“Si Jolobaw ka ba o si Jhonpig?”
Noong unang panahon, may isang mag-asawa na
naninirahan sa tuktok ng bundok. Mayroon silang
dalawang anak na lalaki na nagngangalang Jolobaw at
Jhonpig.
Si Jolobaw ay isang mabait na bata at may takot sa
Diyos. Araw-araw ay nagdadarasal siya bago matulog
at pagkatapos gumising sa umaga. Nakaugalian na
niyang gawin ito dahil ito ang turo sa kanya ng
kanyang mga magulang. Kaya sa paraang ito, naging
isang mabuti siyang bata. Si Jhonpig naman ay
kabaliktaran ni Jolobaw, kahit anong maganadang asal
na nituro ng kanyang mga magulang sa kanya ay hindi
siya sumusunod at parati siyang sumusuway sa lahat
ng oras. Ang pinakagusto niyang gawin ay matulog.
Isang araw, ang mag-asawa ay nagpaalam sa kanyang
dalawang anak na pupunt daw muna sila sa kanilang
bukid upang magtanim ng mga gulay para may ibenta
sila at kakainin.
“Mga anak, ditto na muna kayo ha. Aalis lang muna
kami ng papa niyo.” Tugon ng ina.
“Opo, inay.” Sagot ni jolobaw.
“Janpig, tulungan mong maglinis ng bahay si jolobaw
ha, huwag puro tulog. Ikaw na siguro maglinis ng
barukan at si jolobaw na sa loob ng bahay.
Naiintidihan mo ba?” tugon ng ama.
Hindi sumagot si janpig bagamat tumango lang siya
tanda ng pagsumangayon kahit mabigat sa kanyang
dibdib.
Umalis na nga ang kanilang mga magulang. Kitang-kita
sa mga mata ni janpig na excited siya dahil
makakatulog siya sa buong maghapon dahil wala ang
kanilang mga magulang.