O slideshow foi denunciado.
Utilizamos seu perfil e dados de atividades no LinkedIn para personalizar e exibir anúncios mais relevantes. Altere suas preferências de anúncios quando desejar.

Sibika presentation Gifted Doll MaryAnne

4.528 visualizações

Publicada em

Sibika At Kultura III

Publicada em: Meio ambiente
  • Seja o primeiro a comentar

  • Seja a primeira pessoa a gostar disto

Sibika presentation Gifted Doll MaryAnne

  1. 1. ALAM NYO BA ANG MGA LUGAR NA ITO SA ATING BANSA?
  2. 2. ITO AY HALIMBAWA NG IBA’T IBANG URI NG ANYONG LUPA AT ANYONG TUBIG DITO SA PILIPINAS. Halina’t panuorin natin Isa isa…
  3. 3. BULUBUNDUKIN KAPATAGAN BUNDOK LAMBAK BULKAN BUROL TALAMPAS TANGWAY
  4. 4. KAPATAGAN sa Gitnang Luzon ang pinakamalaking kapatagan sa Pilipinas. isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Karaniwang ginagamit sa pagsasaka at paninirahan ng mga tao. Maaari itong taniman ng mga palay, mais at gulay.
  5. 5. LAMBAK  Isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok.  Mataba ang lupa rito kaya mainam na nakapagsasaka ang mga tao rito.  Marami mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim.
  6. 6. Ang Cotabato ay isang uri ng lambak. Tinataniman ito ng palay kung kaya ito ay kinikilala bilang “Rice Bowl” ng PILIPINAS LAMBAK
  7. 7. LAMBAK NG CAGAYAN – ITO ANG PINAKA MALAKING LAMBAK SA PILIPINAS. Ang iba pang kilalang lambak ay ang lambak ng Marikina at lambak ng Koronadal. Sa lambak ng Trinidad nagtatanim ng mga gulay tulad ng repolyo. patatas, cauliflower at strawberry.
  8. 8. BUNDOK - ISANG PAGTAAS NG LUPA SA DAIGDIG. - ITO AY MATAAS NA ANYONG LUPA, MAY MATATARIK NA BAHAGI AT HAMAK NA MAS MATAAS KAYSA SA BUROL. Ito ang pinaka mataas na bundok sa Pilipinas na matatagpuan sa Davao Del Sur.
  9. 9. Marami pang bundok sa ating bansa tulad ng bundok ng KANLAON at bundok ng Parker. Kakaunti ang naninirahan dito dahil mahirap ang paglalakbay.
  10. 10. BULUBUNDUKIN Ito ay dalawa o higit pang mga bundok na magkakatabi at magkaka- kabit. Sa mga bundok at bulubundukin matatagpuan ang mga gubat. Ang mga nakatira sa mga lugar na ito ay nagtotroso. Ginagawang tabla, papel , plywood at iba pang produkto mula sa kahoy – ito ang ikinabubuhay nila.
  11. 11. ANG PINAKA MALAKING BULUBUNDOKIN AY ANG SIERRA MADRE Ito ay umaabot mula Cagayan hanggang Laguna at Quezon. ‘ Kilala rin ang bulubundokin ng Cordillera, Caraballo at Zambales. Maraming mineral ang makikita rito tulad ng ginto, bakal, tanso at pilak. Mayaman ang Pilipinas sa mga minang ito at nakatutulong sa ating ekonomiya.
  12. 12. BULKAN – MAYON VOLCANO Ito ay mataas na anyong lupa na pumuputok at ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman na tinatawag na LAVA. May 200 bulkan na makikita sa Pilipinas. Dalawang uri ng bulkan: 1. Tahimik o di aktibo - bulkang matagal ng hindi pumuputok, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa Laguna; 2. Aktibo - na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang Pinatubo na huling sumabog noong 1996.
  13. 13. Ito ang pinaka maliit na bulkan sa ating bansa na matatagpuan sa Batangas. Ito ay makikita sa gitnang lawa ng Taal na sinasabing dating paanan ng isang malaking bulkan.
  14. 14. Higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol saPi lipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.
  15. 15. TALAMPAS Ito ang ibabaw ng bundok na may patag at malawak na lupa’ Maaring tirahan at pagtaniman. Malamig ang klima rito. Ang Talampas ng Tagayaty ang pinaka kilalang talampas sa Pilipinas Ang Bukidnon at Lanao ay ring talampas sa Mindanao.
  16. 16. Ito ay pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig. Ang Bataan, Bicol at Zamboanga ay mga halimbawa ng tangway.
  17. 17. KARAGATAN Ito ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Nasa pagitan ng mga karagatan ang mga kontinenti at mga bansa sa daigdig. Halimbawa nito ay Karagatang Pasipiko na matatagpuan sa Silangan ng Pilipinas
  18. 18. HALIMBAWA NITO AY, DAGAT CHINA, DAGAT SULU AT DAGAT CELEBES. ANG ‘PHILIPPINE DEEP’ SA PILIPINAS AY ISA SA PINAKAMALALIM NA BAHAGI NG DAGAT SA BUONG DAIGDIG. Ito ay mas maliit kaysa sa karagatan. Pinag uugnay ng dagat ang mga lalawigan sa ating bansa. Madalas itong dinadaanan ng mga barko. Ang ikinabubuhay ng mga Pilipino sa Sulu ay pagsisid sa dagat dahil maraming nakukuha rito na perlas at korales.
  19. 19. PINAKAKILALANG LOOK SA PILIPINAS. ANG PAG LUBOG NG ARAW AY NAPAKA GANDANG PAGMASDAN MULA SA PAMPANG NITO. Ito ay higit na makitid at mas mababaw kaysa sa dagat. Sinasabing ang look ng Maynila ang pinaka mahusay na daungan ng mga bapor sa Asya bukod sa Look ng Subic sa Zambales at look ng Ormoc sa Leyte.
  20. 20. GOLPO Ito ay mas malaki ng kaunti sa look. Malapit ito sa lupa at hindi gaanong malalim. Ang Golpo ng Lingayen ang pinaka kilalang golpo sa ating bansa. Iba pang halimbawa nito ay Golpo ng Moro, Golpo ng Panay at Golpo ng Davao.
  21. 21.  Anyong tubig na hindi dumadaloy. Ang tubig nito ay naliligiran ng kapuluan. May 59 na lawa sa ating bansa. Ang pinaka malaki ay ang likas na lawa ng Laguna. Nakakahuli rito ng iba’t ibang isda.
  22. 22. Ito ay anyong tubig na umaagos papunta sa lawa, look o dagat. Ang Ilog Cagayan, Rio Grande Mindanao at Ilog Agusan ang mga pinaka malaking ilog sa ating bansa. Kilala rin ang Ilog ng Pasig at Pampanga. Sa Palawan ay matatagpuan ang ilog na nasa ilalim na kuweba.
  23. 23. Ito ay makitid at mahabang anyong tubig na nasa pagitan ng dalawang anyong Lupa. Umaabot sa 200 ang kipot sa ating bansa. Ang San Juanico na nasa pagitan ng Samar at Leyte ay halimbawa ng kipot
  24. 24. TALON Kilala ang talon ng Pagsanjan sa Laguna dahil isa ito sa pinaka magandang talon sa ating bansa. Ang mala-kristal na tubig nito ay mabilis na bumabagsak mula sa itaas ng bundok hanggang sa isang ilog. Ang Maria Cristina falls sa Lanao Del Norte ay pinag kukunan ng enerhiya ng elektrisidad sa Mindanao. Matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa.
  25. 25. BUKAL Anyong tubig na nagmumula o sumisibol mula sa ilalim ng lupa. May bukal na mainit ang tubig ito ay pinakukunan ng eherhiyang geothermal. Halimabawa ay Tiwi Hot springs sa Albay at Mak- Ban sa Laguna.
  26. 26. Ang iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig ay nagbibigay ganda sa ating kapaligiran. Ang mga ito ay maraming naibibigay na nakututulong sa pang araw araw na pamumuhay ng mamamayan. Dapat nating pangalagaan at paunlarin ang mga ito sapagkat dito nagmumula ang iba’t ibang likas na yaman ng ating bansa.
  27. 27. END... Submitted To: Mr. Raphael Job Ramos Asuncion Prepared By: Mary Ann C. Petras BEE III-5 SPED

×