Komunikasyon
• mula sa salitang Latin na “communicare” na
ang ibig sabihin ay "ibahagi“
• anumang senyas o simbulo na
ginagamit ng tao upang ipahayag ang
kaniyang inisip at pinapahalagahan
Uri ng Komunikasyon
1. Berbal na komunikasyon
–ito ay uri ng komunikasyon kung saan
ang impormasyon ay naibabahagi o
naihahatid sa pamamagitan ng mga
salita. Maaring pasulat o pasalita.
Uri ng Komunikasyon
2. Di berbal na komunikasyon
– ito ay uri ng komunikasyon kung saan
ang impormasyon ay naibabahagi sa
pamamagitan ng kilos o galaw.
Uri ng Komunikasyon
3. Komunikasyong Biswal
– ito ay uri ng kamunikasyon kung saan
ang impormasyon ay naibabahagi o
naihahatid sa pamamagitan ng larawan,
o simbolo na maaaring kumatawan sa
salita.