O slideshow foi denunciado.
Seu SlideShare está sendo baixado. ×

panahon ng hapon.pptx

Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Próximos SlideShares
Panahon ng Hapon
Panahon ng Hapon
Carregando em…3
×

Confira estes a seguir

1 de 38 Anúncio

Mais Conteúdo rRelacionado

Semelhante a panahon ng hapon.pptx (20)

Anúncio

Mais recentes (20)

panahon ng hapon.pptx

  1. 1. Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula 1942 hanggang 1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos. Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binomba ng hukbo ng mga sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre8, 1941.
  2. 2. Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga Hapones ang Pearl Harbor, Hawaii, at Estados Unidos, Pagkaraan ng ilang mga linggo, umatras sina Heneral Douglas MacArthur na kasama ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas. Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2 1942.
  3. 3. Sumuko ang Bataan sa puwersa ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. Ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones (ang tinatawag na Martsa ng Kamatayan) papunta sa isang kampo ng konsentrasyon sa Capas sa lalawigan ng Tarlac.
  4. 4. Pagkaraan ng pagbagsak ng Bataan sa kamay ng Hapon, nagpunta si MacArthur sa Australia. Pinalitan siya sa Corregidor ni Heneral Jonathan Wainwright, upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban, hanggang sa mapilitang sumuko ang mga Pilipino at Amerikano pagkalipas ng 27 mga araw. Nagtagal nang tatlong mga taon ang pananakop o okupasyon ng mga Hapones sa Pilipinas. Nagtatag ang mga Hapones ng isang pamahalaang tau- tauhan lamang nila, na ang nagsisilbing pangulo ay si Jose P. Laurel. Noong Oktubre 1944, nagsimula ang digmaan ng pagpapalaya sa Pilipinas mula sa mga Hapones nang lumapag ang mga puwersa ni Douglas MacArthur sa Tangway ng Leyte. Naproklaman bilang bagong pangulo ng Pilipinas si Sergio Osmeña nang mamatay si Manuel Quezon.
  5. 5. Malakas na nabomba ng mga sundalo ng Estados Unidos ang Maynila noong Pebrero 1945. Nasukol ng mga Amerikano ang mga puwersang militar ni Heneral Homma sa Lalawigang Bulubundukin (Mountain Province), na napilitang sumuko noong mabigo ang mga ito sa tinatangka nilang pagtakas.
  6. 6.  Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito.  Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa.
  7. 7.  Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nililikha.  Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.
  8. 8.  Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A.Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-feministang maikling-kwento. • Ang isang manunulat ay likas na manunulat. • Nabigyang sigla ang Wikang Pambansa. • Binigyan pa nila ng pagkakataon ang isang Pilipino, si Jose P.Laurel upang mangulo sa bayan sa kanilang “pamatnubay.”
  9. 9. • Natutong gagarin ng mga manunulat ang HAIKU. • Maikling Tula • Labimpituhing Pantig • Tatlong Taludtod • Unang taludtod ay lima Gitna ay pito Huli ay lima
  10. 10.  Ang kagandahan ng uri ng tulang Haiku ay nakasalalay sa mga ipinahihiwatig na imahen nito at sa malalim na kahulugang taglay ng talinghaga.  Nagbalik din sa panulat ang matandang anyo ng tulang Tagalog, ang tanaga na parang Haiku sa ikli. Aapating taludtod lamang. Bawat taludtoday binubuo ng tigpipitong pantig. Ubod din ng talinghaga. Margielyn M.Aninon Tinalakay ni:
  11. 11.  Sa mga dula karaniwang ang buhay Pilipino, buhay lungsod o nayon, at karaniwang ugali ng mga Pilipino.  Maraming pagtatanghal ang may mga paksang katawa-tawa upang ikubli ang mga kapintasan ng mga hapones tulad ng pangunguha ng ari-arian sa mga Pilipinong nabibilang o nangungurakot.
  12. 12.  Hindi umanlad ang nobela sa panahong ito dahil maraming kakapusan sa papel.  Naglalarawan ng mga nalathalang dula, tula, sanaysay, at maikling kwento ng damdaming makabayan.
  13. 13.  Matitimpi ang pagpapahayag ng paksa.  Nag sasalaysay ng madulang pangyayari.  Walang balangkas ang kwento.  Ang paksa ay nauukol sa iba’t-ibang karanasan sa buhay ng tao.  Gumagamit ng mga payak na pangungusap kaya madaling maunawaan.
  14. 14.  Sumisentro sa buhay sa lalawigan o pagsasaka o pangingisda.  Ugali ng mga hapon na pagiging tapat sa kanilang bansa at pagkakaroon ng dangal sa sarili at bansa. Leslie Padua Tinalakay ni:
  15. 15.  Tulang may malayang taluturan na kinagigiliwan ng mga hapones.  May labing pitong pantig 1st (tatultod): limang pantig 2nd(tatultod): Pitong pantig 3rd (tatultod): limang pantig  Karaniwang maiikli ngunit nagtataglay ng matatalinghagang kahulugan.
  16. 16. Tutubi Hila mo’y tabak… Ang bulaklak,nanginig! Sa paglapit mo. Gonzalo K. Flores Liwayway, Hunyo 5, 1993
  17. 17. Ulilang damo Sa tahimik na ilog… Halika, sinta. Gonzalo K. Flores Liwayway, Hunyo 5, 1993
  18. 18.  May sukat at tugma.  Bawat taludtod ay may pitong pantig  Nagtataglay ng isang tugmaan A-A-A-A, ngunit ang mga bagong tanaga ngayon ay kakikitaan narin ng mga tugma na inipita –A-B-B-A, salitan A-B-A-B, at sunranA-A-B-B.
  19. 19. Palay Palay siyang matino Nang Humangi’y yumuko, Kabibi Kabibi, ano kaba? May perlas, maganda ka Kung diit sa tainga Tag-init Alipatong lumapag Sa lupa- nagkabitak Sa kahoy- nalugayak, Sa puso, naglagablab! Ildelfonso Santos Liwayway, Abril 10,1943
  20. 20.  Payak at simple at walang sukat at tugma.  May apat na taludtod sa isang saknong. Celine Angelique Lero Tinalakay ni:
  21. 21. Naging kapansin pansin sa dalagita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang hindi ito makatulog, palaging malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan minsan ay may impit na hikbi. Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipagusap. Bihira lamang siyang magalit. Parang patak ng ulan kung tag-araw ang kaniyang mga ngiti. Ang batang pusong anak ay maitutulad sa lupang tigang na uhaw na uhaw. ni LiwaywayArceo
  22. 22. Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya,ang pagbabasa nito,pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat. Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang labandera sa kanyang ina at kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga mata ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at tahimik. ni LiwaywayArceo
  23. 23. Isang gabi’y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na masakit ang dibdib at ulo. Naratay ng ilang araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina. Hindi ipinagtapat sa anak ang tunay na karamdaman ng ama. Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa kanya ng ama ang hapag nito.Ang larawan sa kahita ay hindi ang kaniyang ina.Walang lagda ang larawan at ang tanging nakasaad ay “Sapagkat ako’y nakalimot”. ni LiwaywayArceo
  24. 24. May nakita rin ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng kanyang ama at tanggapan nito. Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang ama na nasa kalamigan ng lupa ang kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang tibok ng puso ay hindi pagibig tuwina. ni LiwaywayArceo
  25. 25. Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay samantalangang ina ay patuloy sa pagbabantay, walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at patuloy na lumuluha kung walang makakita sa kanya. Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang mahal ay maaari nang magtungo….na nag moog na kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang paraan. ni LiwaywayArceo
  26. 26. Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata ang maysakit at nagkatitigan sila ng ina. Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay “Sabihin mo, mahal ko na maangkin ko na ang kaligayahan ko”. Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kanyang mahal.Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan. ni LiwaywayArceo
  27. 27. Liwayway A. Arceo Si Liwayway A. Arceo (mangangatha, nobelista, mananaysay, tagasalin-wika, editor), ayon sa isang kritikong gumawa ng pag-aaral noong 1979 sa kanyang mga katha ng dekada 40, ay feminista na bago pa “nauso” ang katagang iyon.
  28. 28. Liwayway A. Arceo .Sa mga aklat ni Liwayway A. Arceo na nasa ika-3 limbagna, namumukod ang sosyo-ekonomikong nobela, ang Canal de la Reina (1985) na isinalin sa Japanese (1990) at dinaluhan ng awtor ang paglulunsad sa Tokyo. Samantala, patuloy na muli’t muling inilalathala ang kanyang premyadong maikling katha, ang klasiko nang "Uhaw ang Tigang na Lupa" (1943), na itinuturing na panulukang-bato ng makabagong maikling kuwentong Tagalog.
  29. 29. Liwayway A. Arceo Ang dedikasyon ni Liwayway A. Arceo sa Panulatan ay nagsanga sa Panitikang relihiyoso at espiritwal nitong huling 13 taon, na nagbunga sa kanyang Catholic Author’s Award (1990) mula sa Asian Catholic Publishers. Kabilang pa rin sa kanyang mga gawad ang Life Achievement Award saPanitikan (1994) mula sa Komisyon ng Wika, ang Gawad CCP sa Literatura (1993), at ang Doktorado sa Humane Letters, honoris causa (1991) mula sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Ma. MyzelAbalos Tinalakay ni:
  30. 30. • Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay. • Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan. • Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. • May kapayakan at kakauntian ng mga tauhan. • Nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao.
  31. 31. 1. TAUHAN > Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan. 2. TAGPUAN/PANAHON > Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari. 3. SAGLIT NAKASIGLAHAN > Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan.
  32. 32. 4.SULIRANIN O TUNGGALIAN > Tumutukoy ito sa Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan. maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan. 5. KASUKDULAN > Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
  33. 33. 6. KAKALASAN > Ito ang kinalabasan ng paglalaban.Sumusunod eto agad sa kasukdulan. 7. WAKAS >Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Precelma V. Galve Tinalakay ni:
  34. 34. Jose Ma. Hernandez  Manunulat at Guro.  Nag-aral ng pagsulat at pagtatanghal.  Panday Pira (may 3 yugto)  The olive Garden  Palanca Memorial Award in Letirature.
  35. 35. Francisco “soc” rodrigo  Politiko sa Pilipinas.  Ipinanganak sa Bulacan.  Pamantasang Ateneo de Manila  Namatay noong 1998 dahil sa kanser.  Dating pangulo ng Catholic ction.  Batas-Rizal.
  36. 36. Gervacio santiago  Hulyo 19, 1909  Panganay na lalaki  Leonor Dalisay  Namatay noong Agusto 14,1993
  37. 37. Clodualdo l. delmundo sr.  Septiyembre 11, 1911  Naging co-founder ng unang pangulo ng panitikan noong 1935.  Bituing Walang Langit.

×