PANUTO : AYUSIN ANG TAMANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG
IMPORMASYON NG ISANG PROPESYUNAL NA TAO .
SIYA AY KASALUKUYANG NAGTUTURO SA MATAAS NA
PAARALAN NG TURAC .
SI BESSIE DE GUZMAN VALERIO
NAGTAPOS NG BATSELER NG SEKUNDARYANG
EDUKASYON SA PSU (SAN CARLOS)
KASALUKUYAN DIN SIYANG KUMUKUHA NG MED-
FILIPINO SA LYCEUM-NORTHWESTERN UNIVERSITY.
MAHILIG SIYANG MAGSULAT NG TULA , BUMUO NG
KANTA AT MARUNONG DING KUMANTA.
KAHULUGAN NG BIONOTE
isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa
isang magtatanghal o sinumang magiging panauhin sa
isang kaganapan (event, seminar, symposium,
mga patimpalak at / o sa gig).
KAHULUGAN NG BIONOTE
Dapat na isang maikling impormatibong sulatin na karaniwang
isang talata lamang at naglalahad ng mga kwalipikasyon ng
isang tao o indibidwal at ng kaniyang kredibilidad bilang
panauhin o bilang propesyunal.
KATANGIAN NG BIONOTE
-Maikli lang dapat ang nilalaman nito.
-Gumagamit ng ikatlong panauhan para hindi
masyadong egocentric.
KATANGIAN NG BIONOTE
-Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market.
-Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok - tulad sa pagsulat ng
mga balita at iba pang obhetibong sulatin, talagang inuuna ang
pinakamahalagang impormasyon sa bionote.
KATANGIAN NG BIONOTE
-Nakatuon sa mga angkop na kasanayan o katangian
ang nilalaman ng bionote
-Binabanggit ang degree o tinapos ng paksa
sa bionote.
Bakit kailangan ang bionote
-
Ito ay para ipaalam sa iba / lahat ng manonood,
mambabasa at / o makikinig ang kredibilidad sa larangang
kinabibilangan na siyang tatalakayin sa isang kaganapan
Bakit kailangan ang bionote
-
Para rin ipakilala ng may akda ang
kaniyang sarili sa mga mambabasa
Layunin at Gamit ng Bionote
-
Ginagamit ito para sa iba pa o mas kakaibang personal
profile ng isang indibidwal, tulad ng kanyang academic
career at mga academic achievements, at iba pang
impormasyon ukol sa kanya.
Mahalagang paalala
-
Maituturing na marketing tool ang bionote. Ito ay ginagamit upang
itanghal o ipahayag ang pagkilala at natamo ng isang indibidwal.
Dapat lahat tayo ay may matapat sa pagbabahagi ng mga
impormasyon at kinokondena dapat ang mga fake news.