O slideshow foi denunciado.
Seu SlideShare está sendo baixado. ×

Paglilinis at Pag-aayos ng Kagamitan - EPP 6

Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Carregando em…3
×

Confira estes a seguir

1 de 14 Anúncio

Mais Conteúdo rRelacionado

Diapositivos para si (20)

Mais recentes (20)

Anúncio

Paglilinis at Pag-aayos ng Kagamitan - EPP 6

  1. 1. Aralin 4 Paglilinis at Pag-aayos ng mga Kasuotan at Kagamitan
  2. 2. Paglilinis ng mga Kasuotan • • • • • Paglalaba Pag-aalmirol ng mga Kasuotan Pag-aalis ng Marka at Mantsa Pamamalantsa Pagkukumpuni ng Sirang Kasuotan - Pagsusulsi - Pagtatagpi
  3. 3. WASTONG PAMAMARAAN NG PAGLALABA • Ihanda ang mga kagamitan sa paglalaba – palanggana, batya, balde, sabon, iskoba, palu-palo at iba pa. • Ihiwalay ang putting damit sa may kulay o de-kolor. Suriin kung may sira at kumpunihin muna bago labhan. • Basaing isa-isa at kusutin. Laging unahin ang mga putting damit. • Isagawa ang unang pagsasabon. Bigyang pansin ang bahagi ng damit na madaling kapitan ng dumi. • Banlawan at sabuning muli. Ikula ang mga puting damit.
  4. 4. WASTONG PAMAMARAAN NG PAGLALABA • Banlawan ng tatlong beses ang mga damit na may kulay o de-kolor hanggang sa maalis ang ang bula ng sabon sa tubig. • Banlawan ang mga puting damit pagkatapos maikula nang ilang oras. Banlawan hanggang sa luminaw ang tubig. • Isampay sa araw. Lagyan ng sipit ang mga sampay upang hindi tangayin ng hangin.
  5. 5. WASTONG PAMAMARAAN NG PAGAALMIROL NG MGA KASUOTAN Ang mga kasuotan na karaniwang inaalmirulan ay ang mga kasuotang koton, mga kurtina, kubrekama at iba pang mga kagamitang yari sa koton. Ang mga kasuotang inaalmirolan ay madulas at makinis, hindi madaling marumihan at magusot. Hakbang sa Paghahanda ng Almirol: 1. Magpakulong limang tasang tubig. 2. Maghalo ng isang tasang almirol sa kaunting tubig at unti-unting ibuhos sa kumukulong tubig.
  6. 6. WASTONG PAMAMARAAN NG PAGAALMIROL NG MGA KASUOTAN Hakbang sa Paghahanda ng Almirol: 3. Huwag tigilan ng paghalo upang hindi magbuo-buo ang solusyon. Maaring dagdagan ang tubig upang makuha ang gustong lapot. 4. Ihalo ang solusyon sa kaunting tubig. Ilubog muna ang ang putting kasuotan at pigain. Tiyaking lahat ng panig ng kasuotan ay naalmirulan. 5. Isampay sa lugar na nasiikatan ng araw. Itabi sa isang kahon, kapag tuyo na.
  7. 7. WASTONG PAMAMARAAN NG PAG-AALIS NG MARKA AT MANTSA SA KASUOTAN • Dugo – Ibabad ang damit sa malamig na tubig. Labhan at kusutin sa malamig at masabong tubig. • Katas ng Prutas – buhuan ng kumukulong tubig ang bahaging may mantsa. • Chewing Gum – patungan ng yelo ang bahaging may chewing gum. Hayaang tumigas ito. Kumuha ng mapurol na kutsilyo at unti-unting kayurin ang chewing gum hanggang matanggal. Sabunin, kusutin at ikula.
  8. 8. WASTONG PAMAMARAAN NG PAG-AALIS NG MARKA AT MANTSA SA KASUOTAN • Tsokolate – Ilubog ang bahaging may mantsa a mainit na tubig. Labhan sa tubig na may sabon. • Tinta – Kuskusin ng puting mantikang panluto. Labhan sa tubig na may sabon. • Kalawang – lagyan ng kaunting ain ang bahaging may kalawang at pigaan ng kalamansi o dili kaya’y dinurog na kamias. • Pintura – pahiran ang bahaging may mantsa ng turpentina. Kuskusing mabuti hanggang sa maalis. Labhan sa tubig na may sabon.
  9. 9. WASTONG PAMAMARAAN NG PAG-AALIS NG MARKA AT MANTSA SA KASUOTAN • Mantika – buhusan ng mainit na tubig ang bahaging may mantsa bago ito labhan sa tubig na maligamgam. • Kandila – kuskusin ng mapurol na kutsilyo ang bahaging may kandila. Takpan ng mamasa-masang papelbat plantsahin nang ilang ulit ang bahaging may mantsa hanggang sa masipsip ng papel ang natunaw na kandila. • Tagulamin – ibilad sa araw ang mantsang nilagyan ng kalamansi at asin. Ulitin hanggang sa maalis ang lahat ng mantsa.
  10. 10. WASTONG PAMAMARAAN NG PAMAMALANTSA • Wisikan ng tubig ang may almirol na kasuotan. Itiklop, ibalot at ilagay ito sa isang lalagyan na may takip. • Ihanda ang plantsahan. Tiyaking malinis ang sapin nito. • Sa pamamalantsa ng bestida, baligtarin ito at simulang plantsahin – bulsa, laylayan, dugtungan, kwelyo, manggas, balikat at likod papunta sa harap ng bestida, pababa sa laylayan at iba pa. • Kung ito ay palda, magsimula sa laylayan, dugtungan at baywang. • Pantalon – bulsa, baywang at ang dalawang paa.
  11. 11. PAGKUKUMPUNI NG SIRANG KASUOTAN • Ang mga sira ng damit ay dapat ayuin kaagad bago labhan upang hindi na lumaki pa ang sira. Ang mga punit ay kailangang sulsihan kaagad at ang butas ay tagpian. • Ang sulsi ay paghahabi ng bagong sinulid sa napunit na bahagi ng damit upang palitan ang nasirang sinulid ng tela. • Ang tagpi ay pagtatapal ng kapirasong tela sa butas ng kasuotan o damit.
  12. 12. WASTONG PARAAN NG PAGSUSULSI • Maganda ang sulsi kapag ito ay pino, salit-alit at magkaagay ang tahi. • Dapat kakulay ng damit ang sinulid upang hindi ito mahalata. • Ang mga dulo ay hindi dapat pantay-pantay upang hindi kumulubot. • May tatlong uri ng punit: tuwid, patayo, pahalang o tatsulok na punit. • Ang pagsusulsi ay ginagawa sa karayagan ng kasuotan.
  13. 13. Tandaan!!! • Ang wastong paglalaba ay nagbibigay ng bagong anyo sa kasuotan at nagpapahaba ng pakinabang sa mga ito. • Ang kasuotan ay magtatagal kung ito’y pinangangalagaan. • Ang pagsusulsi ay paggawa ng mga hanay ng tahing tutos sa magkabilang bahagi ng punit na sinusunod ang hibla ng tela. • Ang pagtatagpi ay pagkakabit ng tela sa buta ng damit sa pamamagitan ng paglililip.
  14. 14. Pagtataya: Anong P . . . Ang dapat gawin upang mapangalagaan nang wasto ang sumusunod na kasuotan? 1. Maruming kasuotan - _______________________ 2. Gusot na damit - _______________________ 3. Punit na blusa - _______________________ 4. Butas ng pantalon - _______________________ 5. Tastas na laylayan ng palda - _________________

×