SlideShare uma empresa Scribd logo
1 de 26
Baixar para ler offline
ARALING PANLIPUNAN I
(Effective and Alternative Secondary Education)
MODYUL 2
PILIPINAS LUPAIN NG ATING LAHI
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION
Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City
1
MODYUL 2
PILIPINAS: LUPAIN NG ATING LAHI
Paano natin sisimulan ang pag-aaral ng Kasaysayan? Sa Modyul 1,
nabatid natin na isa sa mga sangay ng pag-aaral ng Agham Panlipunan ay
Heograpiya. Nabatid din natin na may malaking kaugnayan ang heograpiya sa
ang Kasaysayan.
Sa modyul na ito, sisikapin nating unawain ang kahalagahan ng pisikal na
katangian o heograpiya ng ating bansa.
May tatlong araling inihanda para sa iyo:
Aralin 1: Katangiang Pisikal at Pinagkukunang Yaman ng Pilipinas
Aralin 2: Ang Pambansang Teritoryo
Aralin 3: Rehiyonalisasyon
Inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod pagkatapos ng mga
aralin sa modyul na ito.
1. Masusuri ang katangiang pisikal ng Pilipinas tulad ng lokasyon, hugis, anyo,
sukat, lawak at klima;
2. Matutukoy ang mga likas na yaman ng bansa na nangangailangan ng wastong
paggamit at pangangalaga;
3. Maituturo sa mapa ang mga hangganan ng pambansang teritoryo ng Pilipinas
ayon sa Saligang-Batas ng 1987;
4. Maipaliliwanag ang mga probisyon ng Doktrinang Pangkapuluan (Archipelagic
Doctrine) at ng Exclusive Economic Zone;
5. Matatalakay ang mga layunin at dahilan ng rehiyonalisasyon ng Pilipinas; at
6. Masusuri ang epekto ng pisikal na heograpiya sa mga pag-uugali at kamalayang
pangkapaligiran at pag-unlad ng bawat rehiyon.
Handa ka na ba? Bago ang lahat, sagutin mo muna ang panimulang
pagsusulit.
2
PANIMULANG PAGSUSULIT:
Panuto: Bilugan and titik ng tamang sagot.
1. Ang klimang tropikal ng Pilipinas ay batay sa kanyang lokasyon na:
A. malayong nasa itaas ng equator
B. mismong nasa equator
C. banayad na nasa ibaba ng equator
D. banayad na nasa itaas ng equator
2. Ang Pilipinas ay binubuo ng _____________ pulo.
A. 7,707 C. 7,701
B. 7,107 D. 7,109
3. Ito’y binubuo ng biyaya ng lupa, karagatan, ilog, kagubatan, at kapaligirang
pangkalikasan.
A. likas na yaman C. yamang pisikal
B. yamang pantao D. lakas paggawa
4. Kasama ng Pilipinas, ang bansang ____________ at iba pang mga estadong
arkipelago ay namuno sa pagpapanukala at pagsasakatuparan ng
pandaigdigang kumperensiya sa Batas sa Karagatan.
A. Indonesia C. Brunei
B. Malaysia D. Thailand
5. Ang Saligang-Batas na nagtatadhana ng lawak na nasasakop ng Pilipinas ay
ang:
A. Konstitusyon ng 1972 C. Konstitusyon ng 1973
B. Konstitusyon ng 1987 D. Konstitusyon ng 1935
6. Ang Pilipinas ay isang arkipelago dahil:
A. ito’y binubuo ng mga isla na napapaligiran ng dagat sa lahat ng direksyon.
B. ito’y napapaligiran ng dagat sa hilaga at timog.
C. ito’y isang pulo na napapaligiran ng tubig.
D. ito’y isang makipot na lupain na kakikitaan ng mga bundok at tubig.
7. Apatnapu’t limang bahagdan ng kalupaan ng Pilipinas ay nagagamit sa:
A. pagmimina C. agrikultura
B. komersyo at kalakal D. pangingisda
3
8. Ito ang sentro ng kulturang Ifugao:
A. Autonomous Region of Muslim Mindanao
B. Cordillera Autonomous Region
C. CARAGA
D. Bicol Region
9. Ang pinakamahabang kabundukan sa Pilipinas ay ang:
A. Kabundukan ng Zambales
B. Kabundukan ng Caraballo
C. Kabundukan ng Sierra Madre
D. Kabundukan ng Ifugao
10.Ang anyong tubig sa silangang bahagi ng bansa ay ang:
A. Dagat Celebes C. Kanal ng Bashi
B. Timog Dagat Tsina D. Karagatang Pasipiko
11.Ang Bikol o Ikalimang Rehiyon ay kilala sa buko, pili at abaka. Ang mga
probinsiyang katulad ng Albay at Sorsogon naman ay mahalagang
pinanggagalingan ng _________
A. enerhiyang geothermal
B. enerhiyang solar
C. enerhiyang hydro-electric
D. enerhiyang bio-gas
12.Batay sa P.D. 1596 na nilagdaan noong ika-11 ng Hunyo, 1978, ang Pilipinas ay
umaangkin sa _______________ bilang bahagi ng pambansang teritoryo na
nasasalig sa kasaysayan at titulong legal:
A. Turtle Island
B. Scarborough Shoal
C. Sabah
D. Mga Isla sa Kalayaan
13.Sa Kanluran, anong bansa ang kalapit ng Pilipinas?
A. Indonesia C. Taiwan
B. Vietnam D. Malaysia
4
14.Ang lalawigan ng rehiyong ito ay kadalasang daanan ng mga ulan at bagyo.
Dahil dito,kilala ang rehiyon sa pagiging mahirap at sa mababang produksyon.
A. Rehiyon VII – Gitnang Bisaya
B. Rehiyon VIII – Silangang Bisaya
C. Rehiyon VI – Kanlurang Bisaya
D. Rehiyon I – Ilocos
15.Ang mga sumusunod ay suliraning naidulot ng pagkakahiwa-hiwalay ng mga
pulo ng Pilipinas maliban sa:
A. mabagal na sistema ng transportasyon
B. kahirapan sa pangangasiwa at pamamahala sa kapuluan
C. kawalan ng pagkakaunawaan ng mga Pilipino dulot ng maraming wika
D. pagpili ng mga pinuno sa bansa
16.Ang matabang lupa mula sa bulkan sa lalawigan ng Davao ay lumilikha ng mga
produktong pang-agrikultural. Nangunguna sa buong Mindanao ang Davao sa
produksyon ng:
A. orkidyas C. abaka
B. bigas D. saging
17.Alin sa listahan ang bansa na hindi umaangkin sa mga Isla ng Spratlys?
A. Taiwan C. Malaysia
B. China D. Thailand
18.Ang pangingisda at pagsisid sa mga perlas ang mga pangunahing ikinabubuhay
sa rehiyong ito. Tanyag din ang rehiyong ito sa makukulay na moske at vinta at
mga bahay sa baybaying dagat:
A. Rehiyon XIII – C.A.R
B. ARMM
C. Cordillera Administrative Region
D. Rehiyon IX - Kanlurang Mindanao
19.Ang tropikal na klima ng Pilipinas ay may katangiang:
A. maalinsangan at maulan
B. mainit at maulan
C. mainit at mahalumigmig
D. maulan at mainit
20.Ang mga Isla sa Kalayaan (Spratlys) ay bahagi ng ______________
A. Mindanao
B. Sulu
C. Palawan
D. Batangas
5
ARALIN 1
KATANGIANG PISIKAL AT PINAGKUKUNANG YAMAN
Handa ka na bang magsimula? Ang araling ito ay tumatalakay sa lokasyon,
lawak, hugis, topograpiya, klima at mga pinagkukunang yaman ng Pilipinas. Madali
lamang, hindi ba?
Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng lokasyon, sukat, at hugis ng mga rehiyon sa
kanilang pag-unlad;
2. Maipaliliwanag kung paano nakatutulong sa pag-unlad ng bawat rehiyon ang
mga pinagkukunang yaman nito;
3. Maiisa-isa ang iba’t ibang klima sa Pilipinas; at
4. Mailalarawan ang topograpiya ng Pilipinas.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Panuto: May mga salitang nabubuo mula sa letrang nakakahon.Bilugan
mo ang mga nabuo mong salita na nakapaloob sa parisukat. Ito ay
maaring pahalang o pahaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong
sa ibaba.
S H A P O N
I X A V I Z
L T S I N A
A I Y E D T
N M A T I X
G O X N Y P
A G T A A N
N X A M O Y
B R U N E I
K A P U L O
1. Anu-ano ang mga lokasyong nasa parisukat? _______________________
2. Ano ang mga bansang tinutukoy? ________________________________
3. Mayroon din bang anyong lupa sa parisukat? _______________________
6
Lokasyon, Lawak at Hugis ng Pilipinas
Kung titingnan natin sa mapa, nasa Hilagang Silangan ng Asya ang
Pilipinas. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa pagitan ng 4° 23` at 21° 30` hilagang
latitud at ng 116°E at 127° silangang meridyan / longhitud. Ito ay napapaligiran ng
Bashi Channel sa hilaga, Dagat ng Sulu at Celebes sa timog, Dagat Pasipiko sa
silangan at Katimugang Dagat ng Tsina sa kanluran. Ang Pilipinas ay may sukat na
1,150 milya (1,850 km) pahaba at 680 milya (1,060 km) palapad. Ang isla ng Y’ami
sa Batanes ang nasa dulong hilaga, samantalang Saluag, Sibutu ang isla sa dulong
Timog. Ang mga bansang nakapaligid sa Pilipinas ay ang Taiwan, Tsina at Hapon
sa hilaga; Vietnam, Laos, Kambodya, Thailand at Malaysia sa kanluran; at Borneo
at Indonesya sa timog.
Ang ating bansa ay tinatawag na arkipelago. 7,109 ang mga pulong
bumubuo sa Pilipinas. 4,000 dito ay wala pang pangalan. Ang Pilipinas ay may
pangkalahatang sukat na 300,000 kilometro kwadrado. Ito ay higit na malaki kaysa
Gran Britanya at Ireland, ngunit higit na maliit kumpara sa Hapon at España. Ang
mga pangunahing isla sa arkipelago ng Pilipinas ay ang Luzon sa hilaga na may
sukat na 141,395 kilometro kwadrado. Ang ilan sa mas maliliit sa isla ay ang
Samar, Negros, Palawan, Mindoro, Leyte, Cebu, Bohol at Masbate.
And Maynila ay itinatag ni Miguel Lopez de Legaspi bilang kabisera noong
ika-24 ng Hunyo, 1571. Ngunit noong ika-17 ng Hulyo, 1948 at sa bisa ng R.A 333,
naging kabisera ng Pilipinas ang siyudad ng Quezon. Muling naging kabisera ang
Maynila noong ika-14 ng Hunyo, taong 1976, sa bisa ng P.D 940.
Topograpiya
A. Anyong Lupa
Sa pangkalahatan, ang Pilipinas ay mabundok kaya’t sagana ito sa mga
bundok, bulubundukin at lambak. Ang pinakamataas na bundok ay ang Apo na
halos 2,926.82 kilometro ang taas. Tatlong malalawak na bulubundukin ang
matatagpuan sa Luzon. Ito ay ang Caraballo Sur sa may Abra, Ilokos Norte, at
Cagayan, ang Caraballos Occidental na nahahati sa Cordillera Norte at
7
Ang Pilipinas at mga Karatig-Bansa
Thailand
Indonesia
Pilipinas
Tsina
Cordillera Central, at ang Sierra Madre na siyang pinakamahabang tuluy-tuloy
na
bulubundukin mula Cagayan hanggang Laguna de Bay. Ang bulubundukin ng
Zambales ay nagsisimula sa Bolinao (Pangasinan) hanggang sa may
dalampasigan ng Bataan.
Bilang bahagi ng “Pacific Ring of fire,” ang Pilipinas ay kakikitaan ng halos
50 bulkan. Labintatlo (13) dito ay aktibo. Ang mga pangunahing bulkan sa
Pilipinas ay ang Mayon (Albay), Taal (Batangas), Bulusan (Sorsogon), Didicas,
8
Kanlaon, Hibok-hibok, at Pinatubo. Ang mga pangunahing lambak o kapatagan
naman ay ang Lambak ng Gitnang Luzon at Lambak ng Cagayan sa Luzon, at
ang Lambak ng Agusan at Lambak ng Cotabato sa Mindanao.
B. Anyong Tubig
Ang mahabang putul-putol na baybayin ng Pilipinas ay may sukat na 34,600
kilometro. Dalawang beses itong higit na mahaba sa baybayin ng Estados
Unidos. Matatagpuan ang mga look, daungan at gulpo sa mga baybayin.
Umaabot sa may 132 ilog ang nagagamit sa transportasyon. Ilan dito ay ang
ilog ng Cagayan, ilog ng Pampanga, Agno at Pasig sa Luzon, ilog ng Agusan at
Pulangi sa Mindanao.
Ang Pilipinas ay may 59 na lawa. Anim sa pinakamalalaking lawa ay ang
lawa ng Laguna, lawa ng Lanao, lawa ng Mainit sa Surigao del Norte, lawa ng
Naujan, at lawa ng Bulusan.
C. Klima
Sa pangkalahatan, ang klima sa Pilipinas ay may kainitan. Ito ay pinahuhupa
ng simoy ng hangin galing sa Dagat ng Tsina at Karagatang Pasipiko. May
dalawang panahon sa bansa – tag-araw at tag-ulan. Mula Marso hanggang
Hunyo ay tag-araw, kung saan pinakamainit ang buwan ng Mayo. Samantala,
mula Hulyo hanggang Oktubre ay tag-ulan. Mula Nobyembre hanggang Pebrero
ay ang malalamig na buwan. Enero ang pinakamalamig na buwan na may
temperaturang 25.4 °C hanggang 26.5 °C. May pagkakaiba ang klima sa iba’t
ibang rehiyon batay sa altitud o taas ng lugar. May pagkakaiba rin sa
nararanasang ulan at sa tindi ng nararanasang mga bagyo.
Pinagkukunang Yaman
Palagay ko ay iyong nababatid na ang Pilipinas ay napakaraming likas na
yaman. Matataba ang ating mga lupang matatagpuan sa mga kapatagan at
lambak. Dahil dito, sagana tayo sa bigas, mais, buko, abaka, goma, tubo`,
prutas, gulay at kape. Ang ating mga kagubatan ay kakikitaan ng 3,000 uri ng
9
mga puno tulad ng apitong, almon, lawan, guijo, ipil, tangili, narra, tindalo at
yakal. Marami rin tayong mineral na metalik gaya ng ginto, iron, tanso, pilak,
platinum, chromium, manganese, lead at zinc. Mayroon ding mineral na hindi
metalik tulad ng coal, langis, asbestos, clay, gypsum, lime, asin, buhangin,
graba, sulfur, aspalto, adobe, at marmol. Bilang isang arkipelago, ang Pilipinas
ay mayaman sa isda at produktong dagat. Dito ay may 2,400 uri ng isda, at
10,000 uri ng kabibe, mga perlas, at koral. Ang “coral reef” sa Tubbataha ay ika-
apat na pinakamalaki sa buong mundo at likas na tahanan ng mga isda.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Pagtapat-tapatin. Hanapin ang epekto ng lokasyon, topograpiya at
pinagkukunang yaman sa kasaysayang pangkabuhayan, pampulitikal at
pangkultural ng Pilipinas. Guhitan ang magkakatapat.
A. Lokasyon
B. Topograpiya
C. Pinagkukunang Yaman
1. Mayaman sa lupain, mineral at iba’t
ibang pagkain ang Pilipinas kaya’t
naganyak ang mga dayuhang bansa
na sakupin ito.
2. Ang pagiging mainit ng panahon sa
bansa ay nakaimpluwensya sa ating
mabagal na pagkilos at unang
tinuligsa ng mga Kastila bilang
katamaran.
3. Dahil sa ang Pilipinas ay binubuo ng
mga watak-watak na pulo, naging
mahirap ang pagkakaisa ng mga
Pilipino at mga pangkat etniko.
10
Tandaan Mo!
Ang Pilipinas ay nasa Hilagang Silangan ng Asya.
Ang Pilipinas ay isang archipelago na binubuo ng 7,109 na
pulo.
Mayaman ang Pilipinas sa iba’t ibang anyong lupa, anyong tubig
at likas na yamang galing sa kalikasan.
Gawain 3: Paglalapat
Gumuhit ng mapa ng Pilipinas sa isang papel. Gawing makulay
ang mapa, Punuin ito ng mga larawan ng likas na yaman na
matatagpuan sa iba’t ibang rehiyon. Upang magawa mo ito, kinakailangang
magsaliksik ka ng mga pangunahing produkto at likas na yaman sa bawat rehiyon.
ARALIN 2
ANG PAMBANSANG TERITORYO
Tatalakayin naman sa araling ito ang pambansang teritoryo ng Pilipinas.
Nakabatay ito sa Saligang-Batas ng 1987, Kasunduan ng Paris noong 1898, at P.D
1596 noong June 11, 1978. Tatalakayin din natin ang kahalagahan ng ‘Exclusive
Economic Zone (EEZ)’, at Pandaigdigang Kumbensyon sa Batas sa Karagatan o
“International Convention on the Law of the Sea (1958).” Kung ikaw ay mahilig sa
mga batas ang araling ito ay para sa iyo!
Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Maiisa-isa ang batayan ng hangganan ng pambansang teritoryo;
2. Maituturo sa mapa ang hangganan ng pambansang teritoryo; at
3. Maipaliliwanag ang nilalaman ng Doktrinang Pangkapuluan at ng Exclusive
Economic Zone.
11
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Panuto: Suriin ang susunod na mapa. Matutukoy mo kaya ang mga
basehan ng ating Pambansang Teritoryo? Isulat sa patlang kung ang tinutukoy ay
Saligang-Batas ng 1987, EEZ, at mga Isla sa Kalayaan, Kasunod sa Paris.
Mapa ng Pilipinas at Hangganan ng Teritoryo
12
Ang Pambansang Teritoryo
Batay sa Artikulo ng Saligang-Batas ng 1987 ang teritoryo ng Pilipinas ay
tumutukoy sa arkipelago, lahat ng mga isla at karagatan na bumabalot dito, at ang
iba pang teritoryo kung saan may hurisdiksyon at makapangyayari ang Pilipinas. Ito
ay binubuo rin ng kalupaan (terrestrial), katubigan (fluvial) at panghimpapawid
(aerial) na hangganan. Kasama rin dito ang teritoryo ng karagatan, kalatagan at
kailaliman ng dagat. Ang mga tubig na nasa pagitan at nagdudugtong sa mga isla
ng arkipelago, gaano man kalalim o kalawak ay bubuo bilang bahagi ng panloob na
mga dagat ng Pilipinas.
Sa kabuuan, ang hangganan ng teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng:
1. lahat ng mga isla ng arkipelago;
2. iba pang teritoryo kung saan may hurisdiksiyon o makapangyayari ang
Pilipinas; at
3. mga panloob na karagatan.
Doktrinang Pangkapuluan
Ang Pilipinas, kasama ang Indonesya at iba pang archipelago, ay
nagsulong ng doktrinang pangkapuluan sa pandaigdigang kumperensiya hinggil
sa batas ng karagatan. Ito ay dahil lubhang mahalaga ang dahilang
pangkabuhayan at pambansang seguridad ng mga bansa.
Sa lumang batas ay maaaring magkaroon ng mataas na karagatan o “high
seas” sa pagitan ng mga isla na may 24 milyon ang distansiya o layo sa bawat
isa. Kaya’t ang mga bayarang sasakyang dagat ay maaaring pumasok dito na
walang pahintulot. ‘Di ba lubhang mapanganib ito sa seguridad ng estado? Sa
isinulong na Doktrinang Pangkapuluan, lahat ng dagat mula sa hangganan o
‘baseline’ ay itinuturing na panloob na karagatan gaano man kalalim at kalawak
ito. Itinuturing itong bahagi ng arkipelago na kung saan may hurisdiksyon ang
estado. Sa ganyang paraan, masisiguro ang kaligtasan ng mga kapuluan.
13
Exclusive Economic Zone
Sa ginanap na Pandaigdigang Kumbensyon sa Doktrinang Pangkapuluan
sa Geneva noong 1958 pinalawak mula 3 milya hanggang 12 milya ang
tinatawag na “economic zone” ng mga bansa. Nang lumaon, sa bisa ng P.D
1599 na nilagdaan noong Hunyo 11,1978, itinatag ang 200 milya notikal mula sa
hangganan (o ‘baseline’) ng bansa, maliban sa mga lugar kung saan nagtatagpo
ang ‘economic zone’ ng mga magkakapitbahay na bansa. Sa ganitong
pagkakataon, ang mga bansang apektado ay binibigyang laya na magkasundo
batay sa prinsipyo ng pandaigdigang batas sa delimitasyon. Samakatuwid, may
hangganan ang mga lugar na maaaring gamitin sa mga gawaing pang-
ekonomiya, halimbawa ang mga katubigan sa pangingisda, at ang himpapawid,
sa pagtawid ng mga eroplanong pang-internasyonal.
Pangkat ng mga Isla sa Kalayaan
Ang mga Isla sa Kalayaan ay hindi orihinal na kasali sa teritoryo ng
Pilipinas noong iguhit ang Kasunduan ng Paris noong ika-10 ng Disyembre,
1898. Sa bisa ng P.D 1596 na pinirmahan noong ika-11 ng Hunyo, 1978, ay
opisyal na ginawang bahagi ng hangganan ng Pilipinas ang mga Isla sa
Kalayaan. Ibinatay ito sa karapatang pangkasaysayan at mga titulong legal. Ang
Kalayaan ay isa nang munisipalidad ng Palawan. Sa pangkasalukuyan, hindi
lamang Pilipinas ang umaangkin sa 53 isla ng Kalayaan. Inaangkin din ito ng
Tsina, Vietnam, Brunei, at Taiwan. Suliranin ng Pilipinas kung paano babantayan
ang mga isla.Hindi pa nakakakuha ng rekognisyon mula sa United Nations o
Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa. Ang Pilipinas ay hindi pa kinikilala
bilang nagmamay-ari ng mga islang ito.
14
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Pag-isipan mo ang mga sumusunod na tanong at isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno. Maaari kang magtanong sa mga nakatatanda sa iyo.
1. Makatutulong ba sa Pilipinas ang ipagpatuloy na angkinin ang mga Isla
sa Kalayaan at ang Sabah sa Hilagang Borneo?
2. Ano ang kabutihan at kahinaan ng kapuluan o arkipelago bilang uri ng
teritoryo ng isang bansa?
3. Nasagot mo ba ang mga tanong sa itaas? Ngayon naman ay sumulat ka
ng isang sanaysay kung paano maayos at matahimik na maaangking
muli ng Pilipinas ang mga Isla sa Kalayaan at ang Sabah.
Tandaan Mo!
Ang pambansang teritoryo ay tumutukoy sa nasasakupang
kalupaan, katubigan, at panghimpapawid na hangganan ng
bansa.
Ang Exclusive Economic Zone ay nagtatakda ng hangganan ng
mga magkakapitbahay na bansa upang isulong ang mga gawaing pang-
ekonomiya.
Ang Doktrinang Pangkapuluan ay nagsusulong ng batas pangkaragatan at
nagtatalaga ng hurisdiksyon ng bawat bansa.
May mga isla o grupo ng mga isla na tinatayang nasa teritoryo ng Pilipinas gaya
ng Kalayaan at Sabah.
15
Gawain 3: Paglalapat
Alam mo ba ang teritoryo ng inyong barangay? Pumunta sa
inyong Barangay Kapitan. Itanong ang hangganan at nasasakupan
ng inyong barangay. Pagkatapos ay gumuhit ka ng mapang nagpapakita ng
nasasakupang lupa. Maaari kang magpatulong sa mga kagawad sa inyong
Barangay Hall.
ARALIN 3
REHIYONALISASYON
Nagtataka ka ba kung bakit may iba’t ibang rehiyon sa ating bansa? Sa
araling ito, uunawain natin ang kalikasan, mga dahilan, mga layunin at mga
suliranin sa pagtatatag ng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas.
Inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod pagkatapos ng araling ito:
1. Maiisa-isa ang iba’t ibang rehiyon at mga lalawigan na napapabilang sa
mga ito.
2. Matatalakay ang mga dahilan, layunin at mga suliranin sa pagtatatag ng
mga rehiyon.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Masasabi mo ba kung anu-ano ang mga rehiyon sa Pilipinas? Bilang
paghahanda, isulat sa patlang ang bilang o pangalan ng rehiyon na tumutukoy sa
mga lalawigan.
1. ______________2. ________________ 3. ________________
Albay Batanes Aklan
Camarines Cagayan Antique
Catanduanes Isabela Capiz
16
4. ______________ 5. ________________
Ilocos Manila
La Union Caloocan
Pangasinan Makati
Kung hindi mo nasagutan lahat ang mga patlang, makatutulong ang mga
sumusunod na mga paksa.
Ang Rehiyonalisasyon sa Pilipinas
Ang Pilipinas ay nahahati sa 16 na rehiyon. Marami, di ba? Halos taun-taon
ay nadaragdagan ang bilang ng ating mga lalawigan at siyudad. Sa tala noong
taong 2000 ng Senado, ang Pilipinas ay binubuo ng 7,109 kapuluan, 16 na rehiyon,
77 probinsiya, 67 na siyudad, 1,540 na munisipalidad at 41,934 na baranggay.
Napansin mo ba na napakaraming pulo, lalawigan, siyudad at bayan
mayroon ang bansa natin? Dahil diyan, isinulong ng pamahalaan ang
rehiyonalisasyon. Pansinin mo na maraming mga dahilan sa pagtatatag ng mga
rehiyon. Ito ay mga sumusunod:
(1) Upang mapahusay ang administrasyon ng bansa;
(2) Upang masiguro ang pantay na antas ng pamumuhay at pangkabuhayan ng
mga tao; at
(3) Upang mapagbuti pa ang serbisyo ng mga ahensiya ng pamahalaan.
Sa pagtatatag ng mga rehiyon noong administrasyon ni Pangulong Marcos,
ibinase ito sa mga sumusunod:
(1) salik pang-heograpiko;
(2) kakayahang pamunuan ito;
(3) sosyo-ekonomik na debelopment; at
(4) mga anyo ng transportasyon at komunikasyon.
17
Sa pangkasalukuyan, mayroong 16 na rehiyon sa Pilipinas. Ang bawat
rehiyon ay may angking likas na yaman at sariling produkto. Isa-isahin natin ang
mga rehiyon:
Rehiyon I – Ilokos
Ilokos Norte, Ilokos Sur, La Union, Pangasinan
C.A.R – Cordillera Autonomous Rehiyon
Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mt. Province
Rehiyon II – Lambak ng Cagayan
Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino
Rehiyon III – Gitnang Luzon
Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales
Rehiyon IV – Katimugang Tagalog
Aurora, Batangas, Cavite, Laguna, Marinduque, Mindoro Occidental,
Mindoro Oriental, Palawan, Quezon, Rizal, Romblon
Rehiyon V – Bicol
Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Sorsogon
Rehiyon VI – Kanlurang Bisaya
Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental
Rehiyon VII – Gitnang Bisaya
Bohol, Cebu, Negros Oriental, Siquijor
18
Rehiyon VIII – Silangang Bisaya
Biliran, Silangang Samar, Leyte, Hilagang Samar, Katimugang Samar,
Katimugang Leyte, Samar
Rehiyon IX – Kanlurang Mindanao
Basilan, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur.
Rehiyon X – Hilagang Mindanao
Bukidnon, Camiguin, Misamis Occidental, Misamis Oriental
Rehiyon XI – Katimugang Mindanao
Compostela Valley, Davao, Davao del Sur, Davao Oriental, Sarangani,
Timog Cotabato, Sultan Kudarat
Rehiyon XII – Gitnang Mindanao
Lanao del Norte, Cotabato
Rehiyon XIII – CARAGA
Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur
ARMM – Autonomous Region of Muslim Mindanao
Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-tawi
NCR – National Capital Region
Manila, Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina,
Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, Pateros, Quezon City, San
Juan, Taguig, Valenzuela
19
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
1. Sa iyong palagay, ano ang mga kahinaan at kalakasang dulot ng
pagtatatag ng rehiyonalisasyon sa Pilipinas?
2. Pumili ng 2 reyihon at ikumpara ang katangiang kultural at
pangkabuhayan ng mga ito. Kinakailangang magsaliksik ka upang
masagutan mo ang mga ito. Maaari mong piliin ang rehiyon kung saan ka
mabibilang.
Tandaan Mo!
Ang rehiyonalisasyon ay mahalaga upang mapahusay ang
administrasyon ng bansa, mapagbuti ang mga serbisyo, at
masiguro ang pantay na antas ng pamumuhay sa bawat rehiyon.
May 16 na rehiyon ang Pilipinas.
Mapauunlad ang mga rehiyon kung malilinang ang mga likas na yaman at
produkto ng bawat isa.
Gawain 3: Paglalapat
A. Saang rehiyon ka galing? Gumuhit ng mapa ng iyong rehiyon.
Pagkatapos ay ipaliwanag ang mga aspetong sosyal,
pangkabuhayan at pisikal ng iyong rehiyon.
B. Tukuyin kung nasaang bayan sa mapa ng iyong rehiyon. Pagkatapos ay
sumulat ka ng isang alamat tungkol sa iyong bayan.
20
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO:
Ang mga sumusunod ay pangunahing kaisipang natutuhan mo sa modyul na ito:
Ang pisikal na katangian ng bansang Pilipinas ay nakakaapekto sa
paghubog ng kasaysayan, kabuhayan, kultura at pulitika nito.
Ang Pilipinas ay isang arkipelago o kapuluan at sagana sa yamang lupa at
yamang dagat.
Dapat pangalagaan ng pamahalaan at ng mga tao ang mga likas na yaman
n gating bansa at seguraduhing wasto ang nagaganap na paggamit ng mga
ito.
May kapangyarihan ang pamahalaang nasyonal at lokal na pangalagaan
ang hangganan ng bansa mula sa mga dayuhan at ilegal na mangingisda.
Dahilan sa pagiging isang arkipelago ng Pilipinas, isinulong ang
rehiyonalisasyon upang mapahusay ang administrasyon ng bansa,
mapagbuti ang serbisyo sa mga mamamayan, at masiguro ang pantay na
antas ng pamumuhay.
21
A
____1. Lungsod Quezon
____2. Tropikal
____3. Doktrinang Pangkapuluan
____4. Enero
____5. Cagayan
____6. Likas na yaman
____7. Pangulong Marcos
____8. Luzon
____9. Arkipelago
____10. Kalayaan / Sabah
____11. Bundok Apo
____12. Pandaigdigang komperensya
sa batas ng karagatan
____13. Exclusive Economic Zone
____14. Saligang-Batas ng 1987
____15. Mayo
____16. 7,107
____17. Kahirapan sa pangangasiwa
ng kapuluan
____18. Autonomous Region of
Muslim Mindanao o ARMM
____19. Agrikultural
____20. “Pacific Ring of Fire”
B
A. Pinakamalamig na buwan/panahon
B. Pinasimulan niya ang rehiyonalisasyon o
pagtatatag
ng mga rehiyon sa Pilipinas.
C. Pinakamataas na bundok
D. Klima ng Pilipinas
E. Batas sa Karagatan
F. Bilang ng mga pulo sa Pilipinas
G. Pangunahin at pinakamalaking
isla sa Pilipinas
H. Naging kabisera ng Pilipinas sa loob
ng 28 taon
I. Dahilan sa sagana sa mga bukirin
at matabang lupa, ang Pilipinas ay
maraming produktong ____.
J. Ang pinakamainit na buwan
K. Basehan ng Pambansang Teritoryo
L. Binubuo ng maraming pulo kaya’t ang
Pilipinas kaya’t ito ay isang____.
M. Bahagi nito ang Pilipinas kayat
maraming bulkan sa bansa.
N. Binubuo ng biyaya ng lupa, karagatan,
ilog, kagubatan, at kapaligiran.
O. Dito isinulong ng Pilipinas at karatig-
bansa ang pagtitiyak ng hurisdiksyon
sa teritoryong pangkaragatan.
PANGHULING PAGSUSULIT:
Pagtapat-tapatin ang mga tinutukoy hanay A at hanay B. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa patlang.
22
P. Pinakamahabang ilog sa Pilipinas
Q. Sentro ng Kulturang Muslim
R. 200 milya notikal
S. Isa itong suliranin sa Pilipinas
dulot ng pagkakahiwalay ng mga pulo.
T. Mga isla na pinag-aawayan ng mga
bansa.
23
GABAY SA PAGWAWASTO:
PANIMULANG PAGSUSULIT
1. D
2. D
3. A
4. A
5. B
6. A
7. K
8. B
9. C
10.D
11.A
12.D
13.B
14.B
15.D
16.D
17.D
18.D
19.A
20.K
ARALIN 1 KATANGIANG PISIKAL AT PINAGKUKUNANG YAMAN NG
PILIPINAS
Gawain 1: Pag-isipan Mo
1. Mga Lokasyon: Silangan, Timog
2. Mga Bansa: Hapon, Brunei, Asya, at Vietnam
3. Anyong Lupa: Pulo
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
A. Lokasyon: 2
B. Topograpiya: 3
C. Pinagkukunang-Yaman 1
Gawain 3: Paglalapat
Ipatsek ang iyong ginawang mapa sa gurong namamahalang mga modyul.
ARALIN 2 ANG PAMBANSANG TERITORYO
Gawain 1: Pag-isipan Mo
A. Kasunduan ng Paris
B. 200 NM EE2
C. Kalayaan/ Spratly
24
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
1. Oo, nakatutulong dahil karagdagan ito sa teritoryo ng Pilipinas, hindi dahil ito
ay magiging sanhi ng sigulot.
2. Kabutihan ng pagiging arkipelago: Malaya at malayo sa iba’t ibang teritoryo.
Kahinaan ng pagiging isang arkipelago: Mahirap para sa Hukbong
Sandatahan para bantayan lahat ng isla.
3. Ipatsek ang iyong sanaysay sa gurong tagapamahala.
Gawain 3: Paglalapat
Ipakita at ipatsek sa gurong tagapamahala ang iyong ginawang mapa ng inyong
barangay.
ARALIN 3 REHIYONALISASYON
Gawain 1: Pag-isipan Mo
1. Rehiyon V
2. Rehiyon II
3. Rehiyon VI
4. Rehiyion I
5. NCR (National Capital Region)
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
1. Mga kahinaan sa pagtatatag ng mga rehiyon:
a. Kakulangan ng pondo sa debelopment
b. Pamunuan at kahusayan sa pamumuno
c. Nagiging maka-rehiyon ang mga tao at nagkakaroon ng kompetisyon
Mga kalakasan ng pagkakaroon ng mga rehiyon:
a. Napagbubuti ang pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat
rehiyon.
b. Napag-aaralan ang mga dapat gawin sa bawat rehiyon.
c. Nagkakaroon ng masusing pagpaplano sa bawat rehiyon.
25
2. Maaaring magkumpara ng kahit anong rehiyon. Ipatsek sa gurong
tagapamahala ang iyong sagot.
Gawain 3: Paglalapat
Ipakita sa gurong tagapamahala ang mga ginawa mo sa Aat B, upang maiwasto.
PANGHULING PAGSUSULIT
1. H
2. L
3. E
4. A
5. O
6. N
7. B
8. G
9. D
10.M
11.C
12.F
13.I
14.K
15.J
16.F
17.S
18.Q
19.I
20.M

Mais conteúdo relacionado

Mais procurados

Gr 4 Anyongtubig
Gr 4   AnyongtubigGr 4   Anyongtubig
Gr 4 AnyongtubigLeth Marco
 
Rehiyon II- Lambak ng Cagayan
Rehiyon II- Lambak ng CagayanRehiyon II- Lambak ng Cagayan
Rehiyon II- Lambak ng CagayanDivine Dizon
 
Rehiyon IV-B (Mimaropa)
Rehiyon IV-B (Mimaropa)Rehiyon IV-B (Mimaropa)
Rehiyon IV-B (Mimaropa)Divine Dizon
 
Mga Pag aalsang politikal ekonomiko at panrelihiyon
Mga Pag aalsang politikal ekonomiko at panrelihiyonMga Pag aalsang politikal ekonomiko at panrelihiyon
Mga Pag aalsang politikal ekonomiko at panrelihiyonElla Socia
 
K TO 12 GRADE 5 IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5  IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 5  IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5 IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULITLiGhT ArOhL
 
Rehiyon VII- Gitnang Visayas
Rehiyon VII- Gitnang VisayasRehiyon VII- Gitnang Visayas
Rehiyon VII- Gitnang VisayasDivine Dizon
 
Teoryang Continental Drift
Teoryang Continental DriftTeoryang Continental Drift
Teoryang Continental DriftRitchenMadura
 
Lesson Plan - Aralin 4 Ang Pagdating ng Espanyol sa Pilipinas
Lesson Plan - Aralin 4 Ang Pagdating ng Espanyol sa PilipinasLesson Plan - Aralin 4 Ang Pagdating ng Espanyol sa Pilipinas
Lesson Plan - Aralin 4 Ang Pagdating ng Espanyol sa PilipinasMavict De Leon
 
Banghay aralin sa sibika at kultura
Banghay aralin sa sibika at kulturaBanghay aralin sa sibika at kultura
Banghay aralin sa sibika at kulturaDepEd
 
Katangiang Heograpikal ng Pilipinas
Katangiang Heograpikal ng PilipinasKatangiang Heograpikal ng Pilipinas
Katangiang Heograpikal ng PilipinasLea Perez
 
Detailed LESSON PLAN Filipino 3
Detailed LESSON PLAN Filipino 3 Detailed LESSON PLAN Filipino 3
Detailed LESSON PLAN Filipino 3 AdoraMonzon
 
Rehiyon IX( lalawigan, kasaysayan, laki at populasyon)
Rehiyon IX( lalawigan, kasaysayan, laki at populasyon)Rehiyon IX( lalawigan, kasaysayan, laki at populasyon)
Rehiyon IX( lalawigan, kasaysayan, laki at populasyon)Kimberly Jones Cuaresma
 
Edukasyon sa pamamamahal ng amerikano
Edukasyon sa pamamamahal ng amerikanoEdukasyon sa pamamamahal ng amerikano
Edukasyon sa pamamamahal ng amerikanoPrincess Sarah
 
AP5- Aralin 1- Ang Lokasyon ng Pilipinas.pptx
AP5- Aralin 1- Ang Lokasyon ng Pilipinas.pptxAP5- Aralin 1- Ang Lokasyon ng Pilipinas.pptx
AP5- Aralin 1- Ang Lokasyon ng Pilipinas.pptxCARLOSRyanCholo
 
Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...Roneil Glenn Dumrigue
 
Araling Panlipunan 6- Ang Lokasyon at Teritoryo ng Pilipinas
Araling Panlipunan 6- Ang Lokasyon at Teritoryo ng PilipinasAraling Panlipunan 6- Ang Lokasyon at Teritoryo ng Pilipinas
Araling Panlipunan 6- Ang Lokasyon at Teritoryo ng PilipinasLuvyankaPolistico
 

Mais procurados (20)

Rehiyon ng Pilipinas
Rehiyon ng PilipinasRehiyon ng Pilipinas
Rehiyon ng Pilipinas
 
Gr 4 Anyongtubig
Gr 4   AnyongtubigGr 4   Anyongtubig
Gr 4 Anyongtubig
 
Rehiyon II- Lambak ng Cagayan
Rehiyon II- Lambak ng CagayanRehiyon II- Lambak ng Cagayan
Rehiyon II- Lambak ng Cagayan
 
Rehiyon IV-B (Mimaropa)
Rehiyon IV-B (Mimaropa)Rehiyon IV-B (Mimaropa)
Rehiyon IV-B (Mimaropa)
 
Rehiyon 2 (LAMBAK NG CAGAYAN)
Rehiyon 2  (LAMBAK NG CAGAYAN)Rehiyon 2  (LAMBAK NG CAGAYAN)
Rehiyon 2 (LAMBAK NG CAGAYAN)
 
Mga Pag aalsang politikal ekonomiko at panrelihiyon
Mga Pag aalsang politikal ekonomiko at panrelihiyonMga Pag aalsang politikal ekonomiko at panrelihiyon
Mga Pag aalsang politikal ekonomiko at panrelihiyon
 
K TO 12 GRADE 5 IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5  IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 5  IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5 IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
 
Rehiyon VII- Gitnang Visayas
Rehiyon VII- Gitnang VisayasRehiyon VII- Gitnang Visayas
Rehiyon VII- Gitnang Visayas
 
Teoryang Continental Drift
Teoryang Continental DriftTeoryang Continental Drift
Teoryang Continental Drift
 
Lesson Plan - Aralin 4 Ang Pagdating ng Espanyol sa Pilipinas
Lesson Plan - Aralin 4 Ang Pagdating ng Espanyol sa PilipinasLesson Plan - Aralin 4 Ang Pagdating ng Espanyol sa Pilipinas
Lesson Plan - Aralin 4 Ang Pagdating ng Espanyol sa Pilipinas
 
Banghay aralin sa sibika at kultura
Banghay aralin sa sibika at kulturaBanghay aralin sa sibika at kultura
Banghay aralin sa sibika at kultura
 
Katangiang Heograpikal ng Pilipinas
Katangiang Heograpikal ng PilipinasKatangiang Heograpikal ng Pilipinas
Katangiang Heograpikal ng Pilipinas
 
Detailed LESSON PLAN Filipino 3
Detailed LESSON PLAN Filipino 3 Detailed LESSON PLAN Filipino 3
Detailed LESSON PLAN Filipino 3
 
Rehiyon IX( lalawigan, kasaysayan, laki at populasyon)
Rehiyon IX( lalawigan, kasaysayan, laki at populasyon)Rehiyon IX( lalawigan, kasaysayan, laki at populasyon)
Rehiyon IX( lalawigan, kasaysayan, laki at populasyon)
 
Mga rehiyon sa pilipinas
Mga rehiyon sa pilipinasMga rehiyon sa pilipinas
Mga rehiyon sa pilipinas
 
Edukasyon sa pamamamahal ng amerikano
Edukasyon sa pamamamahal ng amerikanoEdukasyon sa pamamamahal ng amerikano
Edukasyon sa pamamamahal ng amerikano
 
Mga Pamanang Pook
Mga Pamanang PookMga Pamanang Pook
Mga Pamanang Pook
 
AP5- Aralin 1- Ang Lokasyon ng Pilipinas.pptx
AP5- Aralin 1- Ang Lokasyon ng Pilipinas.pptxAP5- Aralin 1- Ang Lokasyon ng Pilipinas.pptx
AP5- Aralin 1- Ang Lokasyon ng Pilipinas.pptx
 
Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
Ap6 q1 mod1_ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyon...
 
Araling Panlipunan 6- Ang Lokasyon at Teritoryo ng Pilipinas
Araling Panlipunan 6- Ang Lokasyon at Teritoryo ng PilipinasAraling Panlipunan 6- Ang Lokasyon at Teritoryo ng Pilipinas
Araling Panlipunan 6- Ang Lokasyon at Teritoryo ng Pilipinas
 

Destaque

Earthworm Dissection
Earthworm   DissectionEarthworm   Dissection
Earthworm DissectionSUNY Oswego
 
Project ease power point
Project ease power pointProject ease power point
Project ease power pointjozelina
 
Araling panlipunan 4 kagamitan ng mag-aaral
Araling panlipunan 4  kagamitan ng mag-aaralAraling panlipunan 4  kagamitan ng mag-aaral
Araling panlipunan 4 kagamitan ng mag-aaralAlessandra Viduya
 
Implementing Rules of the Local Government Code of the Philippines
Implementing Rules of the Local Government Code of the PhilippinesImplementing Rules of the Local Government Code of the Philippines
Implementing Rules of the Local Government Code of the PhilippinesHarve Abella
 
Harmful&Beneficial Effect Of Animals Grade 4
Harmful&Beneficial Effect Of Animals Grade 4Harmful&Beneficial Effect Of Animals Grade 4
Harmful&Beneficial Effect Of Animals Grade 4lavadoods Masta
 
Modyul 6 ang kolonisasyon ng pilipinas
Modyul 6 ang kolonisasyon ng pilipinasModyul 6 ang kolonisasyon ng pilipinas
Modyul 6 ang kolonisasyon ng pilipinas南 睿
 
Tungo sa pagkamit ng kalayaan
Tungo sa pagkamit ng kalayaanTungo sa pagkamit ng kalayaan
Tungo sa pagkamit ng kalayaanSue Quirante
 
Effects of sun's heat and light
Effects of sun's heat and lightEffects of sun's heat and light
Effects of sun's heat and lightJerwin Marasigan
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 

Destaque (20)

CV JRasanen
CV JRasanenCV JRasanen
CV JRasanen
 
Earthworm dissection 001
Earthworm dissection 001Earthworm dissection 001
Earthworm dissection 001
 
Earthworm Dissection
Earthworm   DissectionEarthworm   Dissection
Earthworm Dissection
 
Rehiyonalisasyon
RehiyonalisasyonRehiyonalisasyon
Rehiyonalisasyon
 
Project ease power point
Project ease power pointProject ease power point
Project ease power point
 
Ap 4 lm q1
Ap 4 lm q1Ap 4 lm q1
Ap 4 lm q1
 
REGIONALIZATION Geography
REGIONALIZATION GeographyREGIONALIZATION Geography
REGIONALIZATION Geography
 
Ap 4 lm q1
Ap 4 lm q1Ap 4 lm q1
Ap 4 lm q1
 
Araling panlipunan 4 kagamitan ng mag-aaral
Araling panlipunan 4  kagamitan ng mag-aaralAraling panlipunan 4  kagamitan ng mag-aaral
Araling panlipunan 4 kagamitan ng mag-aaral
 
Pangkat ng kapuluan
Pangkat ng kapuluanPangkat ng kapuluan
Pangkat ng kapuluan
 
Implementing Rules of the Local Government Code of the Philippines
Implementing Rules of the Local Government Code of the PhilippinesImplementing Rules of the Local Government Code of the Philippines
Implementing Rules of the Local Government Code of the Philippines
 
Harmful&Beneficial Effect Of Animals Grade 4
Harmful&Beneficial Effect Of Animals Grade 4Harmful&Beneficial Effect Of Animals Grade 4
Harmful&Beneficial Effect Of Animals Grade 4
 
Modyul 6 ang kolonisasyon ng pilipinas
Modyul 6 ang kolonisasyon ng pilipinasModyul 6 ang kolonisasyon ng pilipinas
Modyul 6 ang kolonisasyon ng pilipinas
 
Aralin 4
Aralin 4Aralin 4
Aralin 4
 
Tungo sa pagkamit ng kalayaan
Tungo sa pagkamit ng kalayaanTungo sa pagkamit ng kalayaan
Tungo sa pagkamit ng kalayaan
 
Group 4 yamang enerhiya
Group 4 yamang enerhiyaGroup 4 yamang enerhiya
Group 4 yamang enerhiya
 
Anyong lupa
Anyong lupaAnyong lupa
Anyong lupa
 
Likas na yaman ayon sa uri
Likas na yaman ayon sa uriLikas na yaman ayon sa uri
Likas na yaman ayon sa uri
 
Effects of sun's heat and light
Effects of sun's heat and lightEffects of sun's heat and light
Effects of sun's heat and light
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)
 

Semelhante a Modyul 2 pilipinas lupain ng ating lahi

AP-3 Aralin 1HEOGRAPIYA.pptx
AP-3 Aralin 1HEOGRAPIYA.pptxAP-3 Aralin 1HEOGRAPIYA.pptx
AP-3 Aralin 1HEOGRAPIYA.pptxKcRyanPanganiban2
 
Ang sukat ng pilipinas
Ang sukat ng pilipinasAng sukat ng pilipinas
Ang sukat ng pilipinasAlice Bernardo
 
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V.docx
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V.docxBANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V.docx
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V.docxJesonAyahayLongno
 
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V.docx
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V.docxBANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V.docx
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V.docxJesonAyahayLongno
 
AP7_Q1_Module_2_KahalagahanngUgnayanngTaosatKapaligiran_v2.pdf
AP7_Q1_Module_2_KahalagahanngUgnayanngTaosatKapaligiran_v2.pdfAP7_Q1_Module_2_KahalagahanngUgnayanngTaosatKapaligiran_v2.pdf
AP7_Q1_Module_2_KahalagahanngUgnayanngTaosatKapaligiran_v2.pdfRoselynAnnPineda
 
AP 7 Summative Exam (W1-3).docx
AP 7 Summative Exam (W1-3).docxAP 7 Summative Exam (W1-3).docx
AP 7 Summative Exam (W1-3).docxJeirilDivino1
 
Lecture reviewer in ap4 aralin 1 -14
Lecture reviewer in ap4   aralin 1 -14Lecture reviewer in ap4   aralin 1 -14
Lecture reviewer in ap4 aralin 1 -14Heart Nandez
 
Aralin 4 katangiang pisikal -anyong lupa
Aralin 4 katangiang pisikal -anyong lupaAralin 4 katangiang pisikal -anyong lupa
Aralin 4 katangiang pisikal -anyong lupaMhelanieGolingay2
 
Gr. 6. kinalalagyan at teritoryo ng pilipinas
Gr. 6. kinalalagyan at teritoryo ng pilipinasGr. 6. kinalalagyan at teritoryo ng pilipinas
Gr. 6. kinalalagyan at teritoryo ng pilipinasLeth Marco
 
Mga least mastered skills sa hekasi 6
Mga least mastered skills sa hekasi 6Mga least mastered skills sa hekasi 6
Mga least mastered skills sa hekasi 6Janette Diego
 
Ap 1 first grading (first year)
Ap 1 first grading (first year)Ap 1 first grading (first year)
Ap 1 first grading (first year)Jerome Alvarez
 
Modyul 1 heograpiya ng asya
Modyul 1   heograpiya ng asyaModyul 1   heograpiya ng asya
Modyul 1 heograpiya ng asya南 睿
 

Semelhante a Modyul 2 pilipinas lupain ng ating lahi (20)

AP 4 Week 4.pptx
AP 4 Week 4.pptxAP 4 Week 4.pptx
AP 4 Week 4.pptx
 
Aralin panlipunan i
Aralin panlipunan iAralin panlipunan i
Aralin panlipunan i
 
AP-3 Aralin 1HEOGRAPIYA.pptx
AP-3 Aralin 1HEOGRAPIYA.pptxAP-3 Aralin 1HEOGRAPIYA.pptx
AP-3 Aralin 1HEOGRAPIYA.pptx
 
Ang sukat ng pilipinas
Ang sukat ng pilipinasAng sukat ng pilipinas
Ang sukat ng pilipinas
 
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V.docx
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V.docxBANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V.docx
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V.docx
 
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V.docx
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V.docxBANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V.docx
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V.docx
 
AP7_Q1_Module_2_KahalagahanngUgnayanngTaosatKapaligiran_v2.pdf
AP7_Q1_Module_2_KahalagahanngUgnayanngTaosatKapaligiran_v2.pdfAP7_Q1_Module_2_KahalagahanngUgnayanngTaosatKapaligiran_v2.pdf
AP7_Q1_Module_2_KahalagahanngUgnayanngTaosatKapaligiran_v2.pdf
 
AP 7 Summative Exam (W1-3).docx
AP 7 Summative Exam (W1-3).docxAP 7 Summative Exam (W1-3).docx
AP 7 Summative Exam (W1-3).docx
 
Lecture reviewer in ap4 aralin 1 -14
Lecture reviewer in ap4   aralin 1 -14Lecture reviewer in ap4   aralin 1 -14
Lecture reviewer in ap4 aralin 1 -14
 
AP-7-edited.docx
AP-7-edited.docxAP-7-edited.docx
AP-7-edited.docx
 
Aralin 4 katangiang pisikal -anyong lupa
Aralin 4 katangiang pisikal -anyong lupaAralin 4 katangiang pisikal -anyong lupa
Aralin 4 katangiang pisikal -anyong lupa
 
AP-7-edited.docx
AP-7-edited.docxAP-7-edited.docx
AP-7-edited.docx
 
Gr. 6. kinalalagyan at teritoryo ng pilipinas
Gr. 6. kinalalagyan at teritoryo ng pilipinasGr. 6. kinalalagyan at teritoryo ng pilipinas
Gr. 6. kinalalagyan at teritoryo ng pilipinas
 
Aral.Pan 6
Aral.Pan 6Aral.Pan 6
Aral.Pan 6
 
Q1W3_AP4.docx
Q1W3_AP4.docxQ1W3_AP4.docx
Q1W3_AP4.docx
 
Mga least mastered skills sa hekasi 6
Mga least mastered skills sa hekasi 6Mga least mastered skills sa hekasi 6
Mga least mastered skills sa hekasi 6
 
Ap 1 first grading (first year)
Ap 1 first grading (first year)Ap 1 first grading (first year)
Ap 1 first grading (first year)
 
Modyul 1 heograpiya ng asya
Modyul 1   heograpiya ng asyaModyul 1   heograpiya ng asya
Modyul 1 heograpiya ng asya
 
ap
apap
ap
 
Modyul 1 heograpiya ng asya
Modyul 1   heograpiya ng asyaModyul 1   heograpiya ng asya
Modyul 1 heograpiya ng asya
 

Mais de 南 睿

Paggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunianPaggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunian南 睿
 
AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)南 睿
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)南 睿
 
AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)南 睿
 
AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)南 睿
 
K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012南 睿
 
Disaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manualDisaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manual南 睿
 
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)南 睿
 
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)南 睿
 
Gr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tgGr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tgGr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tgGr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2  march 25 tgGr 8 4th aralin 2  march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tgGr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8  q3 ( teaching guide 3)docGr 8  q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc南 睿
 
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
Gr 8  q2 ( teaching gude 2)Gr 8  q2 ( teaching gude 2)
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth QuarterAraling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third QuarterAraling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second QuarterAraling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter南 睿
 

Mais de 南 睿 (20)

Paggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunianPaggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunian
 
AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)
 
AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)
 
AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)
 
K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012
 
Disaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manualDisaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manual
 
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
 
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
 
Gr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tgGr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tgGr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tgGr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2  march 25 tgGr 8 4th aralin 2  march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tgGr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
 
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8  q3 ( teaching guide 3)docGr 8  q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
 
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
Gr 8  q2 ( teaching gude 2)Gr 8  q2 ( teaching gude 2)
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
 
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth QuarterAraling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third QuarterAraling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second QuarterAraling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
 

Último

DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismMyrrhBalanayFlorida
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikoErwinPantujan2
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxChaRellon
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)SittieAlyannaZacaria1
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxANNALYNBALMES2
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAprilJeannelynFeniza
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....jeynsilbonza
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanPaul649054
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxjohnarveedomingo278
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byjohnpaulpestada09
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxVALERIEYDIZON
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...KathlyneJhayne
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfAizaStamaria3
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................VALERIEYDIZON
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfjulliennelopega1
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4MarieClaireRanesesYa
 

Último (20)

DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 

Modyul 2 pilipinas lupain ng ating lahi

  • 1. ARALING PANLIPUNAN I (Effective and Alternative Secondary Education) MODYUL 2 PILIPINAS LUPAIN NG ATING LAHI BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
  • 2. 1 MODYUL 2 PILIPINAS: LUPAIN NG ATING LAHI Paano natin sisimulan ang pag-aaral ng Kasaysayan? Sa Modyul 1, nabatid natin na isa sa mga sangay ng pag-aaral ng Agham Panlipunan ay Heograpiya. Nabatid din natin na may malaking kaugnayan ang heograpiya sa ang Kasaysayan. Sa modyul na ito, sisikapin nating unawain ang kahalagahan ng pisikal na katangian o heograpiya ng ating bansa. May tatlong araling inihanda para sa iyo: Aralin 1: Katangiang Pisikal at Pinagkukunang Yaman ng Pilipinas Aralin 2: Ang Pambansang Teritoryo Aralin 3: Rehiyonalisasyon Inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod pagkatapos ng mga aralin sa modyul na ito. 1. Masusuri ang katangiang pisikal ng Pilipinas tulad ng lokasyon, hugis, anyo, sukat, lawak at klima; 2. Matutukoy ang mga likas na yaman ng bansa na nangangailangan ng wastong paggamit at pangangalaga; 3. Maituturo sa mapa ang mga hangganan ng pambansang teritoryo ng Pilipinas ayon sa Saligang-Batas ng 1987; 4. Maipaliliwanag ang mga probisyon ng Doktrinang Pangkapuluan (Archipelagic Doctrine) at ng Exclusive Economic Zone; 5. Matatalakay ang mga layunin at dahilan ng rehiyonalisasyon ng Pilipinas; at 6. Masusuri ang epekto ng pisikal na heograpiya sa mga pag-uugali at kamalayang pangkapaligiran at pag-unlad ng bawat rehiyon. Handa ka na ba? Bago ang lahat, sagutin mo muna ang panimulang pagsusulit.
  • 3. 2 PANIMULANG PAGSUSULIT: Panuto: Bilugan and titik ng tamang sagot. 1. Ang klimang tropikal ng Pilipinas ay batay sa kanyang lokasyon na: A. malayong nasa itaas ng equator B. mismong nasa equator C. banayad na nasa ibaba ng equator D. banayad na nasa itaas ng equator 2. Ang Pilipinas ay binubuo ng _____________ pulo. A. 7,707 C. 7,701 B. 7,107 D. 7,109 3. Ito’y binubuo ng biyaya ng lupa, karagatan, ilog, kagubatan, at kapaligirang pangkalikasan. A. likas na yaman C. yamang pisikal B. yamang pantao D. lakas paggawa 4. Kasama ng Pilipinas, ang bansang ____________ at iba pang mga estadong arkipelago ay namuno sa pagpapanukala at pagsasakatuparan ng pandaigdigang kumperensiya sa Batas sa Karagatan. A. Indonesia C. Brunei B. Malaysia D. Thailand 5. Ang Saligang-Batas na nagtatadhana ng lawak na nasasakop ng Pilipinas ay ang: A. Konstitusyon ng 1972 C. Konstitusyon ng 1973 B. Konstitusyon ng 1987 D. Konstitusyon ng 1935 6. Ang Pilipinas ay isang arkipelago dahil: A. ito’y binubuo ng mga isla na napapaligiran ng dagat sa lahat ng direksyon. B. ito’y napapaligiran ng dagat sa hilaga at timog. C. ito’y isang pulo na napapaligiran ng tubig. D. ito’y isang makipot na lupain na kakikitaan ng mga bundok at tubig. 7. Apatnapu’t limang bahagdan ng kalupaan ng Pilipinas ay nagagamit sa: A. pagmimina C. agrikultura B. komersyo at kalakal D. pangingisda
  • 4. 3 8. Ito ang sentro ng kulturang Ifugao: A. Autonomous Region of Muslim Mindanao B. Cordillera Autonomous Region C. CARAGA D. Bicol Region 9. Ang pinakamahabang kabundukan sa Pilipinas ay ang: A. Kabundukan ng Zambales B. Kabundukan ng Caraballo C. Kabundukan ng Sierra Madre D. Kabundukan ng Ifugao 10.Ang anyong tubig sa silangang bahagi ng bansa ay ang: A. Dagat Celebes C. Kanal ng Bashi B. Timog Dagat Tsina D. Karagatang Pasipiko 11.Ang Bikol o Ikalimang Rehiyon ay kilala sa buko, pili at abaka. Ang mga probinsiyang katulad ng Albay at Sorsogon naman ay mahalagang pinanggagalingan ng _________ A. enerhiyang geothermal B. enerhiyang solar C. enerhiyang hydro-electric D. enerhiyang bio-gas 12.Batay sa P.D. 1596 na nilagdaan noong ika-11 ng Hunyo, 1978, ang Pilipinas ay umaangkin sa _______________ bilang bahagi ng pambansang teritoryo na nasasalig sa kasaysayan at titulong legal: A. Turtle Island B. Scarborough Shoal C. Sabah D. Mga Isla sa Kalayaan 13.Sa Kanluran, anong bansa ang kalapit ng Pilipinas? A. Indonesia C. Taiwan B. Vietnam D. Malaysia
  • 5. 4 14.Ang lalawigan ng rehiyong ito ay kadalasang daanan ng mga ulan at bagyo. Dahil dito,kilala ang rehiyon sa pagiging mahirap at sa mababang produksyon. A. Rehiyon VII – Gitnang Bisaya B. Rehiyon VIII – Silangang Bisaya C. Rehiyon VI – Kanlurang Bisaya D. Rehiyon I – Ilocos 15.Ang mga sumusunod ay suliraning naidulot ng pagkakahiwa-hiwalay ng mga pulo ng Pilipinas maliban sa: A. mabagal na sistema ng transportasyon B. kahirapan sa pangangasiwa at pamamahala sa kapuluan C. kawalan ng pagkakaunawaan ng mga Pilipino dulot ng maraming wika D. pagpili ng mga pinuno sa bansa 16.Ang matabang lupa mula sa bulkan sa lalawigan ng Davao ay lumilikha ng mga produktong pang-agrikultural. Nangunguna sa buong Mindanao ang Davao sa produksyon ng: A. orkidyas C. abaka B. bigas D. saging 17.Alin sa listahan ang bansa na hindi umaangkin sa mga Isla ng Spratlys? A. Taiwan C. Malaysia B. China D. Thailand 18.Ang pangingisda at pagsisid sa mga perlas ang mga pangunahing ikinabubuhay sa rehiyong ito. Tanyag din ang rehiyong ito sa makukulay na moske at vinta at mga bahay sa baybaying dagat: A. Rehiyon XIII – C.A.R B. ARMM C. Cordillera Administrative Region D. Rehiyon IX - Kanlurang Mindanao 19.Ang tropikal na klima ng Pilipinas ay may katangiang: A. maalinsangan at maulan B. mainit at maulan C. mainit at mahalumigmig D. maulan at mainit 20.Ang mga Isla sa Kalayaan (Spratlys) ay bahagi ng ______________ A. Mindanao B. Sulu C. Palawan D. Batangas
  • 6. 5 ARALIN 1 KATANGIANG PISIKAL AT PINAGKUKUNANG YAMAN Handa ka na bang magsimula? Ang araling ito ay tumatalakay sa lokasyon, lawak, hugis, topograpiya, klima at mga pinagkukunang yaman ng Pilipinas. Madali lamang, hindi ba? Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng lokasyon, sukat, at hugis ng mga rehiyon sa kanilang pag-unlad; 2. Maipaliliwanag kung paano nakatutulong sa pag-unlad ng bawat rehiyon ang mga pinagkukunang yaman nito; 3. Maiisa-isa ang iba’t ibang klima sa Pilipinas; at 4. Mailalarawan ang topograpiya ng Pilipinas. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: May mga salitang nabubuo mula sa letrang nakakahon.Bilugan mo ang mga nabuo mong salita na nakapaloob sa parisukat. Ito ay maaring pahalang o pahaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba. S H A P O N I X A V I Z L T S I N A A I Y E D T N M A T I X G O X N Y P A G T A A N N X A M O Y B R U N E I K A P U L O 1. Anu-ano ang mga lokasyong nasa parisukat? _______________________ 2. Ano ang mga bansang tinutukoy? ________________________________ 3. Mayroon din bang anyong lupa sa parisukat? _______________________
  • 7. 6 Lokasyon, Lawak at Hugis ng Pilipinas Kung titingnan natin sa mapa, nasa Hilagang Silangan ng Asya ang Pilipinas. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa pagitan ng 4° 23` at 21° 30` hilagang latitud at ng 116°E at 127° silangang meridyan / longhitud. Ito ay napapaligiran ng Bashi Channel sa hilaga, Dagat ng Sulu at Celebes sa timog, Dagat Pasipiko sa silangan at Katimugang Dagat ng Tsina sa kanluran. Ang Pilipinas ay may sukat na 1,150 milya (1,850 km) pahaba at 680 milya (1,060 km) palapad. Ang isla ng Y’ami sa Batanes ang nasa dulong hilaga, samantalang Saluag, Sibutu ang isla sa dulong Timog. Ang mga bansang nakapaligid sa Pilipinas ay ang Taiwan, Tsina at Hapon sa hilaga; Vietnam, Laos, Kambodya, Thailand at Malaysia sa kanluran; at Borneo at Indonesya sa timog. Ang ating bansa ay tinatawag na arkipelago. 7,109 ang mga pulong bumubuo sa Pilipinas. 4,000 dito ay wala pang pangalan. Ang Pilipinas ay may pangkalahatang sukat na 300,000 kilometro kwadrado. Ito ay higit na malaki kaysa Gran Britanya at Ireland, ngunit higit na maliit kumpara sa Hapon at España. Ang mga pangunahing isla sa arkipelago ng Pilipinas ay ang Luzon sa hilaga na may sukat na 141,395 kilometro kwadrado. Ang ilan sa mas maliliit sa isla ay ang Samar, Negros, Palawan, Mindoro, Leyte, Cebu, Bohol at Masbate. And Maynila ay itinatag ni Miguel Lopez de Legaspi bilang kabisera noong ika-24 ng Hunyo, 1571. Ngunit noong ika-17 ng Hulyo, 1948 at sa bisa ng R.A 333, naging kabisera ng Pilipinas ang siyudad ng Quezon. Muling naging kabisera ang Maynila noong ika-14 ng Hunyo, taong 1976, sa bisa ng P.D 940. Topograpiya A. Anyong Lupa Sa pangkalahatan, ang Pilipinas ay mabundok kaya’t sagana ito sa mga bundok, bulubundukin at lambak. Ang pinakamataas na bundok ay ang Apo na halos 2,926.82 kilometro ang taas. Tatlong malalawak na bulubundukin ang matatagpuan sa Luzon. Ito ay ang Caraballo Sur sa may Abra, Ilokos Norte, at Cagayan, ang Caraballos Occidental na nahahati sa Cordillera Norte at
  • 8. 7 Ang Pilipinas at mga Karatig-Bansa Thailand Indonesia Pilipinas Tsina Cordillera Central, at ang Sierra Madre na siyang pinakamahabang tuluy-tuloy na bulubundukin mula Cagayan hanggang Laguna de Bay. Ang bulubundukin ng Zambales ay nagsisimula sa Bolinao (Pangasinan) hanggang sa may dalampasigan ng Bataan. Bilang bahagi ng “Pacific Ring of fire,” ang Pilipinas ay kakikitaan ng halos 50 bulkan. Labintatlo (13) dito ay aktibo. Ang mga pangunahing bulkan sa Pilipinas ay ang Mayon (Albay), Taal (Batangas), Bulusan (Sorsogon), Didicas,
  • 9. 8 Kanlaon, Hibok-hibok, at Pinatubo. Ang mga pangunahing lambak o kapatagan naman ay ang Lambak ng Gitnang Luzon at Lambak ng Cagayan sa Luzon, at ang Lambak ng Agusan at Lambak ng Cotabato sa Mindanao. B. Anyong Tubig Ang mahabang putul-putol na baybayin ng Pilipinas ay may sukat na 34,600 kilometro. Dalawang beses itong higit na mahaba sa baybayin ng Estados Unidos. Matatagpuan ang mga look, daungan at gulpo sa mga baybayin. Umaabot sa may 132 ilog ang nagagamit sa transportasyon. Ilan dito ay ang ilog ng Cagayan, ilog ng Pampanga, Agno at Pasig sa Luzon, ilog ng Agusan at Pulangi sa Mindanao. Ang Pilipinas ay may 59 na lawa. Anim sa pinakamalalaking lawa ay ang lawa ng Laguna, lawa ng Lanao, lawa ng Mainit sa Surigao del Norte, lawa ng Naujan, at lawa ng Bulusan. C. Klima Sa pangkalahatan, ang klima sa Pilipinas ay may kainitan. Ito ay pinahuhupa ng simoy ng hangin galing sa Dagat ng Tsina at Karagatang Pasipiko. May dalawang panahon sa bansa – tag-araw at tag-ulan. Mula Marso hanggang Hunyo ay tag-araw, kung saan pinakamainit ang buwan ng Mayo. Samantala, mula Hulyo hanggang Oktubre ay tag-ulan. Mula Nobyembre hanggang Pebrero ay ang malalamig na buwan. Enero ang pinakamalamig na buwan na may temperaturang 25.4 °C hanggang 26.5 °C. May pagkakaiba ang klima sa iba’t ibang rehiyon batay sa altitud o taas ng lugar. May pagkakaiba rin sa nararanasang ulan at sa tindi ng nararanasang mga bagyo. Pinagkukunang Yaman Palagay ko ay iyong nababatid na ang Pilipinas ay napakaraming likas na yaman. Matataba ang ating mga lupang matatagpuan sa mga kapatagan at lambak. Dahil dito, sagana tayo sa bigas, mais, buko, abaka, goma, tubo`, prutas, gulay at kape. Ang ating mga kagubatan ay kakikitaan ng 3,000 uri ng
  • 10. 9 mga puno tulad ng apitong, almon, lawan, guijo, ipil, tangili, narra, tindalo at yakal. Marami rin tayong mineral na metalik gaya ng ginto, iron, tanso, pilak, platinum, chromium, manganese, lead at zinc. Mayroon ding mineral na hindi metalik tulad ng coal, langis, asbestos, clay, gypsum, lime, asin, buhangin, graba, sulfur, aspalto, adobe, at marmol. Bilang isang arkipelago, ang Pilipinas ay mayaman sa isda at produktong dagat. Dito ay may 2,400 uri ng isda, at 10,000 uri ng kabibe, mga perlas, at koral. Ang “coral reef” sa Tubbataha ay ika- apat na pinakamalaki sa buong mundo at likas na tahanan ng mga isda. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Pagtapat-tapatin. Hanapin ang epekto ng lokasyon, topograpiya at pinagkukunang yaman sa kasaysayang pangkabuhayan, pampulitikal at pangkultural ng Pilipinas. Guhitan ang magkakatapat. A. Lokasyon B. Topograpiya C. Pinagkukunang Yaman 1. Mayaman sa lupain, mineral at iba’t ibang pagkain ang Pilipinas kaya’t naganyak ang mga dayuhang bansa na sakupin ito. 2. Ang pagiging mainit ng panahon sa bansa ay nakaimpluwensya sa ating mabagal na pagkilos at unang tinuligsa ng mga Kastila bilang katamaran. 3. Dahil sa ang Pilipinas ay binubuo ng mga watak-watak na pulo, naging mahirap ang pagkakaisa ng mga Pilipino at mga pangkat etniko.
  • 11. 10 Tandaan Mo! Ang Pilipinas ay nasa Hilagang Silangan ng Asya. Ang Pilipinas ay isang archipelago na binubuo ng 7,109 na pulo. Mayaman ang Pilipinas sa iba’t ibang anyong lupa, anyong tubig at likas na yamang galing sa kalikasan. Gawain 3: Paglalapat Gumuhit ng mapa ng Pilipinas sa isang papel. Gawing makulay ang mapa, Punuin ito ng mga larawan ng likas na yaman na matatagpuan sa iba’t ibang rehiyon. Upang magawa mo ito, kinakailangang magsaliksik ka ng mga pangunahing produkto at likas na yaman sa bawat rehiyon. ARALIN 2 ANG PAMBANSANG TERITORYO Tatalakayin naman sa araling ito ang pambansang teritoryo ng Pilipinas. Nakabatay ito sa Saligang-Batas ng 1987, Kasunduan ng Paris noong 1898, at P.D 1596 noong June 11, 1978. Tatalakayin din natin ang kahalagahan ng ‘Exclusive Economic Zone (EEZ)’, at Pandaigdigang Kumbensyon sa Batas sa Karagatan o “International Convention on the Law of the Sea (1958).” Kung ikaw ay mahilig sa mga batas ang araling ito ay para sa iyo! Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maiisa-isa ang batayan ng hangganan ng pambansang teritoryo; 2. Maituturo sa mapa ang hangganan ng pambansang teritoryo; at 3. Maipaliliwanag ang nilalaman ng Doktrinang Pangkapuluan at ng Exclusive Economic Zone.
  • 12. 11 Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: Suriin ang susunod na mapa. Matutukoy mo kaya ang mga basehan ng ating Pambansang Teritoryo? Isulat sa patlang kung ang tinutukoy ay Saligang-Batas ng 1987, EEZ, at mga Isla sa Kalayaan, Kasunod sa Paris. Mapa ng Pilipinas at Hangganan ng Teritoryo
  • 13. 12 Ang Pambansang Teritoryo Batay sa Artikulo ng Saligang-Batas ng 1987 ang teritoryo ng Pilipinas ay tumutukoy sa arkipelago, lahat ng mga isla at karagatan na bumabalot dito, at ang iba pang teritoryo kung saan may hurisdiksyon at makapangyayari ang Pilipinas. Ito ay binubuo rin ng kalupaan (terrestrial), katubigan (fluvial) at panghimpapawid (aerial) na hangganan. Kasama rin dito ang teritoryo ng karagatan, kalatagan at kailaliman ng dagat. Ang mga tubig na nasa pagitan at nagdudugtong sa mga isla ng arkipelago, gaano man kalalim o kalawak ay bubuo bilang bahagi ng panloob na mga dagat ng Pilipinas. Sa kabuuan, ang hangganan ng teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng: 1. lahat ng mga isla ng arkipelago; 2. iba pang teritoryo kung saan may hurisdiksiyon o makapangyayari ang Pilipinas; at 3. mga panloob na karagatan. Doktrinang Pangkapuluan Ang Pilipinas, kasama ang Indonesya at iba pang archipelago, ay nagsulong ng doktrinang pangkapuluan sa pandaigdigang kumperensiya hinggil sa batas ng karagatan. Ito ay dahil lubhang mahalaga ang dahilang pangkabuhayan at pambansang seguridad ng mga bansa. Sa lumang batas ay maaaring magkaroon ng mataas na karagatan o “high seas” sa pagitan ng mga isla na may 24 milyon ang distansiya o layo sa bawat isa. Kaya’t ang mga bayarang sasakyang dagat ay maaaring pumasok dito na walang pahintulot. ‘Di ba lubhang mapanganib ito sa seguridad ng estado? Sa isinulong na Doktrinang Pangkapuluan, lahat ng dagat mula sa hangganan o ‘baseline’ ay itinuturing na panloob na karagatan gaano man kalalim at kalawak ito. Itinuturing itong bahagi ng arkipelago na kung saan may hurisdiksyon ang estado. Sa ganyang paraan, masisiguro ang kaligtasan ng mga kapuluan.
  • 14. 13 Exclusive Economic Zone Sa ginanap na Pandaigdigang Kumbensyon sa Doktrinang Pangkapuluan sa Geneva noong 1958 pinalawak mula 3 milya hanggang 12 milya ang tinatawag na “economic zone” ng mga bansa. Nang lumaon, sa bisa ng P.D 1599 na nilagdaan noong Hunyo 11,1978, itinatag ang 200 milya notikal mula sa hangganan (o ‘baseline’) ng bansa, maliban sa mga lugar kung saan nagtatagpo ang ‘economic zone’ ng mga magkakapitbahay na bansa. Sa ganitong pagkakataon, ang mga bansang apektado ay binibigyang laya na magkasundo batay sa prinsipyo ng pandaigdigang batas sa delimitasyon. Samakatuwid, may hangganan ang mga lugar na maaaring gamitin sa mga gawaing pang- ekonomiya, halimbawa ang mga katubigan sa pangingisda, at ang himpapawid, sa pagtawid ng mga eroplanong pang-internasyonal. Pangkat ng mga Isla sa Kalayaan Ang mga Isla sa Kalayaan ay hindi orihinal na kasali sa teritoryo ng Pilipinas noong iguhit ang Kasunduan ng Paris noong ika-10 ng Disyembre, 1898. Sa bisa ng P.D 1596 na pinirmahan noong ika-11 ng Hunyo, 1978, ay opisyal na ginawang bahagi ng hangganan ng Pilipinas ang mga Isla sa Kalayaan. Ibinatay ito sa karapatang pangkasaysayan at mga titulong legal. Ang Kalayaan ay isa nang munisipalidad ng Palawan. Sa pangkasalukuyan, hindi lamang Pilipinas ang umaangkin sa 53 isla ng Kalayaan. Inaangkin din ito ng Tsina, Vietnam, Brunei, at Taiwan. Suliranin ng Pilipinas kung paano babantayan ang mga isla.Hindi pa nakakakuha ng rekognisyon mula sa United Nations o Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa. Ang Pilipinas ay hindi pa kinikilala bilang nagmamay-ari ng mga islang ito.
  • 15. 14 Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Pag-isipan mo ang mga sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Maaari kang magtanong sa mga nakatatanda sa iyo. 1. Makatutulong ba sa Pilipinas ang ipagpatuloy na angkinin ang mga Isla sa Kalayaan at ang Sabah sa Hilagang Borneo? 2. Ano ang kabutihan at kahinaan ng kapuluan o arkipelago bilang uri ng teritoryo ng isang bansa? 3. Nasagot mo ba ang mga tanong sa itaas? Ngayon naman ay sumulat ka ng isang sanaysay kung paano maayos at matahimik na maaangking muli ng Pilipinas ang mga Isla sa Kalayaan at ang Sabah. Tandaan Mo! Ang pambansang teritoryo ay tumutukoy sa nasasakupang kalupaan, katubigan, at panghimpapawid na hangganan ng bansa. Ang Exclusive Economic Zone ay nagtatakda ng hangganan ng mga magkakapitbahay na bansa upang isulong ang mga gawaing pang- ekonomiya. Ang Doktrinang Pangkapuluan ay nagsusulong ng batas pangkaragatan at nagtatalaga ng hurisdiksyon ng bawat bansa. May mga isla o grupo ng mga isla na tinatayang nasa teritoryo ng Pilipinas gaya ng Kalayaan at Sabah.
  • 16. 15 Gawain 3: Paglalapat Alam mo ba ang teritoryo ng inyong barangay? Pumunta sa inyong Barangay Kapitan. Itanong ang hangganan at nasasakupan ng inyong barangay. Pagkatapos ay gumuhit ka ng mapang nagpapakita ng nasasakupang lupa. Maaari kang magpatulong sa mga kagawad sa inyong Barangay Hall. ARALIN 3 REHIYONALISASYON Nagtataka ka ba kung bakit may iba’t ibang rehiyon sa ating bansa? Sa araling ito, uunawain natin ang kalikasan, mga dahilan, mga layunin at mga suliranin sa pagtatatag ng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas. Inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod pagkatapos ng araling ito: 1. Maiisa-isa ang iba’t ibang rehiyon at mga lalawigan na napapabilang sa mga ito. 2. Matatalakay ang mga dahilan, layunin at mga suliranin sa pagtatatag ng mga rehiyon. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Masasabi mo ba kung anu-ano ang mga rehiyon sa Pilipinas? Bilang paghahanda, isulat sa patlang ang bilang o pangalan ng rehiyon na tumutukoy sa mga lalawigan. 1. ______________2. ________________ 3. ________________ Albay Batanes Aklan Camarines Cagayan Antique Catanduanes Isabela Capiz
  • 17. 16 4. ______________ 5. ________________ Ilocos Manila La Union Caloocan Pangasinan Makati Kung hindi mo nasagutan lahat ang mga patlang, makatutulong ang mga sumusunod na mga paksa. Ang Rehiyonalisasyon sa Pilipinas Ang Pilipinas ay nahahati sa 16 na rehiyon. Marami, di ba? Halos taun-taon ay nadaragdagan ang bilang ng ating mga lalawigan at siyudad. Sa tala noong taong 2000 ng Senado, ang Pilipinas ay binubuo ng 7,109 kapuluan, 16 na rehiyon, 77 probinsiya, 67 na siyudad, 1,540 na munisipalidad at 41,934 na baranggay. Napansin mo ba na napakaraming pulo, lalawigan, siyudad at bayan mayroon ang bansa natin? Dahil diyan, isinulong ng pamahalaan ang rehiyonalisasyon. Pansinin mo na maraming mga dahilan sa pagtatatag ng mga rehiyon. Ito ay mga sumusunod: (1) Upang mapahusay ang administrasyon ng bansa; (2) Upang masiguro ang pantay na antas ng pamumuhay at pangkabuhayan ng mga tao; at (3) Upang mapagbuti pa ang serbisyo ng mga ahensiya ng pamahalaan. Sa pagtatatag ng mga rehiyon noong administrasyon ni Pangulong Marcos, ibinase ito sa mga sumusunod: (1) salik pang-heograpiko; (2) kakayahang pamunuan ito; (3) sosyo-ekonomik na debelopment; at (4) mga anyo ng transportasyon at komunikasyon.
  • 18. 17 Sa pangkasalukuyan, mayroong 16 na rehiyon sa Pilipinas. Ang bawat rehiyon ay may angking likas na yaman at sariling produkto. Isa-isahin natin ang mga rehiyon: Rehiyon I – Ilokos Ilokos Norte, Ilokos Sur, La Union, Pangasinan C.A.R – Cordillera Autonomous Rehiyon Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mt. Province Rehiyon II – Lambak ng Cagayan Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino Rehiyon III – Gitnang Luzon Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales Rehiyon IV – Katimugang Tagalog Aurora, Batangas, Cavite, Laguna, Marinduque, Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Palawan, Quezon, Rizal, Romblon Rehiyon V – Bicol Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Sorsogon Rehiyon VI – Kanlurang Bisaya Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental Rehiyon VII – Gitnang Bisaya Bohol, Cebu, Negros Oriental, Siquijor
  • 19. 18 Rehiyon VIII – Silangang Bisaya Biliran, Silangang Samar, Leyte, Hilagang Samar, Katimugang Samar, Katimugang Leyte, Samar Rehiyon IX – Kanlurang Mindanao Basilan, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur. Rehiyon X – Hilagang Mindanao Bukidnon, Camiguin, Misamis Occidental, Misamis Oriental Rehiyon XI – Katimugang Mindanao Compostela Valley, Davao, Davao del Sur, Davao Oriental, Sarangani, Timog Cotabato, Sultan Kudarat Rehiyon XII – Gitnang Mindanao Lanao del Norte, Cotabato Rehiyon XIII – CARAGA Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur ARMM – Autonomous Region of Muslim Mindanao Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-tawi NCR – National Capital Region Manila, Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, Pateros, Quezon City, San Juan, Taguig, Valenzuela
  • 20. 19 Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 1. Sa iyong palagay, ano ang mga kahinaan at kalakasang dulot ng pagtatatag ng rehiyonalisasyon sa Pilipinas? 2. Pumili ng 2 reyihon at ikumpara ang katangiang kultural at pangkabuhayan ng mga ito. Kinakailangang magsaliksik ka upang masagutan mo ang mga ito. Maaari mong piliin ang rehiyon kung saan ka mabibilang. Tandaan Mo! Ang rehiyonalisasyon ay mahalaga upang mapahusay ang administrasyon ng bansa, mapagbuti ang mga serbisyo, at masiguro ang pantay na antas ng pamumuhay sa bawat rehiyon. May 16 na rehiyon ang Pilipinas. Mapauunlad ang mga rehiyon kung malilinang ang mga likas na yaman at produkto ng bawat isa. Gawain 3: Paglalapat A. Saang rehiyon ka galing? Gumuhit ng mapa ng iyong rehiyon. Pagkatapos ay ipaliwanag ang mga aspetong sosyal, pangkabuhayan at pisikal ng iyong rehiyon. B. Tukuyin kung nasaang bayan sa mapa ng iyong rehiyon. Pagkatapos ay sumulat ka ng isang alamat tungkol sa iyong bayan.
  • 21. 20 MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO: Ang mga sumusunod ay pangunahing kaisipang natutuhan mo sa modyul na ito: Ang pisikal na katangian ng bansang Pilipinas ay nakakaapekto sa paghubog ng kasaysayan, kabuhayan, kultura at pulitika nito. Ang Pilipinas ay isang arkipelago o kapuluan at sagana sa yamang lupa at yamang dagat. Dapat pangalagaan ng pamahalaan at ng mga tao ang mga likas na yaman n gating bansa at seguraduhing wasto ang nagaganap na paggamit ng mga ito. May kapangyarihan ang pamahalaang nasyonal at lokal na pangalagaan ang hangganan ng bansa mula sa mga dayuhan at ilegal na mangingisda. Dahilan sa pagiging isang arkipelago ng Pilipinas, isinulong ang rehiyonalisasyon upang mapahusay ang administrasyon ng bansa, mapagbuti ang serbisyo sa mga mamamayan, at masiguro ang pantay na antas ng pamumuhay.
  • 22. 21 A ____1. Lungsod Quezon ____2. Tropikal ____3. Doktrinang Pangkapuluan ____4. Enero ____5. Cagayan ____6. Likas na yaman ____7. Pangulong Marcos ____8. Luzon ____9. Arkipelago ____10. Kalayaan / Sabah ____11. Bundok Apo ____12. Pandaigdigang komperensya sa batas ng karagatan ____13. Exclusive Economic Zone ____14. Saligang-Batas ng 1987 ____15. Mayo ____16. 7,107 ____17. Kahirapan sa pangangasiwa ng kapuluan ____18. Autonomous Region of Muslim Mindanao o ARMM ____19. Agrikultural ____20. “Pacific Ring of Fire” B A. Pinakamalamig na buwan/panahon B. Pinasimulan niya ang rehiyonalisasyon o pagtatatag ng mga rehiyon sa Pilipinas. C. Pinakamataas na bundok D. Klima ng Pilipinas E. Batas sa Karagatan F. Bilang ng mga pulo sa Pilipinas G. Pangunahin at pinakamalaking isla sa Pilipinas H. Naging kabisera ng Pilipinas sa loob ng 28 taon I. Dahilan sa sagana sa mga bukirin at matabang lupa, ang Pilipinas ay maraming produktong ____. J. Ang pinakamainit na buwan K. Basehan ng Pambansang Teritoryo L. Binubuo ng maraming pulo kaya’t ang Pilipinas kaya’t ito ay isang____. M. Bahagi nito ang Pilipinas kayat maraming bulkan sa bansa. N. Binubuo ng biyaya ng lupa, karagatan, ilog, kagubatan, at kapaligiran. O. Dito isinulong ng Pilipinas at karatig- bansa ang pagtitiyak ng hurisdiksyon sa teritoryong pangkaragatan. PANGHULING PAGSUSULIT: Pagtapat-tapatin ang mga tinutukoy hanay A at hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
  • 23. 22 P. Pinakamahabang ilog sa Pilipinas Q. Sentro ng Kulturang Muslim R. 200 milya notikal S. Isa itong suliranin sa Pilipinas dulot ng pagkakahiwalay ng mga pulo. T. Mga isla na pinag-aawayan ng mga bansa.
  • 24. 23 GABAY SA PAGWAWASTO: PANIMULANG PAGSUSULIT 1. D 2. D 3. A 4. A 5. B 6. A 7. K 8. B 9. C 10.D 11.A 12.D 13.B 14.B 15.D 16.D 17.D 18.D 19.A 20.K ARALIN 1 KATANGIANG PISIKAL AT PINAGKUKUNANG YAMAN NG PILIPINAS Gawain 1: Pag-isipan Mo 1. Mga Lokasyon: Silangan, Timog 2. Mga Bansa: Hapon, Brunei, Asya, at Vietnam 3. Anyong Lupa: Pulo Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Lokasyon: 2 B. Topograpiya: 3 C. Pinagkukunang-Yaman 1 Gawain 3: Paglalapat Ipatsek ang iyong ginawang mapa sa gurong namamahalang mga modyul. ARALIN 2 ANG PAMBANSANG TERITORYO Gawain 1: Pag-isipan Mo A. Kasunduan ng Paris B. 200 NM EE2 C. Kalayaan/ Spratly
  • 25. 24 Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 1. Oo, nakatutulong dahil karagdagan ito sa teritoryo ng Pilipinas, hindi dahil ito ay magiging sanhi ng sigulot. 2. Kabutihan ng pagiging arkipelago: Malaya at malayo sa iba’t ibang teritoryo. Kahinaan ng pagiging isang arkipelago: Mahirap para sa Hukbong Sandatahan para bantayan lahat ng isla. 3. Ipatsek ang iyong sanaysay sa gurong tagapamahala. Gawain 3: Paglalapat Ipakita at ipatsek sa gurong tagapamahala ang iyong ginawang mapa ng inyong barangay. ARALIN 3 REHIYONALISASYON Gawain 1: Pag-isipan Mo 1. Rehiyon V 2. Rehiyon II 3. Rehiyon VI 4. Rehiyion I 5. NCR (National Capital Region) Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 1. Mga kahinaan sa pagtatatag ng mga rehiyon: a. Kakulangan ng pondo sa debelopment b. Pamunuan at kahusayan sa pamumuno c. Nagiging maka-rehiyon ang mga tao at nagkakaroon ng kompetisyon Mga kalakasan ng pagkakaroon ng mga rehiyon: a. Napagbubuti ang pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat rehiyon. b. Napag-aaralan ang mga dapat gawin sa bawat rehiyon. c. Nagkakaroon ng masusing pagpaplano sa bawat rehiyon.
  • 26. 25 2. Maaaring magkumpara ng kahit anong rehiyon. Ipatsek sa gurong tagapamahala ang iyong sagot. Gawain 3: Paglalapat Ipakita sa gurong tagapamahala ang mga ginawa mo sa Aat B, upang maiwasto. PANGHULING PAGSUSULIT 1. H 2. L 3. E 4. A 5. O 6. N 7. B 8. G 9. D 10.M 11.C 12.F 13.I 14.K 15.J 16.F 17.S 18.Q 19.I 20.M