Sabjek: EsP 9 Baitang: Grade 9
Petsa: Linggo : UNA Kwarter: 1
Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunan at
layunin nito (ang kabutihang Panlahat).
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang proyekto na
makatutulong sa isang pamayanan o sector sa
pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at
pangkapayapaan.
Kompetensi: Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat.
(EsP9PL--la--1.1)
Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang--alang
sa kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o
lipunan.
(EsP9PL--la--1.2)
I. LAYUNIN:
KAALAMAN Nabibigyang-kahulugan ang mga elemento ng kabutihang panlahat.
SAYKOMOTOR Nakakagawa ng sariling representasyon ng elemento ng kabutihang
panlahat.
APEKTIV Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga elemento ng kabutihang
panlahat.
II. PAKSANG- ARALIN
A. PAKSA Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
B. SANGGUNIAN Sheryll T. Gayola et.al, 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao-
-Ikasiyam na Baitang, Unang Edisyon, 5th Floor Mabini
Bldg.,DepEd Comples Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Division of Negros Oriental ESP DLP Initiated 1st Quarter by
Daisy V. Cadiz
C. KAGAMITANG
PAMPAGtUTURO
CG, TG, Manila Paper/Kartolina/Projector/Laptop/TV, at Chalk
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
PangMOTIBEYSUNAL
na tanong:
Aktiviti/ Gawain
Panuto:
1. Sa unang bahagi ng gawaing ito ay mahalagang maibahagi mo
muna kung ano ang larawan ng isang matiwasay na lipunan
para sa iyo. Ipakita mo ang mga katangian ng isang matiwasay na
lipunan.
2. Ang iyong sagot sa tanong na ito ay maaari mong maipakita sa
malikhaing pamamaraan. Maaaring gumupit ng mga larawan at
gumawa ng isang
photo collage o di kaya ay pwedeng iguhit ang larawan ng isang
matiwasay na pamilya para sa iyo.
3. Mahalagang maglakip ng maikling paglalarawan sa ginawang
representasyon.
Dapat sundin ang pamantayan sa paggawa.
A. Photo collage
Ideya o konsepto na naaayon sa paksa ---- 10 puntos
Kaisahan ---- 5 puntos
---- 15 puntos
B. Guhit
Ideya o konsepto na naaayon sa paksa ------ 10 puntos
Malinis ang pagkaguhit -----_ 5 puntos
15 puntos
Pagsusuri / Analysis Mula sa Gawain 1 sagutin ang sumusunod.
1. Ano ba ang nakikita mo mula sa representasyon ng isang
matiwasay na lipunan na iyong nagawa?
2. Ano ang larawan ng isang matiwasay na lipunan para sa
iyo?
3. Ano ba ang uri ng lipunang kinabibilangan mo sa ngayon?
Ito ba ay tugma o naaayon sa representasyon na iyong
nagawa? Paano mo ito nasasabi?
B. Paglalahad
Abstraksyon
(Pamamaraan ng Pagtalakay)
Magkaroon ng malayang talakayan:
Ang salitang lipunan ay nagmula sa salitang ugat na “lipon” na
nangangahulugang pangkat. Ang mga tao ay may kinabibilangang
pangkat na iisa ang tunguhin o layunin. Ang lipunan o pangkat ng
mga indibidwal ay patungo sa iisang layunin o tunguhin. Kolektibo
ang pagtingin sa bawat kasapi nito ngunit hindi naman
nito binubura ang indibidwalidad o pagiging katangi--tangi ng mga
kasapi. Sa kabilang dako, madalas na ginagamit ang salitang
komunidad upang tukuyin ang lipunan. Ang kabutihang panlahat
ay binubuo ng tatlong mahahalagang elemento:
1. Ang paggalang sa indibidwal na tao. Ang kabutihang panlahat
ay nagpapahalaga sa kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral kung
hindi kikilalanin
at pahahalagahan ang kaniyang dignidad. Sa dignidad nakakabit
ang iba’t ibang karapatang kailangang igalang at dapat matamasa
ng lahat ng tao sa lipunan.
2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng
pangkat. Ang pag--unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang
tungkuling kailangang kailangang
maibigay sa mga tao. Halimbawa:
a. mga pampublikong sistema ng pangangalaga sa
kalusugan
b. epektibong pampublikong pangkaligtasan at seguridad
c. kapayapaang namamagitan sa bawat bansa sa mundo.
d. makatarungang sistemang legal at pampolitika
e. malinis na kapaligiran at umuunlad na sistemang pang--
ekonomiya.
3. Ang kapayapaan. Ang pagkakaroon ng katahimikan,
kapanatagan, o kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspeto ng buhay
tulad ng isip, kalooban, pamilya,
lipunang ginagalawan, at iba pa, subalit ang kapayapaan ay resulta
ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, at kawalan ng
kaguluhan.
Pinapakahulugan ng mga elementong ito na ang kabutihang
panlahat ay hindi lamang nangyayari nang kusa. Upang makamit at
mapanatili ang kabutihang panlahat, nangangailangan ng sama-
-samang pagkilos ng mga tao, hindi ng iilan lamang kundi ng lahat.
Halimbawa, kahit na anong pagnanais ng pangulo ng isang bansa
na matiyak na hindi mananaig ang korapsiyon sa pamahalaan, hindi
siya magtatagumpay kung hindi ito yayakapin ng lahat ng mga
namumuno sa ilalim ng kaniyang pamamahala. Alam ng lahat na
kung ganap sanang maiiwasan ang korapsiyon sa pamahalaan, mas
malaki ang pondong mailalaan para sa edukasyon, kalusugan,
imprastraktura, at marami pang iba, na magiging kapaki-
-pakinabang sa lahat ng mga mamamayan lalo na sa mahirap.
Mga hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat:
1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang
panlahat, subalit tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan
upang mag--ambag
sa pagkamit nito. Ang mahalaga sa iba ay ang pakinabang na
kaniyang makukuha sa kabutihang panlahat na nagmumula sa
malasakit at pagsasakripisyo ng iba.
2. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang
personal na naisin. Nais ng taong maging malaya sa pagkamit ng
pansariling tunguhin nang walang ibang nanghihimasok o
nakikialam sa kaniya.
3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang
naiiambag niya kaysa sa nagagawa ng iba. Upang mapanatili ang
kabutihang panlahat,
hinihingi sa ilan ang mas malaki at mabigat na pananagutan kaysa
sa iba. Mulat tayo sa isang mundo na kapatid, kamag--anak,
kaklase, kababayan, at marami pang ibang kasama na naaayon sa
lipunang ating ginagalawan. Makikita ito maging
sa media. May mga estasyon sa telebisyon na nagtuturing sa
kanilang manonood bilang kapuso, kapamilya, kapatid at iba pa.
Ayon kay Jacques Maritain, ang manunulat ng aklat na “The Person
and the Common Good” (1966), hahanapin talaga
ng taong mamuhay sa lipunan sa dalawang mahalagang dahilan.
1. Ito ay dahil sa katotohanang hindi siya nilikhang perpekto o
ganap at dahil likas para sa kaniya ang magbabahagi sa kaniyang
kapuwa ng kaalaman
at pagmamahal. Binigyan ang tao ng kakayahang magwika o
magsalita dahil likas na nilikha ng Diyos ang tao na sumalipunan.
2. Ginugusto ng taong mamuhay sa lipunan dahil sa kaniyang
pangangailangan o kakulangan mula sa materyal na kalikasan.
Mahalaga ring makipag--ugnayan siya sa kaniyang kapuwa upang
matugunan ang pangangailangang ito at mapunan ang kaniyang
kakulangan.
C. Pagsasanay
(Mga Paglilinang na
Gawain)
Pagpapasulat ng isang essay na may limang pangungusap gamit ang
gabay na tanong. Isulat ito sa inyong kuwaderno:
1. Paano mo maiuugnay sa sariling buhay ang mga elemento ng
kabutihang panlahat?
2. Ano ang dapat mong gawin bilang miyembro ng lipunan?
D. Paglalapat
(Aplikasyon)
Mag--isip ng pangyayari o senaryo na kung saan ay ginamit ng
tama ang isip at kilos--loob.
Pamatayan sa Pagmamarka
Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10
1. Ano--ano ang mga elemento ng kabutihang panlahat?
Ibigay ang kahulugan ng bawat isa. Pagkatapos ay magbigay ng
mga angkop na halimbawa o sitwasyon sa bawat elemento nito.
Maaaring isulat ang sariling karanasan na angkop sa mga elemento.
E. Paglalahat
(Generalisasyon)
Napag--alaman ko na
_______________________________________.
Napagtanto ko na _______________________________________.
Ang aking gagawin ay
_______________________________________.
IV. Pagtataya I. Tukuyin ang sumusunod na pahayag kung anong elemento ng
kabutihang panlahat.
____________________1. Ang paggamit ng tao ng kaniyang
bokasyon tungo sa paglinang ng kaniyang sarili at pinahahalagahn
nito ang kaniyang didnidad
____________________2. Nabibigyan ng seguridad ang lipunan at
ang mga kasapi nito sa mabuti at maayos na pamamaraan.
____________________3. Mayroong malakas na epekto sa
kapakanan ng mga kasapi ng pangkat
____________________4. May epektibong pampublikong
pangkaligtasan at seguridad.
____________________5. Pagkakaroon ng katahimikan,
kapanatagan, o kawalan ng
kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay
V. Karagdagang Gawain -Gumawa ng maikling repleksiyon tungkol sa kahalagahan ng
kabutihang panlahat.
Pamatayan sa Pagmamarka
Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10
VI. Pagninilay-nilay