2. Mahal kong Sodium,
Magandang Umaga! Kumusta kayo? Gusto ko sana magpatulong sa
inyo hinggil sa paggawa ng isang Liham Pangangalakal. Kasi batid
ko na ako ay matutulungan ninyo sa problema ko at nalaman ko na
ito ang paksa ninyo ngayong araw.
May nabasa akong anunsyo kahapon habang ako’y papauwi
galing Philippine Science High School, at sila ay nangangailangan
ng checker sa supermarket. Batay sa mga katangian na hinahanap
ay kwalipikado ako. Ngayon kasi wala akong trabaho at
kinakailangan kong magkaroon nito upang makatulong ako sa
aking mga mgulang. Ang anunsyo ay makikita sa ikalawang pahina
ng aking sulat.
Nawa’y matulungan ninyo ako hinggil sa problema ko sa paggawa
ng isang Liham Pangangalakal. Hihintayin ko ang tugon ninyo!
Maraming Salamat!
Umaasa,
G. Batumbakal
7/31/2014
@GinoongGood
3. Nangangailangan!!!
Checker para sa isang supermarket
• Tapos sa haiskul
• Matapat at mapagkakatiwalaan
• Pamilyar sa iba’t ibang produkto
• Isang taong may karanasan bilang
checker
• Ipadala ang aplikasyon sa
MLG Supermart Quirino highway
Novaliches, Quezon City.
7/31/2014
@GinoongGood
4. Matutulungan niyo ba si
G. Batumbakal sa
kanyang problema?
7/31/2014
@GinoongGood
6. Ano ang Liham Pangangalakal?
o Ito ay sinusulat upang makapag-ugnayan sa
mga tanggapan o opisina.
o Sa ganitong uri ng liham ay kailangan ang
mga katangiang malinaw, maikli, magalang,
tapat, mabisa, maayos, malinis at makinilyado
o encoded.
oGumagamit ng papel na legal size.
7/31/2014
@GinoongGood
10. Liham ng
Pamimili
Isinusulat upang
bumili ng
paninda na
ipinadadala sa
koreo
Liham ng
Subskripsyon
Isinusulat upang
maglahad nang
intensyon sa
subskripsyon ng
pahayagan,
magasin at iba
pang babasahin
7/31/2014
@GinoongGood
14. 1004 Pilar St.,
Tondo, Manila
Agosto 15, 2005
Dr. Dolores S. Abad
Puno, Sangay ng Edukasyong Sekundaryo
Pambansang Punong Rehiyon
Kagawaran ng Edukasyon Misamis St., Quezon City
Mahal na Dr. Abad:
Sa ngayon po ay kumukuha ako ng Bachelor of Science in Education sa Philippine
Normal University. Ako po ay nagpapakadalubhasa sa Filipino. Bahagi po ng aking
pag-aaral ay pagtuklas sa mga naging epekto ng patakarang bilinggwal sa pagtuturo
ng Filipino sa hayskul. Sanhi po nito, nais ko po sanang magkaroon ng kabatiran kung
ako ay may mga mga talang makukuha sa inyong tanggapan tungkol sa nabanggit na
paksa. Nais ko rin po sanang mabatid kung mayroon na pong mga kaukulang batas na
ipinatutupad tungkol dito.
Batid ko po na kayo’y lubhang abala sa inyong mga gawain subalit ang inyo pong
kasagutan sa aking mga tanong ay makapagbibigay sa akin ng mga sapat na
impormasyong kailangan sa aking pag-aaral. Sana po ay huwag ninyo akong bibiguin.
Umaasa at nagpapasalamat,
Arturo S. Cabuhat
PAMUHATAN
PATUNGUHAN
BATING PANIMULA
BATING PANGWAKAS
LAGDA
KATAWAN
21
7/31/2014
@GinoongGood
15. Pamuhatan
1004 Pilar St.,
Tondo, Manila
Agosto 15, 2005
-nasusulat dito ang numero,
kalye at lungsod at ang petsa
kung kailan isinulat ang liham.
7/31/2014
@GinoongGood
16. Patunguhan
Dr. Dolores S. Abad
Puno, Sangay ng Edukasyong Sekundaryo
Pambansang Punong Rehiyon
Kagawaran ng Edukasyon Misamis St.,
Quezon City
-isinusulat sa bahaging ito ang
pangalan ng sinulatan, katungkulan,
departamentong nasasakop at kung saan
ito matatagpuan
(kalye at siyudad).
7/31/2014
@GinoongGood
17. Bating Panimula
Mahal na Dr. Abad:
Mahal na Gng. Reyes:
Mahal na Dr. dela Cruz:
- maikli at magalang na pagbating
nagtatapos sa bantas na tutuldok
7/31/2014
@GinoongGood
18. Katawan ng Liham
Sa ngayon po ay kumukuha ako ng Bachelor of Science in Education sa Philippine Normal
University. Ako po ay nagpapakadalubhasa sa Filipino. Bahagi po ng aking pag-aaral ay
pagtuklas sa mga naging epekto ng patakarang bilinggwal sa pagtuturo ng Filipino sa
hayskul. Sanhi po nito, nais ko po sanang magkaroon ng kabatiran kung ako ay may mga
mga talang makukuha sa inyong tanggapan tungkol sa nabanggit na paksa. Nais ko rin po
sanang mabatid kung mayroon na pong mga kaukulang batas na ipinatutupad tungkol dito.
Batid ko po na kayo’y lubhang abala sa inyong mga gawain subalit ang inyo pong kasagutan
sa aking mga tanong ay makapagbibigay sa akin ng mga sapat na impormasyong kailangan
sa aking pag-aaral. Sana po ay huwag ninyo akong bibiguin.
-nasusulat sa bahaging ito ang
intensyon ng sumulat. Naaayon ito sa
uri ng liham-pangangalakal.
-tiyak at tuwiran ang nilalaman
7/31/2014
@GinoongGood
19. Bating pangwakas
Umaasa at nagpapasalamat,
Lubos na Gumagalang,
Nagmamahal,
-Ito ang pinakahuling bati ng sumulat.
Nagtatapos ito sa bantas na kuwit.
-Maikli at magalang na pamamaalam
7/31/2014
@GinoongGood
20. Lagda
Arturo S. Cabuhat
-dito isinusulat ang buong pangalan ng
sumulat at pirma sa ibabaw nito
7/31/2014
@GinoongGood
21. Istilo ng pagsulat ng Liham Pangalakal
Indented o Kumbensyunal
petsa
pamuhatan
patutunguhan
Bating panimula
Katawan ng liham
Bating pangwakas
lagda
7/31/2014
@GinoongGood
22. Istilo ng pagsulat ng Liham Pangalakal
Sistemang block
petsa
pamuhatan
patutunguhan
Bating panimula
Katawan ng liham (walang
indensyon)
Bating pangwakas
lagda
7/31/2014
@GinoongGood