O slideshow foi denunciado.
Utilizamos seu perfil e dados de atividades no LinkedIn para personalizar e exibir anúncios mais relevantes. Altere suas preferências de anúncios quando desejar.

Edukasyon Sa Pagpapakatao

3.226 visualizações

Publicada em

Takdang-Aralin sa Edukasyong Sa Pagpapakatao.

Publicada em: Estilo de vida
  • Seja o primeiro a comentar

Edukasyon Sa Pagpapakatao

  1. 1. Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) Akoay AKOdahilsa AkingPamilya Submitted by: Kaila Jiendra G. Alegro Submitted to: Mrs. Macalalad
  2. 2. Paano ka inihanda o inihahanda ng iyong pamilya sa mas malaking mundo ng pakikipag kapwa?
  3. 3. Isang karaniwang bagay lamang para sa isang normal na tao ang pakikipagkapwa. Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi ito pinag-iisipan pa ng maraming tao sa mundong ibabaw.
  4. 4. Hindi alam ng karamihan na ang halaga ng pag iral sa mundong ibabaw ay nakasalalay lamang sa kanilang pakikipagkapwa. Ang buong akala ng marami, ang yaman, dangal at talino ang sukatan ng halaga ng pag-iral kung kaya mas pinahahalagahan nila ang pagkamit sa mga ganoong bagay.
  5. 5. Naniniwala ako na sadyang espiritwal na bagay nga ang pakikipagkapwa. Ito marahil ang dahilan kung bakit may mga uri ng pakikipagkapwa na itinuturing natin bilang banal. Ito rin marahil ang esensya ng tinuran ng Dakilang Guro ng sangkatauhan na dapat “Mahalin mo ang iyong kapwa kagaya nang sa pagmamahal mo sa iyong sarili”.
  6. 6. Marahil ang katagang “Ang tahanan ang unang paaralan ng bata at ang mga magulang ang unang guro” ay tumutukoy talaga sa “pag-aaral” sa konteksto ng pag- aaral sa pakikipagkapwa. Sa ngayon kasi, mas binibigyang-diin ng maraming magulang ang usapin ng pag-aaral sa konteksto ng akademikong pakahulugan nito.
  7. 7. Sa panahon natin ngayon, bibihira na lamang makasalamuha ang mga taong may tunay na mabuting pakikipagkapwa. Ang kadalasang makakadaupang-palad mo ngayon sa pakikipagkapwa ay ang mga pagkukunwari ng ibang tao at hindi ang mga tunay nilang saloobin. Tila ba ang marami ay natatakot na ipakita ang tunay nilang mukha nang walang kahit katiting na pagkukunwari.
  8. 8. Ang mabuting pakikipagkapwa ay hindi isinasagawa upang mapuri ng iba. At lalong hindi isinasagawa ang mabuting pakikipagkapwa upang makatanggap ng gantimpala o anumang biyaya.
  9. 9. Salamat! Sana ay mayroon akong na ibahaging aral sa inyo.

×