O slideshow foi denunciado.
Seu SlideShare está sendo baixado. ×
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Próximos SlideShares
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
Carregando em…3
×

Confira estes a seguir

1 de 15 Anúncio

Mais Conteúdo rRelacionado

Semelhante a wika2019.pptx (20)

Mais de JOHNFRITSGERARDMOMBA1 (20)

Anúncio

Mais recentes (20)

wika2019.pptx

  1. 1. Ano nga ba ang wika?
  2. 2. Gumuhit ng hugis puso ( ) sa unahan ng bilang kung tama ang ipinapaliwanag ng pangungusap. Gumuhit naman ng bituin ( ) kung mali ito. ______1. Walang malinaw na konseptong nag-uugnay sa wika at kultura. ______2. Ang wikang pambansa ay batay sa Tagalog. ______3. May masistemang balangkas ang wika. ______4. Dinamiko ang wika. ______5. May pasulat at pasalitang anyo ang wika. ______6. Ang opisyal na wika ng bansa ang dapat na maging pambansang wika. ______7. Namamatay ang wika kapag namatay ang taong gumagamit o nagsasalita nito. ______8. Filipino ang tawag sa kasalukuyan ng mga mensaheng pambansang
  3. 3. wika ng Pilipinas. ______9. Ginagamit ang wika para makamit natin ang ating mga kagustuhan. ______10. Binubuo ng mga tunog at sagisag ng wika.
  4. 4. Panuto: Basahin at unawain ang susunod na paliwanag tungkol sa wika. Ang Wika Isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon ang wika. Mula sa pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo at tuntunin ay nabubuo ang mga salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan. Ito ang behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa. Nagkakaintindihan tayo, nakapagbibigayan tayo ng ating mga pananaw o ideya, opinyon, kautusan, tuntunin, impormasyon, gayundin ng mga mensaheng tumatagos sa puso at isipan ng ibang tao, pasalita man o pasulat gamit ang wika.
  5. 5. Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang “dila” at “wika” o “lengguwahe”. Ito ang pinagmulan ng salitang Pranses na langue na nangangahulugang dila at wika. Kalauna’y naging language na siya ring gamit katumbas ng salitang lengguwahe sa wikang Ingles.
  6. 6. Sa maraming wika sa buong mundo, ang mga salitang wika at dila ay halos magkapareho ang kahulugan. Ito marahil ay sa dahilang ang dila ay konektado sa pasalitang pagbigkas dahil ang iba’t ibang tunog ay nalilikha sa pamamagitan ng iba’t ibang posisyon ng dila.
  7. 7. Kaya naman, ang wika ay may tradisyonal at popular na pagpapakahulugang sistema ng arbitraryong vocal-symbol o mga sinasalitang tunog na ginagamit ng mga miyembro ng isang pamayanan sa kanilang pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.
  8. 8. Iba’t ibang kahulugan ng wika ayon sa maraming dalubhasa sa wika . • Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.
  9. 9. Ayon kay Lachica (1993) matatagpuan sa wika ang mga tanda o simbolo na nagkakaroon ng kahulugan ayon sa mga gumagamit nito. Ang mga simbolo o tanda ay maaring salita, bilang, drowing, larawan o anumang hugis na kumakatawan sa konsepto, ideya o bagay
  10. 10. Si Caroll (1964) ay nagpahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan.
  11. 11. Ayon kay Todd (1987) ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kungdi ito’y sinusulat din. Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko.
  12. 12. Ayon naman kay Bram, ang wika ay nakabalangkas na sistema ng mga arbitraryong simbolo at tunog na binibigkas at sa pamamagitan nito’y nagkakaroon ng interaksyon ang isang pangkat ng tao.
  13. 13. Ang wika ang pangunahin at pinakatiyak na anyo ng simbolikong gawaing pantao ayon kay Archibald Hill. Malinaw na tinukoy sa pagpapakahulugan na ang wika ay pantao.
  14. 14. Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabahagi at kasama sa isang kultura.
  15. 15. Si Brown (1980) ay nagsabi na ang wika ay masasabing sistematiko, set ng simbolong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao at natatamo ng lahat ng tao.

×