Anúncio
filipino-10q1-learning-material-20.docx
filipino-10q1-learning-material-20.docx
filipino-10q1-learning-material-20.docx
filipino-10q1-learning-material-20.docx
Anúncio
filipino-10q1-learning-material-20.docx
filipino-10q1-learning-material-20.docx
filipino-10q1-learning-material-20.docx
filipino-10q1-learning-material-20.docx
filipino-10q1-learning-material-20.docx
Anúncio
filipino-10q1-learning-material-20.docx
filipino-10q1-learning-material-20.docx
filipino-10q1-learning-material-20.docx
filipino-10q1-learning-material-20.docx
filipino-10q1-learning-material-20.docx
Anúncio
filipino-10q1-learning-material-20.docx
filipino-10q1-learning-material-20.docx
filipino-10q1-learning-material-20.docx
Próximos SlideShares
Masusing banghay aralin_sa_filipino_9_niMasusing banghay aralin_sa_filipino_9_ni
Carregando em ... 3
1 de 17
Anúncio

Mais conteúdo relacionado

Anúncio

filipino-10q1-learning-material-20.docx

  1. lOMoAR cPSD|21209361 Downloaded by Jeny Rica Aganio (aganioj@pnjkis.edu.ph) Filipino_10Q1_Learning material 2.0 Bachelor of Secondary Education (Cebu Normal University) Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university
  2. lOMoAR cPSD|21209361 Downloaded by Jeny Rica Aganio (aganioj@pnjkis.edu.ph) 10 FILIPINO Unang Markahan Modyul 5 Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Pananaw
  3. lOMoAR cPSD|21209361 Downloaded by Jeny Rica Aganio (aganioj@pnjkis.edu.ph)
  4. lOMoAR cPSD|21209361 Downloaded by Jeny Rica Aganio (aganioj@pnjkis.edu.ph) Panimula Ang modyul na ito ay naglalaman ng paksang Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Pananaw na mas magpapatingkad sa iyong kaalaman sa sanaysay na tinalakay sa modyul 4. PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO: F10PU-Ic-d-66 Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung pandaigdig F10WG-Ic-d-59 Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw SUBUKIN Simulan mo ang modyul na ito sa pagsukat sa iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa panimulang pasulit sa ibaba. Panuto: Subuking sagutin ang mga katanungan ayon sa hinihingi. Basahin at unawain ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. “Ang polusyon sa bansa ay isang salik na nagpapahirap dito.Ang tubig ay kontaminado ng dumi sa alkantarilya o padaluyan. Higit pa rito, ang pagtagas ng langis ay hindi natugunan nang maayos”. Alin sa mga salita mula sa pahayag ang ekspresyong ginamit sa pagpapahayag ng pananaw? A. Higit pa rito C. sa bansa B. isang salik D. ng dumi 2. “Ang lahat ng bagay na maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing pinagmulan ng dahilan at katotohanan ay yaong sinumang may kapangyarihang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay. Samakutuwid kailangan na ang kanyang mga mata ay may matibay na tuon para sa mga bagay na ito.” Ano ang ekspresyong ginamit sa pahayag? A. lahat C. yaon B. sinuman D. Samakatuwid 3. SWS (Social Weather Survey), simula nang umpisahan nila ang survey na ito noong taong 2016, nananatiling “excellent” ang net satisfaction ng mga taga- Mindanao sa pagtuligsa ni Duterte sa iligal na droga sa bansa. Alin sa mga sumusunod na ekspresyon ang naangkop sa pahayag? A. Ayon kay C. Ayon sa B. Batay sa D. Alinsunod 1
  5. lOMoAR cPSD|21209361 Downloaded by Jeny Rica Aganio (aganioj@pnjkis.edu.ph) 4. Presidential Spokesperson Harry Roque, magkakaroon na ng “adjustments” sa emergency subsidy ng gobyero para sa mga low-income households, matapos inanunsyo nitong Biyernes, ang selective extension ng enhanced community quarantine (ECQ). A. Batay sa C. Ayon kay B. Ayon sa D. Alinsunod 5. Secretary Leonor Magtolis Briones, noon pa man ay ginagawa na ang pamamaraan ng blended learning tulad ng printed modules, TV/radio-based education at paggamit ng online platforms. Alin sa mga pagpipiliang ekspresyon ang naangkop sa pahayag? A. Ayon sa C. Sang-ayon sa B. Ayon Kay D. Sang-ayon kay 6. maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao sa sunod- sunod niyang laban ay nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang kaniyang karera sa pagboboksing. A. Sa ganang akin C. Sa paniniwala ni B. Sa aking palagay D. Sa paniniwala ng 7. ang mga Pilipino ay higit na magiging mapagmatyag sa mga kaganapan sa lipunan matapos maranasan ang matinding kahirapang dulot ng pandemiya. A. Sa tingin ng C. Sa paniniwala ni B. Sa ganang akin D. Sa paniniwala ng 8. nangyari iyon upang matuhan ang mga nagtutulog-tulugan. Alin ang angkop na ekspresyon na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa? A. Sa kabilang dako C. Sa ganang akin B. Sa aking palagay D. Sa paniniwala 9. “Sa panahon ngayon, dapat nang makialam sa paglutas sa mgaproblemang naranasan ng bansa. Sa isang banda, mas gustuhin ko pang panatilihin ang katahimikan ng buhay.” Ano ang gamit ng ekspresyong may salungguhit sa pangungusap? A. nagpapahayag ng pananaw C. A at B B. Nagpapahiwatig ng pag-iiba ng paksa D. lahat ng nabanggit 10. Alin sa sumusunod ang gamit ng ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw? A. ginagamit bilang aksiyon, karanasan at pangyayari B. ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw C. nagpapahiwatig ng pagbabago ng paksa D. B at C 11.Alin sa mga pahayag ang nagpapaliwanag sa kung paano nakatutulong angmga ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw sa lubos na pagkaunawa sa sanaysay? A. Naipakikita ng mga ekspresyon ang maayos na pagkakasunod- sunod sa mga pangyayari . B. Nailalahad ng mas malinaw ang iniisip, pananaw at saloobin ngtao sa pamamagitan ng mga ekspresyon. C. Naiuugnay ng mga ekspresyon ang diwa sa isa pang diwa. 2
  6. lOMoAR cPSD|21209361 Downloaded by Jeny Rica Aganio (aganioj@pnjkis.edu.ph) Sang-ayon sa batay sa Alinsunod Sa paniniwala ni Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Pananaw Aralin 2 D. Wala sa nabanggit 12-15 Hanapin sa kahon ang angkop gamitn sa pahayag. 12. Pangulong Quezon, mas mabuti pa ang mala-impiyernong bansa na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan. 13. saligang batas tayong mga mamamayang Pilipino ay may karapatang pumili ng gustong relihiyon, karapatang bumuo, karapatang mabuhay ng marangal at karapatang ipagtanggol ang sarili. 14. DepEd magsisimula ang klase sa mga pampublikong paaralan sa ibat’ ibang baitang sa September 13, 2021. 15. sa patakaran na ipinatupad ng aming baranggay ay ipinagbabawal ang pagtatapon ng mga basura kung saan-saan. ALAMIN Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang: 1. natutukoy ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw na ginamit sa Pahayag; 2. nabibigyang-pananaw ang mga piling isyung pandaigdig na umiiral sa Kasalukuyan gamit ang mga ekspresyon sa pagpapahayag; 3. nailalapat ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw sa paglatag ng mga opinyon at kuro-kuro tungkol sa mahahalagang isyung pandaigdig na nararanasan sa kasalukuyang panahon at 4. naiuugnay ang sariling karanasan sa isyung umiiral sa kasalukuyan sa pagsulat ng talata. 3
  7. lOMoAR cPSD|21209361 Downloaded by Jeny Rica Aganio (aganioj@pnjkis.edu.ph) Sa aking pananaw, BALIKAN/PAGGANYAK Sa modyul 4 ay natalakay ang sanaysay ni Plato na Alegorya ng Yungib na hitik sa mga mahahalagang kaisipan hinggil sa katotohanan at edukasyon. Ngayon naman ay ipamalas mo ang iyong kakayahan sa paglatag ng kaisipan o pananaw. Gawain 1 Dugtungan Mo Panuto: Batay sa larawan, dugtungan ang pahayag sa speech balloon ng iyong nabuong konsepto o pananaw. https://www.google.com/search?q=Alegorya+ng+yungib&source=lnms&tbm=i sch&sa=X&ved=2ahUKEwj4upHdy9nqAhVDCqYKHckDBRAQ_AUoAXoECA wQAw&biw=1366&bih=657 TUKLASIN Napansin mo ba na mas malinaw mong naipahahayag ang iyong opinyon gamit ang mga halimbawang ekspresyon sa Gawain 1? Upang ganap mong maunawaan ang mga ito, ipagpatuloy mo ang iyong pagtuklas. Magbasa at Tumuklas Panuto: Suriin ang mga pangungusap na hango sa sanaysay na Alegorya ng Yungib. • Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang anino ng mga imahe. • At mayroon bang bagay na nakapagtataka sa mga taong nakadaan mula sa banal na pagninilay-nilay patungo sa makasalanan nilang kalagayan o gumawa ng labag sa kagandahang-asal. Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay kumukurap bago siya mahirati sa kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa korte o sa ibang lugar, tungkol sa anino ng imahe ng katarungan at magpupunyaging maunawaan nang ganap ang katarungan. 4 Ayon sa ,
  8. lOMoAR cPSD|21209361 Downloaded by Jeny Rica Aganio (aganioj@pnjkis.edu.ph) Sa unang pangungusap, naipahayag ng may-akda ang kaniyang pananaw at paniniwala tungkol sa katotohanan na inihuhudyat ng ekspresyon na ang sabi ko batay sa kaniyang iniisip o sinabi. Sa ikalawang pangungusap, ginamit ang ekspresyong samantala na nagkaroon ng pagbabago ang unang bahagi sa ikalawang bahagi na ginamit ang ekspresyon. SURIIN/TALAKAYIN Upang lubos mong maunawan ang aralin, basahin at unawaing mabuti ang pagtalakay sa mga ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw sa ibaba at pag-aralan ang mga halimbawa nito. Alam mo ba na… May mga ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at nagpapahiwatig ng pagbabago sa paksa at/o pananaw Mga ekspresyong nagpapahayag ng pananaw. Kabilang dito ang: ayon, batay, para, sang-ayon sa/kay gayundin, sa paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang mga iniisip, sinasabi o pinaniniwalaan ng isang tao. Halimbawa : a. Ayon, Batay, Sang-ayon sa.  Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20: Series of 2013 ng Commision On Higher Education na pinagtitibay ang pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa ilalim ng General Education Curriculum o GEC sa taong 2016.  Batay sa Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino  Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang- edukasyon.”  Ayon sa tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, “Habang may sariling wika ang bayan, taglay niya ang Kalayaan” b.Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay, ni/ ng 5
  9. lOMoAR cPSD|21209361 Downloaded by Jeny Rica Aganio (aganioj@pnjkis.edu.ph)  Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.  Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan.  Sa tingin ng maraming guro ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi lamang nakasalalay sa kanila kundi maging sa mga magulang sa pagbibigay ng patnubay sa kanilang mga anak c. Inaakala, Pinaniniwalaan, Iniisip • Pinaniniwalaan kong higit na dapat pagtuunan ng pamahalaan ang isyu tungkol sa lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.  Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng kaparusahan ang DENR kaya patuloy silang lumalabag sa batas pangkalikasan. d. Sa ganang akin, Sa tingin, akala, palagay ko  Sa ganang akin, kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal ang pagbabantay sa kabataang nasa lansangan tuwing hatinggabi dahil sa lumalalang krimen.  Palagay ko, kailangan ang malawig na programa ng DSWD para sa mga batang lansangan na karaniwang sangkot sa maraming krimen sa kalsada. 2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayunman, mapapansing di-tulad ng naunang halimbawa, na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa a. Sa isang banda, sa kabilang dako. Mabuti na ngang malaman ng mga mamamayan ang mga anomalya sa kanilang pamahalaang lokal nang sa gayo’y masuri nila kung sino ang karapat-dapat nilang ihalal para mamuno sa kanilang lunsod.  Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika hindi tuloy malaman ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa kamay ng mga politikong pinagkatiwalaang mamuno dito. b. Samantala  Samantala mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano nila nais makita ang kanilang bansa sa susunod na mga taon. Matalinong pagpapasya ang kailangan kung sino ang karapat-dapat pagkatiwalaan ng kanilang boto. 6
  10. lOMoAR cPSD|21209361 Downloaded by Jeny Rica Aganio (aganioj@pnjkis.edu.ph) Ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw ay nagbibigay linaw sa katayuan o posisyon ng manunulat tungkol sa isyung kanyang tatalakayin. May dalawang gamit ang ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw, una, ginagamit sa simpleng pagpapahayag ng iniisip, sinasabi o pinaniniwalaan ng isang tao at ang ikalawa, ginagamit sa pagpapahiwatig ng pag-iiba ng pananaw o paksa. Likas na sa tao ang tumugon at magbigay ng reaksiyon sa anumang isyu na umiiral sa paligid kaya mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw para sa maayos at mabisang pagpapahayag para sa lubos na pagkaunawa . ISAISIP ISAGAWA Pagsasanay 1: Panuto: Salungguhitan ang ekspresiyong ginamit sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw o ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa o pananaw. A. (1) Ang Pilipinas ay isang bansang arkipelago, kaya hindi katakataka na ang mga pulo sa buong bansa ay tigib ng mga kayamanang-dagat na maipagkakaloob ng iba’t ibang uri ng damong-dagat. (2) Sa isang pag-aaral na isinagawa ni Dr. Gabino C. Trono Jr., isang propesor ng Botanya sa Kolehiyo ng Sining at Agham ng Unibersidad ng Pilipinas, ipinakita niya ang pangangailangang linangin ang kayamanang-dagat para makatulong sa sumusulong na ekonomiya ng Pilipinas. (3) Ayon sa kaniya, maraming damong-dagat na makikita sa dagat ng Piipinas bagaman iilan pa lamang sa mga ito ang nalilinang para magkaroon ng kabuluhang komersiyal. 7
  11. lOMoAR cPSD|21209361 Downloaded by Jeny Rica Aganio (aganioj@pnjkis.edu.ph) Batay sa Sa palagay ko Alinsunod Ayon sa B. (1) Sa kasalukuyan, ang pangunahing suliranin na kinakaharap ng Morocco ay ang isyung pangkalikasan. (2) Ang polusyon sa bansa ay isang salik na nagpapahirap dito. Ang tubig ay kontaminado ng dumi sa alkantarilya o padaluyan. Higit pa dito, ang pagtagas ng langis ay hindi natugunan nang maayos. (3) Ayon sa isang kritiko, ang isyung-pangkalikasan ay hindi binibigyan nang seryosong tuon ng pamahalaan. Sa tingin niya, makatutulong ang pagdaragdag ng irigasyon o patubig sa kabukiran upang maiwasan ang pagkatuyo ng mga pananim na sanhi ng pagpigil sa pagdaloy ng kontaminadong tubig. C. (1) Ang eksportasyon ng mga kalakal ay may malaking naitutulong sa pagpasok ng salaping dayuhan o dolyar sa bansa sapagkat kailangan ng isang bansa ang dolyar upang ang napagbilhan ay ibibili naman ng kalakal na hindi lokal na naipoprodyus. (2) Ang pagbili ng kalakal ng isang bansa mula sa ibang bansa gaya ng langis at mga kaugnay na produkto ay tinatawag na pag-aangkat o import. (3) Sa isang banda, masasabing mahalaga ang ganitong hakbangin para sa isangmaunlad na bansa. D. (1) Ayon sa isang magulang na Pranses, “patuloy siyang magpoprotesta laban sa panukalang batas tungkol sa pagiging legal ng kasal ng dalawang taong nagmamahalan na may parehong kasarian.” Sa ganang kaniya, mahalagang ipaglaban at ipabatid sa mamamayan “ang kahalagahan ng pamilya.” (2) Kaugnay nito, isa sa pinakamalaking protesta laban sa “same-sex marriage” ay naganap nang magsama-sama ang mga mamamayan mula sa iba’t ibang probinsiya ng Pransiya. (3) Ang panukalang batas na ito ay nagbunsod ng samo’t saring karahasan sa bansang Pransiya. Naghatid din ito ng ingay sa ibang bansa. Pagsasanay 2 Pantuo: Punan ng angkop ekspresyon ang bawat pahayag upang mabuo ang konsepto ng pananaw sa bawat bilang. 1. Department of Social Welfare and Development, mapanganib din sa mga bata ang paglalaro ng mga marahas ng internet games lalo na’t nasa developmental stage pa lamang ang isang bata. 2. “Hindi mo ako mamamali kung pagpapakahulugan mo na ang paglalakbay papataas ay maging pag- ahon ng kaluluwa patungo sa intelektuwal na mundo mahina kong paniniwala.” 3. ay pipiliin niyang magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala at mabuhay sa kahabag-habag na kalagayan. 4. sa Batas Komonwelt Blg. 184, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa “na mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.” 5. PAGASA, ang bagyo ay tatama at magla-landfall sa Pilipinas sa darating na Miyerkules o Huwebes. Ayon din sa 8
  12. lOMoAR cPSD|21209361 Downloaded by Jeny Rica Aganio (aganioj@pnjkis.edu.ph) 2. 4. Gawain 2: Panuto: Suriin ang mga larawang tumatalakay sa isyung pandaigdig. Alamin ang paksa o isyung ipinapahiwatig ng bawat larawan at magbigay ng iyong pananaw ukol dito gamit ang mga halimbawang ekspresyon sa ibaba. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo sa ibaba Ayon sa Sa palagay ko Sa kabilang banda Batay sa Sa ganang akin Sa kabilang dako Sang-ayon sa sa tingin ko samantala 3. Mula sa https://www.google.com/search?q=covid- 19&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjmobj2hbbqAhVOFogKHZZ3A0UQ_ AUoAnoECCIQBA&biw=1366&bih=657#imgrc=d5fx0qa1hrynTM 2. 4. bagsak+na+ekonomiya&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwidxMKS4rzqAhXoyosBH cCnDfsQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=4_Qm4_BSJ7oT_M Mula sa https://www.google.com/search?q=Kahirapan&tbm=isch&ved=2ahUKEwi1-LfMiLbqAhVyx4sBHRJ9DAwQ2- cCegQIABAA&oq=Kahirapan&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzICCAAyAggAMgQIABBDMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCA AyAggAOgQIABAYOgUIABCxA1CuvDZY5tg2YO3gNmgAcAB4BIABwgOIAeUYkgEJMC45LjEuMi4ymAEAoAEBqgELZ3dzLX dpei1pbWewAQA&sclient=img&ei=asEBX7WbKfKOr7wPkvqxYA&bih=657&biw=1366#imgrc=G0UAGr0YO0WcAM Mula sa https://www.google.com/search?q=kawalan+ng+trabaho&tbm=isch&ved=2ahUKEwiF2_r4i7bqAhUB7ZQKHe80C_oQ2- cCegQIABAA&oq=Kawalan+ng+tra&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgQIABAYMgQIABAYM gQIABAYMgQIABAYOgQIABBDOgUIABCxA1CNjSZYksEmYNzTJmgAcAB4BIABvgiIAdkvkgEPMC44LjguMS4wLjEuMS4xmAEAoAE 9 3. 1. 1.
  13. lOMoAR cPSD|21209361 Downloaded by Jeny Rica Aganio (aganioj@pnjkis.edu.ph) PAGYAMANIN/KARAGDAGANG GAWAIN Ngayon pa lang ay binabati na kita sa ipinamalas mong galling at tiyaga sa pagsakatuparan ng mga gawain sa modyul na ito. Ang mga sumusunod pang mga gawain ang magpapatingkad pa sa iyong katalinuhan. Gawain 3 Panuto: Sumulat ng sanaysay tungkol sa paksang Mga Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon sa Ilalim ng New Normal batay sa inyong sariling karanasan at pagmamasid. Gamitin ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw sa pagsulat ng sanaysay. Makatutulong sa iyo ang pangangalap ng mga kaalaman at opinyon sa alinmang media na mayroon kayo sa loob ng tahanan na hindi kailangang lumabas ng bahay. Isulat sa short bondpaper ang sagot at ipasa ito kalakip ng sagutang papel ng Tayahin. Ang sanaysay ay tatayahin sa sumusunod na pamantayan at rubriks. KRAYTERYA NAPAKAHUSAY 5 MAHUSAY 4 KATAMTAMAN 3 PAPAUNLAD 2 Nilalaman Tumpak na tumpak ang diwa sa paksa ng sanaysay Tumpak ang diwa sa paksa ng sanaysay May mga diwang lihis sa paksa ng sanaysay Nangangailan pa ng pagsasanay Organisasyon ng mga ideya May kaisahang daloy ng mga kaisipan ang bawat talata nula panimula hanngang wakas May kaisahang daloy ng mga kaisipan ang bawat talata ngunit may iilang pangungusap ang lihis sa paksa May talata na lihis ang kaispan sa paksa Hindi magkakaugnay ang bawat talata Paggamit ng mga ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw Nakagagamit ng walo-pataas sa mga ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw Nakagagamit ng anim-pito sa mga ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw Nakagagamit ng apat-lima na mga ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw Nakagagamit ng tatlo pababa na mga ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw 10
  14. lOMoAR cPSD|21209361 Downloaded by Jeny Rica Aganio (aganioj@pnjkis.edu.ph) Kalinisan Napakalins at walang bahid ng anumang pagbubura May 3 bahid ng pagbubura May 4 na bahid ng pagbubura May 5 o higit pang bahid ng pagbubura Gawain 4 Panuto: Bumuo ng mahalagang konseptong natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nakatala sa kasunod na talahanayan. Tanong Sagot Paano nakatutulong ang sanaysay na makaroon ng kamalayan sa kultura at kaugalian ng isang bansa? Paano mabisang magagamit ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng sariling pananaw? TAYAHIN Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang lahat ng gawain at pagsubok sa modyul na ito. Mabuhay! Tayahin natin ang iyon kaalaman. Panuto: Piliin ang titk ng tamang sagot at isulat ito sa hiwalay na sagutang papel. Paalala:  Panatilihin ang katapatan sa pagsagot sa pasulit.  Huwag kalimutang isulat ang mga detalyeng ito at sundin ang pormat sa ibaba. Pangalan: Taon at Seksiyon: Modyul blg: 5  Isumite sa napagkasunduang petsa ang sagutang papel klalakip ng iyong sagot sa Gawain 3. 1. “Ang polusyon sa bansa ay isang salik na nagpapahirap dito.Ang tubig ay kontaminado ng dumi sa alkantarilya o padaluyan. Higit pa rito, ang pagtagas ng langis ay hindi natugunan nang maayos”. Alin sa mga salita mula sa pahayag ang ekspresyong ginamit sa pagpapahayag ng pananaw? A. sa bansa C. ng dumi B. isang salik D. Higit pa rito 2. “Ang lahat ng bagay na maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing pinagmulan ng dahilan at katotohanan ay yaong sinumang may kapangyarihang 11
  15. lOMoAR cPSD|21209361 Downloaded by Jeny Rica Aganio (aganioj@pnjkis.edu.ph) kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay. Samakutuwid kailangan na ang kanyang mga mata ay may matibay na tuon para sa mga bagay na ito.” Ano ang ekspresyong ginamit sa pahayag? A. lahat C. yaon B. sinuman D. Samakatuwid 3. SWS (Social Weather Survey), simula nang umpisahan nila ang survey na ito noong taong 2016, nananatiling “excellent” ang net satisfaction ng mga taga- Mindanao sa pagtuligsa ni Duterte sa iligal na droga sa bansa. Alin sa mga sumusunod na ekspresyon ang naangkop sa pahayag? A. Batay sa C. Ayon sa B. Ayon kay D. Alinsunod 4. Presidential Spokesperson Harry Roque, magkakaroon na ng “adjustments” sa emergency subsidy ng gobyero para sa mga low-income households, matapos inanunsyo nitong Biyernes, ang selective extension ng enhanced community quarantine (ECQ). A. Batay sa C. Ayon kay B. Ayon sa D. Alinsunod 5. sa kautusang tagapagpaganap blg. 103 ng Komisyon Sa Wikang Fiipino, ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay nararapat na maging Filipino-centric. A. Ayon Kay C. Sang-ayon sa B. Alinsunod D. Sang-ayon kay 6. maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Paquiao sa sunod- sunod niyang laban ay nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang kaniyang karera sa pagboboksing. A. Sa ganang akin C. Sa paniniwala ni B. Sa aking palagay D. Sa paniniwala ng 7. ang mga Pilipino ay higit na magiging mapanuri sa mga proyekto ng pamahalaan matapos mabatid ang matinding korapsiyon ng ilang politiko. A. Sa paniniwala ng C. Sa paniniwala ni B. Sa ganang akin D. Sa tingin ng 8. nangyari iyon upang matuhan ang mga nagtutulog-tulugan. Alin ang angkop na ekspresyon na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa? A. Sa paniniwala C. Sa kabilang dako B. Sa ganang akin D. Sa aking palagay 9. “Sa panahon ngayon, dapat nang makialam sa paglutas sa mga problemang naranasan ng bansa. Sa isang banda, mas gustuhin ko pang panatilihin ang katahimikan ng buhay.” Ano ang gamit ng ekspresyong may salungguhit sa pangungusap? A. nagpapahayag ng pananaw C. A at B B. Nagpapahiwatig ng pag-iiba ng paksa D. lahat ng nabanggit 10. Alin sa sumusunod ang gamit ng ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw? A. nagpapahiwatig ng pagbabago ng paksa 12
  16. lOMoAR cPSD|21209361 Downloaded by Jeny Rica Aganio (aganioj@pnjkis.edu.ph) B. ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw C. Ginagamit bilang aksiyon, karanasan at pangyayari D. A at B 11.Alin sa mga pahayag ang nagpapaliwanag sa kung paano nakatutulong ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw sa lubos na pagkaunawa sa sanaysay? A. Nailalahad ng mas malinaw ang iniisip, pananaw at saloobin ngtao sa pamamagitan ng mga ekspresyon. B. Naipakikita ng mga ekspresyon ang maayos na pagkakasunod- sunod sa mga pangyayari C. Naiuugnay ng mga ekspresyon ang diwa sa isa pang diwa. D. Wala sa nabanggit 12. , ang pandemiyang ating naranasan ngayon, bagama’t nagdudulot ng matinding kahirapan ay nagdudulot din katatagan sa buhay at nagpapatibay ng ating pananampalataya. Alin sa sumusunod na pagpipiliang ekspresyon ang angkop sa pahayag? A. Samantala C. Sa kabilang dako B. Sa Palagay ko D. Sa isang banda 13. Alam kong nagkamali siya sa kaniyang mga disisyon sa buhay ngunit bawat isa sa atin ay nararapat bigyan ng pagkakataong maitama ang mga kamalian A. sa tingin ng C. sa palagay ko B. sa ganang akin D. pinaniniwalaan kong 14. dating Deped Secretary Armin Luistro, FSC, “ang paggamit ng wikang giganagamit din sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaralat makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural” A. Ayon sa C. Batay sa B. Ayon kay D. Batay kay 15. Komisyon ng Wikang Filipino ang tema sa pagdiriwang ng buwan ng wika ay “Filipino at mga Katutubong sa Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.” A. Batay sa C. Ayon kay B. Ayon sa D. Alinsunod Sanggunian:  Panitikang Pandaigdig, Kagamitan ng mag-aaral-Kagawaran ng Edukasyon  Ang mga larawan ay hango sa google.com web. Ilan sa mga pahayag sa tanong sa subukin ay hango sa https://learningph.com/filipino/question9469421 13
  17. lOMoAR cPSD|21209361 Downloaded by Jeny Rica Aganio (aganioj@pnjkis.edu.ph) SUSI NG MGA SAGOT BAITANG 10 UNANG MARKAHAN-MODYUL 5 PAGSASANAY AT IBA PANG MGA GAWAIN 14
Anúncio