ARALIN 1: Kaligirang Kasaysayan ng Panitikan
-Sa paksang ito nakapaloob ang maikling paliwanag hinggil sa kung ano ang kahulugan ng panitikan at bakit napakahalaga ang panitikan sa bawat tao lalo na ang panitikan ng mga Pilipino.
1. We Innovate. We Build. We Serve.
YUNIT 1: YAMAN NG KULTURA
AT PANITIKANG PILIPINO
GE 9 SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN
2. LAYUNIN:
1. Maipaliwanag ang kahalagahan ng
panitikan noon at ngayon;
2. Makagawa ng sariling repleksyon
batay sa kalagayan ng wika at
panitikan.
ARALIN 1
Kaligirang
Kasaysayan
ng Panitikan
4. Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing
tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning
uri at anyo ng katutubong panitikan.
Kinabibilangan ito ng mga likhang pampanitikang
nagmula sa iba’t ibang wika sa Pilipinas.
Naglalaman ito ng sari-saring anyo at hubog na
naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino.
Isang paglalantad ang panitikan ng mga
katotohanang panlipunan at ng mga kathang-isip
na guni-guni.
Hinahaplos nito ang mga sensorya ng tao: ang
pantanaw, pandinig, pang-amoy, panlasa at
pandama.
Ano ang
PANITIKAN?
5. Noong 2000, binigyang katangian ito ni Villafuerte bilang
isang buhay ngunit payak na salitang dumadaloy sa
katawan ng tao.
May buhay ang panitikan sapagkat may sarili itong pintig
at dugong mainit na dumadaloy sa mga arteryo at ugat ng
bawat nilalanang at ng isang lipunan.
Sa kasong ito, sa mga Pilipino at sa kanilang lipunang
ginagalawan.
Katuturan ng Panitikan
6. Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang
isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan.
Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang
makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang
ideyang nagpupumiglas upang makawala.
Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang
pantaong natatangi sa sangkatauhan.
Katuturan ng Panitikan
7. Maaaring makabuo ng iba’t ibang pananaw sa
larangan ng panitikan. Ang pagkakaiba ng
ganitong paghahaka ay nakabatay sa pinag-
aralan at kakayahan lalo na sa karanasan sa
buhay ng tao. Kawangis nito ang bahagharing
may angking sari-saring kulay.
Ganyan ang buhay ng tao, iba’t ibang gaan at
bigat ng mga tanging karanasan.Tumutulong ang
panitikan sa pag-unlad ng buong pagkatao ng
isang nilalang dahil lumalawak ang kanyang
kamalayan at pagpapahalaga sa sarili, sa kapwa,
sa lipunan at sa mundong kanyang ginagalawan.
8. Humihikayat ng malalim na pag-iisip ang
panitikan dagil sa katangi-tangi nitong anyo
ng karunungang may mataas na kaisipan,
saloobin o damdamin, at pananalita na
matatagpuan sa mga tekstong pampanitikan
gaya ng mga sinaunang anyo ng kuwento
(mito, alamat, salaysayin, at pabula), tula,
dula, maikling kuwento, nobela, sanaysay,
talumpati, at anekdota sa piling lathalain man
- sa pasalita o pasulat na kaanyuan.
Maaaninag sa nasabing mga katha ang
katangi-tangi, masining at malikhaing paraan
ng mga manunulat sa paglinang at paggamit
ng wikang Filipino.
10. hinahasa ang kakayahang magbasa
libangan
akademikong
gawain
pagpapalawak
ng kaalaman
pangangailangan
ng kurso
napahahalagahan
ang mga
nakalimbag na
salita
mapahalagahan ang
mga akdang panitikan
11. Ang pagbabasa ay bahagi ng pang-araw-araw nating
pamumuhay saan man tayo pumunta ito ang ating
ginagawa para mapuntahan natin ang isang lugar o
makilala natin ang isang kilalang tao sa mga lugar na
iyon.
Kaya nga kapag binibigyan natin ng kahulugan ang
pagbasa ay laging nakatuon ang pagkilala sa mga
salita sa pahina upang maunawaan ang kabuuang
kahulugan ng mga ito.
Pinahahalagahan natin ngayon ang kasaysayan ng
mga salita sa paglilipat-lipat nito sa bibig ng iba’t
ibang tao, grupo, at institusyong nagpapakilos dito.
12. Gayundin, pinahahalagahan natin ang mga
kasaysayang nangyayari sa ating paligid at kaakibat
nito ang mga karanasang nagdudulot ng aral at ala-
ala sa ating buhay.
Ang mga kasaysayan at karanasang dulot nito ay
naisasalin natin sa pagsulat upang patuloy itong
manatiling buhay at maipaalam sa mga susunod
pang henerasyon.
Kaya nga sa pagbabasa ng panitikan ay hindi
lamang dapat magwakas sa paghango ng aral o
mensahe o pagtukoy sa mga sangkap ng anyo,
gaya ng tayutay, tema, teknik at iba pa.
13. Ang panitikan ay naglalayong ipatanaw sa bawat
mambabasa na pagtibayin ang ugnayan ng
mambabasa sa buhay sa labas ng pahina.
Ang pagpapatalas ng kamalayan ng mga kabataan
upang maging bukas sila sa lahat ng danas na
bubusog sa puso at kaluluwa at magpapalalim sa
pagpapahalaga sa buhay ng isang tao at ng
kanyang kapwa.
Batay nga sa ating bayaning Gat Jose Rizal sa
kanyang tinuran na ang kabataan ang pag-asa ng
ating bayan kung kaya nakasalalay sa kanila ang
patuloy na pagtuklas, pagpapahalaga, at
pagpapayaman ng ating kultura tungo sa isang
buhay na ala-ala ng sambayanang Pilipino.
14. Ang panitikan ay talaan ng buhay sapagkat dito
nailalahad ng tao ang kanyang mga kaisipan at
damdamin, nailalarawan nang tapat, tunay at totoo
ang kanyang mga kaugalian, saloobin, at
paniniwala.
Ang bawat takbo ng buhay at mga pangyayari sa
kanyang panahon na naganap, nagaganap, at
magaganap ay pag-unlad ng kanyang sarili
sapagkat, dito napangangatwiranan niya ang
kanyang mga karanasan, pagkatakot, pagkabigo,
pakikiayon, pakikibaka at pag-iisa.
15. Dito niya nabibigyan nabibigyan ng katuturan ang
kanyang sariling kahalagahan ayon na rin sa
sariling mga teorya at tradisyon ng lipunang
kanyang ginagalawan.
Ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng
kanyang daigdig, ang daigdig ng kanyang
kinabibilangan at pinapangarap ay malikhain
niyang naisisiwalat sa talaang ito na tinatawag na
PANITIKAN.
16. Ang kasaysayan ng panitikan ay singhaba lamang ng
kasaysayan ng wikang ginagamit para ito ay mapatiim
sa isip kaysa sa papel.
Kung pinananaligan ang pananalinghagang kaluluwa
ng lahi ang wika, ang panitikan ay siya namang
kasasalaminan ng kaluluwang iyon.
Samakatuwid, upang masipat ang kaluluwa ng isang
lahi, marapat lamang na matunghayan ang panitikang
iyon.
Ang Wikang Filipino sa katawagan sa ngayon ay may
ebolusong pinagdaanan simula na ito ay gamitin bilang
sagkaan sa anumang komunikasyon.
Bahagi ng wika ang pag-inog nito saan mang bahagi
ng Pilipinas at patunay na ang yamang ito ay paatuloy
na pinagyayaman ng mga taong may pagmamahal sa
yamang biyaya ng ating bansa.
17. Kaya’t narapat lamang na sa pag-aaral ng wikang
Filipino para sa mga Pilipino ay pag-aralan din
natin ang panitikang siyang malusog na katibayan
ng kayamanan ng ating wika.
Ang wika at kultura ay laging magkabuhol na
siyang katangiang kakabit ng kasaysayan
sapagkat ito ang nagtala sa mga tao, noon
hanggang sa ngayon at sa mga darating pang
panahon.
Ang alindog, luwalhati, katanyagang taglay ng
panitikan ay naipapakita sa gamit ng wika gamit ng
iilang makata.
Bawat bigkas ng bawat tunog ng isang wika ay
aliw sa pandinig ng sinumang may nasa sa puso
ng bawat tao.
18. Kasaysayan ang nagtala na ang
panitikang nilinang ng bayan pagkat
naging malaganap ay nagsimula sa tula,
dahil sa mga malikhaing pagsisikap ng
mga makata at binigyang buhay mula sa
pagbigkas gamit ang wikang sariling atin.
19. Ang pagkamakata ng isang tao ay isang dahilan
kung bakit namumukod siya sa kanyang mga
kasama; kalimitan ay nag-aangat sa karamihan ng
tao.
Sa paghahabi ng kabihasnan, napapatangi ang
ambag ng makata, pagkat pinatitibayan ng
kasaysayan na siya ang masasabing isang artista
at siyentipiko.
Ang bawat lahi ay may kanya-kanyang panitikang
tinataglay at pinag-iingatan ng karaniwan at di-
karaniwan.
20. Sa unang panitikan ay hindi ito nabigyan ng
pagkakataong malikom ang lahat pagkat bawat isa ay
may kanya-kanyang katanungan tungkol sa mga
pangyayari sa kanilang sarili at sa kapwa, sa kanilang
kapaligiran, sa namalayan at di-namalayan, ang mga
karaniwang nagtatanong ay may karaniwan ding
naisasagot.
May paliwanag na natagpuan, may mga kabuluhang
natutuklasan.
Ang gayong mga pangyayari ay naitanglaw ng
mapanlikhang-isip sa pamamagitan ng pagpapahayag
ng mga salita, pili kaysa iba sa karaniwan na siyang
pag-uusbong ng isang mayamang panitikan sa isipan
ng tao dala ng kanyang mayamang guni-guni at
mapangaraping buhay ng isang mamamayang Pilipino?
22. Tatalakayin sa klase!
1. Ano ang hatid ng wikang makabago sa
ating panitikan?
2. Ano ang antas ng kamalayan ng mga
kabataan sa kasalukuyang panahon?
3. Sagutin ang liham sa pamamagitan ng
isang pansariling repleksyon batay sa
tinuran ng may-Akda.
Gawain
23. 1. Acopra, Jioffre atbp. (2020) Panitikang
Panlipunan. Alinsunod sa OBE Kurikulum.
MINDSHAPERS CO.,INC
2. Online Sources
Pinag-
hanguan