4. TALASALITAAN
PANUTO: Hanapin ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita
na ginamit sa kwento upang mas lalo itong maunawaan.
BUNTON
DALAMHATI
SIGA
KARWAHE
BINAYBAY
BEATERYO
a. KUMBENTO
b. DINAANAN
c. KALESA
d. TUMPOK
e. PAGLULUKSA
f. SUNOG
5. GAWAIN #1 (PAGSUSURI SA KWENTO)
1. Bakit palihim na tinungo ni Basilio ang matandang kagubatan?
2. Anong nangyari sa pamilya ni Basilio na di niya naiwawaglit hanggang sa pagkakataong
iyon?
3. Ano anong mga pagsubok ang naranasan ni Basilio sa kabanatang ito?at naranasan na rin
ninyo?
4. . Di biro ang mga pagsubok na dinanas ni Basilio sa buhay. Kung ikaw ang nasa sitwasyon
paano mo ipagpapatuloy ang iyong pag-aaral gayong wala na ang iyong magulang na
magpapa-aral? nakakadagdag pa ang pang-aalipusta ng iyong kamag-aaral at propesor?
5. Anong aral sa kwento ang naikintal sa inyong isipan? Bakit?
6. GAWAIN # 2
Kumuha o pumili ng kapareha na kamag-aral na kapitbahay at gumawa ng maikling kanta
na may 2-3 saknong, may tugma at may sariling pamagat pagkatapos lapatan ito ng tono sa
paboritong awit at videohan ang sarili sa pagkakanta. Narito ang gabay na tanong sa
paggawa.
-Ano anong pagsubok sa buhay ang inyong nararanasan lalo ngayong pandemya?
_Ano-anong mga hakbang ang ginawa o gagawin upang malampasan ito?
RUBRIK:
Nilalaman ---------------------------10
Pagkakaugnay ng mga salita -----5
Pagganap---------------------------- 10
25pts.