• Hindi magiging masaya
at maayos ang ating
buhay kung walang
tutulong, gagabay at
mag-aalaga sa atin
• Maging si Hesus ay may
kasama at naghanap din
ng makakasama sa
kanyang mga gawin o
misyon katulad
panggagamot,
pagdarasal, pagkukwento
tungkol sa Salita ng
Diyos, pagtulong sa mga
nangangailangan at iba…
• Sino- sino ba ang napili
ni Hesus na kanyang
makakasama
• BASAHIN NATIN ANG
SALITA NG DIYOS
Ang Pagtawag ni Jesus sa
12 Apostol
(MARCOS 1)
Pagbasa mula sa Ebanaghelyo ni San
Marcos
PAPURI SA IYO PANGINOON
Ang pagtawag sa
apat na mangingisda
Habang naglalakad si Hesus sa tabi ng
lawa ng Galilea, nakita niya ang
magkapatid na Simon at Andres na
nanghuhuli ng isda sa pamamagitan ng
lambat. Sila’y kapwa mangingisda.
Sinabi ni Hesus sa kanila, “ SUMUNOD
KAYO SA AKIN AT KAYO’Y GAGAwIN
KONG MANGINGISDA NG TAO.”
Pagkasabi niya nito’y agad iniwan ng
magkapatid ang kanilang mga lambat
at sumunod sa kanya.
Nagpatuloy siya sa paglalakad, at sa
di-kalayuan ay nakita naman nila ang
magkapatid na Santiago at Juan, na
mga anak ni Zebedeo. Sila’y nasa
kanilang bangka at nag-aayos ng mga
lambat. Tinawag din sila agad ni Hesus
at sila ay sumunod din sa kanya,
iniwan nila sa bangka ang kanilang
ama na kasama ang kanilang mga
upahang manggagawa.
Ang Pagtawag ni Jesus sa
12 Apostol
(MARCOS 1)
Ang Mabuting Balita ng ating
Panginoon
PINUPURI KA NAMIN
PANGINOONG HESUKRISTO
Ang 12 Alagad o Apostol ni Hesus
Sila ay magkakasama sa paggawa ng mabuti sa
kanilang Kapwa
Tinuruan sila ni Hesus na magpagaling ng maysakit, tumulong
sa mga nangangailangan, magpahayag ng Salita ng Diyos at iba
pa. Sila ang nagpatuloy ng gawain ni Hesus, nuong umakyat na
si Hesus sa langit
• Ang pamilya na kasama ni Hesus ay si Maria na
kanyang ina at si Jose naman ang kanyang ama.
• Marami siyang kaibigan
SI HESUS ANG HALIMBAwA NG ISANG
MABUTING KASAMA
PANGAKAS NA PANALANGIN
Panginoong Hesus Pinupuri ka namin
nagpapasalamat po kami sa iyo na binigyan
mo kami ng makakasama sa buhay, na
tutulong, gagabay at magmamahal sa
amin.Tulungan mo po kami na maging isang
mabuting kasama, katulad mo.
Nagpapasalamat kami Panaginoon sa mga
halimbaa mo kung paano maging isang
mabuting tao. Maraming Salamat Panginoon
na lagi ka naming kasama, handang tumulong
at gumabay. Amen
Lualhati sa Ama at sa Anak
at sa Espiritu Santo.
Kapara nuong una ngayon at
magpakailan man at
magpasaalang hanggan
Amen.