2. Panimulang-Gawain:
Mahalagang Tanong:
1. Bakit kailangang alamin ang iba’t ibang
akda na lumaganap sa Pilipinas sa
panahon ng mga Katutubo, Espanyol at
Hapones?
2. Paano nakatutulong sa pagkakaroon ng
kritikal na pag-iisip ang pagbabasa ng
panitikang namayani sa iba’ti bang
panahon?
3. Paghahabi ng Aralin
Itala ang sagot sa tulong ng Graphic
Organizer.
Mga Gabay na Tanong:
1. Alin sa iyong mga naitalang panitikang
Pilipino ang pinakagusto mong basahin o
pag-aralan? Bakit?
2. Sa iyong palagay, bakit mahalagang pag-
aralan ang iba’t ibang panitikan ng ating
lahi?
3. Paano mapananatili at mapauunlad ang
panitikang minana pa sa ating ninuno ng
kasalukuyang panahon?
8. Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Ilocos Sur
Bantay, Ilocos Sur
FILIPINO 8
Unang Markahan
Aralin 1(Ikalawang Araw)
Karunungang-Bayan
13. Ang panitikan ay nanggaling sa
salitang “pangtitikan”.
Ito ay nagsasabi, nagpapahayag ng mga
kaisipan, ng mga damdamin, karanasan
at diwa ng mga tao.
Ito rin ay itinuturing na kayamanan ng
ating lahi dahil bahagi ito ng ating
kasaysayan.
14. Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan?
Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating
minanang yaman at
kaisipan at taglay na katalinuhan ng ating lahing pinagmulan.
Upang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at
mapagsikapang ito ay
mapagbuti at mapaunlad.
Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa
ating sariling kultura ay
dapat nating pag-aralan ang ating panitikan sapagkat tayo higit
kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin.
15. KARUNUNGANG BAYAN-
Ito ay sangay ng panitikan kung saan
nagiging daan upang maipahayag ang
mga
kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng
tao. Ilan sa karunungang-bayan o
kaalamang bayan ay ang salawikain,
sawikain, kasabihan.
16. 1. SALAWIKAIN – ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsilbing tuntunin
ng
kagandahang asal ng ating mga ninuno na naglalayong mangaral at
umakay sa mga
kabataan sa pagkakaroon ng kabutihang asal.
Mga Halimbawa:
1.Kung ano ang itatanim ay siya ring aanihin.
Kahulugan: Kung ano ang ginagawa mo sa iba, mabuti man o masama,
ay
babalik rin sa iyo.
2. Pulutin ang mabuti, iwaksi ang masama.
Kahulugan: Ang mga mabubuting aral o gawain ay isabuhay o
ipagpatuloy
samantalang ang mga masama at hindi kaaya-aya ay huwag gawin.
3.Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Kahulugan: May awa ang Diyos sa tao at nais nitong tulungan sa mga
problema niya sa buhay. Subalit, nasa tao pa rin kung kikilos siya o
hindi.
17. 2. SAWIKAIN - Ang sawikain o idiom sa wikang Ingles ay
salita o grupo ng mga salitang
patalinghaga na nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan
sa isang bagay,
kaganapan, sitwasyon o pangyayari.
Mga Halimbawa:
1.Agaw-dilim
Kahulugan: Malapit nang gumabi
Ginamit sa pangungusap: Agaw-dilim ng umuwi si Ben sa
kanilang bahay.
2.Anak-dalita
Kahulugan: Mahirap
Ginamit sa pangungusap: Ipinanganak kaming dalita.
Asal-hayop
Kahulugan: Masama ang ugali
Ginamit sa pangungusap: Hindi lahat ng mayaman ay asal
hayop.
18. 3. KASABIHAN - Ang kasabihan o saying ay isang
makaluma at maiksing pariralang
nagpapahayag ng ideya na pinaniniwalaan ng nakararami
na tunay o totoo. Ito ay
maaaring magmula sa mga kilalang tao o kaya naman sa
mga kasabihan ng mga
ninuno na naipasa mula sa isang henerasyon noon
hanggang sa kasalukuyang
panahon.
Mga Halimbawa:
Ang batang matalino, nag-aaral ng husto.
Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
Ang anak na magalang ay kayamanan ng magulang.
Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay
sasamahan.
19. A. Basahin at unawain ang mga halimbawa ng salawikain,
sawikain at
kasabihan. Isulat ang kahulugan ng mga ito at gayahin ang
pormat.
KARUNUNGANG BAYAN
Salawikain Sawikain
Kung ano ang puno, Bukas ang palad
siya ang bunga ______________
kahulugan Kasabihan
______________ Ang hindi marunong magmahal
sa sariling wika,ay mahigit pa sa
sa mabaho at malansang isda
Kahulugan________________
20. B. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang salawikain,
sawikain at
kasabihan sa buhay ng tao? Ilahad mo ang iyong sagot
gamit ang hanay
sa ibaba.
KARUNUNGANG BAYAN KAHALAGAHAN
SALAWIKAN
SAWIKAIN
KASABIHAN
21. A. Ilagay sa tamang hanay ang mga sumusunod. Suriin
kung ito ay
nabibilang sa salawikan,sawikain at kasabihan.
1Pulutin ang mabuti,iwaksi ang masama.
2. Asal hayop
3.Ang gumagawa ng kabutihan,
hindi matatakot sa kamatayan.
4.Bilang na ang araw
5.Ang mabuting ugali,
masaganang buhay ang sukli.
6.Kung ano ang itinanim, siya
ring aanihin
7.Kung ayaw mong maghirap,
ikaw ay magsikap.
8. Ikurus sa noo
9.Kung ano ang puno,
siya ang bunga.
10.Butas ang bulsa
23. B. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na
sawikain
1. Hulog ng langit
Kahulugan: biyaya o suwerte
Pangungusap:
___________________________________________________
2. Ilaw ng tahanan
Kahulugan: ina o nanay
Pangungusap:
___________________________________________________
3. Bukas ang palad
Kahulugan: matulungin
Pangungusap:
___________________________________________________
4. Di-makabasag pinggan
Kahulugan: mahinhin
Pangungusap:
___________________________________________________
5. Balitang kutsero
Kahulugan: maling kuwento o hindi totoo
Pangungusap: _
25. Pagsulat ng Journal
Bakit kailangang pag-
aralan ng mga kabataan sa
kasalukuyan ang mga
karungang-bayan?
26. Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Ilocos Sur
Bantay, Ilocos Sur
FILIPINO 8
Unang Markahan
Aralin 1(Ikatlong Araw)
Karunungang-Bayan
30. Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Ilocos Sur
Bantay, Ilocos Sur
FILIPINO 8
Unang Markahan
Aralin 1(Ikaapat na Araw)
Uri ng Paghahambing