Ano ang lokasyon?
Ay isang posisyon o punto sa
pisikal na espasyo na
sumasakop sa ibabaw ng
daigdig.
Ginagamit upang ilarawan ang
posisyon ng isang bagay,
bansa, o tao.
Ano ang heograpiya?
Ang salitang “heograpiya”(geography sa
Ingles) ay nag mula sa wikang Griyego. Sa
salitang Griyego, ang “geo” ay
nangangahulugang mundo o daigdig, at ang “-
graphia” ay nangangahulugan na “sumulat o
gumuhit”.
Ang heograpiya ay ang pag-aaral sa mga
pisikal na katangian ng daigdig, ang iba’t
ibang lugar sa mundo at ang relasyon ng tao
sa kanyang kapaligiran. Sinusuri din ng isang
geographer kung paano nakaaapekto ang
kultura ng tao sa kapaligiran, at kung paano
nakaaapekto ang lokasyon at lugar sa
pamumuhay ng mga tao.
Pilipinas
Ang Pilipinas ay kilala sa
tawag na pintuan ng Asya.
Ito ay makikita sa
pinakabungad ng Asya
kung ikaw ay magmumula
sa Silangan.
Absolute o tiyak na lokasyon
Ang pagtukoy sa absolute o tiyak
na lokasyon ng Pilipinas ay
pagsasalrawan ng eksaktong
kinalalagyan nito gamit ang mga
grid latitud at grid longhitud.
Ang Pilipinas ay nasa pagitan ng
4-21 digri hilagang latitude at sa
pagitan ng 116-127 digri longhitud.
Relatibong lokasyon
Ito ang tawag sa pagtukoy
ng kinalalagyan ng Pilipinas
batay sa mga kalapit na
kapuluan at katubigan nito.
Tunay ngang malaki ang nagging
kontribusiyon ng pagsuri ng lokasyon ng
Pilipinas sa mga karatig lugar o bansa nito
dahil sa mga sumusunod:
Ito ay nagsisilbing ruta o daang
pangkalakalan.
Ito ay nagsisilbing daungan ng mga
bansang nakikipagkalakalan na ang ruta
ay ang dagat pasipiko
Ito ay mainam na lugar na pagtayuan ng
mga kampo o tanggulang-lakas na
panghimpa-pawid at pandagat.
Sukat at lawak
Mahigit 7,100 na mga pulo mayroon ang
Pilipinas
Nahahati ito sa tatlong malalaking
kapuluan
1. Luzon
2.Visayas
3.Mindanao
300,000 kilometro kwadrado
Dalawang uri ng
implikasyon sa Pilipinas:
Positibong implikasyon
Ang Pilipians ay nasa ibabaw ekwador kaya naman tayo ay may
klimang tropical
Nagging mayabong an gating mga likas na yaman sapagkat
nakakaranas tayo ng tag init at tag-ulan
Maituturing din na mayaman sa mga lamang dagat dahil sa
pagka arkipelago ng kapuluan nito
Nagsisilbing daungan ng mga karatig bansa ang kapuluan ng
bansa
Negatibong implikasyon
Ang Pilipinas ay kabilang sa Pacific ring of fire na kung saan
maraming aktibong bulkan ang patuloy na sumasabog
Dahilan na rin sa madalas na pagkakaroon ng bagyo sa isang
taon ay ang pagiging malapit nito sa karagatang pasipiko
Dahil sa magkakalayong kapuluan ng Pilipinas ay nagkakaroon
ng hindi pagkakaunawaan sa mga taong naninirahan dito.
Pangkatang Gawain
Paghahati ng klase sa apat na grupo
Ang bawat grupo ay inaasahang
makakagawa ng kanta patungkol sa
heograpiya at lokasyon ng bansang Pilipinas
Puntos
Natapos sa saktong oras 15
Nagtutulongan sa pag sagot 15
Naayon sa paksa ang nagaws 20
Kabuuhan: 50
1. Ang lokasyon ay ang
kinalalagyan ng bansa.
2. Ang Heograpiya naman
ay tawag sa pag-aaral o
paglalarawan ng anyo ng
isang lugar at ng
pamumuhay rito.
MGA TANONG:
Paano natin malalaman ang
kinalalagyan ng ating bansa?
Bakit kaylangan natin pag aralan
ang heograpiya at lokasyon ng
ating bansa?
Bilang isang Pilipino, paano mo
mapapahalagahan ng Pilipinas?
1. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya o
lokasyon ng isang bansa?
A. para maging sikat ang isang bansa
B. para malaman kung iilan ang naninirahan sa bansa
C. para makilala kung sino-sino ang mga kilalang tao
sa bansa
D. para maunawaan kung paano nahubog ang iba't
ibang aspeto ng kultura, ekonomiya, pamahalaan at
relihiyon ng isang bansa.
2. Tawag sa tiyak na kinalalagyan ng isang bansa?
A. lokasyon
B. heograpiya
C. Insular
D. maritme
3-5
Ipalliwanag ang lokasyon at heograpiya ng isang
bansa.
Takdang aralin
Gumawa ng slogan patungkol
sa lokasyon at heograpiya ng
bansa. Ilagay ito sa maikling
bondpaper at ipasa ito bukas.