4. Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong
berbal man o sa anyong di-berbal, ang kanyang
kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng
nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag
nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang
iparating sa kanyang kapwa.
Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at
maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa isang
matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na
paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang
kasanayang pangwikang ito ang magiging tuntungang
PANIMULA
5. Sa pagtuturo ng wika nararapat lamang na
ilantad sa mga mag-aaral ang iba’t ibang
makatotohanang gawain upang iparanas sa
kanila ang tunay na gamit ng wika. Maaaring
bigyan sila ng maraming babasahing aklat,
palikhain ng tula at pasulatin ng maikling
dula, paguhitin ng magagandang tanawin –
lahat ng mga karanasang ito’y magsisilbing
matibay na pundasyon sa pagkakaroon ng
mag-aaral ng isang maunlad na wika.
6. .
PAANO NALILINANG ANG MGA KASANAYANG
PANGWIKA?
Nalilinang ang kasanayang pangwika sa palagiang pag- iisip na
ang kasanayang sa paggamit ng wika ay nasa mga arena ng
komunikasyon. Ang pagkatuto ng wika ay nagiging mabisa
kung mabibigyan nang maraming pagkakataon ang mga mag-
aaral na makipagtalastasan sa kanilang mga kaklase.
Samakatuwid, ang isang klasrum na nakapagpapayaman sa
pag-unlad ng wika ay iyong kung saan ang mga mag-aaral ay
aktibong nagbabahagi ng kanilang mga personal na ideya at
karanasan at nagagawang maisaalang-alang ang mga ideya at
kaisipan ng ibang tao tulad ng kanilang mga kaklase, mga guro
9. KAHULUGAN NG PAKIKINIG
Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at
pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang
tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan
at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.
Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng
nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe. Ang
sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana
kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang
10. KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG
Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang
paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa
sa tuwirang pagbabasa.
Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang
bawat isa ay magkaunawaan at
magkaroon ng mabuting palagayan
Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong
11. Sa pag-aaral na isinagawa mas
maraming oras ang nagagamit ng tao sa
pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas
madalas ay mas gusto pa niya ang
makinig kaysa sa magsalita. Lalo na ang
mga mag-aaral sa loob ng silid- aralan.
Mas gusto pa ang makinig sa talakayan
ng guro at kapwa mag-aaral kaysa
aktibong makilahok sa kanila. 45% ay
12. PAMAMARAAN SA MABISANG PAKIKINIG
Alamin ang layunin sa pakikinig
Magtuon ng matamang pansin sa
pinakinggan
Alamin ang pangunahing kaisipan sa
pinakikinggan
Maging isang aktibong kalahok
13. PAMAMARAAN SA MABISANG PAKIKINIG
Iwasang magbigay ng maagang
paghuhusga sa kakayahan ng
tagapagsalita
Iwasan ang mga tugong emosyunal sa
naririnig
Tandaan ang mga bagay na nakita at
napakinggan
14. Mga uri ng PAKIKINIG
Deskriminatibo
Layunin:
Matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-
pasalitang paraan ng komunikasyon
Binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng
tagapagsalita at kung paano siya kumikilos
habang nagsasalita.
15. Komprehensibo
Kahalagahan:
Maunawaan ang kabuuan ng mensahe.
Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng
kanyang pinakikinggan.
Paglilibang
Layunin:
Upang malibang o aliwin ang sarili
Ginagawa para sa sarilig kasiyahan
16. Paggamot
Kahalagahan:
Matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan
o makisimpatiya sa pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o
suliranin ng nagsasalita.
Kritikal
Layunin:
Gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng
ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig.
Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig
Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang
17. Mga elementong nakaiimpluwensiya sa pakikinig
Edad o gulang
Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang
mahaba ang pahayag dahil masyadong maikli ang
kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan sa
pang-unawa.
Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin
mabuti ang mahabang pakikinig hindi dahil sa
nababagot sila kundi dahil sa mga nararamdamang nila
sa katawan bunga ng kanilang kantandaan, katulad ng
pag-atake ng rayuma at ang kahinaan na ng kanilang
18. Oras
Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig.
Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o
sa madaling- araw ay di kasing linaw ng pakikinig
niya sa oras na gising na gising na ang kanyang
kamalayan.
May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag,
ang isang nagbibigay ng panayam na malapit na
sa oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa
mga tagapakinig.
Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay
19. Kasarian
Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at
babae.
Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng
tagapagsalita dahil maligoy masyado sa
pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag
na nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi
pinakikinggan. At gusto rin nilang pinakikinggan
ay ang paksang may pansarili silang interes.
Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking
tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito sa
20. Tsanel
Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng
mensahe ay malaking tulong upang
magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono,
mikropono, radyo atbp.
Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng
mensahe ay ang personal na pakikipag-usap kaysa
sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na
masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang
emosyon.
21. Kultura
Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging
dahilan din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa
pakikinig.
Ang pananalangin ng ating mga kapatid na
katutubo ay iba sa pananalangin nating mga
kristiyano. Parehong Pilipino pero magkaiba ng
kultura.
Sa panayam, may mga tao na malayang
nakapagtatanong at sumasalungat habang
nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon
namang tahimik at taimtim lamang nakikinig
22. KONSEPTO SA SARILI
Ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na
maari niyang magamit sa pagkontra o pagsang-
ayon sa sinasabi ng tagapagsalita.
Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa
kanyang naririnig na mensahe ng kausap ay
maaaring magwakas sa mabuti o di-mabuting
katapusan.
23. LUGAR
Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang
nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng
konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang
panayam.
Ang mainit, maliit at magulong lugar ay
nagdudulot ng pagkainis at kawalang ganang
makinig ng mga tagapakinig.
24. MGA URI NG TAGAPAKINIG
Eager beaver- Siya ang tagapakinig na ngiti nang
ngiti o tangu nang tango habang may nagsasalita
sa kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan
niya ang kanyang naririnig ay isang malaking
tanong.
Sleeper- Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo
sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang
tunay na intensyong makinig.
Tiger -Siya ang tagapakinig na laging handang
25. MGA URI NG TAGAPAKINIG
• Bewildered -Siya ang tagapakinig na kahit na
anong pilit ay walang maiintindihan sa naririnig.
Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo,
pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong
ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga
naririnig.
• Frowner- Siya ang tipo ng tagapakinig na wari
bang lagi na lang may tanong at pagdududa.
Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo,
ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig
26. MGA URI NG TAGAPAKINIG
•Relaxed- Isa siyang problema sa isang
nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang
kawalan ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang
kanyang atensyon sa ibang bagay at walang
makitang iba pang reaksyon mula sa kanya,
positibo man o negatibo.
• Busy Bee- Isa siya sa pinakaaayawang
tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang
siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain
27. MGA URI NG TAGAPAKINIG
•Two-eared Listener- Siya ang
pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya
gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi
maging ang kanyang utak. Lubos ang
partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig.
Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa
pakikinig.
28. MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT NG AKTIBONG PAKIKINIG
•Makinig at pahalagahan ang
sinasabi ng kapwa upang mapaamo
ang matigas na damdamin
• Madaling maunawaan ang posisyon
ng iba kung mataimtim na makikinig
sa kanya
• Maiiwasan ang mga negatibong
pagpuna kung ginagamit ang
29. MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT NG AKTIBONG PAKIKINIG
•Mawawala ang puwang ng di-
pagkakaunawaan o di-
pagkakasunduan kung nakikinig sa
bawat nagsasalita
• Madaling matulungan ang kapwa sa
pamamagitan ng pakikinig
• Matutuklasan ang mgakainaan ng
bawat isa tungo sa pagbabago
30. MGA MALING PANINIWALA SA PAKIKINIG
•Ang pakikinig daw ang
pinakamadali sa apat na makrong
kasanayan
•Ang mga marurunog lamang
daw ang mahuhusay makinig
•Hindi na raw kailangang
pagplanuhan ang pakikinig
31. Mga hadlang sa pakikinig
● Pagbuo ng maling kaisipan
● Pagkiling sa sariling opinion
● Pagkakaiba-iba ng pakahulugan
● Pisikal na dahilan
● Pagkakaiba ng kultura
● Suliraning pansarili
34. pagsasalita
● Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao
na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala
at nadarama sa pamamagitan ng paggamit
ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
● Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng
mga tao: ang nagsasalita at ang kinakausap.
35. Kahalagahan ng Pagsasalita
● naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming
niloloob ng nagsasalita
● nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga
tao
• nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin
ng nakikinig
• naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang
may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang
magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya
40. Pakikipanayam
● isang paraan ng pagkuha ng
impormasyon o kabatiran nang harap-
harapan. Kung nais nating makuha ang
kinakailangan nating kabatiran ay
pumili ng mga dalubhasa sa kanilang
larangan na nagtataglay ng ganap na
kaalaman sa nais nating mabatid.
42. Mga dapat tandaan kung kalahok sa pangkatang
talakayan
1. Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa pagtatalakayan
2. Makibahagi, huwag matakot maglahad ng katotohanan, huwag
manatiling tahimik
3. Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring
makapagpabagal sa talakayan
4. Magkaroon ng bukas na isipan
5. Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-iisip, huwag
sasalungat sa katuwiran ng higit na nakararami
6. Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alit sa mga kasama
43. Pakikipagdebate o pagtatalo
Tungkol sa pagtuligsa:
a. Ipahayag ang kamalian ng kalaban
b. Ilahad ang walang katotohanang sinabi
ng kalaban
c. Talakayin ang mga kahinaang katibayan
ng kalaban
d. Ipahatid na wala sa paksa ang mga
patunay at katuwiran ng kalaban
44. Pakikipagdebate o pagtatalo
Tungkol sa pagtatanong:
a. Magtanong tungkol sa talumpating
kabibigay ng sinundang tagapagsalita
b. Di dapat magtanong ang dalawang
tagapagsalita sa iisang tagapagsalita
c. Huwag payagang magtanong sa
kanya ang kalaban kung siya ang
nagtatanong
45. Uri ng talumpati
Impromptu- Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang
walang ganap na paghahanda.
Gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati:
● Maglaan ng oras sa paghahanda:
● Magkaroon ng tiwala sa sarili
● Magsalita nang medyo mabagal
● Magpokus sa paksa habang nagsasalita
46. Extemporaneous
Ito ang pagbigkas sa isang kompetisyon na
walang tiyak na kahandaan sa pagbigkas.
Mga itinakdang konsiderasyon para sa
extemporaneous:
• Limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng
paksa at sa mismong paligsahan
• Pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati
47. Pinaghandaang talumpati
Ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang
talumpati, may paghahanda at kailangang
memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin
ang talumpati. Pagbasa ng papel sa panayam o
kumperensya Ito ang kasanayang pagsulat ng
papel na babasahin sa kumperensya, ang pag-
oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng
panimula, katawan at wakas/konklusyon ay dapat
48. Kahinaan sa pagtatalumpati
1. Nauumid, nauutal at hindi makapagsalita ng
maayos kapag nakaharap sa maraming tao.
2. Masyadong magalaw ang katawan at hindi
nakapokus ang pansin sa mga nakikinig
3. Hindi maramdaman ng mga tagapakinig ang
kataimtiman at katotohanan ng bawat salitang
binibitiwan.
4. Masyadong mahina ang tinig at hindi sapat
upang marinig ng lahat ang sinasabi ng
49. Mga mungkahi kung paano makapagsasalita ng
maayos sa harap ng madla:
• Magkaroon ng positibong pananaw, isiping
kaya mong magsalita sa harap ng madla. Isipin
ding hindi nag-iisa, dahil lahat ng tagapagsalita
ay kinakabahan sa mga unang segundo o minuto
ng pagsasalita.
• Magtiwala sa iyong sarili, isiping may
mahalagang ideya na ibabahagi sa madla.
50. •Tanggapin mo ang iyong sarili, ang
iyong tagumpay at kabiguan, ang iyong
kalakasan at kahinaan, ang iyong
kagandahan at kapintasan, isiping
maging ang mga taong may depekto ay
maari ring magtagumpay.
• Magkaroon ng marubdob na
pagnanasang maging mahusay na
51. •Harapin mo ang takot, huwag mong takasan.
Hindi ka magkakaroon ng karanasan kung
hindi mo susubukan.
• Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa
pagharap sa maliliit na pangkat hanggang sa
malalaking madla.
• Isiping ang mga madlang tagapakinig ay
palakaibigan at hindi mapanghusga.
• Magdasal, humingi ng lakas at dunong sa
Poong Maykapal.
52. Makrong Kasanayan sa Pagbasa
•Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga
nakalimbag na simbolo ng kaisipan.
Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na
sagisag ng mga kaisipan.
•Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe
sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at
kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag
53. Makrong Kasanayan sa Pagbasa
•Ang pagbabasa ay susi sa malawak na
karunungan natipon ng daigdig sa mahabang
panahon.
•Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay
nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala
sa buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin
ang mga di- inaasahang suliranin sa buhay.
54. • Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng
panlasa sa mga babasahin
• Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi
pagbibigay tanong lamang sa mga salitang
binabasa kundi pangangatwiran at pag-iisip.
• Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng
impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at
krunungan.Ito’y isang aliwan, kasiyahan,
pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin
at nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa
55. Bumabasa ang tao dahil sa iba’t ibang
kadahilanan:
● may nagbabasa upang kumuha ng dagdag
kaalaman o karunungan
● may nagbabasa dahil gusto niyang malaman
ang nangyayari sa paligid, ayaw niyang mapag-
iwanan ng takbo ng panahon
● may nagbabasa upang maaliw o malibang
,mabawasan ang pagkainip at pagkabagot na
56. Apat na hakbang ng pagbasa:
● Ayon kay William S. Gray, “Ama ng
Pagbasa”,
● Ang pagbasa sa akda
● Ang pag-unawa sa binasa
● Ang reaksyon sa binasa
● Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga
bagong kaalaman sa binasa at ng dating
57. Layunin sa Maunlad na Pagbasa
● Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa
● Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa
masaklaw at masidhing pagbasa
● Makilala ang mga bpaksang pinag-aaralan upang
matamo ang impormaasyon hinggil sa iba’t ibang
larangan tulad ng sining, agham at mga bagay na
pangkatauhan o humanities.
● Magamit ang pagbasa sa pagpapabuti ng mga
kasanayan sa pakikinig, pagsasalita at pagsulat
58. Layunin sa Maunlad na Pagbasa
● Matamo ang pagsasarili sa pag-aaral at
magkaroon ng mabisang pag-uugali sa pag-
aaral sa tahanan, paaralan at aklatan.
● Mapadalisay ang mga kasanayan sa kritikal
na pag-iisip sa pamamagitan ng pagtataya at
pagpapahalaga sa mga binabasa.
● Makamtan ang kasiyahan at katuwaan na
dulot ng pagbabasa.
59. MGA URI NG PAGBASA
● Ang pagbasa ay mauuri ayon sa paraan at
layunin
Mga uri ng pagbasa ayon sa pamamaraan
1. Mabilisang pagbasa (skimming)- ang
pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao.
Nagtuturo ito sa mambabasa upang malaman ang
pangkalahatang pananaw na matatagpuan sa mga
aklat at iba pang nakalaimbag na babasahin.
60. MGA URI NG PAGBASA
Ginagamit ang paraang ito sa pamamagitan ng
mga sumusunod:
● Pagtingin at pagbasa nang mabilisan sa
kabuuang nilalaman ng isang aklat
● Pagtingin at pagbasa ng mahahalagang datos na
kailangan sa pananaliksik (key word)
● Pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa
nilalaman
61. MGA URI NG PAGBASA
Pahapyaw na Pagbasa (scanning) - tumutukoy sa
paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang
pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi hinahangad na
62. MGA URI NG PAGBASA
Pagsusuring Pagbasa (Analytical reading) –
nakasalalay sa mga materyales ang gawaing
pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit dito ng matalino
at malalim na pag-iisip. Nahahasa rito ang
kahusayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng
kanyang mapanuring pag-iisip.
63. MGA URI NG PAGBASA
Pamumunang Pagbasa (Critical reading) -Dapat na
matiyak ng mambabasa na naunawaan ang buong
nilalaman ng akda. Sa pamumuna hindi lamang ang
nilalaman ng akda ang binibigyan ng pansin. Kasama
Kasama rito ang pagpuna mula sa pamagat, simula,
katawan (nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan din
din ng pansin o puna ang istruktura ng mga
pangungusap, ang mga ginamit na salita o istilo sa
pagsulat ng may- akda. Tinitingnan din ang kalakasan
64. MGA URI NG PAGBASA
Tahimik na Pagbasa (silent reading) mata lamang
ang gumagalaw sa uri ng pagbasang ito, walang
puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang
tunog ng salita ang nalilikha ng bumabasa ng
teksto. Pasalitang pagbasa (oral reading) pagbasa
ito sa teksto na inaangkupan ng wastong pagbigkas
65. MGA URI NG PAGBASA
Masinsinang Pagbasa – hindi ito “undertime pressure”
na pagbasa. Binibigyan dito ng guro ang mga mag-
aaral ng sapat na panahon upang maisa-isang basahin
66. Ayon sa layunin
● Pagbasang nakapagtuturo – nagbabasa ang isang tao
dahil mayroon siyang nais malaman o marating.
Kailangan natin ang layuning ito upang maragdagan
67. MAHALAGANG KASANAYAN SA PAGBASA
● Pagkilala sa mga salita (word
perception) Kakayahang umunawa sa
iba’t ibang kahulugan ng salita,
pagpapantig, pagbabaybay at pagbigkas
● Pag-unawa (comprehension) Kakayahan
sa pag-unawa mula sa payak hanggang
sa mas mabigat at masalimuot na bahagi
68. MAHALAGANG KASANAYAN SA PAGBASA
Pagpapahalagang literari (literary
appreciation) may kakayahang umunawa at
pagkagiliw sa pagpapahalaga ng mga
tradisyunal, makabago at napapanahong
isyu.
Pananaliksik at pandiksyunaryong kasanayan
(Research & dictionary skills) May kakayahan
sa paghahanap o pagsisisyasat sa mga bagay
69. Limang dimensyon sa pagbasa
Pag-unawang literal
Pagbibigay ng Interpretasyon
Mapanuri o kritikal na pagbasa
Paglalapat o Aplikasyon
Pagpapahalaga
70. Makrong Kasanayan sa Pagsulat
Ang pagsulat ay isang paraan upang ang
kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag
sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang
paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos
ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating
isipan.
71. KAHALAGAHAN NG Pagsulat
Mahalaga ang pagsulat dahil:
kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba
dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa ngayon.
Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay,
pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga
eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik
dahil ito ay bahagi ng pananagumpay.
Sa daigdig ng edukasyon,kailangang sumulat tayo ng
liham ng aplikasyon, paggawa ng balangkas
pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa
paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga
72. PROSESO NG PAGSULAT
Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa
pamamagitan ng pagsasanay, ng
maraming pagtatangka at pag-uulit ng
manuskrito. Maaari ring tularan ang iba
at alamin ang kanilang pamamaraan sa
pagsusulat lalo na’t kinakailangan natin
ito sa pakikipag-ugnayan sa buong
mundo.
73. PAGTIPON (GATHERING)
Anumang paksang napili, kailangan pa
ring magdaan sa masusing pagsasaliksik
at pagtuklas. Kailangang makapangalap
ng sapat na materyales at ebidensyang
magpapatunay. Bukod sa ating sariling
karanasan, maaari tayong magsaliksik sa
dyornal, magazine, ensayklopedya,
pahayagan, interbyu at maging sa
74. PAGHUGIS (SHAPING)
Habang nangangalap tayo ng mga
materyales, binibigyan na natin ng hugis
ang ating paksang susulatin. Maaari na
nating sulatin ang burador na maaari ring
maging batayan sa pangangalap ng mga
kagamitan. Kailangan Makita natin ang
pokus n gating paksa sa pamamagitan ng
75. PAGREBISA (REVISING)
Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa
isang upuan lamang. Ang isang mabuting
papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag-
unlad mula sa mga di-formal na tala tungo
sa unang burador, hanggang sa paynal na
papel. Karamihan sa mga nalathalang
sulatin ay dumaan ng mga pagbabago at
muling pagsulat hanggang sa maabot nito
76. MGA BAHAGI NG PAGSULAT
Panimula
Katawan
Konklusyon
Rekomendasyon
77. MGA URI NG GAWAING PAGSULAT
Dalawa ang pangkalahatang uri ng pagsusulat –
ang sulating pormal at ang sulating di-pormal. Ang
sulating pormal ay galing o bunga ng leksyon na
pinag-aralan at tinakay sa klase, forum, seminar.
Maaaring magkaroon o magsagawa ng pagsasanay
sa pagbuo ng kathang pasalita. Pagkatapos ay
iwawasto upang pasulatin ang mga mag-aaral ng
isang kathang di-pormal. Ang mga pagsasanay sa
pagsulat o paglikha ng kathang di-pormal ay siyang
gagawing paghahanda at basehan para sa pagsulat
78. ARALIN 5: MAKRONG KASANAYAN SA
PANONOOD
Sinasabing “ang ating mata ay bintana ng
ating kaluluwa”, mula sa nasasagap ng ating
paningin, mga nakikita, tinitignan, at
nagmamasid;sinasalamin ng ating mga mata
ang bukal nating pagkatao at kamalayan. Ito
ay kasanayang pinakamadaling gamitin sa
larangan ng komunikasyong sosyal na
79. Ito ay ang proseso ng pamamasid ng manonood sa
palabas, video recording at iba pang visual media
upang magkaroon ng pag-unawa sa mensahe o ideya
na nais iparating nito. Isang kakayahang pang
kominikasyon na umuunawa sa mga nakikitang imahe
sa kapaligiran ng isang tao. Ito ay nakakatulong sap ag
papaunlad ng mga kaalamansa higit na malalim na
paghihinuha sa mga nakikita at nadidinig. Ito ay
tumutulong sa mga bata na madebelop ang isang
bagong karunungan ang biswal na kaalamn na dapat
80. Depenisyon ni David Considene).
● (Barrientos 2016) isang kakayahang pang
komunikasyon na umuunawa sa mga makikitang
imahe sa kapaligiran ng isang tao.
● (Gorgis, 1999) ang panonood ay kakayahang
unawain ang mga imaheng biswal (visual images) at
iugnay ang mga ito sa sinasalita o binabasang teksto.
● (Valmont 2003, Heinrich, 1999) kakayahang
makapagbigay ng kahulugan sa mga nakikitang
imahe sa bidyo, programa sa telebisyon, pelikula,
81. KAHALAGAHAN NG PANONOOD
Ang patuloy na paglinang sa makrong kasanayan
panonood ay
nakapagdudulot sa isang indibidwal na:
● Mapaunlad ang kakayahang mag-interpreta at
mapalawak ang kaalamang pangkaisipan at pag
unawa.
● Mapaunlad ang kakayahang mangilatis o magsuri sa
katotohanan ng isang bagay.
82. ● Maging mulat sa katotohanan sa buhay
● Makatulong para maging alerto sa mga nangyayari
sa paligid.
● Magising ang kamalayan ng indibidwal maaring
maging inspirasyon at maging sandigan upang
gumawa ng tama.
● Ito ay paraan upang maging mabilis at maging
mabisa ang pagtuturo.
● Nagiging batayan natin sa pagkilala at pagtukoy sa
83. MARAMI PA TAYONG MAKIKITA SA
PANONOOD
● Kakaibang bagay
● Pangyayari
● Isyu
● Paniniwala
● Kaganapan
● Katotohanan
● Kahalagahang moral
● Konsepto
● Kasagutan sa mga suliranin sa buhay
● Makapagbigay ng impormasyon sa ibang tao
84. Mga antas ng PANONOOD
● Intrapersonal-ito ay nagaganap kung ang isang tao ay
nagsasanay sa kanyang sarili para sa isang pagtatanghal.
● Interpersonal-nagaganap ito kung ang isang tao ay
nanonood ng isang pagtatanghal o pelikula kung siya
mismo ay kalahok sa ipinalalabas ng panoorin.
● Pangmasa-panonood na ang pangunahing kasangkot ay ang
pagbabalita sa pamamagitan ng midya.
● Pangkaunlaran-panonooring may kinalaman sa isyung
pangkaunlaran sa lipunan
85. ● Pangnegosyo o komersyal-panooring may
kinalaman sa pagpapakilala ng iba’t ibang uri ng
produkto o negosyo upang tangkilikin ng mga
tao.
● Pangkultural-antas ng panonood na ipinakikita
ang kakaibang kultura ng bawat lahi.
● Pangsosyal o Panlipunan-panonood na
binibigyang tuon ang relasyong sosyal o ugnayan
ng bawat tao sa lipunan.
86. PANONOOD bilang multi- dimensional
● Kognitibong proseso-sa prosesong ito nagaganap ang
pagunawa ng tao sa kaniyang pinapanood sa
pamamagitan ng kanyang pag-iisip o mental na
kakayahan.
● Emosyonal at Saykolohikal na proseso-sa prosesong ito
binibigyang halaga at pagunawa ng tao ang panonood
batay sa kanyang damdamin o gawi.
● Astetikong proseso-prosesong madaling nauunawaan
ng sinuman ang kaniyang pinapanood dahil sa
87. PANONOOD bilang multi- dimensional
● Moral na proseso- proseso kung saan ang mga
manonood ay nagkakaroon ng kakayahang
umunawa ng kanilang pinapanood batay sa
mga pagpapahalagang moral.
88. Iba’t ibang uri ng panonood
● Deskriminatibo- ang paggamit ng opinion o
prejudice sa panunuri.
● Kaswal o Panlibang- impormal na pamamaraan at
hindi nagbibigay pokus sa detalye.
● Komprehensibo- nagpapahalaga lamang sa mensahe
at sa iba pang detalye.
● Kritikal- gumagamit ng pagbubuo ng hinuha mula sa
mga detalye upang makabuo ng ganap na pag- aalisa
o pagsusuri sa paksang napanood
89. Iba’t ibang genre na pinapanood
Ang genre ay tumutukoy sa uri o tipo ng
naratibo na kaiba sa iba pang uri. Nagkakaiba
ang mga ito dahil sa sentral na kwento at
emosyong ipinapadama.
● Aksyon- mga pelikulang nakapokus sa mga
bakbakang pisikal, maaring hango sa tunay na
buhay o pangyayari o kaya naman kathang-isip
lamang.
90. Iba’t ibang genre na pinapanood
● Animasyon- pelikulang gumagamit ng
mga larawan o pagguhit/drawing
upang magmukhang buhay ang mga
bagay na walang buhay
91. Iba’t ibang genre na pinapanood
● Bomba- mga pelikulang
nagpapalabas ng mga
hubad na katawan at
gawaing sekswal.
92. Iba’t ibang genre na pinapanood
● Drama- mga pelikulang
nakapokus sa mga personal na
suliranin o tunggalian,
nagtutulak ito sa damdamin at
ginawa upang paiyakin ang
manonood.
93. Iba’t ibang genre na pinapanood
● Epiko- pelikula na nagbibigay diin
sa dramang pantao sa mas
malawak na anggulo na
karaniwang tumatalakay sa mga
kaganapang maalamat, mahiwaga
at makasaysayan
94. Iba’t ibang genre na pinapanood
● Historikal- mga pelikulang
base sa mga tunay na
kaganapan sa kasaysayan.
95. Iba’t ibang genre na pinapanood
● Katatakutan- pelikula na
humihikayat ng negatibong
reaksyong emosyunal mula sa
mga manonood sa
pamamagitan ng pag antig sa
takot nito.
96. Iba’t ibang genre na pinapanood
● Komedya- pelikula kung saan ang
mga nagsisiganap ay nagsasaad
ng kasiyahan o totoong
pagpapatawa sa bawat salitang
namumutawi sa kanyang bibig.
97. Iba’t ibang genre na pinapanood
● Musikal- mga komedyang may
temang pangromansa. Puno ito
ng musika at kantahan
98. Iba’t ibang genre na pinapanood
● Pantasya- nagdadala sa
manonood sa isang mundong gawa
ng imahinasyon,tulad ng mundo ng
mga prinsepe/prinsesa, kwentong
bayan o mga istoryang hango sa
mga natutuklasan ng siyensya
99. Iba’t ibang genre na pinapanood
● Pag-ibig/ Romansa- umiikot
ang kwento sa pag-iibigan ng
mga tauhan sa pelikula
100. Iba’t ibang genre na pinapanood
● Period- pelikula kung saan
komprehensibong
tumatalakay sa tunay na
buhay ng isang tao na may
diin sa
pinakamakasaysayang
101. Iba’t ibang genre na pinapanood
● Science Fiction- pelikula na
base sa mga pangyayari na
hindi tanggap ng agham gaya
ng daigdig ng mga aliens, mga
kakaibang nagagawa ng tao at
paglipad sa ibang panahon.