Ang ating katawan ay may iba’t ibang
bahagi. Ang bawat bahagi nito ay may
kani-kaniyang galaw o kilos na
ginagampanan.
Mayroon tayong dalawang mata na
ginagamit upang makita natin ang
ganda ng mundo at ang iba pang bagay
sa ating paligid.
Mayroon tayong dalawang tainga na ginagamit natin
upang makarinig ng iba’t ibang tunog sa ating
kapaligiran.
Ang ating ilong ang tumutulong sa atin upang
malaman ang amoy ng mga bagay.
Ang ating dila naman ang tumutulong upang tayo ay
makalasa ng pagkain at makapagsalita ng maayos.
Mayroon din tayong dalawang mga paa upang
makalad, makatayo, tumalon at tumakbo.
Lahat ng bahagi ng ating
katawan ay mahalaga para sa
ating pang-araw-araw na
pamumuhay. Dapat itong
ipagpasalamat sa ating
Dakilang Panginoon.
Gawin: Basahin at unawain ang mga
pangungusap. Isagawa ito.
Panimulang Ayos: Tumayo nang tuwid na
magkalayo ang mga paa. Ilagay ang
kamay sa magkabilang tagiliran. Ihilig ang
leeg sa kanan. Ihilig ang leeg sa kaliwa.
Ibalik sa panimulang ayos.
Naisagawa mo ba ito ng maayos?
Gawin: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat sa kwaderno.
1. Nais buhatin ni Nanay ang bunso niyang anak. Aling
bahagi ng katawan ang kanyang gagamitin?
A. paa B. braso at kamay C. tuhod
2. Tumalbog malapit kay Hermie ang bola na nilalaro ng
mga bata subalit may hawak siya. Aling bahagi ng
kanyang katawan ang gagamitin upang masipa ang bola
pabalik sa mga naglalaro?
A. tuhod B. ulo C. paa
3. Sabi ng guro isulat mo sa pisara ang pangalan mo. Aling
bahagi ng katawan ang iyong gagamitin sa pagsulat?
A. leeg B. balikat C. kamay
14. Si Elise ay sumama sa kanyang ate na
magsimba. Sinabi ng taga pagsalita na
“magsiluhod ang lahat”. Aling bahagi ng
katawan ang gagamitin niya sa pag?luhod?
A. siko B. tuhod C. balikat
5. Pinakukuha ka ni tatay ng damit na kulay
pula. Aling bahagi ng katawan ang iyong
gagamitin upang malaman ang kulay ng damit
na ipinakukuha sa iyo?
A. mata B. ilong C. paa
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sagutin ang mga tanong.
Isulat ang T kung tama at M kung mali. Gawin ito sa
kwaderno.
______ 1. Nakalilikha ng hugis ng katawan ang pagkembot ng baywang.
______ 2. Ang kilos na di lokomotor ay mga kilos na hindi umaalis sa
tayo.
______ 3. Nakapagpapalakas ng katawan ang ginagawang
pagpapakilos ng ating katawan.
______ 4. Sa paggamit ng hollahoop ay nagpapakita ng kilos na hugis
bilog.
______ 5. Ang paglalampaso ay nakakalikha ng kilos ang nagpapakita
ng iba ibang hugis.