2. Ang pang-abay ay mga
salitang nagbibigay-
turing sa isang
pandiwa, pang-uri, at
kapwa pang-abay. Ito
ay may iba't ibang uri.
3. Nagsasaad ng panahon kung
kailan ginawa ang kilos ng
pandiwa. Sumasagot ito sa tanong
na kailan.
Halimbawa:
Ang alamat ay pasalin-salin sa
iba’t ibang panahon mula noong
panahon ng Ayutthaya.
1. Pamanahon
4. Nagsasaad ng pook, lunan, o
lugar na pinangyayarihan ng
kilos. Sumasagot ito sa
tanong na saan at nasaan.
Halimbawa:
Sa bundok ng Grairat
matatagpuan ang mga
Kinnaree.
2. Panlunan
5. Nagsasaad kung paano
ginaganap ang kilos na
sumasagot sa tanong na
paano.
Halirnbawa:
Itinali ng mahigpit ni
Prahnbun ang pakpak ng
prinsesa.
3. Pamaraan
6. Nagsasaad ito ng pag-
aalinlangan o kawalang
katiyakan.
Halirnbawa:
Marahil naging mahirap
para sa mga kapatid ng
prinsesa ang pagkakahuli sa
kanya.
4. Pang-agam
7. Kataga sa Filipino na karaniwang
nakikita pagkatapos ng unang salita
sa pangungusap. Ito ay ang man,
kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy,
lamang/lang, din/rin, ba, pa, muna,
pala, na, naman, at daw/raw.
Halimbawa:
Ito na raw ang pinakamalaking
kalungkutan ng mga kinnaree.
5. Ingklitik
8. 6. Benepaktibo
Ang tawag sa pang-abay na
nagsasaad ng benepisyo para sa
isang tao. Ito -ay karaniwang
binubuo ng pariralang
pinangungunahan ng para sa.
Halimbawa:
Hinuli ni Prahnbun ang
prinsesa para sa prinsipe.
9. 7. Kawsatibo
Ito naman ang tawag sa pang-abay na
nagsasaad ng dahilan ng pagganap sa
kilos ng pandiwa. Ito'y nakikilala sa
parirala o sugnay na
pinangungunahan ng dahil sa.
Halimbawa:
Dahil sa kagandahang taglay ng
prinsesa ay nabighani ang prinsipe
kung kaya’t umusbong ang isang
tunay na pag-ibig sa isat’ isa.
10. 8. Kondisyonal
Pang-abay na nagsasaad ng kondisyon
para maganap ang kilos na isinasaad ng
pandiwa. Ito ay may mga sugnay o
pariralang pinangungunahan ng kung,
kapag o pag, at pagka.
Halimbawa:
Abala sa paglalaro ang mga kinnaree
kung kaya’t sinamantala ito ni
Prahnbun upang ihagis ang lubid at
matagumpay na nahuli si prinsesa
Manorah.
11. 9. Panang-ayon
Ang pang-abay na ito ay
nagsasaad ng pagsangayon.
Ang mga halimbawa nito ay
oo, opo, tunay, talaga, totoo,
sadya, at iba pa.
Halimbawa:
Tunay ngang nakakabighani
ang ganda ni prinsesa Manorah.
12. 10. Pananggi
Ito naman ang mga pang-abay
na nagsasaad ng pagtanggi,
tulad ng hindi/ di at ayaw.
Halimbawa:
Hindi inaasahan ng mga
kinnaree ang sinapit ng
kanilang nakababatang kapatid.
13. 11. Panggaano
Ang pang-abay na ito ay
nagsasaad ng sukat o
timbang.
Halimbawa:
Nanatili nang isang daang
taon ang pagmamahalan
ng prinsipe at prinsesa.
14. Isulat sa papel
ang Pang-
abay ng mga
sumusunod
na
pangungusap
at isulat sa
kanan ang uri
nito.
1. Sa India nagsimula ang larong chess.
2. Naimbento ito noong bago pa mag-ikaanim na
siglo.
3. Masayang nilalaro ng mga tao ang larong ito.
4. Hindi ako marunong maglaro nito.
5. Madali raw matutunan ang laro.
6. Matututo ka kung maglalaan ka ng oras.
7.Tumagal ng dalawang oras ang pagtuturo niya
saakin.
8.Totoong maganda ang larong ito.
9. Marahil matatalo mo na ako ngayon.
10. Ang gumagaling sa larong ito ay’ yong mga
masigasig matuto.
15. 1. Sa India nagsimula ang larong chess.
2. Naimbento ito noong bago pa mag-ikaanim na
siglo.
3. Masayang nilalaro ng mga tao ang larong ito.
4. Hindi ako marunong maglaro nito.
5. Madali raw matutunan ang laro.
6. Matututo ka kung maglalaan ka ng oras.
7.Tumagal ng dalawang oras ang pagtuturo niya
sa akin.
8.Totoong maganda ang larong ito.
9. Marahil matatalo mo na ako ngayon.
10. Ang gumagaling sa larong ito ay yong mga
masigasig matuto.
PANLUNAN
PAMANAHON
PAMARAAN
PANANGGI
INGKLITIK
KONDISYUNAL
PANGGAANO
PANANG-AYON
PANG-AGAM
PAMARAAN
16. POINTERS PARA SA FILIPINO:
Parabula
Matatalinghagang pahayag
Element ng elehiya
Pagpapasidhi ng damdamin/clining
Tunggalian
Etimolohiya
Pang-ugnay
Pang-abay