2. PANIMULA
“Change is inevitable”. Karaniwan nang naririnig ang
ganitong kasabihan. Lahat ng bagay sa mundo ay
dumadaan sa prosesong ito. Kahit ikaw, marami ka nang
pinagdaanang pagbabago mula noon hanggang ngayon.
Kung iisipin, tao lang ba ang nagbabago o lahat ng bagay
sa daigdig? Paano ba narating ng mundo ang kalagayan nito
sa kasalukuyan? Marahil ay may mga pangyayari na
nagdulot ng malaking pagbabago. Nais mo ba itong
malaman?
Sa Yunit na ito ay mauunawaan mo ang mga pangyayari
sa Kasaysayan ng Daigdig sa Klasikal at Transisyunal na
Panahon. Inaaasahang sa pagtatapos ng iyong paglalakbay
panahong ito ay masasagot mo ang katanungang: Paano
nakaimpluwesiya ang mga kontribusyon ng Klasikal at
Transiyunal na Panahon sa paghubog ng pagkakakilanlan
3. MGA ARALIN AT SAKOP NITO
Aralin 1: Pag-usbong at Pag-unlad ng
mga Klasikal na Lipunan sa
Europe
Aralin 2: Pag-usbong at Pag-unlad ng
mga Klasikal
na Lipunan sa America, Africa, at
mga
Pulo sa Pacific
Aralin 3: Ang Daigdig sa Panahon ng
Transisyon
5. ba nagsimula ang
Ang Olympics ay isang pampalakasang
paligsahan na nilalahukan ng mga atleta mula sa
iba’t ibang bansa. Noong 2008, natuon ang pansin
ng lahat sa Asia dahil sa ginanap na Olymics sa
Beijing, China. Saan at kailan nga
a
paligsah ng ito?
6. Naganap ang kauna-unahang Olympics noong
776 BC sa Olympia - isang lungsod-estado ng
sinaunang Greece. Kontribusyon ito ng Klasikal na
Kabihasnan sa Europe na kinabibilangan ng
Kabihasnang Greece at Rome.
7. Sa bahaging ito ng modyul ay pag-aaralan ang
mahahalagang pangyayari tungkol sa pag-usbong,
pag-unlad, at pagbagsak ng mga Kabihasnang
Greece at Rome. Masasagot din ang katanungang:
Paano nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa
Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan?
10. GAWAIN 1: ANO ANG GUSTO KO?
Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong
tungkol dito.
11. PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang masasabi mo tungkol sa tipikal na
anyo ng isang lungsod - estado noong
Panahong Klasikal? Ipaliwanag.
2. May pagkakatulad ba ang makikita sa
larawan, sa karaniwang tagpo sa mga
lungsod sa kasalukuyang panahon?
Patunayan
16. GAWAIN 3: MAPA - SURI
Suriin ang mapa upang makita ang kaugnayan
ng lokasyon ng Greece sa pag-unlad ng kabihasnan
nito.
17. PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang mga anyong tubig na
malapit sa Greece?
2. Saang direksyon ng Greece
makikita ang Isla ng Crete?
3. Paano nakaimpluwensiya ang
lokasyon ng Greece sa pag-
usbong ng Kabihasnang Greek?
22. ANG MGA MINOANS
Ayon sa mga arkeologo, ang
kauna-unahang sibilisasyong
Aegean ay nagsimula sa Crete
mga 3100 B.C.E. o Before the
Common Era. Tinawag itong
Kabihasnang Minoan batay sa
pangalan ni Haring Minos, ang
maalamat na haring sinasabing
nagtatag nito. Kilala ang mga
Minoan bilang mahuhusay
gumamit ng metal at iba pang
teknolohiya. Nakatira sila sa mga
bahay na yari sa laryo (bricks) at
may sistema sila ng pagsulat.
Magagaling din silang
mandaragat.
23. ANG MGA MINOANS
Hindi nagtagal, kinilala ang
Knossos bilang isang
makapangyarihang lungsod at sinakop
nito ang kabuuan ng Crete. Dito
matatagpuan ang isang napakatayog
na palasyo na nakatayo sa dalawang
ektarya ng lupa at napapaligiran ng
mga bahay na bato. Ang palasyo ay
nasira ng sunud-sunod na sunog at
iba pang mga natural na kalamidad.
Paglipas ng ilan pang taon na
tinataya 1600 hanggang 1100 B.C.E.,
narating ng Crete ang kanyang
tugatog. Umunlad nang husto ang
kabuhayan dito dulot na rin ng
pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa
Silangan at sa paligid ng Aegean.
Dumarami ang mga bayan at lungsod
at ang Knossos ang naging
pinakamalaki.
24. ANG MGA MINOANS
Sa pamayanang Minoan ay may
apat na pangkat ng tao: ang mga
maharlika, mga mangangalakal, mga
magsasaka, at ang mga alipin. Sila ay
masayahing mga tao at mahiligin sa
magagandang bagay at kagamitan.
Maging sa palakasan ay di nagpahuli
ang mga Minoan. Sila na siguro ang
unang nakagawa n
s
daigdig kung saan
mga labanan sa bok
g arena sa buong
nagsasagawa ng
ing.
25. ANG MGA MINOANS
Ang kabihasnang Minoan ay
tumagal hanggang mga 1400
B.C.E. Nagwakas ito nang
salakayin ang Knossos ng mga di
nakikilalang mga mananalakay na
sumira at nagwasak sa buong
pamayanan. Tulad ng inaasahan,
ang iba pang mga lungsod ng
mga Minoan ay bumagsak at isa-
isang nawala.
26. GABAY NA TANONG
1. Saan nagsimula ang Kabihasnang Minoan?
2.Ano ang dahilan ng pag-unlad ng kabuhayan ng mga
Minoan?
3.Sino-sino ang mga pangkat ng tao sa pamayanang
Minoan?
4. Bakit nagwakas ang Kabihasnang Minoan?
27. ANG MGA
MYCENAEAN
Bago pa man salakayin at sakupin ng
mga Mycenaean ang Crete, nasimulan na
nilang paunlarin ang ilang pangunahing
kabihasnan sa Timog Greece.
ki
Ang Mycenaea na matatagpuan 16
lometro ang layo sa aplaya ng
karagatangAegean ang naging sentro ng
kabihasnang Mycenaean. Ang mga
lungsod dito ay pinag-ugnay ng maayos
na daanan at mga tulay. Napapaligiran ng
makapal na paderang lungsod upang
magsilbing pananggalang sa mga maaring
lumusob dito. Pagdating ng 1400 B.C.E.,
isa nang napakalakas na mandaragat ang
mga Mycenaean at ito ay nalubos ng
masakop at magupo nila ang Crete.
Naiugnay nila ang Crete sa lumalagong
kabihasnan sa Greece.
Maraming mga salitang Minoan ang
naidagdag sa wikang Greek.
Ang sining ng mga Greek ay
naimpluwensiyahan ng mga istilong
Minoan. I
28. ANG MGA
MYCENAEAN
Bagamat walang naiwang mga
nakasulat na kasaysayan, ang
pagsasalin – salin ng mga kwento ng
mga hari at bayaning Mycenaean ay
lumaganap. Di naglaon ang mga
kuwentong ito ay nag - ugnay sa mga
tao at sa mga diyos-diyosan. Ito ang
sinasabing naging batayan ng
mitolohiyang Greek. Sa bandang huli,
di nailigtas ng mga pader na kanilang
ginawa ang mga Mycenaean sa
paglusob ng mga mananalakay.
29. ANG MGA
MYCENAEAN
Noong 1100 B.C.E., isang
pangkat ng tao mula sa hilaga
ang pumasok sa Greece at
iginupo ang mga Mycenaean. Sila
ay kinilalang mga Dorian.
Samantala, isang pangkat naman
ng tao na mayroon ding
kaugnayan sa mga Mycenaean
ang tumungo sa timog ng Greece
sa may lupain sa Asia Minor sa
may hangganan ng karagatang
Aegean. Nagtatag sila ng
kanilang pamayanan at tinawag
itong Ionia. Nakilala sila bilang
mga Ionian.
30. ANG MGA
MYCENAEAN
Ang mga pangyayaring ito ay
tinaguriang Dark Ages o madilim
na panahon natumagal din nang
halos 300 taon.
Naging palasak ang digmaan ng
mga iba’t ibang kaharian.
Nahinto ang kalakalan,
pagsasaka, at iba pang gawaing
pangkabuhayan.
Maging ang paglago ng sining at
pagsulat nang unti-unti ay
naudlot din.
33. GAWAIN 5: DALOY NG PANGYAYARI
Panuto: Batay sa binasang teksto, isulat ang limang
mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng
sibilisasyong Minoan at Mycenean.
34. PAMPROSESONG TANONG
1. Batay sa mga tekstong binasa,
ano ang katangian ng
kabihasnang Minoan at
Mycenean?
2. Ano-ano ang mga nakita mong
pagkakaiba at pagkakatulad ng
kabihasnang Minoan at
Mycenean?
3. Sa iyong palagay, ano ang
epekto ng nabanggit na mga
35. Mula sa labi ng madilim na panahon, unti-
unting umusbong sa Ionia ang isang bagong
sibilisasyon na mabilis ding lumaganap sa kabuuan
ng Greece. Ilang pamayanan sa baybayin ng Greece
na tinatawag ang kanilang sarili na Hellenes o
Greeks ang nagkaroon ng malaking bahagi sa
sibilisasyong ito. Kinilala ito sa kasaysayan bilang
Kabihasnang Hellenic mula sa kanilang tawag sa
Greece na Hellas. Ito ay tumagal mula 800 B.C.E.
hanggang 400 B.C.E. at naging isa sa mga
pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan
ng daigdig.
37. GAWAIN 6: MAGBASA AT MATUTO
Panuto: Basahin at unawain ang mga tekstong
ilalahad sa bahaging ito. Sagutin din ang mga
katanungan sa bawat kahon.
38. ANG MGA POLIS
Dahil sa mga digmaan bago pa
ang Panahong Hellenic, nagtayo ng
mga kuta ang mga Greek sa mga lugar
sa may gilid ng mga burol at sa mga
taluktok ng bundok upang
maprotektahan ang kanilang sarili sa
pagsalakay ng iba’t ibang pangkat.
Ang mga pook na ito ay naging
pamayanan. Dito nagsimula ang mga
lungsod-estado o polis kung saan
hango ang salitang may kinalaman sa
pamayanan tulad ng pulisya, politika at
politiko. May malalaki at maliliit na
polis. Ang pinakahuwarang bilang na
dapat bumuo ng isang polis ay 5,000
na kalalakihan dahil noon ay sila
lamang ang nailalagay sa opisyal na
talaan ng populasyon ng lungsod -
estado. Karamihan sa mga polis ay
may mga pamayanang matatagpuan sa
39. ANG MGA POLIS
Sa panahon ng digmaan, ito ang
naging takbuhan ng mga Greek para sa
kanilang proteksyon. Sa acropolis,
matatagpuan ang matatayog na
palasyo at templo kung kaya’t ito ang
naging sentro ng politika at relihiyon
ng mga Greek. Samantala, ang ibabang
bahagi naman ay tinawag na agora o
pamilihang bayan. Napapaligiran ng
mga pamilihan at iba pang mga gusali
na nagbigay daan sa
40. ANG MGA POLIS
Sa mga lungsod-estado,
naramdaman ng mga Greek na
sila ay bahagi ng pamayanan. Ito
ang dahilan kung bakit
ipinagkaloob naman nila dito ang
kanilang katapatan at
paglilingkod. Hindi lahat ng mga
mamamayan nito. Ang
nasa lungsod - estado ay
mga
lehitimong mamamayan ay
binigyang karapatang bomoto,
magkaroon ng ari -arian,
humawak ng posisyon sa
pamahalaan, at ipagtanggol ang
sarili sa mga korte.
41. ANG MGA POLIS
Bilang kapalit, sila ay dapat
na makilahok sa pamahalaan at
tumulong sa pagtatanggol sa
mga polis sa panahon ng
digmaan. Ang lahat ng ito,
dagdag pa ang paglago ng
kalakalan, ay nagbigay daan sa
pag-unlad ng mga lungsod-
estado. Kasabay nito ang mabilis
na paglaki ng populasyon na
naging pangunahing dahilan
naman kung bakit nangibang
lugar ang mga Greek. Ang iba ay
napadpad sa paligid ng mga
karagatang Mediterranean at
Iton. Bagamat napunta sila at
nanirahan sa malalayong lugar, di
42. ANG MGA POLIS Mula sa pakikipagkalakalan
sa iba’t ibang panig ng daigdig,
natutuhan ng mga Greek ang
mga bagong ideya at teknik.
Mula sa mga Phoenician ay
nakuha nila ang ideya ng
alpabeto na naging bahagi
naman ng kanilang sariling
alpabeto. Ginamit din nila ang
mga teknik ng mga Phoenician sa
paggawa ng mas malalaki at
mabibilis na barko. Sa mga
Sumerian naman ay namana nila
ang sistema ng panukat. Mula
naman sa mga Lydian ay
natutuhan nila ang paggamit ng
sinsilyo at barya sa
43. SPARTA, ANG PAMAYANAN NG MGA
MANDIRIGMA
Ang polis o lungsod-estado ng
Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa
Peloponnesus na nasa timog na bahagi ng
tangway ng Greece. Sa lahat ng mga
lungsod-estado, ang Sparta lamang ang
hindi umasa sa kalakalan. Ito ay may
magandang klima, sapat na patubig at
matabang lupa na angkop sa pagsasaka.
Pinalawak ng mga Spartan ang kanilang
lupain sa pamamagitan ng pananakop ng
mga karatig na lupang sakahan at
pangangangamkam nito. Ang mga
magsasaka mula sa nasakop na mga lugar
ay dinala nila sa Sparta upang maging mga
helot o tagasaka sa malawak nilang lupang
sakahan. Samakatuwid, naging alipin ng
mga Spartan ang mga helot. Maraming
pagkakataon na nag-alsa laban sa mga
Spartan ang mga helot ngunit ni isa rito ay
walang nagtagumpay. Dahilan sa
palagiang pag-aalsa ng mga helot,
nagdesisyon ang mga Spartan na
palakasin ang kanilang hukbong militar at
magtatag ng isang pamayanan ng mga
44. SPARTA, ANG PAMAYANAN NG MGA
MANDIRIGMA
Ang naging pangunahing mithiin ng
lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ng
mga kalalakihan at kababaihang walang
kinatatakutan at may malalakas na
pangangatawan. Ang mga bagong silang na
sanggol ay sinusuri. Kapag nakitang mukhang
mahina at sakitin ang isang sanggol ay
dinadala sa paanan ng kabundukan at
hinahayaang mamatay doon. Samantala, ang
malulusog na sanggol ay hinahayaang lumaki
at maglaro sa kani-kanilang bahay, hanggang
sumapit ang ikapitong taon nila. Pagsapit ng
pitong taon, ang mga batang lalaki ay dinadala
na sa mga kampo - militar upang sumailalim
sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo
militar. Malakas na pangangatawan, katatagan,
kasanayan sa pakikipaglaban, at katapatan ang
ilan sa pangunahing layunin ng pagsasanay.
Tinitiis nila ang mga sakit at hirap nang walang
reklamo. Pinapayagan lamang sila na makita
ang kanilang pamilya sa panahon ng bakasyon.
Sa gulang na 20, ang mga kabataang lalaki ay
magiging sundalong mamamayan at
ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan.
Sa edad na 30, sila ay inaasahang mag-aasawa
na ngunit dapat na kumain at manirahan pa rin
sa kampo, kung saan hahati na sila sa gastos.
45. SPARTA, ANG PAMAYANAN NG MGA
MANDIRIGMA
Sa lipunan ng mga Spartan, ang
lahat ay nakikiisa upang mapigilan ang
mga pag-aalsa ng mga helot. Maging
ang mga kababaihan ay sinasanay na
maging matatag. Di tulad ng mga
kababaihang Greek na limitado ang
ginagampanan sa lipunan, ang mga
kababaihang Spartan ay maraming
tinatamasang karapatan. Sila ang mga
nag-aasikaso ng lupain ng kanilang
mga asawa habang ang mga ito ay
nasa kampo militar. Nangunguna din
sila sa mga palakasan at malayang
nakikipaghalubilo sa mga kaibigan ng
kani-kanilang mga asawa habang
masaya silang nanonood ng mga
palarong tulad ng pagbubuno o
wrestling, boksing, at karera.
46. SPARTA, ANG PAMAYANAN NG MGA
MANDIRIGMA
Ang
pagkakaroon
Sparta
ng pinakamahusay
ang responsable sa
na
sandatahang lakas sa buong daigdig. Sa
simula, labu - labo kung makipagdigma ang
mga Greek. Oo nga’t sama-samang
nagmamartsa sa lugar ng digmaan, ang mga
sundalo ay isa-isang nakikipaglaban sa mga
kaaway hanggang sila ay manghina at
mamatay. Nang lumaon ang mga Griyego, lalo
na ang mga Spartan, ay mas naging maparaan
sa kanilang pakikipagdigma. Sa halip na
lumusob ng isa-isa sa mga kalaban, sila ay
nananatiling sama-sama sa pagkakatayo
pasulong man o paurong sa labanan, hawak
ang pananggalang sa kaliwang kamay at
espada naman sa kanan. Ang hukbong ito na
tinaguriang phalanx ay karaniwang binubuo ng
hanggang 16 na hanay ng mga mandirigma.
Kapag namatay ang mga sundalo sa unang
hanay, ito ay mabilis na sinasalitan ng susunod
pang hanay. Ang phalanx ay hindi mga
bayarang mandirigma, sila ay tagapagtanggol
ng kanilang polis.
47. PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang pangunahing katangian
ng Sparta bilang isang lungsod-
estado ng Greece?
2. Paano sinasanay ang mga
Spartan upang maging malakas?
3. Paano nakabuti at nakasama
ang paraan ng disiplina ng mga
Spartan?
48. ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD
NITO
Sa simula ng 600 B.C.E., ang
Athens ay isa lamang maliit na
bayan sa gitnang tangway ng
Greece na tinatawag na Attica.
Ang buong rehiyon ay hindi
angkop sa pagsasaka kaya
karamihan sa mga mamamayan
nito ay nagtrabaho sa mga
minahan, gumawa ng mga
ceramics, o naging
mangangalakal o mandaragat.
Hindi nanakop ng mga kolonya
ang Athens. Sa halip, pinalawak
nito ang kanilang teritoryo na
naging dahilan upang ang iba
pang nayon sa Attica ay sumali sa
kanilang pamamahala.
49. ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD
NITO
Sa sinaunang
kasaysayan, ang Athens ay
pinamunuan ng mga tyrant
na noon ay
nangangahulugang mga
pinunong nagsusulong ng
karapatan ng karaniwang tao
at maayos na pamahalaan.
Bagamat karamihan sa kanila
ay naging mabubuting
pinuno, may mangilan-ngilan
din na umabuso sa kanilang
posisyon na nagbigay ng
bagong
katawagang
kahulugan sa
tyrant bilang
50. ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD
NITO
Sa simula, ang Athens ay
pinamunuan ng hari na
inihalal ng asembleya ng
mamamayan at pinapayuhan
ng mga mga konseho ng
maharlika.
Ang asembleya ay
binubuo naman ng
mayayaman na may malaking
kapangyarihan.
Ang mga pinuno nito ay
tinawag na Archon na
pinapaburan naman ang mga
may kaya sa lipunan
51. ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD
NITO
Di nagtagal, nagnais ng
pagbabago ang mga artisano at
mga mangangalakal. Upang mapigil
ang lumalalang sitwasyon ng mga
di nasisiyahang karaniwang tao,
nagpagawa ang mayayamang tao o
aristokrata ng nakasulat na batas
kay Draco, isang tagapagbatas.
Malupit ang mga batas ng Greek at
hindi ito binago ni Draco ngunit
kahit na paano ang kodigong
ginawa niya ay nagbigay ng
pagkakapantay – pantay sa lipunan
at binawasan ng mga karapatan ang
mga namumuno. Sa gitna
ngpagbabagong ito nanatiling di
kontento ang mga mamamayan ng
Athens. Maraming Athenian ang
nagpaalipin upang makabayad ng
malaking pagkakautang. Marami rin
52. ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD
NITO
Ang sumunod na pagbabago ay naganap
noong 594 B.C.E. sa pangunguna ni Solon na
mula sa mga pangkat ng aristokrata na
yumaman sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan. Kilala din siya sa pagiging
matalino at patas. Inalis niya ang mga
pagkakautang ng mahihirap at ginawang ilegal
ang pagkaalipin nang dahil sa utang. Gumawa
rin siya ng sistemang legal kung saan lahat ng
malayang kalalakihang ipinanganak mula sa
mga magulang na Athenian ay maaaring
maging hurado sa mga korte. Ang mga
repormang pampolitika na ginawa ni Solon ay
nagbigay ng kapangyarihan sa mga mahihirap
at karaniwang tao. Nagsagawa rin siya ng mga
repormang pangkabuhayan upang maisulong
ang dayuhang kalakalan at mapabuti ang
pamumuhay ng mga mahihirap. Nalutas ng
repormang pangkabuhayan ang mga ilang
pangunahing suliranin ng Athens at napaunlad
ang kabuhayan nito. Sa gitna ng malawakang
repormang ginawa ni Solon, di nasiyahan ang
mga aristokrata. Para sa kanila, labis na
pinaburan ni Solon ang mahihirap. Sa
53. ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD
NITO
Noong mga 546 B.C.E., isang
politikong nagngangalang Pisistratus, ang
namuno sa pamahalaan ng Athens. Bagamat
mayaman siya, nakuha niya ang suporta at
pagtitiwala ng karaniwang tao.
Mas radikal ang mga pagbabagong
ipinatupad niya tulad ng pamamahagi ng
malalaking lupang sakahan sa walang
lupang mga magsasaka.
Nagbigay siya ng pautang at nagbukas ng
malawakang trabaho sa malalaking
proyektong pampubliko.
Pinagbuti niya ang sistema ng patubig sa
lungsod ng Athens, at nagpatayo ng
magagandang templo.
Ipinakita rin niya ang kaniyang interes sa
sining at kultura sa pamamagitan ng
pagbibigay suporta sa mga pintor at sa mga
nangunguna sa drama.
Ang pagsulong niya sa sining ang
54. ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD
NITO
Noong 510 B.C.E., naganap muli
ang pagbabago sa sistemang
politikal ng Athens sa pamumunoni
ng Demokrasya ng
Cleisthenes.
“Ama
Athens”
55. ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD
NITO
Hinati niya ang Athens sa sampung distrito. Limampung
kalalakihan ang magmumula sa bawat distrito at maglilingkod
sa konseho ng tagapayo upang magpasimula ng batas sa
Asembleya, ang tagagawa ng mga pinaiiral na batas.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaboto sa asembleya ang
mga mamamayan, may-ari man ng lupa o wala.
56. ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD
NITO
Upang mapanatili ang kalayaan ng
mga mamamayan ipinatupad ni
Cleisthenes ang isang sistema kung
saan bawat taon ay binibigyan ng
pagkakataon ang mga mamamayan na
ituro ang taong nagsisilbing panganib
sa Athens. Kapag ang isang tao ay
nakakuha ng mahigit 6,000 boto, siya
ay palalayasin sa Athens ng 10 taon.
Dahil sa ang pangalan ay isinusulat sa
pira-pirasong palayok na tinatawag na
Ostrakon, ang sistema ng
pagpapatapon o pagtatakwil sa isang
tao ay tinawag na ostracism. Bagamat
kaunti lamang ang naipatapon
sistemang ito, nabigyan
malaking kapangyarihan
ng
ng mas
ang mga
mamamayan.
57. ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD
NITO
Sa pagsapit ng 500 B.C.E., dahil
sa lahat ng mga repormang
naipatupad sa Athens, ang
pinakamahalagang naganap ay ang
pagsilang ng demokrasya sa Athens,
kung saan nagkaroon ng malaking
bahagi ang mga mamamayan sa
pamamalakad ng kanilang
pamahalaan.
58. PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang pangunahing katangian
ng Athens bilang lungsod -
estado ng Greece?
2. Para sa iyo, ano ang
pinakamahalagang ambag ng
Athens sa daigdig?
3. Nakabuti ba sa Greek ang
pagpapatupad ng demoksrasya?
Patunayan.
60. GAWAIN 7: PAGHAHAMBING
Panuto: Sa tulong ng venn diagram, isulat ang
pagkakatulad at
pagkakaiba ng Sparta at Athens bilang mga
lungsod-estado ng
sinaunang Greece.
61. PAMPROSESONG TANONG
1. Paano nakaimpluwensiya ang
lokasyon sa pamumuhay ng mga
Spartan at Athenian?
2. Bakit mahalaga ang mga lungsod-
estado ng Sparta at Athens sa pag-
unlad ng Kabihasnang Greek?
3. Kung nabuhay ka noong panahong
klasikal ng Greece, saan mo mas
pipiliiing tumira, sa Athens o sa
Sparta? Ipaliwanag ang sagot.
63. GAWAIN 8: MAGBASA AT MATUTO
Bagamat ang Greece ay binubuo ng iba’t ibang
lungsod-estadong malaya sa isa’t isa, iisa lamang
ang wika at kultura ng mga Greek. Mataas ang
tingin nila sa isa’t isa, samantalang hindi edukado at
mababa ang tingin nila sa mga hindi Greek.
Naranasan din ng Greece ang banta ng paglusob
at pananakop ng mga kalapit na kabihasnan.
Matutunghayan mo sa bahaging ito ang mga
digmaang kinasangkutan ng Greece.
64. ANG BANTA NG PERSIA Hangarin ng Persia na palawakin ang
imperyo nito sa kanluran.
Noong 546 B.C.E., sinalakay ni Cyrus the Great
ang Lydia sa Asia Minor.
Ipinagpatuloy ni Darius I, ang nagmana ng
trono ni cyrus the Great, ang hangaring ito.
Noong 499 B.C.E., sinalakay niya ang mga
kalapit na kolonyang Greek. Nagpadala ng
tulong ang Athens ngunit natalo ang mga
kolonyang Greek sa labanang pandagat sa
Miletus noong 494 B.C.E.
Bagamat natalo ang puwersa ng Athens, nais
ni Darius na parusahan ang lungsod sa
ginawang pagtulong at gawin itong hakbang
sa pagsakop sa Greece.
Bilang paghahanda sa napipintong
pananalakay ng Persia, sinimulan ng Athens
ang pagpapagawa ng isang plota o fleet na
pandigma.
65. ANG DIGMAANG GRECO- PERSIA
(499-479 B.C.E.)
Ang unang pagsalakay ng Persia sa
Greece ay naganap noong 490 B.C.E. sa ilalim
ni Darius. Tinawid ng plota ng Persia ang
Aegean Sea at bumaba sa Marathon, isang
kapatagan sa hilagang - silangan ng Athens.
Tinalo ng 10, 000 puwersa ng Athens ang
humigit - kumulang 25,000 puwersa ng
Persia. (Battle of Marathon)
66. ANG DIGMAANG GRECO- PERSIA
(499-479 B.C.E.)
Ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Darius
ang tangkang pagpapabagsak sa Athens.
Noong B.C.E., isang madugong labanan ang
naganap sa Thermopylae, isang makipot na
daanan sa gilid ng bundok at ng silangang
baybayin ng Central Greece. Pitong libong
Greek, tatlong daan sa mga ito ay taga -
Sparta sa ilalim ni Leonidas ang nakipaglaban
sa puwersa ni Xerxes. Noong una, inakala ni
Xerxes na madali niyang malulupig ang mga
Greek. Hindi niya inasahan ang katapangan at
kahusayan ng mga taga - Sparta sa
pakikipagdigma. Sa loob ng tatlong araw,
dumanak ang dugo ng mga taga Persia. Subalit
ipinagkanulo ng isang Greek ang lihim na
daanan patungo sa kampo ng mga Greek.
Pinayuhan ni Leonidas ang mga Greek na
lumikas habang ipinagtatanggol ng kanyang
puwersa ang Thermopylae. Sa harap ng higit
na maraming puwersa ni Xerxes, namatay ang
karamihan sa tropa ni Leonidas. (Battle of Sparta)
67. ANG DIGMAANG GRECO- PERSIA
(499-479 B.C.E.)
Sinalakay at sinakop ni Xerxes ang
Athens. Subalit dinala ni Themistocles ang
labanan sa dalampasigan ng pulo ng Salamis
kung saan ang dagat ay lubhang makipot.
Nahirapang iwasan ng malaking barko ni
Xerxes ang maliliit na barko ng Athens na
pilit na binabangga ang mga ito hanggang sa
mabutas. Isa - isang lumubog ang plota ng
Persia. Ang nalalabing hukbo ni Xerxes ay
tinalo ng mga alyansa ng mga lungsod-
estado ng Greece sa pamumuno ni Pausanias
ng Sparta. Kabilang sa alyansang ito ang
Athens, Sparta, Corinth, at Megara. (Battle of
Salamis)
68. GABAY NA TANONG
Ano ang dahilan ng pagtatagumpay ng Greek laban sa
malaking puwersa ng Persia? Ipaliwanag.
.
69. DIGMAANG PELOPONNESIAN Nais ni Pericles na manatili ang kapayapaan
di lamang sa Athens kundi maging sa mga
kalapit nitong mga lungsod - estado at
maging sa Persia. Habang umuunlad ang
Athens, lumawak din ang kanilang
kapangyarihan sa kalakalan. Ito ang naging
dahilan kung bakit sa panahon ng Delian
League ay naging isang imperyo ang Athens.
Hindi lahat ng lungsod-estado ay sumang-
ayon sa ginawa ng Athens na pagkontrol sa
Delian League subalit wala silang nagawa
upang umalis sa alyansa. Kayat ang mga
lungsod-estado na kasapi sa Delian League
tulad ng Sparta, Corinth at iba pa ay
nagtatag ng sarili nilang alyansa sa
pamumuno ng Sparta at tinawag itong
Peloponnesian League.
70. DIGMAANG PELOPONNESIAN Noong 431 B.C.E., nilusob ng Sparta ang
mga karatig pook ng Athens na naging
simula ng Digmaang Peloponnesian. Batid ni
Pericles na mahusay na mandirigma sa lupa
ang mga Spartan kung kayat iniutos niya ang
pananatili ng mga Athenian sa pinaderang
lungsod. Samantala, inatasan niya ang
sandatahang lakas ng Athens na lusubin sa
karagatan ang mga Spartan. Ngunit
sinawing-palad na may lumaganap na sakit
na ikinamatay ng libo-libong tao, kasama na
si Pericles, noong 429 B.C.E.
(Peloponnesian War)
71. DIGMAANG PELOPONNESIAN Lahat ng mga pumalit kay Pericles ay hindi
nagtagumpay dahilan sa mga mali nilang
mga desisyon.
Isa na rito si Alcibiades. Matapos siyang
akusahan ng mga Athenian na lumalabag sa
paniniwalang panrelihiyon, tumakas siya
patungong Sparta upang iwasan ang pag-
uusig sa kanya. Doon siya ay naglingkod
laban sa kanya mismong mga kababayan. Di
naglaon bumalik din si Alcibiades sa Athens
at siya ay pinatawad at binigyang-muli ng
pagkakataong pamunuan ang sandatahang
lakas ng Athens. Bagamat naipanalo niya
ang ilang laban nila sa Sparta, lubhang
malakas ang mga Sparta at noong 404
B.C.E., sumuko ang mga Athenian. Bilang
ganti, ipinapatay ng mga Spartan si
Alcibiades.
72. DIGMAANG PELOPONNESIAN Ang dalawampu’t pitong taong Digmaan ng
Peloponnesian ay isang malaking trahedya
para sa Greece. Nagkaroon ng malawakang
pagkawasak ng ari-arian at pagkamatay ng
mga tao. Lumala rin ang suliranin sa kawalan
ng hanapbuhay, pagtaas ng presyo ng mga
bilihin, at kakulangan sa pagkain.
73. GABAY NA TANONG
Ano ang epekto sa Greece ng hidwaan at digmaan sa
pagitan ng mga lungsod-estado nito? Ipaliwanag
.
77. PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang pinakamahalagang
kontribusyon ng mga Spartan at
Athenian sa daigdig?
sumusunod na
ang may
sa kasalukuyan?
2. Alin sa
kontribusyon
kaugnayan
Patunayan.
80. GININTUANG PANAHON NG
ATHENS
Noong 461 B.C.E., si Pericles, isang
strategos o heneral na inihalal ng mga
kalalakihang mamamayan ang namuno sa
Athens. Taon - taon ay nahahalal si Pericles
hanggang sa sumapit ang kaniyang kamatayan
noong 429 B.C.E.
Sa loob ng mahabang panahon ng kaniyang
panunungkulan, maraming pinairal na mga
programang pampubliko si Pericles. Lahat ay
naglalayong gawing pinakamarangyang estado
ang Athens.
Nais ni Pericles na lumawak pa ang umiiral na
demokrasya sa Athens kung kaya’t
dinagdagan niya ang bilang ng mga
manggagawa sa pamahalaan at sinuwelduhan
niya ang mga ito. Lahat ng mamamayan ay
nagkaroon pagkakataong makapagtrabaho sa
pamahalaan mayaman man o mahirap. Kaya di
nagtagal mga ikatlong bahagi (1/3) ng
populasyon ng Athens ay bahagi na ng mga
81. GININTUANG PANAHON NG
ATHENS
Ngunit hindi lahat ay nasiyahan sa mga
repormang ipinatupad ni Pericles. Para sa
mayayaman ang ginawa niyang mga
pagbabago ay magdudulot ng pagkalugi sa
pamahalaan at maghihikayat ng katamaran sa
mga ordinaryong mamamayan. Ipinagtanggol
niya ang kanyang mga ginawang pagbabago
sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang
pahayag na naitala naman ni Thucydides, na
isang historyador. Ayon kay Pericles “Ang ating
konstitusyon ay isang demokrasya sapagkat
ito ay nasa mga kamay ng nakararami at hindi
ng iilan.”
82. GININTUANG PANAHON NG
ATHENS
Mahalaga ang edukasyon para sa mga
Athenian. Ang mga lalaki ay pinag-aaral sa mga
pribadong paaralan kung saan sila ay natuto ng
pagbasa, matematika, musika at mga obra ni
Homer na Iliad at Odyssey. Hinikayat din silang
talakayin ang sining, politika at iba pang usapin.
Ang palakasan ay bahagi rin ng kanilang pag-
aaral.
Sa edad na 18 taong gulang, ang mga lalaki ay
nagsasanay sa militar ng 2 taon at pagkatapos
ay maaari nang maging mamamayan ng Athens
at makibahagi sa pamahalaan nito.
83. GININTUANG PANAHON NG
ATHENS
Samantala, ang mga kababaihan ay itinuring
na mas mababa sa mga kalalakihan. Hindi sila
nabigyan ng pagkamamamayan at hindi
maaaring makibahagi sa pamahalaan.
Hindi rin sila maaaring magmay-ari. Ang
kanilang buhay ay umiikot sa mga gawaing
bahay at pag-aalaga ng mga anak. Sa edad na
14-16 sila ay ipinakakasal sa mga lalaking napili
ng kanilang mga magulang.
84. GININTUANG PANAHON NG
ATHENS
Pagsasaka ang karaniwang
ikinabubuhay ng mga Athenian.
Ang mga ani ay kanilang
kinakain. Ang mga sobrang
produkto ay ipinapalit nila ng iba
pang kagamitang pambahay.
85. GININTUANG PANAHON NG
ATHENS
Bagamat marangya at
magarbo ang ang mga
gusaling pampubliko, ang
mga tahanan naman ay
simple lamang, maging ito ay
pag-aari ng mayayaman o
karaniwang tao.
86. GININTUANG PANAHON NG
ATHENS
Sa kabuuan, simple lamang ang
naging pamumuhay sa sinaunang
Greece. Ngunit mula sa simpleng
pamumuhay na ito ay lumitaw ang
pinakamahuhusay na artista,
manunulat, at mga pilosopo na
tinitingala sa sandaigdigan hanggang
sa ating makabagong panahon.
87. GININTUANG PANAHON NG
ATHENS
Ang may-akda ng mga natatanging
pilosopong Greek sa larangan ng politika ay
kinilala sa mundo tulad ng The Republic ni Plato
at Politics ni Aristotle.
88. GININTUANG PANAHON NG
ATHENS
Maging sa larangan ng arkitektura ay nakilala ang mga Greek.
Kahangahanga ang arkitektura ng mga templo. Ang ilan dito ay
matatagpuan sa Athens, Thebes, Corinth, at iba pang siyudad. Ang
tatlong natatanging estilo na Ionian, Doric, at Corinthian ay
naperpekto nila nang husto.
89. GININTUANG PANAHON NG
ATHENS
Ang pinakamagandang
halimbawa ay ang Parthenon,
isang marmol na templo sa
Acropolis sa Athens. Ito ay
itinayo nina Ictinus at Calicrates
at inihandog kay Athena, ang
diyosa ng karunungan at patrona
ng Athens.
90. GININTUANG PANAHON NG
ATHENS
Ilan sa mga labi ng iskulturang Greek ay
matatagpuan din sa mga templo ng Crete,
Mycenaea, at Tiryus. Ang pinakadakilang
Greek na iskultor ay si Phidias. Ang estatwa
ni Athena sa Parthenon at ni Zeus sa
Olympia ay ilan lamang sa mga obra maestra
niya. Ilan pang mga natatanging iskultura ay
ang Collossus of Rhodes ni Chares at Scopas
ni Praxiteles na parehong itinanghal na
Seven Wonders of the Ancient World.
91. GININTUANG PANAHON NG
ATHENS
Kinilala rin ang kontribusyon ni
Herodotus sa larangan ng kasaysayan. Ang
kanyang mga paglalakbay sa Asya at Sparta
ay nakatulong upang maging obra maestro
niya ang Kasaysayan ng Digmaang Persian.
Tinawag siyang “Ama ng Kasaysayan.”
Sinundan ito ng isa pang historyador, si
Thucydides. Ilan sa mga isinulat niya ay ang
Anabis, isang kuwento ng sikat na martsa ng
mga Greek mula sa Babylonia hanggang
Black Sea at Memorabilia na kalipunan ng
mga kuwento ng guro niyang si Socrates.
92. GININTUANG PANAHON NG
ATHENS
Nagkaroon din ng kaalaman
sinaunang Greece.
sa makabagong medisina sa
Ang
pinakadakilang Greek na
manggagamot ay si Hippocrates
na kinilala
Medisina.
bilang Ama ng
Itinaas niya ang
larangan ng medisina bilang
agham at hindi bunga ng mahika.
93. GININTUANG PANAHON NG
ATHENS
Marami ring Greek ang kinilala at
dinakila dahil sa kanilang naging
ambag sa larangan ng agham at
pilosopiya. Ang kauna-unahang
pilosopiya ay ipinakilala ni Thales ng
Militus. Ayon sa kaniya ang
sandaigdigan ay nagmula sa tubig,
ang pangunahing elemento ng
kalikasan. Samantala si Pythagoras
naman ang nagpasikat ng doktrina ng
mga numero kung saan sinasabi niya
na ang bilang na tatlo, lima at pito ay
maswerteng mga numero.
94. GININTUANG PANAHON NG
ATHENS
Ilang dekada matapos ang
Digmaang Persian, isang pangkat ng
mga guro na tinatawag na mga
Sophist ang sumikat sa Athens.
Nagpakilala sila ng pagbabago sa mga
umiiral na pilosopiya. Ayon sa kanila
maaaring turuan ang mga tao na
gumawa ng magagandang batas,
makapagsalita, at makipagdebate sa
mga Asembleya.
Maraming Athenian ang tumuligsa sa
mga pilosopiya ng mga Sophist. Isa na
rito ay si Socrates. Ayon sa kaniya
mahalaga na kilalanin mo ang iyong
sarili (know thyself). Ayon sa kaniya
dapat na patuloy na magtanong ang
mga tao hinggil sa mgabagay-bagay
95. GININTUANG PANAHON NG
ATHENS
Ang pamamaraang ito ay kinikilala
ngayon na Socratic Method. Di nagustuhan
ng mga Athenian ang ginawang pagtatanong
ni Socrates lalo na ang mga tungkol sa mga
diyos-diyosan at ilang patakaran ng Athens.
Dahilan dito siya ay nakulong at nahatulan
siya ay nagpakamatay
ng kamatayan. Ngunit bago pa siya
sa
an ng paglason sa sarili. Ang
ga ideya ni Socrates ay hindi niya
naparusahan,
pamamagit
lahat ng m
naisulat
96. GININTUANG PANAHON NG
ATHENS
Si Plato, ang kaniyang
pinakasikat na mag-aaral, ang
nagsumikap na maitala ang lahat
ng dayalogo sa pagitan ng
dalawa o mas higit pang tauhan.
Ang pinakatanyag ay ang
Republic, isang talakayan tungkol
sa katangi-tanging polis at ang
uri ng pamahalaan na
makapagbibigay ng kaligayahan
sa mga mamamayan nito.
97. GININTUANG PANAHON NG
ATHENS
Samantala, si Aristotle, ang
pinakamahusay na mag-aaral ni Plato,
ay nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng
halaman, hayop, astronomiya, at
pisika na pawang nangangailangan ng
masusing pagmamasid. Ayon sa
kaniya, ang alinmang teorya ay maaari
lamang tanggapin kung ito ay batay
sa masusing pagmamasid ng mga
katotohanan. Kinilala si Aristotle na
Ama ng Biyolohiya. Ilan sa mga tanyag
niyang aklat ay ang Poetic, isang
pagsusuri sa mga iba’t ibang dula-
dulaan, ang Rhetoric na nagsasabi
kung paano dapat ayusin ng isang
nagtatalumpati ang kanyang
talumpati, at ang Politics kung saan
99. GAWAIN 11: TALAHANAYAN, PUNAN MO
Mula sa binasang teksto tungkol sa ginintuang
panahon ng Athens, buuin ang talahanayan ng mga
ambag ng Greece sa iba’t ibang larangan.
100. PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang epekto ng kabihasnang
Greece sa kasalukuyang
panahon?
2. Alin sa mga
kontribusyon
nabanggit na
ang may
pinakamalawak na epekto sa
pamumuhay ng mga Pilipino?
Patunayan.
102. GAWAIN 12: MAGBASA AT MATUTO
Basahin at unawain ang nilalaman ng
sumusunod na teksto
tungkol sa paglakas ng Imperyong Macedonia at
pagbagsak ng mga lungsod-estado ng Greece.
103. IMPERYONG MACEDONIAN Hinangad ni Philip, hari ng Macedonia ,
na pag-isahin ang mga lungsod-estado sa
Greece sa ilalim ng kanyang pamamahala.
Upang matupad ang kaniyang hangarin,
bumuo siya ng isang hukbo at sinanay sa
pinakamabisang paraan ng pakikipagdigma.
Bilang pagtatanggol ng kanilang kalayaan,
sinalakay ng magkasanib na puwersa ng
Athens at ng Thebes ang Macedonia noong
338 B.C.E. Madaling tinalo ni Philip ang
hukbo ng dalawang lungsod-estado. Ang
pagkatalo ng Athens at Thebes ay hudyat ng
pagtatapos ng kapangyarihan ng mga
lungsod-estado. Ang buong Greece, maliban
sa Sparta, ay napasailalim sa kapangyarihan
ng Macedonia.
104. IMPERYONG MACEDONIAN Naging tanyag na pinuno ng Macedonia ang
anak ni Philip na si Alexander the Great.
Noong siya ay bata pa lamang, naging guro
niya si Aristotle na nagturo sa kaniya ng
pagmamahal sa kultura at karunungan.
Habang lumalaki, natutuhan niya ang
kagalingan sa pakikipagdigma. Siya ay 21
taong gulang nang mamatay ang kanyang
ama at naging hari ng Macedonia at Greece.
Matalino, malakas ang loob at magaling na
pinuno si Alexander. Sinalakay niya ang
Persia at Egypt at pagkatapos ay tumungo sa
silangan at sinakop ang Afghanistan at
hilagang India. Nagtatag siya ng imperyo na
sumakop sa kabuuan ng kanlurang Asya,
Egypt, at India. Pinalaganap niya ang
kaisipang Greek sa silangan.
Noong 323 B.C.E., sa gulang na 32 taon
namatay si Alexander sa Babylon sa hindi
matiyak na karamdaman.
105. GABAY NA TANONG
1.Ano ang dahilan ng paghina ng
mga
lungsod-estado ng Greece?
2.Ano ang nagbigay-daan sa
paglakas ng
Macedonia?
3.Ano ang maituturing na
kontribusyon ng
107. GAWAIN 13: GREECE, SA ISANG TINGIN
Punan ang word map ng maikling
pagpapaliwanag tungkol sa bawat konseptong
tumutukoy sa Kabihasnang Greece. Matapos punan
ang word map ay sagutin ang tanong sa kahon.
110. Sa pagkamatay ni Alexander the Great, unti-
unting humina ang malawak na imperyong kanyang
naitatag. Sa kabilang dako naman ng kanlurang
Europe, isang pamayanan ang unti-unting
namumukadkad. Ito ay ang Rome. Kung ang Greece
ay kilala sa taguring “the glory that was Greece”
makikilala ang Rome sa taguring “the grandeur that
was Rome”. Ano kaya ang kahulugan nito? Halina’t
iyong tuklasin.
113. GAWAIN 14: MAGBASA AT MATUTO
Basahin at unawain ang teksto tungkol sa
Kabihasnan ng Rome.
114. ROMA Ang Italy ay isang bansang matatagpuan
sa kanlurang Europe. Ito ay isang peninsula
na nakausli sa Mediterranean Sea. Katulad
ng Greece, ang Italy ay binubuo ng
maraming kabundukan at ilang mga
kapatagan. Isang mahalagang kapatagan ang
Latium. Ang Ilog Tiber ay dumadaloy sa
kapatagang ito. May ilang bakas ng
sinaunang kabihasnan sa kapatagan ng
Latium at sinasabing dito umusbong ang
dakilang lungsod ng Rome.
Masasabing istratehiko ang lokasyon ng
Rome dahil sa Ilog Tiber na nag-uugnay dito
at sa Mediterranean Sea. Ang lokasyong ito ay
nagbigay-daan sa pakikipagkalakalan ng
Rome sa mga bansang nakapalibot sa
Mediterranean Sea. Ang saganang kapatagan
at maunlad na agrikultura ay kayang
suportahan ang pagkakaroon ng malaking
populasyon.
115. GABAY NA TANONG
Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa
pag - usbong ng Rome bilang isang
matatag na lungsod?
116. Ang
ANGe
m
o
R SI
ay
NAUNANG ROME
itinatag sa kalagitnaan ng
ikawalong siglo B.C.E. ng
mga unang Roman na
nagsasalita ng Latin,
isang sangay ng wikang
nabibilang sa Indo-
Europeo. Sila ay lumipat
sa gitnang Italy at
nagtayo ng sakahang
pamayanan sa Latium
Plain.
Ayon sa isang matandang
alamat ang Rome ay itinatag
ng kambal na sina Romulus at
Remus. Habang mga sanggol
pa lamang, inilagay sila sa
isang basket at ipinaanod sa
Tiber River ng kanilang amain
sa takot na angkinin ng
kambal ang kaniyang trono.
Ang kambal ay sinagip at
inaruga ng isang babaing lobo.
Nang lumaki ang dalawa at
nalaman ang kanilang
pinagmulan, inangkin nila ang
trono at itinatag ang Rome sa
pampang ng Tiber River noong
753 B.C.E. Ang mga Roman ay
tinalo ng mga Etruscan,
ang kalapit na tribo sa
hilaga ng Rome. Sila ay
sa sining,
at sayaw.
rin sila sa
magagaling
musika,
Dalubhasa
arkitektura, gawaing
metal, at kalakalan .
Tinuruan nila ang mga
Roman sa pagpapatayo ng
mga gusaling may arko,
mga aqueduct, mga barko,
paggamit ng tanso,
paggawa ng mga sandata
sa pakikipagdigma,
pagtatanim ng ubas, at
paggawa ng alak.
118. ANG REPUBLIKANG ROMANO Sang-ayon sa tradisyon, pinaalis ng mga
Roman ang punong Etruscan at nagtayo ng
Republika, isang pamahalaang walang hari.
Noong 509 B.C.E, namuno si Lucius
Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy
sa mga Etruscan. Pagkatapos maitaboy ang
huling haring Etruscan na si Tarquinius
Superbus, itinatag ni Lucius Junius Brutus ang
isang Republika. Tumagal ito mula 509
hanggang 31 B.C.E.
119. ANG REPUBLIKANG ROMANO Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang
mga Roman ng dalawang konsul na may
kapangyarihang tulad ng hari at nanungkulan
sa loob lamang ng isang taon. Bawat isa ay
may kapangyarihang pigilin ang pasya ng isa.
Dahil sa pagkakahati ng kapangyarihan ng
mga konsul, humina ang sangay
tagapagpaganap. Sa oras ng kagipitan,
kinakailangang pumili ng diktador na
manunungkulan sa loob lamang ng anim na
buwan. Nagtatamasa ang diktador ng higit na
kapangyarihan kaysa mga konsul.
120. ANG REPUBLIKANG ROMANO Republika lamang sa pangalan ang
mga pamahalaan dahil laan lamang ito
sa mga maharlika o patrician. Pawang
mga patrician ang dalawang konsul,
ang diktador at ang lahat ng kasapi ng
senado.
Mga kapos sa kabuhayan ang
plebeian at kasapi ng Assembly na
binubuo ng mga mandirigmang
mamamayan.
Walang kapangyarihan ang
plebeian at hindi rin makapag-aasawa
ng patrician.
121. GABAY NA TANONG
Batay sa binasang teksto, ilarawan
ang mga sumusunod na bahagi ng
Republikang Romano.
Konsul -
Diktador -
Patrician -
122. TAGUMPAY NG PLEBEIAN
LABAN SAPATRICIAN.
Ayon sa kasaysayan, nagsimulang
maghimagsik ang mga plebeian noong 494
B.C.E. upang magkamit ng pantay na
karapatan.
Nagmartsa sila sa buong Rome at lumikas sa
kalapit na lugar na tinaguriang Banal na
Bundok.
Doon sila nagbalak magtayo ng sariling
lungsod.
Sa takot ng mga patrician na mawalan ng
mga manggagawa, sinuyo nila ang mga
plebeian upang itigil ang kanilang balak sa
pamamagitan ng
pagpapatawad sa dati nilang utang;
pagpapalaya sa mga naging alipin nangg
dahil sa pagkakautang; at
ang paghahalal ng mga plebeian ng
dalawang mahistrado o tribune na
123. TAGUMPAY NG PLEBEIAN
LABAN SAPATRICIAN.
May karapatan ang tribune o mahistrado
na humadlang sa mga hakbang ng senado
na magkasama sa mga plebeian.
Kapag nais hadlangan ng isang tribune ang
isang panukalang-batas, dapat lamang
niyang isigaw ang salitang Latin na veto!
(Tutol Ako!). Sa loob ng isang siglo at
kalahati, nagkaroon ng higit na maraming
karapatan ang plebeian.
Noong 451 B.C.E, dahil sa mabisang
kahilingan ng mga plebeian, nasulat ang
mga bataas sa 12 lapidang tanso at inilagay
sa rostra ng forum upang mabasa ng lahat.
Ang 12 Tables ang kauna-unahang
nasusulat na batas sa Rome at naging ugat
ng Batas Roman.
Sa pamamagitan nito, nabawasan ang
panlilinlang sa mga plebeian at
napagkalooban sila ng karapatang makapg-
124. GABAY NA TANONG
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng nakasulat na batas
para sa mga plebeian?
Magbigay ng halimbawa ng pangyayari sa kasalukuyang
panahon na maihahalintulad sa tinahak ng mga plebeian
upang matamo ang kanilang karapatan. Ipaliwanag
Sa kasalukuyan, nabibigyan din ba ng kahalagahan ang
kapakanan ng mga karaniwang tao? Patunayan
125. PAGLAGANAP NG
KAPANGYARIHAN NG ROME
Lumaganap ang kapangyarihan ng Rome sa
buong Italy matapos ang sunud-sunod na
digmaan mula pa noong 490 B.C.E. Nasakop ang
mga Latino, mga Etruscan at iba pang pangkat
tulad ng Hernici, Volscian, Sabine at Samnite.
Matapos masakop ang gitnang Italy, isinunod
ang lungsod-estado ng Greece sa timog.
Naganap ang unang sagupaan ng Rome at
Greece sa Heraclea, Italy noong 280 B.C.E.
Nagwagi ang Greece dahil tinulungan si Haring
Pyrrhus ng Espirus ng kaniyang pinsang si
Alexander the Great at dahil din sa paggamit ng
mga elepanteng kinatatakutan ng mga
mandirigmang Romano. Bagamat nagtagumpay
si Haring Pyrrus, marami sa kaniyang tauhan ang
nalipol, kung kaya sa ngayon, ang isang
napakamahal na tagumpay ay tinaguriang Pyrric
Victory.
Hindi nagtagal, nagapi si Haring Pyrrhus noong
275 B.C.E sa Beneventum, Italy. Rome ang
naging reyna ng peninsula ng Italy.
126. PAGLAGANAP NG
KAPANGYARIHAN NG ROME
Ang tagumpay ng isang labanan ay hindi
lamang nangangahulugan ng panalo ng Roman
at pagtatamo ng kabantugang militar.
Kadalasan, naging kaanib ng Rome ang nagaping
kaaway at magiging kolonya ng Rome ang
nasakop na teritoryo.
karagdagang mandirigma para
Ang mga hukbong nagapi ay nagiging
sa hukbong
Roman.
Sa ganitong sistema unti-unting lumaganap ang
kapangyarihan ng Rome magmula sa ilog Tiber
hanggang sa kabuuan ng Italy.
Sumasakop ang teritoryong Roman mula sa
Ariminium at Pisa sa hilaga hanggang sa Kipot
ng Messina sa timog.
Sa kabila ng 16 na kilometrong kipot na ito,
nakaharap ng mga Roman sa Sicily ang naging
pinakamabigat na kaaway nito - ang mga
Carthagenian.
127. GABAY NA TANONG
Mula sa binasang teksto, isa-isahin ang pangyayaring
nagbigay-daan sa paglaganap ng Kapangyarihan ng Rome.
128. Sa simula makapangyarihan ang Carthage sa
dagat bagaman pawang upahan ang mga
mandirigma nito dahil sa maliit na populasyon.
Ang mga Roman naman sa simula ay walang
hukbong pandagat ni karanasan sa digmaang
pandagat.
Nagdulot ng suliranin sa Carthage ang pananakop ng Rome sa bahaging timog ng
Italy. Nagsisimula pa lamang ang Carthage noon na maging makapangyarihan sa
kanlurang bahagi ng Mediterranean.
Itinatag ang Carthage (Tunis ngayon) ng mga Phoenician mula sa Tyre noong 814
B.C.E. Nang sakupin ng Persia ang Tyre, naging malaya ang Carthage at nagtatag ito ng
imperyong komersyal na nasasakop ng hilagang Africa, silangang bahagi ng Spain,
pulo ng Corsica, Sardinia at Sicily.
Nasubok ang kapangyarihan ng Rome at
Carthage sa tatlong Digmaang Punic - salitang
Latin na nagmula sa pangalang Phoenicia. Sa
digmaang ito napagpasyahan kung sino ang
mamumuno sa Mediterranean.
129. Digmaang Punic Mahahalagang Pangyayari Kinahinatnan
Unang Digmaang Punic
(264-241 B.C.E)
• Bagamat walang malakas
na plota, dinaig ng Rome
ang Carthage noong 241
B.C.E.
• Nagpagawa ang Rome ng
plota at sinanay ang mga
sundalo nito na maging
magagaling na
tagapagsagwan.
• Bilang tanda ng
pagkakapanalo ng Rome,
sinakop nito ang Sicily,
Sardinia at Corsica
• Nanalo ang Rome
laban sa
Carthage.
130. Digmaang Punic Mahahalagang Pangyayari Kinahinatnan
Ikalawanag Digmaang
Punic (218-202 B.C.E)
• Nagsimula ito noong 218 B.C.E. nang
salakayin ni Hannibal, ang heneral ng
Carthage, ang lungsod ng Saguntum sa Spain
na kaalyado ng Rome.
• Mula Spain, tinawid ni Hannibal ang timog
France kasama ng mahigit na 40, 000
sundalo.
• Tinawid din nila ang bundok ng Alps upang
makarating sa Italy.
• Tinalo ni Hannibal ang isang malaking hukbo
ng Rome sa Cannae noong 216 B.C.E. subalit
hindi naghangad si Hannibal na salakayin ang
Rome nang hindi pa dumarating ang
inaasahang puwersa na manggagaling sa
Carthage.
• Sa ilalim ng pamumuno ni Scipio Africanus,
sinalakay ng mga Roman ang hilagang Africa
upang pilitin si Hannibal na iwan ang Italy at
tumungo sa Carthage upang sagipin ang
• Natalo si Hannibal sa
labanan sa Zama
noong 202 B.C.E.
• Sa isang kasunduang
pangkapayapaan
noong 201 B.C.E,
pumayag ang
Carthage na siraon
ang plota nito, isuko
ang Spain, at
magbayad ng buwis
taon-taon sa Rome
131. Digmaang Punic Mahahalagang Pangyayari Kinahinatnan
• Ikatlong Digmaang
Punic (149-146
B.C.E)
• Matapos ang 50 taon, naganap ang
Ikatlong Digmaang Punic.
• Mahalaga ang papel ni Marcus Porcius
Cato, isang pinuno at manunulat na
Roman, sa pagsiklab ng digmaan. Sa
kanyang pagbisita sa Carthage, nakita
niya ang kasaganahan at luho ng
pamumuhay rito. Batid niyang malakas
ang Carthage at nananatili itong banta sa
seguridad ng Rome. Pagbalik sa Rome,
itinanim niya sa isipan ng Senate at
publiko na dapat wasakin ang Carthage.
• Nang salakayin ng Carthage ang isang
kaalyado ng Rome, sinalakay ng Rome
ang Carthage. Sinunog nito ang lungsod
at ipinagbili ang mga mamamayan bilang
alipin.
• Muling
Carthage
natalo ang
sa
digmaan.
• Kinuha ng Rome ang
lahat ng pag-aari ng
Carthage sa Hilagang
Africa
132. KABIHASNANG ROMAN Sa pagsakop ng Rome sa mga
lungsod-estado ng Greece:
libo-libong Greek ang tumungo sa
Italy.
Tinangay din ng mga heneral ng Rome
ang mga gawang sining at aklat ng
Greece sa pagbabalik nila sa Rome.
Kumalat ang kabihasnang Greece sa
Rome at maraming Roman ang
tumungo sa Athens para mag-aral.
Naimpluwensiyahan ng Greece ang
kabihasnang nabuo sa Rome.
Gayunpaman, may sariling katangian
ang kabihasnang Roman. Pangunahin
na rito ang kaalaman sa arkitektura,
inhenyeriya, at sistema ng
133. TAGUMPAY SASILANGAN Pagkatapos ng Second Punic War,
ang mga hukbo ng Rome ay
pumunta sa silangan. Tinalo ng
Rome ang Macedonia. Noong 146
BCE, ang Macedonia ay naging
isang lalawigan ng Rome. Sa taon
ding ito, sinunog ng Rome ang
Corinth at inilagay ang iba pang
lungsod – estado ng Greece sa
ilalim ng pangangasiwa nito.
134. MGA PAGBABAGONG DULOT NG
PAGLAWAK NG KAPANGYARIHANG
ROMAN
Habang patuloy ang pagkakasangkot ng
Rome sa mga usaping panlabas,
dinagdagan ng Senate ang
kapangyarihan at katanyagan nito sa
pamamagitan ng pangangasiwa ng mga
kasunduan. Bagama’t ang pagpapatibay
ng mga tratado at deklarasyon ng
digmaan ay dapat na isinasangguni sa
Assembly, ang lupong ito ay nagsisilbing
tagapagpatibay lamang ng nais ng
Senate.
Ang monopoly ng kapangyarihan ng
Senate ang nagpalala sa katiwalian sa
pamahalaan. Madalas na gamitin ng mga
opisyal na ipinapadala sa mga lalawigan
ang kanilang katungkulan upang
magpayaman. Ang mga pagkakataon sa
katiwalian ay lumalaki dulot ng mga
135. MGA PAGBABAGONG DULOT NG
PAGLAWAK NG KAPANGYARIHANG
ROMAN
Masama naman ang naging
epekto ng mga digmaan sa
pagsasaka. Ang timog na bahagi
ng Italy ay lubos na nasira dahil sa
pamiminsala na ginawa ng hukbo
ni Hannibal. Nilisan ng maraming
magsasaka ang kanilang bukirin.
Hindi sila nakahanap ng trabaho
sa malalaking lupain ng
mayayaman sapagkat ang
nagsasaka ay mga alipin o bihag
ng digmaan. Tumungo ang mga
magsasaka ng Rome upang
maghanap ng trabaho ngunit wala
namang malaking industriya ang
Rome na magbibigay ng kanilang
trabaho.
136. MGA PAGBABAGONG DULOT NG PAGLAWAK NGKAPANGYARIHANG
ROMAN
Ang yaman na pumasok sa Rome mula sa napanalunan sa
mga digmaan ay napakinabangan lamang ng mayayaman.
Higit na lumawak ang agawat sa pagitan ng mayayaman at
mahihirap. Binago ng lumalaking yaman ang ugali ng mga
tao tungo sa pamahalaan. Pinalitan ang kasakiman at
marangyang pamumuhay ang tradisyon ng pagsisilbi at
disiplina sa sarili.
137. GABAY NA TANONG
Batay sa tekstong binasa, ano-ano ang mga suliraning
kinaharap ng Rome bunsod ng paglawak ng kapangyarihan
nito?
Paano nakaapekto ang mga nabanggit na suliranin sa
Republikang Roman?
Maihahalintulad ba ang mga pangyayaring isinasaad sa teksto
sa kalagayan ng kasalukuyang lipunan? Sa paanong paraan?
139. GAWAIN 15: MAGBASA AT MATUTO
Basahin at unawain ang sumusunod na teksto
tungkol sa mga pangyayaring nagdulot ng
pagbagsak ng Republika ng Rome tungo sa pagtatag
ng ImperyonAgnRgomBaann.tang Digmaang
Sibil
Itinuturing ng magkapatid na Tiberius at Gaius
Gracchus, kapwa tribune, ang lumalaking agwat sa
pagitan ng mayayaman at mahihirap bilang
panganib sa katatagan ng Republic. May mga
nagtangkang magpatupad ng pagbabago katulad
ng mga sumusunod:
140. Pinuno/Taon
Tiberius
133 B.C.E
mga lupang nakamit
ay ipamamahagi
mahihirap.
• Nais niyang limitahan ang
dami ng lupa na maaring
ariin ng mayayaman upang
pigilin ang mga ito sa
pagkamkam ng higit pang
maraming lupa.
Pangyayari Epekto
• Nagpanukala ng batas sa Upang hadlangan si
pagsasaka kung saan ang Tiberius at takutin
pamamagitan ng digmaan
nagnanais
sa ang iba pang
ng
upang
pagbabago,
ipinapatay siya ng
magkaroon ng bukirin ang isang grupo ng
mayayaman.
141. Epekto
Pinuno/Taon
Gaius Gracchus
123 B.C.E
Pangyayari
• Sinundan ni
Gracchus ang
sinimulan ng
nakakatandang
subalit, ang
panukala.
Gaius Sinalakay si Gaius at ang
hakbang kanyang 3,000 na
tungo sa pagbabago na tagasunod ng isang
kanyang
pangkat ng mga senador
kapatid,
kasama ang inupahang
hukbo at alipin.
mga Ipinapatay ng Senate ang
mayayaman ay hindi rin mga tagasunod ni Gaius
sang – ayon sa kanyang Gracchus. Siya naman ay
nagpatiwakal.
142. GABAY NA TANONG
1.Ano ang dahilan ng mga
kaguluhang naganap sa Rome?
2.Ano ang ipinapahiwatig ng mga
relasyon ng mga patrician
nabanggit na kaguluhan sa
at
plebeian? Ipaliwanag
3.Sa ating bansa sa kasalukuyan,
mayroon bang katulad na
sitwasyon? Ipaliwanag.
143. Nilinaw ng kamatayan ng
magkapatid na Gracchus
ang mainit na tunggalian
ng mga patrician sa Senate
at ng mga plebeian at
alipin. Sumiklab ang mga
serye ng rebelyon na nauwi
sa digmaang sibil noong
105 B.C.E. Bumalik ang
kaayusan sa Rome nang
maging diktador si Sulla
144. SI JULIUS CAESAR BILANG
DIKTADOR
Sa unang siglo ng B.C.E., matindi ang
agawan sa kapangyarihan ng mga
heneral at pinunong militar sa Rome.
Karaniwang nauuwi sa digmaang sibil.
Noong 60 B.C.E., binuo ni Julius Caesar,
Pompey, at Marcus Licinius Crassus ang
First Triumvirate, isang union ng tatlong
makapangyarihang tao na nangasiwa ng
pamahalaan. Hinawakan nila ang
kapangyarihang politikal at militar.
Si Crassus ang pinakamayamang tao sa
Rome na nanguna sa pagpapakalma sa
isang rebelyon ng mga alipin.
Samantala, si Pompey ay kinilala bilang
isang bayani dahil sa kanyang tagumpay
na masakop ang Spain.
Si Caesar ay isang gobernador ng Gaul
kung saan matagumpay niyang
napalawak ang mga hangganan ng Rome
hanggang France at Belgium. Bagama’t
nagkasundo silang pamunuan ang Rome,
145. GABAY NA TANONG
1. Batay sa bahaging ito ng teksto, ano
ang kahulugan ng Triumvirate?
.
146. SI JULIUS CAESAR BILANG
DIKTADOR
Noong 53 B.C.E., napatay sa isang
labanan si Crassus.
Tanging si Caesar at Pompey na
lamang ang naiwang maghahati ng
kapangyarihan.
Sa pananaw ng mga nasa Senate,
higit na may pag-asa silang
makitungo kay Pompey kumpara
kay Caesar.
Hindi lingid sa kanila ang
tagumpay at galing ni Caesar.
Isang matagumpay na heneral si
Caesar. Popular din siya dahil sa
mga reporma niya sa mga
lalawigan tulad ng pagbaba ng
buwis at pagkakaloob ng lupa sa
mga beterano ng hukbo. Inutusan
ng Senate si Caesar na bumalik sa
147. SI JULIUS CAESAR BILANG
DIKTADOR
Subalit sinalungat ni Caesar ang utos
ng Senate at bumalik sa Rome na
kasama ang kaniyang hukbo. Sa takot
nila sa kapangyarihan ni Caesar,
tumakas papuntang Greece ang
karamihan sa mga kasapi ng Senate,
kabilang si Pompey. Hinabol sila ni
Caesar at natalo nito ang puwersa ni
Pompey. Ginawang diktador si Caesar
sa kaniyang pagbalik sa Rome
sapagkat kontrolado na niya ang
buong kapangyarihan. Bilang
diktador, binawasan niya ang
kapangyarihan ng Senate ngunit
dinagdagan naman niya ang bilang
nito, mula 600 naging 900 ang kasapi
nito. Binigyan ng Roman citizenship
ang lahat ng naninirahan sa Italy. Sa
mga lalawigan, ang pagbabayad ng
buwis ay inayos habang ang
148. GABAY NA TANONG
1. Bakit naging tanyag si Julius
Caesar?
2. Bakit siya tinawag na diktador sa
kanyang pagbalik saRome?
3. Anu-ano ang mga pagbabagong
ipinatupad niya sa Rome?
149. g senador sa
SI JULIUS CAESAR BILANG
DIKTADOR
Nangamba ang Senate na maaring ideklara ni Caesar ang
sarili bilang hari at magwakas ang Republika. Binuo ang
isang sabwatan upang patayin si Caesar. Isa sa mga sumali
sa sabwatan ay si Marcus Brutus, matalik na kaibigan ni
Caesar. Noong March 15, 44 B.C.E., isinakatuparan ang
pagpatay kay Caesar. Habang nagpupulong ang Senate,
sinaksak si Caesar ng unang grupo n
pangunguna nina Brutus at Gaius Cassius.
150. GABAY NA TANONG
1. Ano ang ipinapahiwatig ng
kamatayan ni Julius Caesar?
151. AUGUSTUS: UNANG ROMAN
EMPEROR
Bago mamatay si Caesar, ginawa niyang tagapagmana ang
kanyang apo sa pamangkin na si Octavian. Noong 43 B.C.E,
kasama sina Mark Antony at Marcus Lepidus, binuo ni Octavian
ang Second Triumvirate upang ibalik ang kaayusan sa Rome. Ito
ay dahil binalot ng kaguluhan ang Rome mula nang mamatay si
Caesar.
Sa pagkakabuo ng Second Triumvirate, tinalo nila ang hukbo
nina Brutus at Cassius.
152. AUGUSTUS: UNANG ROMAN
EMPEROR
Sa loob ng sampung taon,
naghati sa kapangyrihan sina
Octavian at Mark Antony.
Pinamunuan ni Octavian ang
Rome at ang kanlurang bahagi
ng imperyo
samantalang pinamunuan ni
Antony ang Egypt at ang mga
lugar sa silangan na kinilala
bilang lalawigang sakop ng
Rome.
Si Lepidus ang namahala sa Gaul
at Spain.
153. AUGUSTUS: UNANG ROMAN
EMPEROR
Habang nasa Egypt, napamahal kay
Antony si Cleopatra, reyna ng Egypt.
Nang dumating sa Rome ang balita na
binigyan ni Antony ng lupa si
Cleopatra at balak salakayin ang
Rome, bumuo ng malaking hukbo at
plota si Octavian upang labanan si
Antony.
Naganap ang malaking labanan sa
pagitan ng dalawang puwersa sa
Actium noong 31 B.C.E. Matapos
matalo sa Actium, iniwan ni Antony
ang kanyang hukbo at sinundan si
Cleopatra sa Egypt. Nang sumunod na
taon, nagpakamatay si Antony dahil
sa maling pag-aakala na
nagpakamatay si Cleopatra.
Samantala, dahil nagpakamatay na
ang minamahal na si Antony at sa
harap ng pagkatalo kay Octavian,
154. AUGUSTUS: UNANG ROMAN
EMPEROR
Si Lepidus ay pinagkaitan ng
kapangyarihan.
pamamahala sa Gaul
Nawala sa kanya ang
at
Spain.
Noong 36 B.C.E., hinikayat
niya ang rebelyon sa Sicily
laban kay Octavian subalit
tinalikuran siya ng kaniyang
mga sundalo.
Ipinatapon ni Octavian si
Lepidus sa Circeii, Italy.
155. AUGUSTUS: UNANG ROMAN
EMPEROR
Nang bumalik si Octavian sa
Rome, nangako siyang
bubuhayin muli ang Republic
bagama’t hawak niya ang lahat
ng kapangyarihan. Bilang pinuno
ng hukbo, si Octavian ay
tinawag na imperator.
Noong 27 B.C.E., iginawad ng
Senate kay Octavian ang titulong
Augustus. Ang katagang
Augsutus ay karaniwang
ginagamit patungkol sa isang
banal na lugar o banal na akto.
Samakatuwid, ang titulong
Augustus ay nagpapahiwatig ng
pagiging banal o hindi
pangkaraniwan.
156. AUGUSTUS: UNANG ROMAN
EMPEROR
Mula noon, si Octavian ay
nakilala na sa pangalang ito.
Sa wakas, pagkatapos ng
halos isang siglong puno ng
digmaang sibil, ang Rome
ay napagbuklod sa ilalim ng
isang pinuno.
Inihatid ng pamamahala ni
Augustus ang panahon ng
Imperyong Roman
157. GABAY NA TANONG
1. Sinu-sino ang bumuo sa
Second Triumvirate?
2. Bakit mahalaga ang
pagkapanalo ni Octavian sa
labanan sa Actium?
3. Bakit tinawag na Augustus si
Octavian?
158. LIMANG SIGLO NG IMPERYO
Si Augustus ay tagapagmana ng isang malawak na imperyo.
Ang hangganan nito ay ang Euphrates River sa silangan; ang
Atlantic Ocean sa kanluran; ang mga ilog ng Rhine at
Danube sa hilaga; at ang Sahara desert sa timog. Sa pagsapit
ng Ikalawang siglo C.E., ang populasyon ng imperyo ay
umabot sa 100 milyon na binubuo ng iba’t ibang lahi,
pananampalataya, at kaugalian.
160. LIMANG SIGLO NG IMPERYO Sa pangkalahatan, tahimik at
masagana ang unang dalawa at
kalahating siglo ng imperyo. Ang
panahong ito ay mula sa 27 B.C.E.
hanggang 180 C.E.
Kadalasang tinatawag ang panahong
ito bilang Pax Romana o Kapayapaang
Roman.
Umunlad ang kalakalan sa loob ng
imperyo.
‘Ang mga daan at karagatan ay ligtas
sa mga tulisan at mga pirate.
Sagana ang imperyo sa lahat ng uri ng
pagkain na nanggagaling sa Egypt,
Hilagang Africa, at Sicily.
Ang kahoy na gamit sa paggawa ng
bahay at iba pang produktong
agrikultural ay nagmumula sa Gaul at
Gitnang Europe; ginto, pilak, at tingga
161. LIMANG SIGLO NG IMPERYO Sa labas ng imperyo, isang
masaganang kalakalan ang nag-
uugnay sa Rome sa iba’t ibang
bahagi ng Asya. Mula sa India at
China, dumarating sa Rome ang
seda, mga pampalasa o rekado,
pabango, mamahaling bato, at
iba pang luho.
163. LIMANG SIGLO NG IMPERYO Umunlad din ang panitikan sa
panahon ng Pax Romana. Ang mga
makatang sina Virgil, Horace, at Ovid
ay nabuhay sa panahong ito. Sinulat
ni Virgil ang Aineid, ang ulat ng
paglalakbay ni Aeneas pagkatapos ng
pagbagsak ng Troy. Samantalang
binigyang-buhay ni Ovid ang mga
mitong Greek at Roman sa akda
niyang Metamorphoses.
Sinulat ni Pliny the Elder ang Natural
History, isang tangkang pag-isahin
ang lahat ng nalalaman tungkol sa
kalikasan.
Sinulat ni Tacitus ang Histories at
Annals na tungkol sa imperyo sa
ilalim ng pamamahala ng mga Julian
at Flavian Caesar.
Sinulat ni Livy simula 27-26 B.C.E ang
164. GABAY NA TANONG
1. Ano ang kahalagahan ng
pag-unlad ng panitikan sa
kasaysayan ng Rome?
165. AUGUSTUS
MGA EMPEROR PAGKATAPOS
N
N
Iamatay si Augustus noong 14
C.E. Ang Titulong imperator o
emperador ay iginawad ng
Senate kay Tiberius napinili ni
Augustus na humalili sa kanya.
Mula sa pag-upo ni Tiberius
bilang emperador hanggang sa
katapusan ng imperyo noong
476 C.E., ang Rome ay
nagkaroon ng iba’tibang uri ng
emperador.
166. DINASTIYANG JULIO - CLAUDIAN
Magaling na administrador si
Tiberius bagama’t isang
diktador.
TIBERIUS (14-37 C.E.)
167. DINASTIYANG JULIO - CLAUDIAN
Nilustay niya ang pera ng
imperyo sa maluluhong
kasayahan at palabas tulad ng
labanan ng mga gladiator. May
sakit sa isip si Caligula at
iniisip niyang siya ay isang
gladiator.
CALIGULA (37-41 C.E.)
168. DINASTIYANG JULIO - CLAUDIAN
Nilikha niya ang isang
burukrasya na binubuo ng mga
batikang administrador.
CLAUDIUS (41-54 C.E.)
169. DINASTIYANG JULIO - CLAUDIAN
Ipinapatay niya ang lahat ng
hindi niya kinatutuwaan,
kabilang ang kanyang sariling
ina at asawa. Inakusahan siya
ng panununog sa Rome at
natutuwa pa siya diumano
habang ginagawa ito.
NERO( 54-68 C.E.)
170. DINASTIYANG FLAVIAN Kinilala ang dinastiyang Flavian
sa maayos na patakarang
pananalapi at pagtatayo ng
imprastrukturang
pampublikong paliguan
amphitheater para sa
tulad ng
at
mga
labanan ng mga gladiator.
VESPASIAN (69-79 C.E.)
171. LIMANG MAHUSAY NA
EMPERADOR
Nagkaloob ng pautang sa
bukirin si Nerva at ang kinitang
interes ay inilaan niya para
tustusan ang mga ulila.
NERVA (96-98 C.E.)
172. LIMANG MAHUSAY NA
EMPERADOR
Sa panahon ng pamumuno
ni Trajan, narating ng
imperyo ang
pinakamalawak nitong
hangganan.
TRAJAN (98-117 C.E.)
175. LIMANG MAHUSAY NA
EMPERADOR
isang
Siya ay
manunulat.
Itinaguyod niya
pilosopiyang stoic.
Binibigyang-diin
iskolar at
ang
ng
pilosopiyang ito ang
paghahanap ng kaligayahan sa
pamamagitan ng pamumuhay
ayon sa banal na kalooban
(divine will).
MARCUS AURELIUS (161-180 C.E.)
176. GABAY NA TANONG
1. Ano ang kahalagahan ng
isang mabuting pinuno sa
pagpapanatili ng isang
imperyo?
178. GAWAIN 16: ROME… SA ISANG TINGIN
Ibuod ang mga pangyayari kaugnay ng paglakas
at paghina ng hirap sa pamamagitan ng pagpupuno
ng impormasyon sa chart.
179. GABAY NA TANONG
Bakit maituturing na Kabihasnang
Klasikal ang Kabihasnan ng mga Roman
?
181. GAWAIN 17: PAGSULAT NG SANAYSAY
Sumulat ng sanaysay tungkol sa pagkakaiba at
pagkakatulad ng Kabihasnang Greece at Rome.
Suriin din ang impluwensiya ng dalawang
kabihasnang ito sa daigdig.
186. GAWAIN 19: E - POSTCARD
Panuto: Pumili ng isang mahalagang kontribusyon ng
mga Klasikal na Kabihasnan sa Europe. Lumikha ng E-
postcard tungkol dito. Sundin ang format. I-upload sa
napiling social networking site ang nagawang E-postcard.