3. A. URI NG PANITIKAN
Binaybay ding maikling kwento - ay isang maiksing
salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang
kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na
anyo ng panitikan. Ito ay may payak na pangungusap,
maikli ang panahong nasasakop at kayang tapusin ng
isang araw. Madaling maunawaan at angkop sa lahat.
5. C. PAGKILALA SA MAY AKDA
Tanyag na manunulat sa Pransya na isinilang noong Agosto 5, 1850
at namayapa noongHulyo 6, 1893. Isa sa itinuturing na “Ama ng
Modernong Maikling Kuwento”. Ang kaniyang mga kuwento ay
nailalarawan sa pamamagitan ng ekonomiya ng estilo at kahusayan.
Nakalikha sya ng 300 maikling kuwento, anim na nubela, tatlong
mga aklat sa paglalakbay, at isang aklat ng mga taludtod. Ang
kuwentong una nyang nalikha ay “Buole de Siuf” na itinuturing na
obra maestra.
6. D. LAYUNIN NG AKDA
Ipaalam satin na matuto makontento kung ano ang
binigay ng dyos sa ating buhay at bawasan ang pag
hahangad ng hindi naman natin kelangan para sa pang
araw araw na buhay dahil ang paghahangad ng sobra ay
masama at minsan ay nagdadala sa atin ng
kapahamakan. Ngunit kung may ninanais ka talaga na
isang bagay ay paghirapan mo ito at pagsikapang
makuha.
7.
8. A. TEMA O PAKSA NG AKDA
Ito ay tungkol sa isang babae na nag ngangalan Mathilda
na hindi marunong makontento sa kung anong meron sya
at nag hahangad pa ng ibang bagay na wala sya at ito ang
mag dadala sa kapahamakan sa kanya dahil sa pag
hahangad ng sobra-sobra.
9. B. MGA TAUHAN/KARAKTER NG AKDA
-Galing sa pamilya ng mga manunulat
- Isang napakaganda ngunit pangkaraniwang dilag
- Babaeng ambisosya na naghahangad ng sobra para sa ikabubuti nya
lamang.
- Hindi maalam makuntento
- Hindi matanggap ang estado niya sa buhay
- Nagmukang matanda, matipuno ang katawan, matigas ang mga laman
at magaspang ang mga kamay. Sabog ang buhok at nakatabingi ang
saya.
10. - Asawa ni Mathilde Loisel
- Isang mabait at tapat na asawa.
- Gagawin lahat upang mapasaya si Gng. Loisel
- Mapagbigay at masunurin, sinusunod ano man ang
naisin ng kaniyang asawa.
- Masipag at maaasahan sa lahat ng oras
- Handang magsakripisyo para sa minamahal nya
11. -Isang mayaman na mabait na kaibigan ni Mathilda na
siyang nag pahiram ng kwintas para kay mathilda.
12. C. TAGPUAN/PANAHON
-Sa bahay nina Mathilda
-Sa bahay ng matalik na kaibigan nyang si Madame
Forestier
-Sa Taxi
-Sa Daan
-Bulwagan ng Ministro
13. C. TAGPUAN/PANAHON
-Isang gabi
-Madaling araw
-Alas siyete ng umaga
-Kinagabihan
-Tuwing umaga
-Isang araw ng linggo
-Sa loob ng tatlong araw
-Pagkalipas ng isang linggo
14. D. BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Umuwi si G. Loisel at masayang ibinalita kay Mathilda ang tungkol sa imbatasyon nakuha sa isang
kasiyahan.
•Nalungkot si Mathilda at nagmakto dahil wala naman syang isusuot sa kasiyahan.
•Naawa si G. Loisel kaya't ibinili nya ng bagong bestida ang kaniyang asawa gamit ang naipon pera sa
pambili sana ng baril pang-ibon.
•Masaya si Mathilda dahil meron na syang bagong damit ngunit ilang araw na lang ay wala parin syang
alahas kahit isa.
•Nangako ang asawa na ibibili siya ng mumurahing alahas ngunit ayaw ni Mathilda kaya sinabi ng asawa
na maghiram muna sa mayamang kaibigan.
•Numiningnig ang kasiyahan ni Mathilda noong gabing iyon.
•Nang pauwi na ang mag asawa ay nawala ang kwintas.Hinanap nila ang kwintas ngunit hindi nila ito
makita kaya nag plano silang palitan ito ngunit sa sobrang mahal nito kelangan nilang magbenta mag
hiram at mag trabaho ng doble doble para sa kapalit ng kwintas.
•Naka bili man sila ng bagong kwintas ngunit huli na ang lahat ng malaman nila na peke pala ang kwintas
na ipinahiram ni Madam Forestier sa mag-asawa Loisel.
15. E. KULTURANG MASASALAMIN SAAKDA
-Ang Kuwento ng Kwintas ay masasalamin sa kultura ng
Pransya
-Kilala ang mga Taga Pransya sa pag kahilig sa
Magagandang Damit at Alahas.
-Kilala din sila sa hindi matatawarang mariringal mag
damit.
-Mahilig sila sa mga nga okasyon o fiesta.
16.
17. A. MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG AKDA
- Maging kuntento sa kung anong meron tayo
-Huwag maghangad ng mga bagay na hindi kailangan
-Pahalagahan lahat ng bagay na meron tayo
- Pagsikapan ang mga bagay na gusto mo kung nais mo
talaga itong makamit
- Magsabi ng katotohanan sa lahat ng oras
18. B. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
Ang tagasalaysay ang nag karoon ng pag kakataon upang
ipakilala satin ang mga ugali ng mga karator at ang
nararamdaman ng mga ito , naipaalam rin nito ang
kultura ng ibang Pransya. Masining ito at makabuluhan
sapagkat naisiwalat nito ang bawat detalye na
kinakailangan ng mga mambabasa.
19.
20. Si Mathilde ay isang maganda at mapanghalinang babae ngunit siya ay isinilang na mahirap.
Napakasal lamang siya sa isang abang tagasulat.
Sa kanyang paniniwala ang katulad niyang maganda ay hindi nababagay sa kahirapang kanyang
hinahaharap kung kaya siya ay labis na nagdurusa.Isang gabi dumating ang kanyang asawang si G.
Loisel na may dalang sobre na naglalaman ng paanyaya sa isang kasiyahan mula sa MInistro ng
Instruksyon Pampubliko. Ngunit sa halip na matuwa si Mathilde siya ay nagdabog at bumulong na
ano ang gagawin niya rito. Sinabi niya sa asawa na kailangan niya ng pera upang bumili ng bagong
bestida upang magamit sa dadaluhang pagtitipon. Apat na raang prangko ang kanyang hiningi
kung kaya si G. Loisel ay natigilan. Sa huli ay pumayag din ito na bumili ng bagong bestida si
Mathilde.Ngunit si Mathilde ay hindi makuntento na wala man lang hiyas na suot kung kaya’t siya
ay humiram ng isang kwintas sa kanyang kaibigan na si Madam Forestie
21. Siya naman ay pinahiraman nito ng isang kuwintas. Nang sumapit ang araw ng
kasiyahan nahigitan ni Mathilde ang lahat ng mga babae sa ganda, rangya at
kahalina halina. Kung kaya siya ay naging maligaya sa gabing iyon.Nang
matapos ang kasiyahan sila ay umuwi ng mag-asawa. Nang humarap si
Mathilde sa salamin upang muling makita ang kanyang kagandahan, siya ay
napasigaw sapagkat ang kuwintas na kanyang hiniram ay wala sa kanyang leeg.
Sinabi niya sa kanyang asawa na nawawala ang kuwintas.
22. Hinanap nila ang kuwintas ngunit ito ay hindi nila makita. Kung kaya sila ay
napilitang maghanap ng katulad ng kuwintas upang isoli ito sa kanyang
kaibigan. Nakahanap sila ng katulad ng kuwintas ngunit ito ay nagkakahalaga
ng apatnapung libong prangko. Kung kaya ang lahat ng pwedeng mahiraman
ng pambili niyon ay kanilang nilapitan.
Nang mabili na nila ang kuwintas ay dagli nila itong isinoli kay Madam
Forestier na naging malamig ang pakikiharap sa kanya. Noon lubos na
naunawaan ni Mathilde ang mamuhay sa gitna ng karalitaan. Tumagal ng
sampung taon natapos na din nila ang lahat ng kanilang utang. Kasama na ang
mga tubong nagkapatong patong.
23. Mukhang matanda na si Mathilde, isa na siyang tunay na babae na mayroong
maralitang buhay. Isang araw ng Linggo habang si Mathilde ay naglalakad sa
Champs Elysees. Nakita niya si Madam Forestier na may kasamang bata. Katulad pa
din ito ng dati na may taglay na panghalina. Binati niya ito ngunit siya ay hindi nito
nakilala sapagkat ang kanyang itsura ay malaki na ang ipinagbago. Isinisi niya sa kay
Madam Forestier ang nangyari sa kanya.Sinabi niya dito ang nagyari sa kanya. Ang
pagkawala ng kuwintas at ang pagbili niya ng kapalit ng kuwintas na naging dahilan
ng kahirapang kanyang pinagdaan. Ngunit sinabi ni Madam Forestier na ang
kanyang hiniram ay isa lamang imitasyon. Ang pinakamataas na maihahalaga ay
limang daang prangko lamang. Umuwi si Mathilde sa kanilang bahay at sinabi ito sa
kanyang asawa.