2. Mga Paalala:
1. Ihanda ang mga dapat gamitin tulad ng panulat,
board o papel.
2. Panatalihing naka-mute ang mic.
3. I-on ang mic kung may sasabihin o isasagot.
4. Makinig mabuti at makibahagi sa talakayan.
3. Kumusta kayo mga bata?
Masaya ba kayo ngayon?
Handa na ba kayong
matutong muli?
4. Ating balikan . . .
Ano ang tawag sa panghalip na
humahalili sa ngalan ng tao?
Magbigay ng halimbawa ng
panghalip panao.
5.
6. IWASAN ANG KALABAN
Virus na kalaban ating iiwasan
‘Di nakikita pero nararamdaman,
Kaya naman para hindi na mahawa
Face mask at alcohol laging dala-dala.
Ngayon sa komunidad ay may pandemya
Na dulot ng virus na nakakahawa,
Kaya tayo ay nasa bahay tuwina
Upang sakit na ito ay ‘di makuha.
7. Sagutin:
Ano ang dahilan ng pandemya sa
ating komunidad?
Ano naman ang naging epekto
ng pandemyang ito?
Anong dapat gawin para hindi
tayo mahawa ng virus?
9. Si Juan na Laging Palaaway
Si Juan ay nasa Ikalawang
Baitang. Siya ay pasaway at
palaaway na bata. Mahilig
siyang magpaiyak sa mga
kaklase niyang babae. Lagi
rin siyang nakikipag-away.
10. Siya ay kinatatakutan
ng kaniyang mga kapwa
kamag-aaral. Sa tuwing
recess ay siya lamang
mag-isa sa mesa at
walang may nais na
tumabi sa kaniya.
11. Isang araw, napadaan si Juan
sa isang lumang bahay na
katabi lamang ng kanilang
paaralan. Agad na lamang
sinunggaban si Juan ng asong
gala. Walang ano-ano, siya ay
kumaripas ng takbo. Ngunit
tila hindi napagod ang aso at
ito ay nakasunod pa rin sa
kaniya.
12. Pagod na pagod na si
Juan. Nang biglang
may narinig siyang
tumawag sa kaniyang
pangalan. “Juan dito ka
magtago sa loob ng
aming bahay”. Nakita
niya si Pedro, ang
kaniyang kamag-aral na
lagi niyang inaaway.
13. Dali-daling pumasok si
Juan sa bahay nila Pedro at
nagtago. Laking gulat niya
na binigyan siya ng tubig
ni Pedro. Nagtataka siya
kung bakit hindi nagtanim
ng galit si Pedro sa kaniya
sa kabila ng lagi niyang
ginagawa.
14. Tumingin si Juan sa may
bintana at nakita niyang
wala na ang aso.
Nagpasalamat siya kay
Pedro at umalis na ito sa
kanilang bahay. Napagtanto
ni Juan na mas magandang
maging mabuting bata at
magkaroon ng maraming
kaibigan.
15. Simula noon nagbago
na si Juan. Siya ay naging
palakaibigan at hindi na
siya nakikipag-away.
Nagkaroon na rin siya ng
maraming kaibigan na
kasama niya sa tuwing
sila ay uuwi galing sa
paaralan.
16. 1. Ano ano ang dahilan ng pagiging mag-isa sa mesa ni
Juan tuwing recess?
2. Nagbago ba si Juan?
3. Ano ang dahilan ng pagbabago ni Juan?
4. Ano naman ang naging resulta o epekto ng
pagbabagong ito ni Juan?
5. Sino ang laging inaaway ni Juan ngunit tinulungan siya
para matakasan ang aso?
17. Sa tulang “Iwasan ang Kalaban”, napag-
usapan natin ang dahilan at epekto o
resulta ng pandemya, sa kwento namang
“Si Juan na Laging Palaaway”, nalaman natin
ang dahilan at epekto ng pagbabago ni
Juan.
Alam nyo ba mga bata kung ano ang
tawag sa dahilan at resulta o epekto ng
isang pangyayari?
20. Sanhi – ito ay tumutukoy sa pinagmulan
o dahilan ng isang kilos, kalagayan o
pangyayari.
(dahil, sapagkat, kasi )
Bunga – ito ay tumutukoy sa resulta o
epekto ng isang kilos, kalagayan o
pangyayari. (kaya/kaya naman, kung
kaya, bunga nito)
21. Mula sa kwentong “Si Juan na
Laging Palaaway”,
magbigay kayo mga bata ng
pangyayari sa kwento na
magkaugnay ang sanhi at
bunga.
22. Tukuyin kung ang may salungguhit ay Sanhi o Bunga. Ipakita ang
“finger heart” kung sanhi at “peace sign” kung bunga ang
inyong sagot.
1. Nagtatakbo ako kaya hinabol ako ng aso.
2. Lumangoy si Larry sa malalim na dagat kaya siya nalunod.
3. Nag-aral nang mabuti si Nico kaya nakapasa siya sa kaniyang
mga pagsusulit.
4. Naiwan nilang bukas ang pinto kaya nakapasok ang
magnanakaw.
5. Kaya laging masakit ang ngipin ni Joy dahil mahilig siyang
bumili ng cotton candy.
23. Ano ang tawag sa dahilan
ng pangyayari? Sa resulta o
epekto ng kalagayan o
pangyayari?
24. Nabatid ko na kapag ang salita ay
tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng
isang kilos, kalagayan o pangyayari, ito ay
tinatawag na _____________.
Ang _________________ naman ay ang
resulta o epekto ng gawain o pangyayari .
25. Mga bata mayroon akong ipapakitang
mga larawan sa inyo. Magbibigay kayo
ng pangungusap na may sanhi at bunga
tungkol sa larawan. Sa pamamagitan ng
Spin the Wheel, kung sino ang mapipili
sya ang sasagot.
26.
27.
28.
29.
30.
31. Hanay A Hanay B
1. Mahilig akong kumain ng gulay. a.
2. Nanonood ako ng telebisyon b.
kahit gabing-gabi na.
3. Kumain ako ng maraming kendi. c. c.
4. Niligpit ko ang aking pinaghigaan. d.
5. Nag-aral ako ng mga aralin. e.
Pag-ugnayin ang pangungusap sa Hanay A at larawan sa Hanay B
upang maipakita ang Sanhi at Bunga ng pangyayari. Isulat ang titik
ng tamang sagot.