2. Ano ang Parabula?
Ang parabula ay isa ring anyo ng panitikan gaya ng
maikling kuwento, pabula at iba pa. Ito ay
makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni
Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat.
Ang mga pangunahing tauhan sa parabula ay mga
tao. Ang mga aral na mapupulot dito ay magsisilbing
patnubay sa marangal nilang pamumuhay. Ang mga
mensahe ng parabula ay isinusulat sa matatalinghagang
pahayag. Ang parabula ay maaaring iugnay sa karanasan
at pangyayari sa buhay ng tao o sa paligid.
3. Mga Halimbawa ng Parabula
1. Parabula ng Alibughang Anak (Lukas 15:11-32)
2. Parabula ng Mabuting Samaritano (Lukas 10:25-37)
3. Parabula ng Mayaman at si Lazaro (Lukas 16:19-31)
4. Ano ang Matalinghagang Pahayag?
Ang matalinghagang pahayag ay isang mahalagang
sangkap ng panitikang Pilipino. Ito ay anyo ng wikang may
malalim na mga kahulugan o ‘di kaya’y halos walang tiyak
o kasiguraduhang ibig-ipahiwatig maliban sa literal na
kahulugan nito. Ito ay ginagamitan ng mga kasabihan,
idyoma, personipikasyon, simile at iba pang uri ng
mabubulaklak at nakalilitong mga salita.
5. Ang pagpapakahulugang metaporikal ay pagbibigay-
kahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan nito. Ito ay
nakabatay kung paano ginamit ang salita sa pangungusap. Ito ay
mas malalim na pagpapakahulugan.
Mga Halimbawa:
1. a. bola - bagay na ginagamit sa basketbol (literal)
Pangungusap: Dalian mo, ipasa mo na ang bola kay Jeron.
b. bola - pagbibiro (metaporikal)
Pangungusap: Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola.
6. 2. a. pawis - lumalabas na tubig sa katawan (literal)
Pangungusap: Punasan mo ang pawis mo sa likod para hindi
ka mapasma.
b. pawis - pinaghirapang gawin (metaporikal)
Pangungusap: Alalahanin mo na pawis ko ang ipinambayad
ko sa tuition fee mo.