2. - Matatagpuan ito sa rehiyon ng Fertile Crescent
- Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga
salitang Greek na meso na ang ibig sabihin ay
“pagitan” at potamos o “ilog”
- Nangangahulugang ang lupain sa dalawang ilog.
Dalawang ilog ang dumadaloy rito: ang mga ilog
Tigris at Euphrates na parehong nagmula sa
kabundukan ng Armenia at tumatagos sa Golpo ng
Persia.
- Ang ilog Tigris at Euphrates ay nagiiwan ng
matabang lupa na ginagamit naman sa pagsasaka.
At nagsisilbi din silang daanan ng mga kalakal na
patungong Golpo mula sa dagat Mediterranean.
- Sa Mesopotamia nahubog ang apat na kabihasnan:
Ang Sumer, Babylonia, Akkad at mga Assyria .
SUMERIANS
3. - Ang Katimugang Mesopotamia ay tinawag na Sumer. Ang
mga [amayanang malapit sa ilog ay bumuo ng 12
lungsod/estado na pinamumunuan ng isang lugal o hari.
- Matatagpuan sa bawat estado ang mga templong
tinatawag na ziggurat.
- Ang ziggurat ay nagsisilbing sagradong tahanan at templo
ng mga patron o diyos ng isang lungsod. Samakatuwid, ang
mga pari lang ang maaring pumasok dito.
- Ang kanilang mga diyos ay may katangian o katauhan ng
isang tao (anthropomorphic).
- Ang mga kaganapan sa Sumer ay naitala sa pamamagitan
ng kanilang sistema ng pagsusulat. Ito’y tinatawag na
cuneiform na ibig sabihin ay wedge-shaped.
- Clay table at stylus ang kanilang ginagamit sa pagsulat.
- Mayroon din silang sasakyan na tinatawag na chariot.
- Nalikha nila ang gulong at araro.
- Mga tanim nila: barley, chickpeas, lentils, millet, wheat,
dates, lettuce, leeks, singkamas, mustasa, sibuyas at
bawang.
AKKADIANS
4. - Ang mga lungsod sa katimugan ay nagsimula muling
isulong ang kanilang pagiging Malaya.
- Pangunahin sa mga lungsod na ito ay ang Ur sa Ilalim ni Ur
Nammu, ang lungsod na ito naging kabisera ng isang
imperyo na kumalaban sa Akkadian.
- 2100 b.c.e – panandaliang nabawi ng Ur ang kapangyarihan
nito pinamunuan amg sumer at akkad, at nagpatayo rin ng
ziggurat si Ur Nammu sa Ur.
- Sa ilalim ng pamumuno ng apo ni ur nammu na si ibbi-su
ang ur ay bumagsak sa pagdating ng mga Amorite at hurrian
sa Mesopotamia.
BABYLONIANS
5. - Ang lungsod ng Babylon ay nagsimulang lumakas na
humantong sa pagsakop ng Mesopotamia at paghahari ni
Hammurabi mula 1792 hanggang 1750 b.c.e.
- Ang Babylon ang naging kabisera ng imperyong babylonia.
Hammurabi`s Code
-Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na mas kilala
bilang code of Hammurabi o batas ni Hammurabi, ay isa sa
pinakamahalagang ambag ng mga sinaunang tao sa
kabihasnan.
-Noong 1595 b.c.e, sinalakay ng mga Hittite mula sa
Anatolia ang Babylon. Matagumpay sila at nakuha nila ang
estatwa ni marduk, ang patron ng Babylon.
-Pinaniniwalaang ang mga kassite na naghari sa Babylon at
ang kaharian ng hurrian sa mittani sa hilaga ang namayani
sa Mesopotamia.
-Ang mga kassite at hurrian ay mula sa mga tala ng new
kingdom sa Egypt at Hittite sa kanluran. -Ang mga Hittite ay
orihinal na nagmula sa hilagang-silangan bahagi ng black
sea.
ASSYRIANS
6. - Ang Assyria ay matatagpuan sa bulubunduking rehiyon
nasa hilaga ng babylonia.
- Ang rehiyong ito ay nagmula sa Tigris at umaabot
hanggang sa mataas na kabundukan ng Armenia.
- Shamshi-Addad I (18138 B.C.E – 1781 B.C.E) – napasakamay
niya ang Ashur ang unang kabisera ng Assyria.
Ng pumanaw si Shamshi-Addad I:
- Nagsimulang bumagsak ang imperyo
- Ang hilagang bahagi ng Ashur ay naging bukas sa
pananalakay
- 1120 B.C.E – Tiglath-Piliser I kinilala siyang pinakamahusay
na hari sa Assyria, ay nagawang supilin ng mga Hittite at
maabot baybayin ng Mediterranean. Siya ang tinuturing na
tagapagtatag ng imperyong Assyrian.
- Ashurnasirpal II: isa siya sa mahalagang pinuna ng
Assyria na nagpadala ng mga mapasakamay ang
mahahalagang rutang pangkalakalan at makatanggap ng
tribo mula sa mahihinang estado.
- 745 B.C.E , napasakamay ni Tiglath-Piliser III ang
kapangyarihan at isinailalim ang iba pang mga estado sa
isang imperyo.
- Pinalawig pa ng mga haring Assyrian ang imperyo na
umabot mula sa iran hanggang Egypt. Kabilang ditto ang
7. haring sina sennacherib at essarhaddon.
-Sa pagkamatay ni Essarhaddon noong 668 B.C.E, siya ay
hinalilihan ng kaniyang anak si Ashurbanipal na kinakitaan
din ng maayos na pamamahala.
CHALDEANS
- Ang Chaldean ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng
Babylonia at kanang pampang sa Euphrates River.
- 612 B.C.E- Panibagong imperyo ang tinatag at pinamunuan
ito ng isang hari mula sa Chaldean si Nabopolassar
- 625 B.C.E- Pinamunuan niya ang isang pag-aalsa laban sa
imperyo ng Assyrian na siyang kumokontrol sa Babylon sa
loob ng halos dalawang siglo.
- 627 B.C.E- dalawangpung taon matapos ang pagkamatay ni
Ashurbanipal ang Assyria ay muling nasadlak sa tunggalian
at pagkawasak.
- 614 B.C.E- isang hukbo sa ilalim ni Cyaxares ng Medes ang
sumalakay sa lupain ng Assyria at winasak ang lungsod ng
Ashur.
- 621 B.C.E – Nasakop ng magkatuwang pwersa ni Cyaxares
at Nabopolassar, ang hari ng Babylon, ang lungsod ng
8. niniveh.
-609 B.C.E – tuluyang pinuksa ang natitirang hukbo ng
Assyrian sa ilalim ni Nebuchadnezzar II anak ni
Nobopolassar.
- 610 B.C.E. – 605 B.C.E – nakipagtunggali si Nobopolassar sa
Egypt.
-Sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar II, natamo ng
babylonia ang rurok ng kadakilaan. Ang Babylon ay naging
isa sa mga pinakamahalagang lungsod sa buong daigdig sa
kanyang panahon.
- Hanging Garden of Babylon – ipinagawa ni Nebuchadnezzar
II para sa kanyang asawa, kinikilala ng mga greek bilang isa
sa Seven Wonders of the Ancient World.
PAGBAGSAK: Ang 60 taong pamamayani ng Babylonia ay
muling nasadlak sa panganib sa panahon ni Nabonidus nang
masaksihan ng Mesopotamia ang pag-usbong ng panibagong
kapangyarihan mula sa silangan, ang mga Persian
- 539 B.C.E – ang hukbo ni Cyrus the Great ng Persia ay
nilusob ang Babylon.
- Napasailalim sa kanyang kapangyarihan ang lungsod,
kabilang na ang buong imperyo. Ang Mesopotamia ay
tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga
Persian na umabot sa Egypt hanggang India. Sa pagusbong
ng sibilisasyong Greek at ang pagbagsak ng imperyo ng
Persia sa mga kamay ng hari ng Macedonia na si Alexander
The Great.