TAUHAN
Ang mga tauhan ay may kaniya-kaniyang galing sa pagpaparamdam ng
emosyon sa bawat eksena na lalong nagpalutang sa papel na kanilang
ginampanan. Si Joy (Kathryn Bernardo) ay isang OFW sa Hong Kong na
nagsusumikap upang matugunan ang pangangailangan ng kaniyang
pamilya sa Pilipinas. Si Ethan (Alden Richards) isang babaero, walang
seryosong relasyon ay nagtatrabaho bilang isang bar tender sa
niraraketang bar ni Joy sa gabi habang naghihintay ng kaniyang
citizenship.
PAKSA/TEMA
• Sa pelikulang ito’y ipinakita ang reyalistikong mga sitwasyon sa buhay
ng mga OFW, paglalahad ng mga hindi kanais-nais na bunga na paglayo
sa pamilya para kumita nang malaki sa ibang bansa. Katulad ni Joy na
siyang inaasahan na makakapagbigay ng mga pangangailangan ng
kaniyang pamilya sa Pilipinas ay kinailangan niyang pagsabay-sabayin
ang pagiging kasambahay, pag-aalaga ng bata at matanda, pagbebenta
ng online products, at pagiging isang waitress sa isang bar. Idagdag pa
ang kagustuhan niyang makapunta sa Canada. Hanggang magtagpo ang
kanilang landas.
LAYON
•May kaniya-kaniyang sitwasyong
pinagdadaanan ang bawat isa.
Kailangan lang maging positibo at
maingat sa lahat ng hakbang upang sa
gagawing desisyon ay hindi magkamali.
Ipinapakita din ng pelikulang ito na
kapag mahal ka ng isang tao hahayaan
GAMIT NG SALITA
• Ilan sa mga salitang ginamit sa pelikulang ito
ay ang pambansang salita dahil sa pagiging
romantiko nito. Punong-puno ng hugot at iba’t
ibang klaseng emosyon na may masasagi at
masasaging bahagi ng iyong puso na talaga
namang matatangay ka ng mga linya.
•Ito ay tungkol sa isang relasyong
pampamilya, hindi ng isang
perpektong pamilya kundi ng isang
ordinaryong pamilyang Pilipino na
dumaan sa mga pagsubok sa buhay
sa larangan ng pera, pagsasama at 7
pagkakabuklod.
• Tinatalakay ng pelikulang ito ang sitwasyon ng isang
pamilya, hindi sugar-coated, kundi mga sitwasyong
totoong nangyari at mangyayari sa isang
pagsasamahan. Tumutukoy sa kakulangan ng bawat
isa sa kaniyang tungkulin bilang ama sa kaniyang
mga anak, ang anak sa kaniyang ama at kapatid sa
kapatid. Minsan sa ating buhay ay nakakalimutan
natin ang ating relasyon sa pamilya. Subalit sa
pagkakaroon ng problema, naroon ang ating mga
kapatid na handang tumulong at sumuporta sa lahat
ng oras.
•Ang pelikulang ito ang
magpapaalala sa atin na kahit
anong mangyari sa ating buhay
masama man o mabuti, may mga
taong laging nandyan para sa atin
para sumuporta at akayin tayo
pabalik sa ating pamilya.
•Mula sa mga magagaling na nagsiganap
ng pelikulang ito ay madadala ka sa
emosyon at kukurutin nila ang iyong
puso. Pelikula na pinagsama ang iyong
luha at tawa. Tumatawa ka habang
lumuluha o ‘di kaya naman lumuluha
ka habang tumatawa.
•Mahalagang malaman kung paano
ang pagbibigay ng bayas o pagkiling
sa isang paksa o sa pinag-uusapan.
Hindi tayo makapaglalahad ng ating
pagkiling kung hindi natin alam ang
pinagmulan nito.
PAGBIBIGAY NG SARILING BAYAS O
PAGKILING
• Ang bayas ay isang inklinasyon predisposisyon o
pagkakagusto na nagiging balakid upang maging
kapani-paniwala ang isang pinagmumulan ng
impormasyon.
• Minsan, pinoprotektahan ng isang pinanggagalingan
ng impormasyon ang opinyon niya na nagiging sanhi
ng pagkawala ng kaniyang pokus sa katotohanan.
MGA GABAY PARA SA PAGGAWA NG
SURING PELIKULA
• Kailangang ipakilala sa unang talata ang
paksa ng pelikula. Maaaring magsimula ang
may-akda sa mga simpleng detalye tulad ng
pamagat ng pelikula, mga aktor at aktres na
nagsiganap, at pati na rin sa pook at
panahon kung saan nangyari ang kuwento.
• Isalaysay ang daloy ng pelikula. Kailangang
masakop ng manunulat ang kabuoan ng
istorya liban na lang sa pagwawakas nito
upang naisin pa rin ng mambabasa na
panoorin ang pelikula. Maaaring magbigay
ng mga halimbawang eksenang mahalaga at
pati na rin ang mga eksenang tatatak sa
isipan ng manonood.
• Maaaring magbigay ng kritisismo sa ikatlong
talata sa isang partikular
• na aspekto ng pelikula. Maaaring pagpilian ang
mga aktor at aktres na gumanap, ang pagkahabi
ng kuwento, ang hitsura ng mga eksena, ang
kalidad ng tunog at musika, at pati na rin ang
mga tema, simbolismo, at mensaheng gusting
ipahayag ng pelikula. Magbigay ng mga
halimbawa sa pelikula upang suportahan ang
mga kritisismo.
• 1. Tauhan – Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan? Lumutang ba ang
mga katangian ng tauhan upang makilala ang bida (protagonista) at ang
kontrabida (antagonista)?
• 2. Tema o paksa – Mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba itong
kaisipan at diwang titimo sa isip at damdamin ng mga manonood na kaugnay ng
kanilang mga karanasan sa buhay?
• 3. Gamit ng Salita – ay ang tanyag na mga linya o kataga na may kaugnayan sa
tema o ipinapahayag ng tauhan sa pangyayari.
• 4. Layon – ay ang intensiyon ng sumulat kung ano ang nais niyang ipahayag o
ipaalam.
• Ayon kay Thomas Caryle, itinuturing ang wika
bilang saplot ng kaisipan; gayonpaman, mas
angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot-
kalamnan, ang mismong katawan ng kaisipan.
Kaya naman, ang wika ay mahalaga sa paggawa
ng isang pelikula dahil kung wala ito hindi
tatakbo ang kuwento na iyong isinasagawa.
Maaari ding gumamit ng ibang wika tulad ng
Ingles o maaari din namang Taglish depende sa
dyandra ng pelikulang iyong ginagawa o depende
sa nakasaad sa iskrip.
•Ang paggamit ng tamang wika ay
makatutulong sa pagkakaroon ng
magandang komunikasyon sa ibang tao
at maipahayag ang damdamin at
kaisipan nito. Mahalaga rin ang wika sa
pagbuo ng isang pelikula upang
maipadama ng mga karakter o aktres sa
kuwento ang emosyon at damdamin na
• Ang mga salitang ginagamit ay depende sa kung
anong uri ng pelikula ito: halimbawa, sa mga
palabas na ang tema ay drama, pag-ibig,
romansa musikal ay ginagamit ang balbal,
lalawiganin at pambansang salita. 9
• Samantala sa komedya, aksyon, musikal at
katatakutan ay pormal, balbal, pampanitikan at
lalawiganin naman ang naaangkop gamitin.
MGA SALITANG GINAGAMIT SA MUNDO NG
PELIKULA
• 1. Pinilakang Tabing – (Silver Screen) o sinehan
• 2. Sine – lugar panooran ng mga pelikulang naka-anunsiyong panoorin.
• 3. Cut – salitang ginagamit ng direktor kung hindi nasisiyahan sa pag-arte o may
eksenang hindi maaayos ang pagkakagawa.
• 4. Lights, camera, action – hudyat na magsisimula na ang pag-arte o ang
pagkuha ng eksena.
• 5. Take two – tumutukoy sa kung ilang ulit kinukuhanan ang eksena.
• 6. Derek – tawag sa taong nagmamaneho sa artista, lugar, iba pang gagalaw sa
pelikula.
• 7. Bida – tawag sa taong pinakatampok sa pelikula.
• 8. Kontrabida – katunggali ng bida na nagbibigay intense sa isang
pelikula.
• 9. Okey, taping na! – pormal na hudyat na ang taping ay
magsisimula na.
• 10. Break! Break! – saglit na pamamahinga o pagtigil sa pagkuha
ng eksena.
• 11. Anggulo – tumutukoy sa ganda ng kuha sa lugar eksena at
pag-arte.
• 12. Artista – mga taong gumaganap ng bawat papel na hinihingi ng
istorya
• 13. Musika – dapat naaangkop sa kuwento o eksena at galaw ng
bawat tauhan.