1. San Ignacio
ni Psalm Emmnauel Diao
2 – St. Francis Xavier
Si San Ignacio ang kawal ng Maykapal
bihag s’ya noon ng palabirong tukso;
ngunit biglang nagbago at naging banal
dahil nakita n'ya ang landas na wasto.
O, San Ignacio, ikaw ang inspirasyon
sa mga kabataan ng mundong ito;
at may plano ang Diyos sa amin ngayon
sama-samang kamtin ang buhay na bago.