1. Kredo, Ika-3 Artikulo
“Nagkatawang-tao siya
lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa
Mariang Birhen.”
2. Si Jesus ay naging tao, hindi
bunga ng pagtatalik ng isang
lalaki at babae.
Si Jesus ay nilalang ng Espiritu
Santo sa sinapupunan ng
Birheng Maria.
3.
4. Sinabi ni Anghel Gabriel:
“Bababa sa iyo ang
Espiritu Santo at lililiman ka
ng kapangyarihan ng
Kataas-taasan, kaya magiging
banal ang iyong isisilang at
tatawaging Anak ng Diyos”
(Lukas 1:35).
5. Si Jesus ay tunay na tao,
dugo at laman ni Maria.
Subalit nanatili pa rin
si Jesus na tunay na Diyos.
6. Pumili ang Diyos
ng isang taong matuwid
mula sa lipi ni Haring David
na tumayong
ama-amahan ni Jesus
dito sa lupa, si Jose.
9. Dahil sa kanyang mga
magulang na si Maria at
Jose, si Jesus ay isinilang
bilang isang Hudyo na
sumusunod sa
Batas ni Moises.
10. Bilang pagsunod sa
Batas ni Moises,
ang sanggol pa si Jesus
ay tinulian noong siya ay
walong araw pa lamang.
11. Noong si Jesus ay isinilang,
una siyang napakita
sa mga pastol,
upang ipahiwatig
na siya ay naparito para sa
mga dukha at maliliit.
12.
13. Sumunod ay napakita rin
siya sa mga Hentil – mga
pantas mula sa Silangan,
upang ipahiwatig na siya ay
isinilang, hindi lamang para
sa mga Hudyo,
kundi para sa lahat.
14.
15. Ang sanggol na si Jesus ay
dinala ni Jose at Maria sa
Templo sa Jerusalem upang
sundin ang ipinag-uutos sa
Batas ni Moises.
16.
17. Ayon sa Batas ni Moses:
Sa ika-40 araw, ang sanggol na
lalaki ay ihahandog
sa Templo sa Jerusalem,
at ang inang nagsilang sa
sanggol ay sasailalim sa
ritwal ng paglilinis.
18. Dahil sa mga Pantas na
nagpunta kay Haring
Herodes ay nalaman ni
Herodes na isinilang ang
“Hari ng mga Hudyo.”
19. Ito ay naging dahilan
upang ipapatay ni Herodes
ang lahat ng mga sanggol
na lalaki, dalawang taon
at pababa.
20.
21. Sa babala ng anghel sa
panaginip ni Jose, naitakas
agad ni Jose ang kanyang
mag-ina sa Ehipto at doon
sila nanirahan hanggang
namatay si Haring Herodes.
22.
23. Bata pa si Jesus ay alam na
niya na mayroon siyang
misyon. Sa pagdalaw nila sa
Jerusalem, ang batang si
Jesus ay nagpa-iwan na
hindi namalayan ng
kanyang mga magulang.
24.
25. Tatlong araw ding hinanap ni
Maria at Jose si Jesus bago nila
natagpuan ito sa Templo.
Ang sabi ni Jesus, “Bakit po
ninyo ako hinahanap, hindi nyo
ba alam na ako ay dapat na
nasa Tahanan ng aking Ama?”
26. Pagkatapos ng pangyayaring ito
sa Jerusalem ay wala nang
nabanggit sa Kasulatan tungkol
kay Jesus. Ito ang tinatawag na
“Kubling Buhay ni Jesus.”
Lumabas lamang siya muli sa
Ilog Jordan nang siya
napabinyag kay Juan.
27. Bakit nga ba walang
naisulat sa kubling-buhay
ni Jesus?
Meron bang itinatago
tungkol sa kanya?
28. Ang dahilan: Wala namang
isusulat sa kanya, sapagkat
si Jesus ay nabuhay bilang
isang pangkaraniwang tao
na naghanap-buhay para
tumulong sa kanyang
mga magulang.
29.
30. Nang dumating na ang
takdang panahon,
muling lumabas si Jesus
at napabinyag kay Juan
sa Ilog Jordan.
31.
32. Pagkatapos magpa-
binyag kay Juan sa
Ilog Jordan, si Jesus ay
dinala ng Espiritu Santo
sa ilang upang doon ay
tuksuhin ni Satanas.
43. “Sumasampalataya kami
kay Santa Mariang Birhen
na Ina ng Diyos, ipinaglihing
walang bahid ng kasalanang
mana, nanatiling birhen at
maluwalhating naluklok sa
kalangitan.”
44. Apat na Dogma kay Maria:
1. Imaculada Concepcion
2. Ina ng Diyos
3. Nanatiling Birhen
4. Iniakyat sa Langit,
Katawan at Kaluluwa
48. Si Maria ang “Babae” na
tinutukoy sa Gen 3:15,
“Ikaw at ang babae ay
laging mag-aaway,
binhi mo at binhi niya
ay laging mag-lalaban.”
49. Si Maria ang “Babae” na
iningatan ng Diyos sa simula
pa nang panahon upang
hindi siya mabahiran
ng kasalanan dahil
siya ang hinirang bilang
“Ina ng Anak ng Diyos.”
50. Pebrero 11, 1858
sa Lourdes, France,
ang Birheng Maria ay
nagpakita at nagpakilala
kay Bernadette.
“Ako ang Imaculada
Concepcion.”
51. The Mother of God
“Theotokos”
“Bearer of God”
Council of Ephesus
431 AD
52.
53. Katibayan na ang isinilang ni
Maria ay Anak ng Diyos:
1. Ang Pagbati ng Anghel
kay Maria
2. Ang Pagdalaw ni Maria
kay Elizabet
54.
55. Si Maria ay “Ina ng Diyos”
sapagkat si Jesus ay Diyos
na totoo at Tao pa ring
totoo, may dalawang
kalikasan na hindi
maaaring paghiwalayin.
60. Si Maria ay nanatiling birhen
hanggang wakas.
Wala siyang ibang anak
liban kay Jesus.
Katibayan: Si Maria sa paanan
ng krus ni Jesus.
Mga kapatid ni Jesus:
mga pinsan
61. The Assumption
Pope Pius XI
“Munificentissimus Deus”
November 1, 1950
62. Feast of the Assumption
“Falling Asleep of Mary”
Celebrated since the5th
century in Jerusalem
63.
64. Dahil si Maria ay
ipinaglihing walang sala
at nanatiling walang sala,
kaya walang kapangyarihan
sa kanya ang kamatayan.
65. Ang buhay ni Maria sa lupa
ay natapos sa isang
mahimbing na “pagtulog.”
66. Si Maria ay maluwalhating
iniakyat sa langit,
magkasama ang kanyang
katawan at kaluluwa.
67. (Proposed)
Fifth Marian Dogma
Mary as “Co-Redemptrix”
The Mediatrix of all Graces
68. Pope Benedict XV
on May 31, 1921
Annual Feast of Mary
“Mediatrix of All Graces”