lamang ng “OO o HINDI”. Sa paglabag ditto, ang koponan ay papatawan ng
kabawasan sa kanilang puntos.
4. Pagkatapos ng lahat ng punto, bibigyan ang bawat lider ng tig-dadalawang (2) minuto upang
makipagtalastasan sa lider ng kalabang koponan.
5. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na mababago.
6. Ang bawat paglabag ay may kinaukulang kabawasan, ito ang mga sumusunod:
-1.0 maling pagtatanong
-0.5 20 segundong kulang
-0.5 20 segundong sobra (kada 20 Segundo)
4. DEMONSTRATION
Ang pagtuturo ay isang gawaing masalimuot at may maraming anyo. Ang isang listahan
ng mga pamaraan sa pagtuturo ay kinapapalooban ng maraming ideya at halimbawa, at
isang buong talakayan ng mga ito ay makapupuno ng mga tomo. Gayunman, maaaring
pagsama-samahin ang mga ito sa ilang pangkalahatang paksa sa mga pamamaraan,
kasanayan, o estilo ng pagtuturo na lubhang mahalaga sa epektibong pagtuturo.
Bagamat, ang pangunahing konsiderasyon ay maayos at maliwanag na pagde-
demonstrate. Maraming guro ang naniwalang ito ay krusyal at dapat pagtuunan ng pansin
pagkat ito ang susi upang mas lalong maunawaan ng mag-aaral ang talakayan. Upang
higit na maging organisado ang pagde-demonstrate na isinasagawa o iniimplementa ng
guro ang mga sumusunod ay pamaraan upang maging tiyak at organisado ang
pagsasagawa ng demonstrasyon.
Pamaraan
Binigyang-diin ni Finocchiaro na walang nababago sa mga hakbang sa pagtuturo
ng wika sa komunikatibong pamaraan. Ang pamaraang Herbatian na simulang gamitin
noong taong 1800 ay siya pa ring mabisa hanggang ngayon. Ang pamaraan ay binubuo
ng mga sumusunod na hakbang.
A. PAGHAHANDA
Mga gawaing pang-warm-up, rebyu/pagsasanay sa pagbigkas o kayariang
panggramatika na kailangan sa bagong aralin, pagwawasto ng homework kung may
itinakda o motibasyon sa bagong aralin.
B. PAGLALAHAD NG ARALIN
Sa tulong ng iba’t ibang estratehiya tulad ng biswal, kasama ang mga awtentikong
kagamitan, dialog, larong pangwika, atbp.)
C. PAGTALAKAY
Gramatikal kung may bagong aytem na panggramatika na inilahad. Tulungang
makapaghambing at makapagkontrast ang mga mag-aaral tungo pagbuo ng
paglalahat. Sa talakay na komukatibo, pag-usapan ang kaangkupan ng mga
ekspresyong ginagamit ayon sa sitwasyon
D. PAGLALAPAT
Mga pagsaasanay na gramatikal at komukatibo para mapraktis ang pinag-aaralan
E. EBALWASYON
Pasalita at Pasulat na mga aytempara mataya ang mastery na kasanayang nilinang
Ang guro ang nagpaplano ng aralin, ipinaliliwanag ang wastong paraan ng pagsasagawa,
ipinakikita ang tamang pagkilos at ipinagagawa sa mga mag-aaral ang kasanayan. Ipakikita kung saan
nagkamali at wawastuhin ang mga ito. Iba’t ibang pagsasanay ang ibibigay para maging otomatik ang
isinasagawa.
Mahalagang matutuhan din ng mga mag-aaral ang paged-demonstrate ng kanilang natutuhan sa
kanilang talakayan upang makita ng guro kung nagging epektibong ang kanyang estratehiya sa pagtuturo.
5. DISCOVERY or INQUIRY
Ito ay pagkalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagtatanong o pag-uusisa ng
isang bagay na gustong matukoy o malaman. Ito ay isang paraan upang maging mauusisa,
makipag-ugnayan, magaling magaling makipagkomunikasyon at malayang matuto at
makapagdiskubre ng iba’t ibang kaalaman na makatutulong sa pag-unlad ng mag-aaral.
Halimbawa ng Inquiry Based Learning:
Kahalagahan ng Pagtatanong:
Ang pagtatanong ay nagpapahiwatig kung ano ang kailangan o kagustuhang matukoy ng
indibidwal
Ang pagtatanong ay hindi lang pagtukoy ng tamang sagot kundi paghahanap ng angkop
na solusyon sa isang suliranin.
Ang pagtatanong ay hindi lang isang teknik sa halip ito ay isang proseso na makatutulong
para madagdagan ang kaalaman at magkaroon ng malalim na pag-unawa ang mag-aral
upang:
1. Mapaunlad ang kanilang pag-uusisa sa isang suliranin sa pamamagitan ng
pananaliksik at kasanayan sa pakikipagkomunikasyon,
2. Makihalubilo sa labas ng Paaralan
3. Mabigyang solusyon ang suliranin.
4. Makiisa sa paglikha ng iba’t ibang ideya at kaalaman.
Nakatutulong ang Inquiry Based Learning sa mag-aaral upang:
Mapaunlad ang kasanayan nila sa pag-iisip
Mapaunlad ang kakayahan sa paglalarawan ng isang bagay
Mapaunlad ang kasanayang sa pakikipagtalastasan
Mapaunlad ang kasanayan sa pakikinig
Mapaunlad ang kasanayan sa pagtatanong
Ang halimbawa ng Inquiry Based-learning ay isang Disenyo at Pamaraan ng Pananaliksik na kung
saan ito ay paraan upang makakalap ng datos at impormasyon.
BAHAGI NG METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
• Kabuuang balangkas at pagkakaayos ng pananaliksik pamamaraan
• Paano mabibigyang katuparan ang disenyo
A. Sarbey
• Isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang
tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksik
• Marketing research,sikolohiya, kalusugan at medisina at sosyolohiya.
B. Pakikipanayam o Interbyu
• Pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok na may awtoridad o may personal na pagkaunawa sa
paksa ng pananaliksik
Magtanong
Mag-
imbestiga
LumikhaTalakayin
Repleksiyon
Inquiry-
Based
Learning
• Naglalayon na kumuha ng malalim at malawak na Structured Interview (nakabalangkas na
pakikipanayam) halos eksakto tiyak ang pagtatanong gaya ng mga nasa talatanungan na
ginagamit sa sarbey pasalitang pamamaraan nito at binabasa ng mananaliksik ang mga tanong.
• Semi-structured interview (pakikipanayam na bahagyang nakabalangkas)mas nagbibigay ng
kontrol sa mananaliksik o tagatanong sa magiging daloy ng panayam ginagamit ang mga gabay
na tanong upang maging maayos at sistematiko ang daloy ng panayam mahalaga ang pagbuo ng
follow-up question.
• Unstructured o walang estruktura layunin na galugarin ang nararamdaman ng kalahok tungkol
sa paksa ng panayam impormal ang paraan ng pagtatanong madalas na ginagamit sa kuwalit at
ibang pananaliksik
C. Dokumentaryong Pagsusuri
• Ginagamit upang kumalap ng impormasyon na susuporta at magpapatibay sa mga datos ng
pananaliksik sa pamamagitan ng analitikal na pagbasa sa mga nasusulat na komunikasyon at mga
dokumento upang malutas ang mga suliranin
Mga dokumentong maaaring pagmulan ng pagsusuri:
•Pampublikong tala
•Iba’t ibang uri ng media
•Biyograpiya
•Katitikan ng mga pulong o tala ng mga pangyayari sa isang kumperensya o kongreso
•Mga ulat at plano
•Iba’t ibang uri o genre ng panitikan
D. Nakabalangkas na Obserbasyon at Pakikisalamuhang Obserbasyon
•Ginagamit sa mga uri ng pananaliksik na nangangailangan ng field study gaya ng
Sanggunian:
https://www.connex-education.com/why-do-i-need-a-plenary/
https://www.teachertoolkit.co.uk/2017/05/22/plenaries/#:~:text=The%20plenary%20allows%20the%20
teacher,not%20necessarily%20at%20the%20end.&text=Allowing%20your%20class%20to%20access,wha
t%20they%20do%20not%20know.
https://prezi.com/6dnmr78ocqdl/panel-discussion/
https://www.slideshare.net/MilaSaclauso/mga-estratihiya-sa-pagtuturo-ng-filipino-milagros-m-
saclauso-lala-national-high-school
https://www.slideshare.net/sidapa/mga-estratehiya-sa-pagtuturo-ng-araling-panlipunan