“Sincerest apologies sa mga
na-offend o sumama ang
loob na hindi namin ito
naperpekto. Sa ngayon po
talaga ay hindi pa
operational ‘yong pinaka-
ideal naming quality
assurance mechanism.”
Ang Gramatika ay bahagi ng Linggwistika na pinag-
aaralan ang hanay ng mga patakaran at alituntunin na
namamahala sa isang wika. Ang salitang “gramatika”
ay galing sa wikang Latin na gramatika, at ito naman
ay mula sa Greek γραμματική (grammatiqué), na
nagmula sa γράμμα (gramma), na nangangahulugang
'titik', o 'nakasulat'.
Ito ay nahahati sa tatlong bahagi:
1. Ponetika o Ponolohiya – pag-aaral sa mga tunog ng
bawat titik o ng salita at ang organisasyong pangwika
ayon sa pagkakabigkas.
2. Morpolohiya - responsable para sa pagtatasa ng
istraktura ng mga salita; at kung paano ang
pagkakabuo ng mga salita.
3. Syntax – pag-aaral sa pagkakabuo ng mga
Ang gramatika ay isang espesyalisadong
disiplina. Ang masusing pag-aaral nito ay
komplikado at nangangailangan ng mahabang
panahon. Ang mga kaalaman at kasanayan sa
gramatika ay ating naiaaplay sa ano mang
diskurso, maaaring pasalita o pasulat. Malaking
tulong ang gramatika upang mas maintindihan
at maunwaan ang ating pagpapahayag.
Ang kalinawan ng pahayag ay
nakasalalay sa mga salitang gagamitin.
Kinakailangang angkop ang mga salita
sa kaisipan at sitwasyong ipapahayag.
May mga pagkakataon na ang mga
salitang tama naman ang kahulugan ay
lihis o hindi angkop na gamitin. Pansinin
natin ang mga sumusunod na
halimbawa:
Tanaw na tanaw na namin ang
maluwang na bibig ng bulkan.
-bibig
TAMA: Tanaw na tanaw na namin
ang maluwang na bunganga ng
bulkan.
Ginanahan sa paglamon ang mga bagong
dating na bisita.
-Paglamaon
TAMA: Ginanahan sa pagkain ang mga
bagong dating na bisita.
Maarte siya sa pagkain kaya hindi siya
tumataba.
-Maarte
TAMA: Mapili siya sa pagkain kaya hindi
siya tumataba.
Tandaan din natin na sa wikang Filipino ay
maraming salita na maaaring pare-pareho ang
kahulugan subalit may kani-kaniyang tiyak na gamit sa
pahayag.
Halimbawa:
daanan at pasadahan
aalis, yayao, lilisan
samahan, sabayan, saliwan, lahukan
tumpok, pumpon
May mga pagkakataon din na kinakailangang gumamit
ng eupemismo o paglumanay sa ating pagpapahayag
kahit na may mga tuwirang salita naman para rito. O
‘di kaya ay pamalit sa mga salitang taboo.
Halimbawa:
namayapa sa halip na namatay
pinagsamantalahan sa halip na ginahasa
bulaklak sa halip na puke
ibon sa halip na titi
NANG AT NG
NANG ang gamitin bilang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap
at katumbas ito ng “when” sa Ingles.
Halimbawa: Tulog na ang mga bata nang dumating ang kanilang ina.
NANG ang gamitin sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit.
Halimbawa: tapon nang tapon, kuha nang kuha, kanta nang kanta
NANG ang gamitin kapag nagmula sa na at inaangkupan ng ng at
inilagay sa pagitan ng pandiwa at ng pang-abay. (Sumasagot sa
tanong na Paano?)
Halimbawa: Nangaral nang mahinahon si Miss Reyes.
Nag-aral nang mabuti si Dario.
NG ang gamitin bilang pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat. (ng
+ Ano?)
Halimbawa: Nag-aaral siya ng karate.
Bumili siya ng pasalubong para sa mga bata.
Nagtanim ng palay ang mga magsasaka.
NG ang gamitin bilang pananda ng actor o tagaganap ng pandiwa sa tinig
balintiyak. (ng + Nino?)
Halimbawa: Tinulungan ng binata ang matanda sa pagtawid.
Ibinaling ng estudyante ang kanyang atensyon sa liksyon.
NG ang gamitin kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o
katangian. (ng + Kanino?)
Halimbawa: Ang pera ng bayan ay kinurakot.
Ang bahay ng milyonaryo ay naguho dahil sa lindol.
KUNG AT KONG
KUNG ang gamitin bilang pangatnig na panubali at ito’y ginagamit sa
hugnayang pangungusap. Katumbas ito ng “if” sa Ingles.
Halimbawa: Malulutas ang mga problema natin kung magsasama-
sama at magtutulong-tulongan tayo.
Kung hindi ka sana nagtaas ng boses ay hindi kayo nag-
away ng iyong kaibigan.
Ang KONG ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkopan
lamang ng ng. Katumbas ito ng “I” o “my” sa Ingles.
Halimbawa: Gusto kong matutong mag-drive.
Ikaw lamang ang tangi kong inaasahan.
MAY AT MAYROON
MAY ang gamitin kapag sinusundan ng pangalan.
Halimbawa: Ang ngiti ay may ligayang dulot sa pinagbibigyan nito.
May virus ang flashdrive na hiniram ko.
MAY kapag sinusundan ng pandiwa.
Halimbawa: May pupuntahan ka ba mamaya?
MAY kapag sinusundan ng pang-uri.
Halimbawa: May mahabang buhok si Olga.
MAY kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari.
Halimbawa: Bawat tao ay may kanya-kanyang katangian.
MAYROON ang gamitin kapag may napapasingit na kataga
(ingklitik) sa salitang sinusundan nito.
Halimbawa: Mayroon pa bang natirang ulam?
MAYROON ang gamitin bilang panagot sa tanong na may.
Halimbawa: May pasok ka ba? – Mayroon
MAYROON ang gamitin kung nangangahulugan ng pagka-
maykaya sa buhay.
Halimbawa: Siya ay nagpanggap na mayroon sa kanilang
paaralan.
Ang mga Mondragon ay mayroon sa kanilang
probinsya.
SUBUKIN AT SUBUKAN
Ang SUBUKIN ay nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa uri,
lakas o kakayahan ng isang tao o bagay.
Halimbawa: Ating subukin ang bisa ng lotion na ito.
Ang SUBUKAN ay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang
ginawa ng isang tao o mga tao.
Halimbawa: Susubukan natin siya para malaman natin kung saan siya
pupunta.
PAHIRIN AT PAHIRAN; PUNASIN AT
PUNASAN
PAHIRIN ay nangangahulugang pag-alis o pagpawi ng isang
bagay.
PUNASIN kapag may tatanggalin.
Halimbawa: Pahirin mo ang iyong pawis sa noo.
Punasin mo ang uling sa iyong pisngi.
PAHIRAN ay nangangahulugang paglagay ng isang bagay.
PUNASAN kapag ang binanggit ay ang bagay na kailangang
tanggalan ng kung ano.
Halimbawa: Pahiran mo ng Vicks ang kanyang likod.
Punasan mo ang iyong pisngi.
OPERAHIN AT OPERAHAN
Operahin – kung binanggit ang tiyak na parte ng
katawan.
Halimbawa:
1. Ooperahin ang mga mata ni Leo bukas.
2. Dok, sa Lunes ba ooperahin ang paa ni Maria?
Operahan – kapag mismong tao ang tinutukoy.
Halimbawa:
1. Inoperahan na si Leo kanina.
2. Si Maria ay ooperahan sa Lunes.
DIN, DAW, AT RIN, RAW
Din at Daw ang gamitin kung ang sinusundang salita nito ay
nagtatapos sa katinig.
Halimbawa:
1. Masakit daw ang kaniyang ulo.
2. Nakapagsulat din sa wakas ng aklat si Elma.
Rin at Raw ang gamitin kung ang sinusundang salita nito ay
nagtatapos sa patinig at malapatinig na “w” at “y”.
Halimbawa:
1. Si Vanessa ay katulad mo ring masipag.
2. Ikaw raw ang pipiliing lalahok sa beauty pageant.
SUNDIN AT SUNDAN
Sundin – to follow an advice
Halimbawa:
1. Sundin mo ang mga utos niya sa ‘yo.
2. Sundin mo ang payo ko.
Sundan – to follow where one is going, or what one
does.
Halimbawa:
1. Sinusundan niya ang mga palabas sa T.V.
2. Sundan mo ang kakaalis mong bisita baka maligaw.
PAGBUO NG PANGUNGUSAP
1. Tiyakin ang timbang na ideya at paralelismo sa loob ng
pangungusap.
Halimbawa:
Di-timbang: Matapos magsitangis ay agad na nagbalot ng
gamit ang mga napaalis na iskwater.
Timbang: Matapos nagsitangis ay agad na nagsibalot ng
gamit ang mga napaalis na iskwater.
Matapos nagsipagtangis ay agad na
nagsipagbalot ng gamit ang mga napaalis na iskwater.
2. Gawing parallel o pantay ang pangungusap.
Di- parallel: Ang pag-eehersisyo at masustansyang
pagkain ay mahalaga sa pagpapabuti ng katawan.
Parallel: Ang pag-eehersisyo at pagkain ng masustansyang
pagkain ay mahalaga sa pagpapabuti ng katawan.
3. Gawing nagkakaisa ang mga aspektong pandiwa.
Di-nagkakaisa: Nagsialis at nagsisiuwi na ang mga
panauhin ko kanina.
Nagkakaisa: Nagsialis at nagsiuwi na ang mga panauhin ko
kanina.
Nagsialisan at nagsiuwian na ang mga
panauhin ko kanina.
4. Iwasan ang pagsasama-sama ng maraming kaisipan.
Maraming kaisipan: Ang pagsasayaw gaya rin ng paglalaro
ng mga bata ng taguan kung gabing walang buan at ang
pagdadama ng mga lalaking walang magawa at
nagpapalipas ng oras sa pagupitan ay tunay na nakaaaliw.
May isang kaisipan: Ang pagsasayaw at paglalaro ng
taguan ng mga bata tuwing gabing walang buwan ay tunay
na nakaaaliw.
5. Gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang
pangunahing sugnay at pantulong na sugnay.
Hindi Malinaw: Dahil sa ayaw ko iyon, hindi ko binili ang
sumbrero.
Malinaw: Dahil sa ayaw ko sa sumbrero, hindi ko iyon
6. Gamitin ang tinig balintiyak ng pandiwa
kapag ang simuno ng pangungusap ay hindi
siyang gumaganap ng kilos.
Mali: Binili ang relo ni Allan para kay Bernie.
Tama: Ang relo ay binili ni Allan para kay
Bernie.
Binili ni Allan ang relo para kay Bernie.
Mali: Si Emil ay kinuha ang hinog na papaya sa
puno.
Tama: Ang hinog na papaya sa puno ay kinuha
7. Huwag ilayo ang salitang panuring sa
tinuturingang salita.
Halimbawa:
Malayo: Maganda ang kwentong binasa ko
talaga.
Malapit: Maganda talaga ang kwentong binasa
ko.
Malayo: Tinawag ni John ang aso nang malakas.
Malapit: Malakas na tinawag ni John ang aso.
8. Sa Filipino, nauuna ang panaguri kaysa sa simuno
sa karaniwang ayos ng pangungusap.
Halimbawa:
Di-karaniwang ayos: Ang sariling wika ay minamahal at
ginagamit niya.
Karaniwang ayos: Ginagamit at minamahal niya ang
sariling wika.
Di-karaniwang ayos: Si Mark ay mabait na bata.
Karaniwang ayos: Mabait na bata si Mark.
MGA TALAMAK NA PAGKAKAMALI SA
SOCIAL MEDIA
1. Paggamit ng NIYO sa halip na NINYO o N’YO
Mali: Pamilya ang turingan niyo sa isa’t isa kahit hindi
kayo kadugo.
Tama: Pamilya ang turingan ninyo sa isa’t isa kahit
hindi kayo kadugo.
2. Paggamit ng SAYO sa halip na SA IYO o SA ’YO
Mali: Para sayo ang laban na ‘to.
Tama: Para sa ‘yo ang laban na ‘to.
3. Pagkakamali sa paggamit ng SAKIN, SATIN, SAMIN,
NAKO, KONA
Mali: Ikaw na ang para sakin.
Tama: Ikaw na ang para sa akin. / Ikaw na ang para sa
’kin.
Mali: Satin ang kantang ito.
Tama: Sa atin na ang kantang ito. / Sa ‘tin na ang kantang
ito.
Mali: Doon tayo magkita samin.
Tama: Doon tayo magkita sa amin. / Doon tayo magkita sa
‘min.
Mali: Nagising nako.
Tama: Nagising na ako. / Nagising na ‘ko.
4. Pagkakamali sa paggamit ng dalawang magkakasunod na
ingklitik tulad ng NALANG, PARIN, NANAMAN, PARAW, NARIN,
NARAW, NABA, PABA, at iba.
Mali: Sa panahon ngayon, sahod nalang ang inaasam ng lahat.
Tama: Sa panahon ngayon, sahod na lang ang inaasam ng
lahat.
Mali: Tapos na ang palabas pero nandito ka parin.
Tama: Tapos na ang palabas pero nandito ka pa rin.
Mali: Dito nanaman tayo.
Tama: Dito na naman tayo
Tandaan: Ang tama ay paghiwalayin ang dalawang magkasunod
na ingklitik. Tulad ng NA LANG, PA RIN, NA NAMAN, PA RAW,
NA RIN, NA RAW, NA BA, PA BA.
MALING PAGGAMIT O ‘DI PAGGAMIT
NG GITLING
1. Panlaping nagtatapos sa katinig + salitang
nagsisimula sa patinig.
Halimbawa: Pag-ibig, Nag-aral, Tig-anim
Tandaan: Maaring mag-iba ang kahulugan ng mga
ganitong salita kapag hindi ginitlingan tulad ng:
Mag-isa / Magisa
Mag-alis / Magalis
Pang-ulo / Pangulo
2. Panlapi + Salitang Ingles
Halimbawa: Nag-gym, Mag-quiz, Pa-selfie
Tandaan: Mahirap bigkasin at posibleng walang kahulugan
kung hindi ito gamitan ng gitling tulad ng:
Niraid sa halip na Ni-raid
Nirape sa halip na Ni-rape.
Ngunit, kapag binago ang pagbabaybay o spelling ng salitang
Ingles at ginawa ang pagbabaybay sa Filipino ay hindi na
ginagamitan ng gitling.
Halimbawa:
Nagboksing
Magdrowing
Nagkompyuter
3. Salitang inuulit
Halimbawa:
Araw-araw
Gabi-gabi
Pana-panahon
Isa-isa
Tandaan: Hindi salitang inuulit ang Alaala dahil walang
salitang “Ala”. Gayon din ang Paruparo, Guniguni,
Laslas at iba pa.
Ang salitang Iba-iba ay may gitling ngunit ang Iba’t iba
ay hindi ginigitlingan dahil ‘yan ay pagpapaikli sa
salitang Iba at iba kaya MALI ang Iba’t-iba.
4. Panlapi + Pangngalang Pantangi
Halimbawa:
Maka-Rizal
Taga-Cagayan de Oro
Nag-Jollibee
Tandaan: Walang gitling ang Makabayan dahil
hindi pangngaalang pantapi ang bayan. Gayon
din ang Tagalalawigan, Taganayon,
Makakalikasan, Makatao, at iba pa.
6. Apelyido ng babae + Apelyido ng
kanyang asawa
Halimbawa:
Mirriam Defensor – Santiago
Beyonce Knowles – Carter
Tandaan: Gagamit lamang ng gitling kung
ang isang babae ay kilala o sikat na sa
kanyang pangalan bago siya nakapag-
asawa.
7. Panlaping + Simbolo ng Bilang
Halimbawa:
Ika-7
Ika-22
Tig-5
Tandaan: Hindi ginigitlingan kapag binabaybay
ang bilang tulad ng:
Ikapito
Tiglima
8. Tambilang na Binabaybay
Halimbawa:
Sang-kapat / 1/4
Sang-katlo / 1/3
Tandaan: Kahit sa Ingles ay may gitling
ang fractions tulad ng One-fourth, One-
third.
Paalala: Magkakaroon tayo ng
pasulit sa Google Form bilang
inyong Preliminary
Examination. Hintayin ang
anunsyo ng guro sa inyong
Group Chat sa Messenger.