O slideshow foi denunciado.
Utilizamos seu perfil e dados de atividades no LinkedIn para personalizar e exibir anúncios mais relevantes. Altere suas preferências de anúncios quando desejar.

Ang pamahalaan ng pilipinas

146.606 visualizações

Publicada em

Pamahalaan ang kailangan para sa ikabubuti ng mamamayan. Ito ay mahalaga para na rin sa kapakanan ng taong bayan.

Ang pamahalaan ng pilipinas

  1. 1. Ang Pamahalaan ng Bansang Pilipinas Mrs. Alice A. Bernardo ARALING PANLIPUNAN 6
  2. 2. Ang Pamahalaan ng Bansang Pilipinas
  3. 3. Ang Pamahalaan Pagsilang ng isang tao ay bahagi na siya ng isang estado at nasa ilalim na ng pamahalaan. Ang estado ay binubuo ng mga mamamayang nagkakaisa at nagbubuklod-buklod;naninirahan sa isang tiyak na lupang sakop ng bansa;may kapangyarihang gumagawa at magpatupad ng mga batas at nagtatamasa ng pagsasarilibilang isang malayang bansa. Tinatawag na isang institusyon ang pamahalaan dahil tumutugon ito sa pangangailangan ng mga mamamayan.Pinananatili ng pamahalaan ang katahimikan ng bansa. Ang pamahalaan ang namamahala sa estado at nagpapatupad ng mga batas at mga kautusan upang maayos na makapamuhay ang mga mamamayan. Ang pamahalaan ay pinamumunuan ng mga taong pinili at inihalal ng mga mamamayan upang pangasiwaan ang estado. Nagbibigay ito ng mga paglilingkod sa mga mamamayan.
  4. 4. Ang Kahalagahan ng Pamahalaan sa Isang Bansa Kailangan ang pagtutulungan ng pamahalaan at ng mga mamamayan upang magkaroon ng katahimikan at kaayusan sa bansa. Mahalaga ang katatagan ng bansa na siyang pangunahing layunin ng pamahalaan upang mapangalagaan ang karapatan, pag-aari at buhay ng mga mamamayang Pilipino. Mahalaga ang pamahalaan upang ang mga tungkulin at paglilingkod nito sa mga mamamayan ay maisagawa at paipatupad. Ang pamahalaan ang nagtatakda ng mga batas at tuntuning dapat sundin ng mga mamamayan.
  5. 5. Ang mga uri ng pamahalaan sa daigdig:Pamahalaang Demokratiko Ang salitang Demokrasya ay mula sa salitang Griyego na demos na ang ibig sabihin at tao at kratos na ang ibig sabihin ay pamamahala. Demokrasya ang pamahalaan kapag ang kapangyarihan ng pamamahala ay nagmumula sa tao. Natatamo ang kapangyarihan ng mga pinuno ng bansa sa pamamagitan ng eleksyon o halalan. Ang mga mamamayan ay may karapatang pumili o bumoto nang malaya sa nais niyang kandidato mula sa iba’t ibang partido o lapian. Itinakda ng batas kung ilang taon mamumuno at maglilingkod ang naibotong pinuno. Nagkakaroon ng halalan pagkatapos manungkulan ang isang pinuno sa itinakdang panahon.
  6. 6. Sa demokrasya, magkakapantay-patay ang lahat ng tao sa pagtatamasa ng mga karapatan. Hindi alintana anuman ang kulay, rehiliyon, lahi, paniniwala at katayuan sa lipunan. Ngunit may hangganan din ang kalayaan ng mga mamamayan sa ilalim ng demokratikong pamahalaan. Ang sinumang lumabag sa batas,maging mahirap man o mayaman ay may kaukulang kaparusahan ayon sa itinakda ng Saligang Batas. Ang pamahalaang Demokratiko ay maaaring Yunitaro, Pederal, Parlyamentaryo at pampanguluhan.
  7. 7. Ang Pamahalaang Yunitaryo Nagmumula sa pambansang pamahalaan o sentral ang mga ipinatutupad na gawain at mga patakaran na pinaiiral sa mga pamahalaang lokal. Samakatawid, lahat ng mga kaurusan ay nanggagaling sa pamahalaang sentral ng bansa.
  8. 8. Ang Pamahalaang Pederal Nahahati sa dalawa ang kapangyarihan sa ilalim ng pamahalaang ito. Pinaiiral ang kapangyarihan at mga gawain na nauukol sa nasasaklawan nito sa pambansa at sa lokal na pamahalaan.
  9. 9. Ang Pamahalaang Parlyamentaryo Ang punong ministro (Prime Minister) ang pinakamataas na pinuno. Siya ang pinili ng mga kagawad ng Batasang Asemblea. Ang mga kagawad ay inihalal ng mga mamamayan sa mga lungsod at lalawigan bilang kinatawan nila.
  10. 10. Ang Pamahalaang Pampanguluhan Ang pamahalaan ng pilipinas ay pamahalaang demokratikong pampanguluhan. Ang pangulo ang pinakamataas na pinuno ng bansa bilang tagapagpaganap. Katulong ng pangulo ang pangalawang pangulo at mga kagawad ng gabinete.Ang pagpili sa pangulo, pangalawang pangulo, mga senador at mga kinatawan ay sa pamamagitan ng isang pambansang halalan na nilalahukan ng mga kwalipikadong botante ng bansa. Ang pangulo ay pumipili ng mga kasapi ng gabinete at mga hukom na bumubuo sa Korte Suprema. Ang mga senador at mga kinatawan ng mga lungsod at lalawigan ang bumubuo sa Kongreso na may kapangyarihang gumawa at magbago ng batas.Ang Korte Suprema at mababang hukuman naman ang binubuo ng mga hukomay may kapangyarihang dinggin at lutasin o hatulan ang mga hidwaan, alitan at mga suliraning kaugnay sa pagpapatupad ng batas.
  11. 11. Ang Pamahalaang Monarkiya Ang bansang may pamahalaang monarkiya ay pnamumunuan ng hari, reyna o emperador. Ang kapangyarihan na pamunuan ang isang bansa ay ipinamana sa mga anak ng maharlikang angkan. May dalawang uri ang pamahalaang monarkiya. Ito ang limitadong monarkiyang konstitusyunal (limited constitutional monarchy) at ganap na monarkiyang konstitusyunal (Absolute monarchy). Sa monarkiyang konstitusyunal, namumuno ang hari at reyna ngunit sa kamay ng punong ministro nakataang ang tungkulin bilang tagapagganap. Panseremonya lamang ang tungkuling ginagampanan ng hari at reyna. Hindi sila nagpapatupad ng batas subalit una silang pinapaalaman, sinasangguni at hinihingan ng payo. Magkaiba ang limitadong monarkiyang konstitusyunal at ganap na monarkiyang.
  12. 12. Tanging ang namumuno ang siyang may kapangyarihang pamahalaan ang isang bansa sa ilalim ng absolute monarchy. Ang pinuno ang nagdidikta sa lahat kung ano ang dapat gawin kaya maihahalintulad ang pinunosa isang diktador.
  13. 13. Ang Pamahalaang Aristokrasya Isang partidong pulitikal ang umiiral sa uri ng pamahalaang ito. Matalinong pangkat ng mga tao o mayayaman lamang ang may hawak ng kapangyarihang pulitikal. Sunod-sunuran lamang ang mga mamamayan sa mga batas at gawain na itinakda ng ilang makapangyarihang tao sa pamahalaan dahil wala silang karapatang sumalungat at tutulan ang mga ito.
  14. 14. Ang Pamahalaang Diktatoryal Nasa iisang tao lamang ang kapangyarihan, sa diktador na siyang gumagawa at nagpapatupad ng batas. Wala ring karapatang sumalungat ang mga mamamayan sa mga ipinag-uutos ng pinunong diktador.
  15. 15. Ang Uri ng Pamahalaan ng Pilipinas Sa bansang Pilipinas ay umiiral ang pamahalaang demokratiko. Sa pamahalaang ito, ang mga mamamayan ay may kalayaang magsalita at magpahayag ng ninanais at opinyon na hindi makasisira at makapipinsala sa kapwa at sa pamahalaan. Ang lahat ng mga batas at mga patakaran ay naaayon sa isinasaad ng Konstitusyon o Saligang Batas. Ang kapangyarihan ng pamamahala ay nasa tao dahil ang mga mamamayan ang pumipili ng mga pinuno sa pamamagitan ng halalan. Ang nahalal na pinuno o kinatawan ng mga mamamayan ay nanunungkulan sa loob ng itinakdang panahon. Ayos sa ipinahayag ng Saligang Batas sa Artikulo 2, Seksyon 1” Ang Pilipinas ay isang estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng awtoridad na pampamahalaan.
  16. 16. Ang Sistema ng Pamahalaang Pambansa at Lokal Ang pamahalaan sa Pilipinas ay nauuri o nahahati sa dalawa ayon sa lawak ng pamamahala nito sa bansa. Ang mga ito ay ang pamahalaang pambansa at pamahalaang lokal. Ang barangay, bayan, lungsod at lalawigan ang bumubuo sa pamahalaang lokal. Ang pamahalaang lokal ay nasa ilalimng pamahalaang pambansa.
  17. 17. Ang Pamahalaang Pambansa Mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng pamahalaang pambansa. Ito ang namamahala sa buong Pilipinas sa pamumuno ng pangulo ng bansa. Lahat ng suliranin na may kinalaman sa pulitika, lipunan at kabuhayan ay saklaw ng pamahalaang pambansa. Isinasaayos din nito ang pamumuhay sa buong bansa upang matupad ang hangarin nitong mapaglingkuran ang lahat ng mamamayang Pilipino. Ang pamahalaang lokal ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng pamahalaang pambansa. Ang mga ipinatutupad na mga patakaran at mga ordinansa ng pamahalaang lokal sa mga barangay, bayan, lungsod at lalawigan ay naaayon sa itinakda ng pamahalaang pambansa sa ilalim ng kapangyarihang itinakda ng Saligang-Batas.
  18. 18. Ang Pamahalaang Lokal Binunuo ang pamahalaang lokal ng mga lalawigan, bayan at barangay. Ang lalawigan ay pinamumunuan ng gobernador. Ang lungsod at bayan ay pinamumunuan naman ng alkalde, kapitan naman ang namumuno sa barangay. Tinitiyak din ng gobernador kung tumutupad sa tungkulin ang mga alkalde ng bayan o ng lungsod. Ang pangasiwaan naman ng barangay sa pamumuno ng kapitan ay nasa ilalim ng alkalde ng bayan o ng lungsod. Ang mga karaingan at suliranin ng mga mamamayan sa lokal na nasasakupan ay ipinararating ng mga pinuno ng pamahalaang lokal sa pambansang pamahalaan. Samantala, ipiinararating naman ng pamahalaang lokal sa mga mamamayang nasasakupan nito ang mga programa, patakaran at mga batas na dapat sundin na ipinatutupad ng pambansang pamahalaan.
  19. 19. Ang Kodigo ng Pamahalaang Lokal na naisabatas noong ika-21 ng hunyo, 1991 ay nagtatakda ng paglilipat ng ilang kapangyarihan mula sa pambansang pamahalaan tungo sa lokal na yunit ng pamahalaan.
  20. 20. Ang Ugnayan ng Pamahalaang Pambansa at Pamhalaang Lokal Mahalaga ang maayos na ugnayan ng pamahalaang pambansa at pamahalaang lokal upang matamo ang pagsulong at pag-unlad ng bansa. Iba’t ibang patakaran at mga ordinansa ang ipinatutupad sa mga lalawigan, lungsod, bayan at barangay, ngunit iisa lamang ang layunin nito. Ang suportahan ang kabuuang layunin ng pamahalaang pambansa.
  21. 21. Ang Tatlong Sangay ng Pamahalaan May tatlong sangay na siyang nagpapatakbo ng ating pamahalaan. Ang mga ito ay ang sangay Tagapagbatas o Lehislatibo (legislative), Sangay Tagapagpaganap o Ehekutibo (Executive) at sangay Panghukuman o Hudikatura (Judiciary). Ang tatlong sangay ay may kanikanyang tungkulin na ginagampanan sa pagpapatakbo ng pamahalaan sa Pilipinas.
  22. 22. Ang Sangay Tagapagbatas o Lehislatibo May kapangyarihan ang tagapagbatas sa ilalim ng Saligang Batas na magpanukala o gumawa ng batas, magbago ng mga batas at magpawalang-bisa ng mga batas. Ito ay nakasalalay sa Kongreso na binubuo ng Senado o Mataas na Kapulungan na binubuo ng mga kinatawan. Ang Senado bilang mataas na kapulungan ng Kongreso ay binubuo ng 24 na senador na halal ng mga kwalipikadong botante ng bansa. Pinamumunuan ito ng pangulo ng sendao na inihalal ng mga senador. Ang Kapulungan ng mga Kinatawan o Mababang Kapulungan ay binubuo naman ng hindi hihigit sa 250 kinatawan (representative) na kumakatawan sa mga bayan, lungsod at lalawigan o mga distrito ng kanilang pinanggagalingan.Ispiker ang tawag sa pinuno ng Kapulungan ng mga Kinatawan na inihahalal ng mga kinatawan.
  23. 23. Ang kapangyarihan taglay ng bawat Kagawad ng Kongreso ay galing sa mga mamamayan na nagluklok sa kanila upang manungkulan.Nararapat lamang na gampanan ng bawat kagawad ang mga tungkulin nakaatang sa kanila para sa kapakanan ng mga mamamayang Pilipino at ng buong bansa.
  24. 24. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng mga Kagawad ng Kongreso Maaaring maging kagawad ng Kongreso ang sinuman kung siya ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian: Katutubong mamamayan ng pilipinas  May pinag-aralan  Kwalipikadong at rehistradong botante  25 taong gulang para sa kinatawan at 35 taong gulang naman sa senador; - nakapanirahan sa Pilipinas sa loob ng isang taon para sa kinatawan at dalawang taon naman para sa senador.
  25. 25. Ang Sangay Tagapagpaganap o Ehekutibo Ang kapangyarihang maging tagapagpaganap ay nasa pangulo ng pilipinas. Siya ang pinakamataas na halal na pinuno ng bansa. Katulong ng pangulo ang pangalawang pangulo at ang kanyang mga gabinete sa pagpapatakbo sa pamahalaan. Inihalal din ng mga kwalipikadong botante ang pangalawang pangulo ng bansa sa pamamagitan ng pambansang halalan. Ang mga gabinete ay binubuo ng mga kalihimng iba’t ibang kagawaran na pinili ng pangulo upang mabilis na maisakatuparan ang mga proyektong pambansa. Ang kapangyarihan taglay ng pangulo ay ibinabahagi niya sa iba’t ibang kalihimng kagawaran o ahensya ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga mamamayan. Tinutugunan din nito ang mga pangangailangan ng mga mamamayang Pilipino.
  26. 26. May anim na taong manunungkulan ang pangulo at pangalawang pangulo ng bansa. Tungkulin ng pangulo ang pagpapatupad ng mga batas. Ang pangulo bilang punng Tagapagpaganap o Chief Executive ay may mga sumusunod na kapangyarihan: A. Pangasiwaan ang lahat ng kagawaran o ahensya ng pamahalaan, kawanihan at tanggapang tagapagpaganap. May karapatan siyang pumili at mag-aalis ng mga pinuno ng mga ahensya ng pamahalaan. B. Ang pangulo ay may kaangyarihang pangmilitar.Siya ang commander-in-chief ng Sandatang Lakas ng Pilipinas.Maaari ring suspindihin ng pangulo ang weit oh habeas corpus. C. May kapangyarihan ang pangulo na makipag-ugnayan at makipagkasundo sa ibang bansa; D. May kapangyarihan din siyang magpatawad sa mga nagkasala sa batas, magkaloob ng palugit sa pagsasakatuparan ng hatol o parusa; magbaba ng parusa at magkaloob ng amnestiya.
  27. 27. Ang sinumang Pilipino na nagtataglay ng mga sumusunod na katangian ay maaaring kumandidato at maaaring mahalal na pangulo o pangalawang pangulo ng bansa: - Katutubong mamamayan ng Pilipinas - May pinag-aralan - Kwalipikado at rehistradong botante - 40 taong gulang sa araw ng halalan; - 10 taon nang naninirahan sa Pilipinas bago dumating ang araw ng halalan.
  28. 28. Ang mga Ahensya ng Sangay Ehekutibo Iba’t-ibang paglilingkod ang isanakatuparan ng pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan. Upang mapabilis at maging maayos ang pagpaganap ng mga proyektong pambansa at gawain ng pamahalaan,ibinabahagi ng pangulo ng bansa ang kanyang mga taglay na kapangyarihan sa iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan. Ang mga pinuno ng iba’t-ibang kagawaran ay pinili ng pangulo upang maging katulong niya sa layuning mapaglingkuran ang mga kagawaran sa ilalim ng sangay na ehekutibo. Ang mga napiling pinuno o kalihimng bawat kagawaran ng pamahalaan ay sumasailalim sa uri ng pangasiwaan ng pangulo.
  29. 29. Kagawaran ng Edukasyon(Department of Education) Pinangangasiwaan ng kagawarang ito ang lahat na paaralang publiko at pribado sa buong bansa. Tungkulin ng pamahalaan na magpatayo ng mga paaralan para sa mga kabataan at maging para sa matatanda. Nagbibigay ito ng libreng edukasyon sa mga pampublikong paaralan. Layunin nitong mabigyan ng sapat na kaalaman at malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral upang maging mga kapaki-pakinabang na mamamayan. Nagbibigay din ito ng edukasyon di pormal at libreng pagpapaaral
  30. 30. Kagawaran ng Tanggulang pambansa (Department of National Defense) Upang matiwasay na mamuhay ang mga mamamayan , nagtatalaga ang pamahalaan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na siyang tagapagtanggol ng pamahalaan. Laban sa mga kaaway ng bansa. Pinananatili rin ng kagawarang ito ang katahimikan at kaayusan ng bansa.
  31. 31. Kagawawran ng Interyor at Pamahalaang Lokal(Department of Interior and Local Government) Sa ilalim ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal, ang mga barangay, bayan,lungsod at lalawigan ay pamamahalaan ng mga pinunong lokal. Tinitiyak ng kagawarang ito na nasa ayos ang takbo, galaw at magkakatugma ang mga proyekto ng mga lokal na pamahalaan sa paglinang ng kalagayang pangkabuhayan,panlipunan at pampulitika ng bansa. Pinangangasiwaan din nito ang operasyon ng pulisya sa ilalim ng Philippine National Police (PNP).
  32. 32. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan(Department of Environment ang Natural Resources) Pinamamahalaan nito ang pangangalaga at wastong paglinang sa kapaligiran at mga likas na yaman ng bansa. Kabilang dito ang pangangalaga sa mga yamang lupa, yamang tubig, yamang gubat at yamang mineral ng bansa. Nagsasagawa ang kagawaran ng mga hakbangin at mga proyekto upang maibalik ang dating kasaganaan at kaayusan ng mga naturang yaman ng bansa.
  33. 33. Kagawaran ng Paggawa at Empleyo(Department of Labor and Employment) Ipinatutupad ng kagawarang ito ang Kodigo ng Paggawa ng Pilipinas. Pinangangasiwaan nito ang kapayapaan at mga karapatan ng mga manggagawa. Isinasaayos ng DOLE ang hindi pagkakaunawaang namamagitan sa mga manggagawa at mga may-ari ng pagawaan upang maiwasan ang mga welga at pagtatanggal ng mga manggagawa sa trabaho.
  34. 34. Kagawaran ng Kalusugan(Department of Health) Pinangangalagaan ng kagawaran ang kalusugan ng mga mamamayan sa buong kapuluan sa pamamagitan ng mga pagamutan ,ospital at mga klinika. Mayroon itong mga kawanihan tulad ng Kawanihan ng Lingkuran sa Kalusugang Dental,Kawanihan sa Pagsugpo sa Sakit, Kawanihan sa Pananaliksik at Laboratoryo,Kawanihan ng Pagkain at Gamot,Kawanihan ng Kalusugan at Lingkurang Medikal.Kabilang din ang Pambansang Pagamutan Oropedik, Lung Center, Heart Center at Pambansang Sentro sa Kalusugang Mental.Naglulunsad ang DOH ng mga proyektong kaugnay ng kalinisan at kalusugan.Ang Kawanihan ng Kuwarentinas(Quarantine) ay nasa ilalim din ng DOH.
  35. 35. Kagawaran ng Agham at Teknolohiya(Department of Science and Technology) Ang agham at teknolohiya ay mahalaga sa pambansang kaunlaran.Itinataguyod ng kagawarang ito ang pananaliksik, imbensyon at edukasyong pang-agham at panteknolohiya.Kabilang sa programa ng DOST ang pagpapaunlad ng kaalaman at kasanayan sa agham at teknolohiya na itinataguyod ng mga paaralan.Isa rito ang paggamit ng mga lokal na halaman upang magamit na sangkap para sa mga gamot.
  36. 36. Kagawaran ng Panlipunang Paglilingkod at Pagpapaunlad(Department of Social Welafare ang Development Ang kagawarang ito ang namamahala sa pagbibigay ng tulong at paglilingkod sa mga pamilya ng biktima ng bagyo,sunog,baha,lindol at iba pang kalamidad. Tinutulungan ang mga naghihirap upang mapatatag ang pamumuhay kabilang na ang mga musmos,matatanda,mga kapuspalad at mga may kapansanan.
  37. 37. Kagawaran ng Repormang Pansakahan(Department of Agrarian Reform) Ang kagawarang ito ang nagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan kaugnay ng repormang pansakahan.Ang isa sa mga programa nito ay ang Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP.Layunin ng programang ito na mabigyan ng lupa ang mga magsasaka na bahagi ng lupang kanilang sinasaka bilang kasama ayos sa itinadhana ng batas.
  38. 38. Kagawaran ng Katarungan(Department of Justice) Tungkulin ng kagawarang ito ang pagpapairal ng katarungan sa bansa.Ang pagbibigay ng hatolo kaso.Lahat ng mamamayan,mahirap man o mayaman ay may karapatang tumanggap ng pantay na pagtingin ng batas at ng hukuman. Ang mga mahihirap na mamamayan na hindi kayang magbayad ng abogadong magtatanggol sa kanila ay pinagkakalooban ng abogado.Ang Citizen’s Legal Assistance Office(CLAO)at Public Attorney’s Office(PAO) ay nabibigyan ng libreng tulong panlegal.Binubuo ito ng mga abugado na handang tumulong sa mga mahihirap at mga nangangailangan ng payong-legal upang matamo ang katarungan.
  39. 39. Kagawaran ng Agrikultura(Department of Agriculture) Ang kagawarang ito ang gumagawa ng paraan upang matugunan ang pangunahhing pangangalangan ng mga tao sa pagkain.Nagsasagawa ang kagawaran ng pananaliksik at tulong teknikal sa mga magsasaka,mangingisda at naghahayupan tungkol sa mga makabagong paraan ng pagsasaka,pangingisda at paghahayupan.Ginagawa ito upang maparami ang produksyon ng pagkain.Nagpapautang din ang pamahalaan ng puhunan,abono at mga makabagong makinarya na magagamit sa pagsasaka.
  40. 40. Kagawaran ng Turismo(Department of Turismo) Maunlad ang turismo sa mga lugar ng bansa na may natatanging kapaligiran at magagandang tanawin.Nagsasagawa ng mga programa ang Kagawaran ng Turismo upang maakit ang mga dayuhan na pasyalan ang mga magagandang tanawin sa iba’t ibang panig ng bansang Pilipinas.Lumalahok din ang Pilipinas sa mga pandaigdigan eksposisyon o eksibit upang ipakita ang mga produkto at natatanging kultura ng bansa.Naging matagumpay ang programangWOW Philippines(Wealth of Wonders)sa pamumuno ni Dick Gordon.Ang pag-unlad ng turismo sa bansa ay nabigyan daan upang magkaroon ng hanapbuhay ang maraming pilipino.
  41. 41. Kagawaran ng Kalakalan at Industriya(Department of Trade and Industry) Pinangangasiwaan ng DOTI ang Pagpapaunlad ng mga kalakal at industriya sa bansa.Sakop nito ang pangangalakal sa loob at labas ng bansa. Nakikipagugnayan din sa ibang bansa ang pamahalaan upang magtayo ng industriya sa bansa ang mga dayuhan at bumili ng mga produktong Pilipino na makatulong sa pagtaas ng ekonomiya ng bansa.
  42. 42. Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon(Deppartment of Transportation and Communication) Ang lahat ng uri ng sasakyang panlupa,pandagat at panghimpapawid ay nasa ilalimng pangangasiwa ng kagawarang ito.Nagbibigay ito ng mga lisensya sa mga may-ari ng sasakyan at sinisiyasat nito kung nasa tama ang paggamit ng mga lisensyang ipinagkaloob sa kanila. Nagsasagawa rin ang kagawarang ito ng mga alintuntunin tungkol sa operasyon ng komunikasyon tulad ng telepono,pahayagan,telebisyon,radyo at iba pang paraan ng komunikasyon.
  43. 43. Kagawaran ng Badyet at pangangasiwa(Department of Budyet and Management) Ang kagawarang ito ang nangangasiwa sa pagbabadyet ng pananalapi ng pamahalaan. Inihaharap nito ang taunang panukalang pambansang badyet sa Kongreso upang pagtibayin.Kabilang sa kabuuang badyet ang kakailanganin ng pamahalaang lokal at iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.
  44. 44. Kagawaran ng Ugnayang Panlabas(Department of Foreign Affairs) Namamahala sa pakikipag-ugnayang diplomatiko ng ating bansa ang kagawarang ito. Nakikiugnay ito sa alinmang bansa sa pamayanang pandaigdig na may pakikipagkasundo sa atin. Kadalasan saklaw nito ang larangang pampulitika,panlipunan,kabuhayan,pa ndarayuhan at iba pa.
  45. 45. Kalihim Tagapagpaganap(Executive Secretary) Tuwirang tumatanggap ng tagubilin buhat sa Pangulo ukol sa pangkalahatang pangangasiwa at araw-araw na pamamalakad ng pamahalaan.
  46. 46. Kagawaran ng Pananalapi(Department of Finance) Ilang kawanihan ang nasa ilalim ng kagawang ito. Ang Kawanihan ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue) na siyang lumilikom ng mga buwis. Ang Kawanihan ng Tesorery (Bureau of Treasury) na siyang namamahala sa pagtanggap,pagtatago at paglalabas ng salapi na kinakailangan ng pamahalaan. Nagpapatupad din ito ng batas na may kinalaman sa mabisa at tamang pamamahala ng pananalapi ng pamahalaan.Kasama rin ang Kawanihan ng Adwana(Bureau of Customs) na nagpapatupad ng paningil at buwis sa mga inaangkat at iniluluwas na produkto ng bansa.
  47. 47. Ang Sangay Panghukuman o Hudikatura Ang kapangyarihan at tungkuling ng Sangay Panghukuman ay nakatakda sa Artikulo 8 Seksyon 1 ng Saligang Batas.Nakasalalay ang kapangyarihan panghukuman sa isang Kataastaasang Hukuman at sa mga nakababang hukuman na maaaring itatag ng batas.Saklawng kapangyarihan panghukuman ang tungkulin ng mga hukuman ng katarungan na ayusin ang mga nangyayaring mga sigalot na may kinalaman sa mga karapatang naaayon sa batas.Dapat ding pasyahan kung mayroon o walangg naganap na malubhang pagsasamantala o kalabisan sa huridiksyon sa panig ng alin mang sangay ng pamahalaan.Ang alin mang alitan ng nasasakdal at nagsasakdal ay dinidinig at hinahatulan ng hukuman upang pairalin ang batas ayon sa simulaing pangkatarungan.
  48. 48. Ang Kataastaasang Hukuman o Korte Suprema Ito ay binubuo ng Punong Mahistrado(Chief Justice) at labing-apat na katulong na Mahistrado (Associate Justice).Tungkulin nito ang pagbibigay hatol sa mga kaso na nasa ilalim ng kapangyarihan ng korte. Ang paggagawad ng naturalisasyon ay nasa ilalim ng Solicitor General. Nagsasagawa rin ng mga patakarang susundin ng lahat ng hukuman at humihirang ng mga karapat-dapat na opisyal at tauhan ng mga hukuman ang Korte Suprema.
  49. 49. Ang mga Mababang Hukuman Ito ay binunuo ng mga sumusunod: A. Hukuman sa Pag-aapela (Court of Appeals) B. Hukumang Rehiyonal (Regional Trial Court) C. Hukumang Metropolitan (Metropolitan Trial Court) D. Hukumang Munisipal Bawat hukuman ay hindi dapat saklawan ng ibang hukuman dahil bawat hukuman ay may kanya-kanyang kapangyarihan. Bawat hukom ay may taglay na katangiang itinadhana ng Saligang Batas o Konstitusyon.
  50. 50. Ang mga Tanging Hukuman Ang mga tanging hukuman ay binubuo ng Sandigangbayan, Hukuman sa Pag-aapela at Hukumang Shariah. Ang Sandigangbayan ay isang tanging hukuman na sumasaklaw sa mga kasong kinasasakupan ng mga pinuno’t kawani ng pamahalaan at sa mga tanggapang pag-aari ng pamahalaan ayon sa itinadhana ng batas kaugnay ng mga katiwalian at iba pang paglabag sa batas. Saklaw naman ng Hukumang Pag-aapela sa Buwis ang lahat ng mga kaso at usaping may kinalaman sa pagbabayad ng buwis. Ang Hukumang Shariah ay itinatag sa Mindanao para sa mga Muslim. Ito ang hukumang nagpapataw ng parusa sa mga lumalabag sa Batas ng Islam ng Pilipinas.
  51. 51. THE END

×