O slideshow foi denunciado.
Seu SlideShare está sendo baixado. ×

WEEK 1-wikang-pambansa-opisyal-at-panturo.ppt

Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Anúncio
Próximos SlideShares
STYLES-IN-PAINTING.pptx
STYLES-IN-PAINTING.pptx
Carregando em…3
×

Confira estes a seguir

1 de 40 Anúncio
Anúncio

Mais Conteúdo rRelacionado

Mais recentes (20)

Anúncio

WEEK 1-wikang-pambansa-opisyal-at-panturo.ppt

  1. 1. Introduksyon sa Wikang Pambansa, Opisyal at Panturo
  2. 2. Wikang Pambansa Isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng kaunlaran ng isang bansa.
  3. 3. Wikang Pambansa Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Kadalasan, ito ang wikang ginagamit sa pang-araw- araw na pamumuhay ng lahat ng mamamayan ng isang bansa.
  4. 4. Wikang Pambansa  Ayon sa Saligang Batas ng Biak na Bato -Ang Tagalog ang magiging opisyal na Wika ng Pilipinas.
  5. 5. Pagpili  Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Sek. 3 • "Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa mga na umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nag tatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ang patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal".
  6. 6. Walong Pangunahing Wika sa Bansa Tagalog Cebuano Ilokano Hiligaynon Bikol Samar-Leyte o Waray Pampango o Kapampangan Pangasinan o Pangalatok
  7. 7. Pagpili  Suriang Wikang Pambansa (SWP) • itinatag noong Nobyembre 13, 1936 ng Batas Pambansa Blg. 184 (binuo ng Saligang Batas Pambansang Asamblea) • Pinili ang Tagalog bilang batayan ng bagong pambansang wika.
  8. 8. Pagpili Disyembre 30, 1937 • Pinili at ipirinoklama ng Pangulong Quezon ang Tagalog bilang batayan ng bagong pambansang wika.
  9. 9. Manuel L. Quezon Ama ng Wikang Filipino Unang Presidente ng Komonwelt ng Pilipinas “Walang pinakamahalaga sa sinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa pagkakaisa ng bansa, at bilang bayan, hindi tayo magkakaroon ng higit na kamalayan kung walang sinasalitang wikang panlahat” – halaw mula sa kanyang talumpati sa Malakanyang.
  10. 10. Pagpili 1940 • Ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.
  11. 11. Bakit pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa?  Ang Tagalog ay malawak na ginagamit sa mga pag-uusap ng mga Pilipino at marami din sa bansa ang nakakaintindi ng wikang ito.
  12. 12. Bakit pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa?  Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
  13. 13. Bakit pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa? Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinaka mayaman at ang pinaka maunlad at malawak. Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo.
  14. 14. Ito ang wika ng Maynila – ang kabiserang pampulitika at pang ekonomiya sa buong bansa.
  15. 15. At pinakahuli ay ang Tagalog din ang wikang ginamit noong rebolusyon at ng mga katipunero kung saan ang salik na ito ay mahalagang elemento sa kasaysayan ng Pilipinas.
  16. 16. Hunyo 4, 1946 - Ipinagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, ang Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas. Ipinahayag din na ang wikang opisyal ng bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570.
  17. 17. 1959 - Ibinaba ni Kalihim Jose B. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BILANG 7.
  18. 18. - Nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO ang gagamitin.
  19. 19. Saligang Batas ng 1973 - Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng Wikang Pambansa na tatawaging FILIPINO.
  20. 20. 1987 -Pinalabas ni Lourdes Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Isports ang Kautusan Blg 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang panturo sa lahat ng antas ng paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakaran ng edukasyong bilinggwal.
  21. 21. Saligang Batas ng 1987 - FILIPINO ang ngalan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.
  22. 22. Artikulo 14 Seksiyon 6 ng Saligang Batas ng 1987 “ Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at iba pang wika’’.
  23. 23. Wikang Opisyal Itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
  24. 24. Wikang Opisyal Ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng estado sa kanyang mga mamamayan at ibang bansa sa daigdig.
  25. 25. Wikang Opisyal  Bago maging opisyal ang isang wika, maraming pag aaral ang isinagawa upang malaman kung ano ang pinaka karapat dapat na wika para sa bansa. Tiniyak ng gobyerno na tama ang pagpili ng wika para sa buong kapuluan at at nagbigyan daan ito sa pamamagitan ng pagsaalang- alang ng ibat' ibang salik.
  26. 26. Wikang Opisyal • Ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
  27. 27. Paano naging wikang opisyal ang Wikang Pambansa?  Batas Komonwelt blg. 570 • Ang wikang pambansa ay ipinahayag bilang opisyal na wika simula Hulyo 4, 1946  Konstitusyon ng 1973 (Artikulo XV, Sek. 3) • “Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Filipino ang magiging opisyal na wika.”
  28. 28. Paano naging wikang opisyal ang Wikang Pambansa?  Kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 & 7) • “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles…”
  29. 29. Wikang Panturo Ang wikang panturo ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
  30. 30. Wikang Panturo  Ito ang wika ng talakayang guro-mag-aaral na may kinalaman sa mabisang pagkatuto dahil dito nakalulan ang kaalamang matututuhan sa klase.
  31. 31. Wikang Panturo  Ito ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid aralan.
  32. 32. Wikang Panturo Sa pangkalahatan ay FILIPINO at INGLES ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan.
  33. 33. Mother Tongue- Based Multi-Lingual Education  Sa K to 12 Curriculum, ang mother tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3.
  34. 34. Wikang Panturo 19 na Wika Tagalog Kapampangan Pangasinense Iloko Bikol Chavacano Cebuano Ybanag Ivatan Sambal Aklanon Kinaray-a Yakan Surigaonon Hiligaynon Waray Tausug Maguindanaoan Maranaw
  35. 35. Wikang Panturo Ang mga wika at dayalektong ito ay ginagamit sa dalawang paraan: A) Bilang hiwalay na asignatura B) Bilang wikang panturo
  36. 36. Wikang Panturo Ayon kay DepED Secretary Brother Armin Luistro, FSC “Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural”
  37. 37. Ilan pang mahahalagang batas tungkol sa Wika  Proklamasyon Blg. 19 (Agosto1988) • Idineklara ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto kada taon.  Proklamasyon Blg. 1041 (Enero 1957) idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika
  38. 38. Ilan pang mahahalagang batas tungkol sa Wika  Memorandum Sirkular Blg. 59 (Disyembre 1996) • Nagtatadhana na ang Filipino ay bahagi na ng kurikulum na pangkolehiyo, ayon sa CHED. Nag atas ito ng pagsasasama sa mga kurikulum ng siyam (9) na yunit ng Filipino sa mga kolehiyo at pamantasan.

×