8. 1. Ito ay tumutukoy sa interaksiyon ng mga ahensya
at opisyal ng pamahalaan sa corporate sector, civil
society organizations at mga partido politikal.
A. administrasyon C. pamahalaan
B. gobyerno D. pamamahala
2. Upang mapag-aralan ang Estado ng demokrasya sa
167 na bansa sa mundo, ginagamit ang panukat na
ito.
A. political index C. consumer price index
B. democracy index D. corruption
perceptions index
9. 3. Sa isinagawang 2019 Democracy Index, ang Pilipinas ay
lumabas na nasa:
A. 49th sa buong mundo. C. 59th sa buong mundo.
B. 54th sa buong mundo. D. 64th sa buong mundo.
4. Sa kabila ng pagkakaroon ng demokrasya sa Pilipinas,
itinuturing na flawed democracy ang umiiral sa bansa
dahil sa:
A. hindi nagkakaroon ng malayang halalan.
B. mahinang politikal na pakikilahok ng mga tao.
C. hindi matalinong pagboto ng mga mamamayan.
D. mababang pagpapahalaga sa karapatan ng mga tao.
10. 5. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng posisyon sa
pamahalaaan upang palaganapin ang pansariling
interes.
A. korapsiyon
B. pagnanakaw
C. pandarambong
D. pang-aabuso
13. NGAYONG ALAM MO NA
ANG MGA ISYU AT HAMON
UKOL SA MGA EPEKTO NG
AKTIBONG
PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN
SA MGA GAWAING PANSIBIKO,
DADAKO NAMAN TAYO SA ISA
PA SA MGA MAHAHALAGANG
PAKSA SA KASALUKUYANG
PANAHON
14. Suriing mabuti ang mga pagbabagong
naganap sa inyong pamayanan, bayan o
lungsod. Sa pamamagitan ng husay mo sa
pagguhit, ipakita ang mga pagbabagong
ito. Tukuyin din ang mga tao o personalidad,
grupo at mga samahan na nanguna sa
transpormasyon ng inyong lugar.
Pagkatapos ay lagyan ng isang maiksing
paliwanag
ang iyong iginuhit sa ibabang bahagi ng
papel.
20. Gaya ng Kodigo ng Pagkamamamayan
at Kagandahang Asal, ikaw bilang isang
kabataang Pilipino ay may magagawa
upang patuloy na maging kabalikat ng
pamahalaan sa pagsusulong
ng kabutihang panlahat at pambansang
kaunlaran.
21. Bakit mahalaga para sa atin
ang paglahok sa mga
nagaganap sa ating
pamahalaan o lipunan sa
kabuoan?
Ano ba ang kalagayan ng
demokrasya sa kasalukuyan?
23. Ano ba ang governance o pamamahala?
PAMAMAHALA
24. Ayon kay Gerardo Bulatao, ang
pinuno ng Local Governance
Citizens and Network, ang
governance ay interaksiyon
ng mga ahensiya at opisyal ng
pamahalaan sa corporate
sector, civil society
organizations at mga partido
politikal (ANGOC, 2006).
25. sang pandaigdigang institusyong
inansiyal na
agpapautang sa mga papaunlad na bansa
developing countries, ang good
overnance ay isang paraan ng
agsasakatuparan ng kapangyarihang
angasiwa sa economic at social
ources ng bansa para sa kaunlaran
26. ng good governance ang isa sa mga
alik na nakaaapekto sa mabuting
aggamit ng yaman o resources upang
abawasan ang bahagdan ng kahirapan sa
sang bansa.
27. umutukoy ito sa proseso kung saan ang
ga pampublikong institusyon ay
aghahatid ng kapakanang pampubliko,
angangasiwa sa pag-aaring yaman ng
ubliko, at tinitiyak na mapangalagaan
ng mga karapatang pantao, maging
alaya sa pang-aabuso
t korapsiyon, at may pagpapahalaga sa
28. Ang mabuting pamamahala ay nakikilahok
(participatory), nakatuon sa
pagkakasundo (consensus oriented), may
pananagutan (accountable), transparent,
tumutugon (responsive), mabisa (effective
and efficient), pantay-pantay at
nakapaloob (equitable and inclusive) at
sumusunod sa pananaig ng batas (rule of
law).
30. 1. Pakikilahok (participation).
Ang pakikilahok ng mga lalaki at babae ay isang
mahalagang pundasyon ng mabuting pamamahala. Lahat
ay dapat magkaroon ng pagkakataong mapakinggan sa
pagbuo ng desisyon.
31. 2. Pananaig ng batas
(rule of law).
Ang pagpapatupad ng mga batas ay nararapat
lamang na pantay-pantay, walang mayaman at walang
mahirap, lalo’t higit ang mga batas ukol sa karapatang
pantao.
33. 4. Pagtugon
(responsiveness).
Ang mga institusyon at mga proseso ay dapat na
nakatutugon sa mga pangangailangan ng tao sa loob ng
isang takdang panahon.
34. 5. Nakatuon sa
pagkakasundo (consensus
oriented).
Ang mabuting pamamahala ay namamagitan sa
magkakaibang mga interes upang makabuo ng isang
desisyong makabubuti sa interes ng lahat ng grupo at, kung
maaari, sa mga polisi-ya at hakbangin.
35. 6. Katarungan at
napapabilang (equity and
inclusiveness).
Lahat ng lalaki at babae ay dapat mabigyan ng
pagkakataon na mapanatili o mapagbuti ang kanilang
kagalingan
36. 7. Mabisa (effectiveness and
efficiency).
Ang mga hakbangin o proseso at institusyon ay nakabubuo
ng resultang makatutugon sa mga pangangailangan ng tao
gamit lamang ang matalinong paggamit sa limitadong
yaman ng lipunan
39. May pananagutan ang mga
opisyal ng pamahalaan at maging
ang pribadong sekor at mga
organisasyon ng civil society sa
mamamayan pagdating sa mga
pagpapasyang nakaaapekto sa
pangkalahatang interes ng isang
pamayanan at ng bansa sa
kabuuan.
1. Kapanagutang Politikal
42. Hindi magiging posible
ang pagkakaroon ng isang
mabuting pamamahala
kung walang kapanagutan
at katapatan sa panig ng
pamahalaan at
mamamayang laging
mulat sa mga gawain ng
pamahalaan.
44. PAGYAMANIN
J U M B L E D S A L I TA !
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang
sumusunod na pahayag. Isulat sa papel
ang salitang inilalarawan ng sumusunod na
bilang sa tulong ng jumbled letters.
1. Ako ang interaksiyon ng mga ahensya at opisyal ng pamahalaan sa
corporate sector, civil society organizations at mga partido politikal.
A N V E G O E R N C
2. Ako ang paggamit ng posisyon sa pamahalaan upang palaganapin
ang pansariling interes.
I O N O R C R P U T
45. PAGYAMANIN
J U M B L E D S A L I TA !
3. Ako ang nagbibigay ng pagkakataon na magkaroon ng aktibong
ugnayan ang mga mamamayan sa pamahalaan upang bumuo ng
karampatang solusyon sa mga hamon ng lipunan.
I C I P A P A R T T R O Y V E A N R N C E G O
4. Ako ang nagbibigay sa mga mamamayan na magkaroon ng
kamalayan sa nagaganap sa pamahalaan at makalahok sa mga gawain
nito.
E N C Y N S P A R T A R
46. PAGYAMANIN
J U M B L E D S A L I TA !
5. Ako ang prosesong naghahatid ng kapakanang pampubliko,
nangangasiwa sa pag-aaring yaman ng publiko, at tumitiyak na
mapangalagaan ang mga karapatang pantao, maging malaya sa pang-
aabuso at korapsiyon, at may pagpapahalaga sa rule of law.
O D G O R O N G V E A N C E
47. SANGGUNIAN
A. AKLAT Rosemarie C. Blando et. al. Kasaysayan ng Daigdig.
Araling Panlipunan Modyul para sa Mag – aaral
B. Website
https://www.google.com/search?q=project+ease+modules+in+araling+
panlipunan+8+neokolonyalismo&tbm
https://www.google.com/search?q=ideolohiyang+liberalismo&tbm
https://www.google.com/search?q=neokolonyalismo&tbm=isch&ved
https://www.google.com/search?q=cold+war&tbm=isch&ved=2ahU
https:/ /tl.m.wikipedia.Org.