ARALIN 18 III-Balangkas ng mga Pamahalaan sa mga bansa sa Timog at kanlurang Asya.pptx
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
Ang mga Pagbabago sa Timog
at Kanlurang Asya
3.1 Balangkas ng mga
Pamahalaan sa mga bansa sa
Timog at Kanlurang Asya
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
USAP TAYO…..
Tatanungin ang mga mag-aaral kung sila ba
ay naging instrumento ng pagbabago sa kanilang
tahanan o kaya ay sa kanilang barangay. Hikayatin
silang pumili ng kanilang learning partner at sa loob
ng limang (5) minuto ay magbahaginan ng kanilang
mga ginawang pagbabago. Pagkatapos ay ilahad ito
sa klase
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
BASA… SURI
Ipabasa ang tekstong Balangkas ng
Pamahalaan sa Timog at Kanlurang Asya at
hikayatin ang mga mag-aaral na suriin ito.
Paalalahanan na sila ay magtatala ng mga
mahahalagang konsepto at impormasyon
habang binabasa nila ang teksto. Bigyan
sila ng labinlimang (10) minuto.
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
PANGKATANG GAWAIN ( PHOTO ESSAY)
Gamit ang mga larawan na ipinadala ng guro na
nagpapakita kung paano nagpapatupad ang
pamahalaan ng mga programa para sa
kagalingang panlahat ng kaniyang mamamayan,
sumulat ng sanaysay na nagpapaliwanag kung
paano nakapagdudulot ng transpormasyon sa
lipunan ang piniling larawan. Idikit sa ½
kartolina ang larawan at isulat sa ibaba nito ang
paliwanag.
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
Ang mga katangian ng iba’t ibang uri ng pamahalaang
umiiral sa Timog at Kanlurang Asya
Gawain
URI NG PAMAHALAAN KATANGIAN
DEMOKRASYA
REPUBLIKA
PAMAHALAANG PEDERAL
TOTALITARYANISMO
DIKTADURYA
TEOKRASYA
KOMUNISMO
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
DEMOKRASYA
–Sa pamahalaang demokrasya,
hawak ng mamamayan ang
kapangyarihan sa pamahalaan. Ang
mga tao ay may pantay-pantay na
karapatan at pribilehiyo.
MGA URI NG PAMAHALAAN
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
May kalayaan silang
politikal,pangkabuhayan, at
panlipunan. Nagtatakada
ang batas ng kapangyarihan
ng mga pinuno ng bansa at
kumikilos sila alinsunod sa
batas.
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
REPUBLIKA
-Isang anyo ng demokrasya
ang Republika na kung saan
ang mga mamamayan ay
pumipili ng kinatawan o
representative sa pamahalaan.
- Isang halimbawa nito ang
Pilipinas.
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
PAMAHALAANG PEDERAL
- Sa pamahalaang ito, hawak ng
mga lokal na pamahalaan ang
kapangyarihan na hindi maaaring
pakialaman ng pamahalaang
nasyonal.
- May halos kumpletong
autonomiya ang bawat estado o yunit
na politikal sa pamamahala ng
sariling teritoryo.
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
Subalit nagsasama-sama
ang mga pamahalaang lokal
na ito upang sumailalim sa
mga batas ng pamahalaang
pederal.
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
TOTALITARYANISMO
–Ito ang sistemang politikal na hawak
ng estado, o ng pamunuang
namamahala nito ang ganap na
awtoridad.
- Maaaring minamana ang
kapangyarihan ng estado o pinipili
ang lider ng isang grupong
espesyal.
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
DIKTADURYA
- Ang pamahalaang ito ay
pinamumunuan ng isang diktador
na hindi nalilimitahan ng anumang
batas ang kanyang desisyon.
- Masugid siyang tagapagtaguyod
sa isang ideolohiyang
pinagbabatayan ng pamamahala
gaya ng komunismo.
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
TEOKRASYA
- Sa pamahalaang ito,
ang mga lider ng relihiyon
ang namumuno bilang
kinatawan ng kanilang
Diyos.
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
KOMUNISMO
– Sa pamahalaang ito,
iisang partidong
awtoritaryan ang may
kapangyarihan sa
ekonomiya ng bansa.
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
Matapos ang ang talakayan batay sa
uri at balangkas ng pamahalaan aking
natutunan na___________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
PAGTATAYA
Piliin at isulat ang tamang sagot ayon sa wastong
kahulugan
1.Sa pamahalaang ito, iisang partidong
awtoritaryan ang may kapangyarihan sa
ekonomiya ng bansa.
A. Diktaturya B. Komunismo
C. Republika D. Totalitaryanismo
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
2. Ang pamahalaang ito ay pinamumunuan ng
isang diktador na hindi nalilimitahan ng
anumang batas ang kanyang desisyon. Masugid
siyang tagapagtaguyod sa isang ideolohiyang
pinagbabatayan ng pamamahala gaya ng
komunismo.
A. Diktaturya B. Komunismo
C. Republika D. Totalitaryanismo
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
3. Isang anyo ng demokrasya na kung saan ang
mga mamamayan ay pumipili ng kinatawan o
representative sa pamahalaan.
A. Diktaturya B. Komunismo
C. Republika D. Totalitaryanismo
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
4. Sa pamahalaang ito hawak ng mamamayan
ang kapangyarihan sa pamahalaan. Ang mga
tao ay may pantay-pantay na karapatan at
pribilehiyo. May kalayaan silang politikal,
pangkabuhayan at panlipunan. Nagtatakda ang
batas ng kapangyarihan ng mga pinuno ng
bansa at kumikilos sila alinsunod sa batas.
A. Demokrasya B. Komunismo
C. Republika D. Totalitaryanismo
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
5. Ito ang sistemang political na hawak ng
estado o ng pamunuang namamahala nito ang
ganap na awtoridad. Maaaring minamana ang
kapangyarihan ng estado o pinipili ang lider ng
isang grupong espesyal.
A. Demokrasya B. Komunismo
C. Republika D. Totalitaryanismo
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
• Susi sa Pagwawasto:
1. B 3. C 5. D
2. A 4. A
Guro ng Araling Panlipunan: Tagapagtaguyod ng
TAKDANG ARALIN
Magsaliksik ng mga palatuntunang nagtataguyod
sa mga karapatan ng mga mamamayan,
kababaihan mga grupong katutubo at mga kasapi
ng caste system sa India.
Sanggunian: Maaaring magsaliksik ng mga
impormasyon gamit ang internet