2. Sinikap ni Pericles ang pagbubuklod ng
mga lungsod- estado sa Greece sa isang
malawak na pederasyon na tinawag na
Delian League.
3. Noong una, matiwasay ang ugnayan ng mga
kasapi. Subalit nang mawala ang banta mula
sa Persia, ang mga lungsod-estado ay hindi
nagkasundo sa kanilang adhikain.
Ginamit ng Athens ang salapi ng Delian
League sa pagtatag ng malakas nitong plota
at pagpapatayo ng magagandang gusali.
4. Nagsama-sama ang mga city-state sa
Pelopennesus at itinatag ang Peloponnesian
League upang labanan ang Athens. Kasapi
nito ang
Sparta, Argos, Corinth, Delphi, Thebes, at
Chaeronea. Nauwi sa Digmaang
Peloponnesian ang alitan sa pagitan ng Athens
at Peloponnesian League.
5. Pagkatapos ng mahaba, mapinsala, at
magastos na labanan, tinalo ng Sparta ang
Athens noong 404 B.C.E. Subalit, nagpatuloy
ang sigalot sa iba’t ibang city-state hanggang
bumagsak ang pamumuno ng Sparta sa
labanang Leuctra noong 371 B.C.E. Iniwan ng
Digmaang Peloponnesian ang mga Greek na
mahina at hati.
6.
7. Hinangad ni Philip, hari ng Macedonia, na
pag-isahin ng lungsod-estado sa Greece sa
ilalim ng kanyang pamamahala. Upang
matupad ang kanyang hangarin, bumuo siya
ng isang hukbo at sinanay sa pinakamabisang
parran ng pakikidigma.
8. Madaling tinalo ni Philip ang magkasanib na
puwersa ng hukbong Athens at Thebes. Ang
pagkatalo ng Athens at Thebes ay hudyat ng
pagtatapos ng kapangyarihan ng mga lungsod-
estado. Ang buong Greece, ay
napasailalim, sa kapangyarihan ng
Macedonia.
9.
10. Tatay: Haring Philip ng Macedonia
Nanay: Olympias
Guro: Aristotle
Namatay: 32 yrs. Old (some say because of Malaria)
Describe yourself: matalino, malakas ang loob, at
magaling na pinuno
Habang lumalaki, natutuhan niya ang kagalingan
sa pakikidigma. Siya ay 21 labing taon ng
mamatay ang kanyang ama at naging hari ng
Macedonia at Greece.
11. Sinalakay niya ang Persia at Egypt.
Pagkatapos, tumungo sa silangan at sinakop
ang Afghanistan at hilagang India.
Nagtatag siya ng isang imperyo na sumakop
sa kabuuan ng Kanlurang Asya, Egypt, at
India.
Pinalaganap niya ang mga kaisipang Greek sa
Silangan.
Deado sa taong 32 taong gulang.